“ HOW DO YOU KNOW HIM?” ani ni Cham na siyang nag mamaneho sa kotse ni Ariel. Sina Bonux, Surf at Ariel ay sa isang kotse, habang si Pride naman ay humiwalay na dahil bigla itong tinawagan ng girlfriend nito.
Si Cham at Tide na lamang ang nag hatid sa dalaga. Magka tabi ang dalawang binata sa harapan, habang mag-isa naman si Faith sa likod naka upo.
Nag-iisip parin ang dalaga, sa puwedeng gawin sa kaniya ng mga lalaking hindi niya kilala. Pinag iisipan niya nang masama ang mga ito. Pero may sa kung ano sa puso niyang nag didiktang pagka tiwalaan niya ang mga ito.
“huy Mis Beautiful.. Nasa Earth kapa ba?” ani ni Tide nang mapansin na napaka lalim nang iniisip nang dalaga.
“Haaa?” gulat na sabi ni Faith at mabilis na napa lingon sa binatang nag salita na animoy bingi ang kinakausap nito. Dahil sa lakas nang pag sasalita nito
“ang sabi ko, saang bansa kana naka rating? Or nasa earth kapa ba? Ang layo nang iniisip mo eh. Kanina kapa namin kinakausap ni Cham, hindi ka nakikinig at sumasagot”
“haa…ma-malang nasa Earth Pa ako, bakit nasaan naba tayo? Nasa Jupiter naba tayo?” sagot ni Faith at sinakayan ang sinabi nang lalaki. Napa tawa naman nang mahina ang nag mamanehong si Cham.
“marunong Karin palang sumakay Mis Beautiful…I like that” naka ngising saad ni Tide
“ay hindi…lumilipad nga ako eh.. At hindi ako marunong sumakay.. Naka upo Lang ako” pamimilosopo ni Faith, kaya naman tuluyan nang napa tawa nang malakas si Cham
“Hahaha Funny” mahinang sabi ni Faith at napa irap.. Lihim na nag tataka si Faith sa kaniyang sarili. Dahil parang nag iiba na ang ugali niya. Hindi sya yung tipong babaeng makikipag usap sa hindi niya kilala lalo na't lalaki. At lalong hindi sya maldita o masungit sa kahit na kanino. Ngayon, mag mula nang makilala niya si Ariel maging nang mga kaibigan nito ay parang may nag-iba sa kaniyang pag-uugali na maging sya ay pinag tataka niya.
Sandali silang muling natahik. At si Cham ang bumasag nang katahimikan na iyon. “Faith, saan kanga namin ihahatid?, hindi mo Pa kasi sinasabi.. Baka sumobra na tayo.”
“ah, kung saan ang lamay ni Mayor, kilala niyo naman siguro ang mayor dito diba?” tugon ni Faith
“ofcourse, at tamangtama.. Malapit na tayo, by the way matagal mona ba kilala si Ariel?” ani ni Cham. Na habang nag mamaneho ay panay ang sulyap nito sa dalaga. At hindi naman iyon nakaka takas kay Faith. Dahil nag tatama ang tingin nila sa salamin.
“hmm, hindi…bago ko palang sya nakilala—
“ we're here” ani ni Tide. Dahilan upang matigil sa pag sasalita si Faith.
“Salamat sa pag hatid” saad nang dalaga ng huminto na ang sasakyan. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan sya ni Cham.
“wait faith” habol nang lalaki at mabilis itong bumaba nang sasakyan at umikot sa Kabila upang ipag bukas nang Pinto ang Dalaga..
“salamat ulit” muling saad nang dalaga at tipid na ngumiti sa binata. Gumanti naman nang ngiti si Cham at tumango nang isang beses
“sana makita ulit kita Faith” ani nang binata na tinanguan na lamang ni Faith “Sige” tugon nito
Hindi na nag abalang pumasok ang dalawa, dahil galing na sila doon. “You like her Pare” mapa nudyong sabi ni Tide sa kaibigan.
“I don't know, damn…napaka ganda niya Pare…” namamanghang sabi ni Cham
Tumango naman nang ilang beses si Tide “yah, and I like her…para siyang Anghel, hindi nakakasawang titigan ang ganda niya. At damn, napaka puti niya pare at napansin moba yung mga Mata niya.. Napaka ganda pare. Kulay green” mahabang sabi ni Tide. Kaya naman inalala ulit ni Cham ang mukha nang babae kanina.
At parang may naalala sya sa mukhang iyon. “Sh*t Her name is Faith diba…and green eyes.. Damn Tide, naalala kona. Siya yung babaeng pinakilala ni Donya Lygia na mapapang asawa ni Ariel. Nung party.. Remember?” mahabang saad ni Cham. Nang maalala niya ang mukha nang babae nung party. Kahit hindi naka ayos ang babaeng naka harap nila kanina ay sigurado syang iyon ang babae sa party nang Rosales Mansyon.
“Ohhh, tama ka Pre…sya nga.. Kaya pala napaka familiar nang mukha niya at kanina kopa iniisip kung saan koba yun nakita.” tugon ni Tide.
Samantala, wala nang gaanong tao sa lamay sa mga oras na iyon. Nakita ni Faith ang isa sa mga kasambahay nang mga Rosales. Kaya naman nilapitan niya ito “Manang” mahinang sabi niya dito
“Oh Faith, iha.. Ngayon Lang kita ulit nakita. Bakit ngayon kalang?” ani nang babae na kaedad lamang nang nanay niya.
“Si Inay ho?” tipid na sabi niya.
“si Angel? Kanina nandito Lang siya.. Pero kanina lang iyon iha. Akala konga umuwi na eh” tugon nang babae. Kaya naman nag simula nang kabahan si Faith.
Samantala sa kabilang dako naman ay nag wawala si Angel sa loob nang kulay puting Van. Naka takip ang mga Mata nito habang tinatali nang dalawang lalaki ang magka salikop na kamay nito.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo saakin?! Pakawalan niyo ako.. Hindi ako mayaman! Wala kayong mapapala saakin. Pakawalan niyo ako!” nag wawalang sabi ni Angel
Sobra tatlong oras nang natapos si Angel sa pag sisilbi sa Lamay nang Alkalde. Gusto niyang tawagan si Faith upang sabihin na gagabihin sya ng uwi at huwag na ito mag hintay. Ngunit na lowbat na pala ang cellphone niya at habang pauwi na siya nang biglang may puting Van na huminto sa harapan niya at pwersahan syang isinakay.
“Yes, boss…nakuha na namin” rinig ni Angel na sabi nang lalaking katabi niya. Hindi niya ito makita dahil naka piring ang mga Mata niya.
“sino ba kayo?! Anong kailangan niyo saakin?!” nahihintakutan nang sabi ni Angel. Akmang mag sasalita pa sya at muling sisigaw, ngunit meron kung anong likidong ipinaamoy sa kaniya. Dahilan upang tuluyan na syang mawalan nang Malay.
//Continue