Chapter 17

1190 Words
“Malayo rin pala itong lugar niyo…napaka layo sa mga Tao…buti hindi kayo na bobored dito” ani ni Ariel nang ilibot nito ang tingin sa labas nang bahay ni Faith. Mag mula nang mawala si Angel ay doon na rin natutulog si Akira upang may kasama ang kaibigan niya. Kasalukuyan ang dalawa lamang ang nasa labas, dahil mula sa kotse at sa bangka ay tuloy-tuloy ang tulog ni Faith. Marahil dahil sa labis na pagod at puyat ay hindi na nito naramdaman ang pag Hinto nang sasakyan hanggang sa maka sakay sila nang bangka at sa pag buhat nang binata sa kaniya “ewan konga ba ba't dito nila naisip manirahan. Kahit ako, hindi ako mag tatagal dito. Nakaka takot kaya at napaka boring.” tugon ni Akira “nga pala, maraming salamat ha. Sa pag hatid saamin. Kahit papaano naka tulog ang kaibigan ko” “matagal naba kayong mag kaibigan ni Faith?” tanong nang binata.. Intirisado syang malaman ang tungkol kay Faith “oo naman, siguro nine or Ten ako nun.. Masyadong mahiyain at walang imik si Faith, kaya wala syang naging kaibigan. Ako lang itong feeling close noon. At alam mo bang napaka talino at galing niya sa school, ako unang lumapit sa kaniya at naki pag kaibigan.. Nag tataka panga ako noon, dahil minsan nagiging englisera sya at kakaiba sya sa amin, alam mo'yun. Para syang anak nang ibang lahi. Tulad nang mga Amerikano basta, hindi sya mukhang pinoy. At akala ko rin anak mayaman sya, dahil mukha talaga syang anak mayaman. Kaya alin-langan rin ako sa kaniya noon. Thanks god nalang dahil pumayag syang maging mag kaibigan kami. Hanggang sa mag dalaga na at hanggang ngayon. Naging matalik na mag kaibigan na kami as in BFF best friend forever. Ganito kalapit oh sobrang close kami” mahabang pag kukwento ni Akira at pinag dikit pa nito ang dalawang hintuturong daliri at pinag siklop iyon. “Hmmm, I see…pero mmmma—may…may naging boyfriend naba siya?” nauutal na tanong ni Tide.. At napigil niya ang pag hinga, habang hinihintay niya ang sagot ni Akira “Boyfriend…nako wala…NBSB pa iyang Sissy ko.. Pero napaka raming nag kaka-crush d'yan.. I mean napaka raming nag kakagusto sa kaniya sa school. Sino ba naman hindi mag kakagusto d'yan.. Bulag lang siguro.. Napaka ganda, napaka talino at putik pang Modelo ang katawan at kutis singkamas at ito pa. Napaka bait” mahabang sagot ni Akira na talagang proud na proud na pinag yayabang ang kaibigan niya sa binata “tama ka, dahil pati ako ay mukhang nagkaka gusto narin sa kaniya” mahinang sagot nang binata na hindi naman naintindihan nang katabing dalaga “Ha? May sinasabi ka?” ani ni Akira at pinaningkitan nito nang Mata ang binata “Hmmm Nothing…ano 'yung NBSB?” kunot-nuong tanong ni Tide. Dahil sa haba nang sagot ng dalaga ay iyon lang ang hindi niya naitindihan. “seryoso…hindi mo alam? Ang ibig sabihin ng NBSB Ay No Boyfriend Since Birth... In short Birhen na birhen” ani ni Akira kaya naman nasamid sa sariling laway ang Binata. UMAGA na nang magising si Faith. Pag mulat pa lamang nya nang mata ay bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Ang Principal nang paaralan ang tumatawag sa kaniya. Kaya nag tataka niya iyon sinagot. “Good morning iha…ba't wala ka? Nasaan ka Ms Catillo?” “Gu–good morning?” mas lalo syang napa kunot-nuo sa sinabi nang nasa linya at napa tingin sya sa screen ng selpon niya. At ganun na lamang pagka laki nang mata niya nang makitang Ten, Forty-eight na nang umaga. Samantala ang buong akala niya ay gumagabi Pa lang. Dahil Ala-singko nang Hapon sila tumigil ni Akira sa pag kakalat nang papel para sa nanay niya. Hindi niya inakalang inumaga na pala siya “Yes, at bakit wala ka dito? Nandito sina Mr at Mrs Follox. Dahil mamayang hapon na ang alis niyong lima na may scholarship. Mamaya na ang alis niyo papuntang Manila Ms Catillo. Naka usap ko narin si Akira at nabalitaan ko ang tungkol sa Nanay mo. So Kailangan ka dito Ms Catillo para malaman kung tutuloy kapa ba or mag ba-back-out ka. Future mo ang naka salalay dito iha.” mahabang sabi nang Principal “sige ho, pag-iisipan ko po” mahinang sagot niya at pinatay na ang tawag. Ito nayung pinaka hinihintay niyang araw. Dapat ay nag tatalon sya sa saya. Dahil finally dumating narin ang araw na iyon. Ang makaka pag aral sya sa manila, libreng paaral at ang scholarship. Pero hindi niya magawang ngumiti or mag saya. Dahil hindi niya kasama ang Nanay niya at iniisip parin nya ang nanay niya, kung nasaan naba ito. “Sissy, gising kana pala…nga pala kanina habang nasa palengke kami, tumawag ang school principal saakin. Tinawagan Karin ba?” ani ni Akira na kakapasok lamang. Kasunod nito si Ariel at may dala-dala ang mga ito. Kaya napa tingin si Faith sa bitbit nang dalawa. “Namalengke kame at syempre si Mr Pogi lahat ang bumili. Hindi kana namin ginising dahil ang sarap nang tulog mo” sagot ni Akira nang mapansin nito ang nag tatanong na mata ni Faith “Ba't ka nandito? Bakit kayo magka sama?” ani ni Faith at hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan bagkus ay binalingan niya nang tingin ang binatang nilalabas sa paperbag ang pinamili nito “kakasabi kulang Sissy, namalengke kame at dito kona pina tulog si Mr Pogi kasi delikado kagabi at parang uulan kaya dito kona pinatulog, dyan sya natulog sa duyan” sagot ni Akira “dito kana kumain, mag luluto Lang ako. Pagka tapos umuwi kana” seryosong sabi ni Faith at tinungo na niya ang lutuan nila. Kahoy o uling ang gamit nila sa pag luluto at lihim na humahanga ang binata sa dalaga. Dahil mukhang magaling ito sa gawaing bahay. Pinapanuod ni Ariel si Faith habang nilalagay nang dalaga ang mga kahoy na pang gatong. Samantala sa kabilang dako naman ay napa tayo si Mr George sa kaniyang kina uupuan. Dahil sa ibinalita nang imbistigator nito tungkol sa kalagayan ni Faith Catillo. Nalaman rin niya kaagad ang tungkol kay Angel at sa tunay na pagka tao nito at kung saan ito nag mula. Ngunit ang inaalala nang matanda ay walang kasama ang dalaga sa maliit nitong tirahan. Nag aalala sya na baka may mangyareng masama sa dalaga lalo na't mag-isa na lamang ito. “kamusta ang Result nang DNA?” ani ni George. Nung gabing hinahanap ni Faith ang nanay nito ay mula sa hindi kalayuan ay nakita ni Mr George ang dalaga. Nakita niyang uminom ito nang Juice at nag punas ito nang bibig gamit ang tissue paper. Kaya naman ipina kuha ni Mr George lahat nang pinag gamitan nang dalaga at ipina test iyon para sa DNA. Naka kuha narin sya nang sample mula kay Sherin. Gamit ang suklay at toothbrush nang anak. Kahit hindi paman nahahawakan ni Mr George ang result ay malakas ang kutob niyang si Faith ang nawawala niyang apo. Lalo't habang tumatagal ay mas lalo itong nagiging kamukha ni Sherin nung dalaga pa ito. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD