SA ISIPING baka naka balik na nang bahay ang Nanay Angel niya ay hindi rin nag tagal si Faith at umuwi rin sya kaagad.
“Nay…Nanay…nandito na po ako” saad niya sa isiping baka nasa loob na ng bahay ang nanay niya. Ngunit isang nakaka binging katahimikan ang nadatnan niya sa loob. Walang senyales na may tao roon. Kaya naman ang kabang kanina pa pinipigilan ni Faith ay tuluyan nang lumala. Napaiyak na sya dahil sa sobrang takot. Hindi sya takot mag-isa sa bahay na iyon. Pero natatakot sya na baka napaano na ang Nanay niya
'Jusko! Huwag niyo po sana pabayaan ang Nanay ko. Sya lang po ang natitira saakin. Huwag niyo pong hayaan na may mangyareng masama sa kaniya.' Ani nang kalooban niya.
Habang sa kabilang dako naman ay huminto ang puting Van sa harapan ng malaking bahay. Naka piring ang mga Mata ni Angel at naka gapos ang mga kamay niya. Kaya naman naka alalay ang dalawang lalaki sa kaniya
“ aba? Ano bang kailangan niyo saakin... Pakawalan niyo ako.. Kung kidnappers kayo…wala kayong mapapala. Hindi ako mayaman at wala akong pera” ani ni Angel sa mga lalaking dumukot sa kaniya..
Naramdaman ni Angel ang malamig na nag mumula sa Aircon nang mansyon na sumalubong sa kaniya. Kaya naman nag sitayuan ang balahibo niya.
“Sige alisin niyo na iyang naka takip sa mata niya at kalagan niyo ang kamay niya at iwan niyo na kami” ani nang pamilyar na boses at matagal na iyon hindi narinig ni Angel. Nag simulang bumilis ang t***k nang puso niya at parang may edeyang pumasok sa isipan niya kung nasaan sya at sino ang taong nag salita.
“Welcome back anak, matagal na kitang pinahanap at pinapa subay-bayan sa mga tauhan. Alam Kong wala kanang balak bumalik saamin. At kinalimutan mona kami. Kaya pinakidnap kita sa mga tauhan. Dahil ito lang ang paraan para maka balik ka saamin” Mahabang sabi nang matandang lalaki na naka sakay sa wheelchair nito. Halatang mahina na ito. Puti na lahat ng buhok at balbas nito at kulubot narin ang mga balat nito
“Pa-pa Papa” ani ni Angel at hindi na niya napigilang maiyak at nayakap niya kaagad ang kaniyang ama na ilang taon narin niyang hindi nakita at nakasama. Kinamuhian niya ang mga magulang niya, dahil sa pag takwil ng mga ito sa kaniya at ito ang sinisi niya kung bakit nawala ang anak niya noon. Hinayaan sya ng mga ito mag hirap, kaya naman galit ang namuo sa puso ni Angel para sa mga magulang niya. Hanggang sa lumipas nalang ang maraming taon ay nawalan na sya nang pakealam kung buhay paba, kamusta naba o wala na ang mga ito.
Ngunit sa pag haharap nilang iyon. Ay ang noong galit at muhi niya sa magulang ay parang bulang nawala. At napalitan ng pag mamahal at pangu-ngulila. Niyakap nang mahigpit ni Angel ang ama at nagka iyakan silang dalawa.
“Pa-papa” ani ni Angel na animoy bumalik sya sa pagka bata.
Hinimas nang matandang Don ang buhok niya tsaka pinahid ng hinlalaking daliri nito ang mga luha sa pisngi nya.
“hinihintay kana nang Mama mo anak” Paos na boses na wika ng matandang Don.
“ang mama?” ani ni Angel at natigil sya sa pag-iyak tsaka pinunas ang mga luha sa pisngi niya.
Tumango naman ang matandang Don at tumingin sa isang pintuan.. Dati sa Third floor ang kwarto nang mga ito. Pero ngayon sa ibaba na katabi nang malaking Sala
Nangi-nginig ang mga tuhod at parang walang lakas mag lakad ang mga paa ni Angel patungo sa silid kung nasaan ang ina niya. Maging ang mga kamay niya ay nangi-nginig rin. At muli na naman syang napa luha matapos niyang mabuksan ang Pinto nang kuwarto na iyon.
Tumambad sa harapan ni Angel ang naka ratay na payat na matandang babae. May naka lagay na oxygen sa ilong nito. Naka tayo naman ang dalawang nurse sa tabi nang higaan nito. Habang ang naka wheelchair na ama naman niya ay naka alalay rin ang nurse at tauhan nito.
“papa” baling ni Angel sa ama at may pag tatanong sa luhaan nitong mga Mata.
“ leukemia at bone cancer sa batok ang sakit nang Mama mo. Wala nang chance para sa Cancer niya. Dahil puwede niyang ikamatay kapag pinalitan ang buto sa batok niya stage four narin. At stage four rin ang blood cancer ko. Anytime puwede na kaming mawala nang mama mo. Pero bago kami mawala gusto muna naming makita ka at maka hingi kami nang tawad sa lahat ng mga nagawa namin. Napaka rami naming pag kukulang at pag kakamali bilang magulang mo. Patawarin mo kami nang Mama mo anak” umiiyak na sabi nang matandang Don.
Muli na naman niyakap ni Angel ang ama tsaka muli na naman napa iyak. "Pinapatawad kona po kayo” umiiyak na sabi ni Angel, at kumalas sa pagkaka yakap sa ama at bumaling naman sya sa naka ratay na Ina niya.
“Mama, nandito na po ako…nandito napo ang prinsesa niyo, ang unica-iha niyo...Mama naririnig mo ba ako? Mama nandito napo ako. Pinapatawad kona po kayo, gising kana Ma” ani ni Angel habang patuloy sa pag luha ang mga Mata niya.
APAT na araw ang lumipas, nawala sa isipan ni Angel ang kaniyang anak na si Faith at natuon lamang ang kaniyang pansin sa dalawa niyang mga magulang na may sakit. Gusto niyang alagaan ang mga ito, gusto niyang maka bawi sa mga magulang habang humihinga Pa ang mga ito. Walang signal sa lugar na iyon at malayo sa tindahan ang hacienda nila. Hindi naman mahilig manuod o mag basa nang dyaryo si Angel. Kaya hindi nito alam na hinahanap na sya nang anak niya. Malayo rin ang lugar nilang iyon.
Kaya naman sa Apat na araw na iyon ay halos mabaliw na si Faith, kakahanap sa Nanay Angel niya. Pinaalam niya rin ito sa kapulisan, sa barangay at ang natitirang ipon niya ay ginamit niya upang maikalat ang mukha nang nanay niya.
“Sissy, gumagabi na.. Bukas nalang natin ito ipag patuloy” nang hihinang boses na sabi ni Akira at nag punas ito nang pawis sa noo. Kasalukuyan silang namimigay nag papel na may litrato at buong pangalan ni Angel Catillo, edad at ang cellphone number ni Faith. Para kung sakaling may maka kita sa nanay niya ay madali siyang matawagan.
“Nanga-ngayayat kana Sissy…natutulog kapa ba o kumakain kapa ba? Ang lalim na ng mga mata mo oh” ani ulit ni Akira nang mapag masdan nito ang mukha ng kaibigan. Apat na araw na nito napapabayaan ang pag-aaral maging ang sarili nito.
“hindi ko kayang kumain nang maayos, kung hindi ko alam kung kamusta na ang Nanay ko at ano na kalagayan niya ngayon. Nakaka kain ba sya…nakaka tulog ba sya nang maayos? Sobrang nag-aalala ako sa kaniya Akira” ani ni Faith at muli na naman naiyak. Nasa ganung pag uusap sila nang may humintong sasakyan sa harapan nila
“Faith…Akira…anong ginagawa niyo dito? At ano iyan?” ani ng binata
“Ariel…hi, ngayon lang ulit kita nakita ah…tsaka ah eto…kinakalat namin ito, apat na araw na kasing nawawala si Aling Angel eh” ani ni Akira...
Samantala si Faith naman ay tumagilid sya at itinago ang mukha niya sa binata. Ewan ba niya, basta nahihiya syang makita sya nang binata sa ganung ayus o itsura
Napa isip naman si Ariel, dahil familiar sa kaniya ang pangalan. “Can I see, baka sakaling maka tulong ako” saad ni Ariel at bumaba ito nang kotse.
Ibinigay naman ni Akira ang isang kopya ng papel “ito, ipa xerox mo nalang. Kung gusto mong tumulong.”
Kunot nuong napa tingin ang binata sa larawan nang nawawala. Tsaka ibinalik ang tingin kay Akira
“si Aling Angel nga ito…nawawala siya? Kailan Pa at kaano-ano niyo siya?”ani ni Ariel at lihim rin syang nag tataka dahil hindi man Lang sya tinignan ni Faith
“Siya ang nanay ni Faith, apat na araw nang nawawala” tugon ni Akira kaya naman lihim na nagulat si Ariel at napa tingin sya sa babaeng katabi ni Akira.
'Kung si Aling Angel ang ina ni Faith, so ibig sabihin si Faith iyung batang babaeng hinalikan ko noon? At si Faith ang babaeng gustong ipakasal saakin ni Grandma' hindi maka paniwalang ani nang isipan ni Ariel
'Kaya pala kakulay ng mga Mata niya yung babaeng nasa party at yung batang babaeng hinalikan ko. Kaya pala…dahil iisang tao lang sila' ani ulit nang isipan ng binata at lihim na naka ramdam nang saya si Ariel sa kaniyang puso.
“Akira, halikana…uuwi na tayo—
“uuwi na kayo? Ihahatid kona kayo” biglang sabi nang binata at nahalata niyang mukhang iniiwasan sya ni Faith. Dahil hindi man lang sya nito tinapunan ng tingin.
“Hindi na, salamat nalang” seryosong sabi ni Faith at nauna na itong mag lakad.
“Sissy…payag kanang ihatid tayo ni Mr Chinitong pogi... Masakit narin naman ang mga paa ko eh, kanina Pa tayo nag lalakad” ani ni Akira
“kung gusto mong sumabay sa kaniya.. Ikaw nalang—ay ano ba…ibaba mo ako…Ariel ibaba mo ako!” ani ni Faith at nagulat na lamang sya ng may biglang bumuhat sa kaniya na animoy isang sakong bigas nang ilagay sya ng lalaki sa balikat nito..
“Akira…pabukas nang Pinto…sa harapan” ani nang binata na kaagad naman sinunod nang kinikilig na kaibigan.
//continue
sorry mga labs kung matagal akong hindi naka pag update, ofw po ako dito sa Saudi at hindi po ako free WiFi. ngayon lang po ulit ako naka bili ng internet ko.. salamat sa mga makaka unawa.