“SALAMAT” ani ni Faith nang mahimas-masan sya sa pag-iyak. Tipid niyang nginitian ang binata at mahina syang umatras, upang magka roon nang distansya sa pagitan nila. Dahil naka ramdam nang pag iinit nang pisngi ang dalaga. Matapos niyang maramdaman ang matigas na bagay sa harapan ng binata. At hindi sya b*bo para hindi malaman ang bagay na iyon.
Lihim namang napa mura si Ariel, dahil sa pag wawala nang alaga niya. Hindi niya akalain na titigasan sya ng ganun kadali. Dahil marami na syang naka yakap na mga babae, subalit walang nakaka pag pabuhay nang alaga niya.
'D*mn ganun naba kalakas ang epekto ni Faith saakin. Saglit na yakap lang at nahahawakan niya lang ako, tinitigasan na ako. Sh*t mag pigil ka self' ani nang kalooban nang binata.
“ma-may dala nga pala akong pag kain.. I know hindi kapa naka pag dinner, fruits at flowers for you” pag sisimula ni Ariel. Dahil biglang tumahimik nang ilang segudo
“si-sige, dito kana kumain” ani nang dalaga at mabilis na tumalikod. Dahil sobrang awkward nang naramdaman niya. Mabuti na lamang ang binata na ang bumasak nang katahimikan sa pagitan nila.
“Ofcourse, kaya nga dinamihan ko ang dinala ko eh. Dahil sasabayan talaga kita” tugon nang binata.
Magka harap na ang dalawa sa maliit na lamesa habang tahimik na kumakain. “Faith” mahinang tawag ng binata sa dalaga. Kaya napa angat ito nang tingin at nag tama ang mga Mata nila. Natigil sa pag nguya ang dalaga at parang pakiramdam niya ay minamagnet sya ng mga mata ng binata.
Muli na naman silang natahimik, habang naka titig sila sa isa't-isa. Na animoy nag uusap ang mga mata nila. “Faith…I–I think I love you” wala sa sariling nasabi ni Ariel. Hindi niya akalain na masasabi niya iyon.
Halatang nagulat naman ang dalaga sa narinig at parang echo iyon sa kaniyang pandinig. Dahil paulit-ulit niya iyon naririnig. “Ariel?”
“Ha?” gulat na sabi nang binata at para itong binuhusan nang malamig na tubig
“May sasabihin ka? Or may sinabi kaba?” saad ni Faith at ewan ba niya, gusto lang niya ulit marinig 'yung sinabi nang binata. Gusto niyang linawin kung hind ba siya nag kakamali sa narinig.
“ha? Ahhh…hmm kuwan…ano kasi, nabanggit saakin nang mga kaibigan ko na ikaw raw ang tumulong saakin, nung gabing lasing ako at naka tulog raw ako sa tabing dagat.” nauutal pang sabi nang binata.
'Haayst napaka torpe mo pala Self, nandun na eh…iniba mo Pa ang usapan' inis na sabi nang kalooban ng binata.
“hmmm, oo…pupunta sana ako sa dating pinag tatrabahuan ni Nanay para sunduin na sya dahil gabing-gabi na nun. Naisip Kong wala syang kasama uuwi. Pero hindi ko naman inaasahan na makikita kita sa Mayana Resort. Naka tulog ka sa sobrang kalasingan. Nakita ko naman ang selpon mo sa kotse mo kaya naka hingi ako nang tulong sa mga kaibigan mo…bakit kanga pala nag paka lasing nun? Mukha kang miserable nun…halos dikita makilala” mahabang sagot nang dalaga.
Bigla naman lumungkot ang mukha nang binata dahil sa tanong ni Faith. Kaya naman naka ramdam nang guilt ang dalaga sa kaniyang puso.
“hindi ko matanggap na wala na akong daddy…Papa's boy ako…masyado kaming close, para kona yun bestfriend, nasasabi ko sa kaniya lahat lahat.. Kaya sobrang sakit saakin na hindi ko man lang sya naka sama. Kakabalik ko lang galing state, ilang araw na akong nandito. Hindi ko man lang sya natawagan para kamustahin. I thought isusuprise ko sya sa pag balik niya dito. Pero hindi na nangyare.. Nagulat nalang ako sa pag uwi ko saamin, bubungad saakin ang masamang balita. Wala na si Daddy” mahabang sabi ni Ariel at napa yuko ito, upang itago ang lungkot at panunubig nang mga mata nito. Ngunit nakita parin iyon nang dalaga. Kaya naka ramdam nang lungkot si Faith para sa binata
Naisip niyang hindi lang pala sya ang may matinding dinadalang kalungkutan. Dahil ganun rin pala ang binata. ang pinag kaiba lang ay namatayan ito at sa tutuusin ay mas Malala ang dinadala nito, kumpara sa kaniya “Sorry, sorry kung naitanong kopa” malungkot na sabi niya sa binata at hinawakan niya ang naka patong na kamay ng binata sa ibabaw nang lamesa
'Hindi lang pala ako ang malungkot, pati siya rin..mabuti pa sya nagagawa Pa niyang tumawa, mag biro at ngumiti. Samantalang ako hindi ko magawa. Daig ko pa ang namatayan' ani nang isipan ni Faith
“it's okay.. Unti-unti korin naman natanggap eh…naninibago lang ako dahil wala na akong daddy na kasama sa pag lalaro nang basketball. At pipilitin akong mag hanap na nang girlfriend. At wala na akong napapag sabihan sa lahat-lahat.”
“bakit ang Mommy mo or mga kaibigan mo? Tsaka akala koba girlfriend mo yung babaeng kasama mo noon nung unang pag kikita natin. Nung narumihan ang uniform namin ni Akira.” ani nang dalaga at lihim syang umaasa na sabihin nang binata na hindi nito girlfriend yung babae.
“si Mom? Hahaha hindi ako malapit sa kaniya, hindi ko kayang mag open up sa kaniya. Magkaiba kasi sila nang ugali ni Dad. Understanding si Dad. Si mom naman masyadong busy sa sarili. Hmmm mga friends ko naman. Mas lalong hindi ako maka pag open up sa kanila dahil puro kantiyaw at kalokohan lang isasagot nila saakin. And about dun sa babaeng nakita niyong kasama ko…hindi ko siya girlfriend, girl bestfriend ko sya.. Akala lang nang karamihan ay girlfriend ko sya. Kasi madalas kaming magka sama at lilinawin ko ha.. Wala pa akong girlfriend” mahabang sagot nang binata at lihim na nag diwang ang kalooban ni Faith dahil sa narinig.
“Naku! Makaka uwi kapa ba niyan? Sobrang gabing gabi na” ani ni Faith nang mapa dapo ang tingin niya sa Relo nang binata at nakita niya kung anong oras na.
“mukhang uulan pa... Napa haba ang usapan natin...ikaw ba gusto mona ba akong pauwiin?” ani nang binata at kasalukuyan na itong nag lakad malapit sa bintana.
“kapag ganito ang panahon. Paniguradong malakas ang alon. Hindi rin tayo makaka hiram nang bangka kapag ganitong oras. Dito kana mag palipas nang gabi. Ang sama ko naman kung hahayaan kitang umuwi sa ganitong oras at sa ganitong panahon.” ani ni Faith habang tinatakpan ang natitirang pagkain nila. Pagka tapos ay ang mga bulaklak naman ang inasekaso niya.
Sobra alas-dyes na nang gabi, kaya naman sumang ayon na lamang ang binata at pabor rin iyon sa kaniya. Dahil ayaw pa talaga niyang umuwi at ayaw niyang iwan ang dalaga. Ayaw niyang mag-isa ito roon.
//Continue