Sinilip niya kung nasaan si Chestel. Nang mamataan niya ito ay naing mabilis at alerto si Pier sa bawat kilos niya. Siya rin ang nag-cover kay Jairus para hindi ito matamaan kung may bala man na lilipad sa kanya. Inalalayan niya si Jairus para makalampas sa mga kalaban upang walang makalapit dito. Agad naman na pinagana ni Jairus ang sariling kakayanan kung saan mabilis siyang kumilos at nagmamadaling pinasok ng binata ang kinaroroonan ni Xendy upang iligtas ito sa kamay ng mga kaaway. Ngunit isang tinig ang bumungad sa kanya bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob. "Magaling, Jairus." dinig niyang saad ng lalaki na kanina ay nagboses bata at ngayon naman ay boses matanda na habang pumapalakpak pa sa bandang likuran nito. Hindi man niya mabosesan ang taong ito ngunit kilalang kilala

