“Octaviano!” bati nilang lahat nang magpunta kami sa casino na kung saan ay tambayan daw ng nga kaibigan nila. Tinapik nang isang lalaki ang balikat ni Damian, ngunit wala man lang reaksyon ang lalaking kasama ko. Hindi man lang niya pinansin, o tinanguan ang lalaking tumapik sa kaniya, at mga bumati sa kaniya. “Buti pumunta ka?” kantiyaw nang hindi pamilyar na lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng Hawaiian shirt, at swimming trunks. Ilan sa kanila ay nakahawak ng cue stick, dahil nasa billiard section kami ng casino. Nasabi rin kasi sa akin ni Damian na mahilig silang maglaro ng billiards. Minsan ay may kasama pang pustahan, at madalas ay para lang magliwaliw talaga rito. Marami akong naaamoy na usok ng sigarilyo. Masakit sa ulo, pero wala naman akong magawa, dahil casino nga. Ngunit ang

