“Sigurado kaba sissy? Haaayst ano ba yan…nag dadalawang isip tuloy ako, na huwag nang ituloy, kasi hindi kita kasama.” malungkot na sabi ni Akira sa kaibigan.
“ano kaba, huwag mo akong intindihin Akira…siguro ngang ito nanga ang kapalaran ko. Ang maka hinto sa pag-aaral..kailangan kong hanapin si Nanay, ayaw kong iwan ang bahay na ito. Dahil alam kong babalikan niya ako dito..babalikan ako ni Nanay” naluluhang sabi ni Faith sa kaibigan. Hapon na at matapos nilang pag usapan ang tungkol sa pag punta nila nang Maynila ay napag disisyunan ni Faith na huwag nang ituloy ang magandang opportunity na inilaan sa kaniya. Bagkus mas pipiliin niyang huminto muna at ipag patuloy ang pag hahanap niya sa Nanay Angel niya.
Sa bahay na iyon sya iniwan nang Nanay niya, kaya duon rin sya nito babalikan. Umaasa parin syang babalik ang Nanay niya. Sobrang mahal ni Faith ang pag-aaral, subalit hindi niya kayang mag aral at hindi sya maka pag focus sa pag-aaral kung sa iba naman ang kaniyang isipan.
Habang si Akira naman ay aalis na ito patungong Manila at doon na ito mag-aaral kasama nang tatlo pang napiling bigyan nang scholarship at libreng paaral.
“pero malulungkot parin ako Sissy…wala akong kasama palagi at makaka usal dun. Sobrang maninibago ako Sissy” malungkot na tugon ni Akira. Tsaka nag yakap silang magkaibigan habang parehong lumuluha.
“edi para hindi ka masyadong malungkot, maki pag kaibigan ka dun.. Alam kung madali kang makaka hanap nang makaka sundo mo doon. Dahil hindi ka mahirap kaibiganin. Dahil napakasaya mong kasama, kaya iyan ang mamimiss ko sayo.. Iyang ingay at kakulitan mo. Palagi ka mag-iingat doon ha.. Huwag puro guwapo…at mag aral kang mabuti Sissy para maabut mo ang pangarap mong maging Doctor. Kapag na mimis mo ako tawagan mo Lang ako kapag hindi ka busy okay” mahabang sabi ni Faith sa kaibigan at muli na naman silang nag yakap
Pinahid ni Faith ang mga luha sa pisngi nang kaibigan at ngumiti siya dito. Habang luhaan ang kaniyang mga Mata. “sige tama na, huwag na tayo mag-iyakan. Basta mag tawagan Lang tayo ha. Mag-iingat ka dun” pag papatuloy niya. Hindi maka pag salita si Akira dahil umiiyak parin ito. Kaya naman tanging pag tango na lamang ang nagiging sagot nito kay Faith.
Samantala nag dadalawang isip naman si Mr George kung sasabihin ba niya sa anak niya ang tungkol sa apo niyang si Sheryl na ngayon ay bilang Faith Catillo na. Naisip niyang marahil ay may Amnesia ang apo niya kaya wala itong ma alala.
Kasalukuyang nasa Paris si Sheryl kasama nang kaibigan nitong si Elma, upang panoorin si Elice na isang international fashion model and designer.
Ayaw naman niyang biglain si Faith, dahil baka matakot ito at hindi maniwala. Kaya naman napag pasyahan na lamang ni George na ilihim ang tungkol sa apo niya. Ngunit hindi niya ito pababayaan. At lihim niya itong pababantayan at tutulungan..
Kasalukuyang naka subsob sa malambot na unan ang basang mukha ni Faith.. Patuloy parin siya sa pag-iyak.. Umiiyak sya dahil tuluyan nanga syang mag-isa. Hindi Pa nakaka balik ang Nanay Angel niya, ngayon naman sa manila na ang bestfriend niya. Wala na syang kasama at karamay, sa isiping iyon ay mas lalong napa hagulgol sa pag iyak si Faith.
“Hello…yuhuuu.…Faith?” rinig niyang tawag nang pamilyar na boses mula sa labas. Kaya naman bumangon ang dalaga at pinunasan ng malinis na tela ang mukha niya.
“si–sino iyan?” ani ni Faith habang sumisigok.
“ako to…ang Ariel mo” tugon nang nasa labas, kaya naman napa kunot-noo ang dalaga at napa simangot. Binuksan niya ang Pinto at bumungad sa kaniya ang guwapong lalaki na may bitbit na isang basket na prutas, dalawang paper bag at flowers.
Nag tataka niya itong tinignan at nag tataka siya kung bakit naruon ang lalaki sa ganuong oras, mag a-alasyete na nang gabi.
“Anong ginagawa mo dito?” naka simangot na tanong niya sa binata. Nakita niyang nawala ang sigla sa mga mata at labi ni Ariel. Kaya lihim na naka ramdam nang kirot sa puso ang dalaga.
“your crying…stop crying…ayaw Kong nakikita kitang ganyan” seryosong sabi ni Ariel at pumasok na ito sa loob nang bahay na animoy ito ang may-ari nang bahay. Nilagay nito ang mga dala sa ibabaw nang lamesa bago hinarap ang dalaga.
Namewang namang si Faith at tinaasan niya nang kaliwang kilay ang binata “ang sabi ko…bakit ka nandito at sinong may sabing puwede kang pumasok?” pag tataray niya sa binata
“nag paalam ako sa hangin, kaya nang humangin ay tumuloy na ako. tsaka dinadalaw ka” sagot nang binata
“kinakausap kita nang maayos, kaya sumagot ka nang maayos.”
“masyado kang masungit my Faith... May dalaw kaba?” pigil ang pag ngiting sabi ni Ariel.. Parang gusto niyang kurutin at pang gigilan nang halik ang dalawang maputing pisngi nang dalaga. Dahil napaka cute pala nito kapag nag susungit.
“Ariel!” matigas na sabi ni Faith sa pangalan nang binata.
“Yes my Faith—
“Aaarg! Bwisit ka” singhal nang dalaga.
“Faith, I'm just worried about you.. Please huwag mo naman akong awayin” ani nang binata at animoy isang batang biglang lumungkot ang guwapong mukha nito.
“hindi kita inaaway…at huwag kang mag alala saakin. Dahil ayus lang ako…a-ayus lang—huhu” sagot ni Faith at hindi na niya napigilang mapa luha ulit. Kaya naman nilapit nang binata ang kaniyang sarili at niyakap ang umiiyak na dalaga.
“you're not okay.. Pinipilit mo lang maging matapang sa harapan ko. Pero I know, you are not okay… don't worry I'm always here for you” mahinang sabi ni Ariel habang mahinang hinahagod ang likod nang dalaga.
Mas lalo namang napa iyak si Faith, dahil sa sinabi nang binata. At sa mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay may karamay at hindi na sya nag-iisa.
//Continue