Chapter 14

1122 Words
“PARE! where are you, hinahanap ka namin. Wala ka dito— “Hello, pasensya na— “Hey! Who's this...nasaan ang kaibigan namin?” “puwede bang patapusin mo muna ako!” naiinis nang sabi ni Faith sa kabilang linya. Iniwan muna niya ang lalaki at nag hanap sya nang puwedeng makaka tulong sa kaniya. Ngunit napansin niya ang kotse at nakilala niya iyon. Iyon ang kotse nang binata. Kaya naman lumapit sya roon. At mabuti na lamang naka bukas ang Pinto niyon, hindi gaanong naka sirado. Tinignan niya ang loob niyon at doon ngaya'y nakita niya ang Cellphone nang binata. Fingerprint ang passcode niyon. Kaya naman muli syang bumalik sa binata at gamit ang fingerprint nang hintuturo nito ay nabuksan narin ang cellphone nito. Ang unang binuksan ni Faith ay ang Dial calls at nakita niya sa pinaka una ang nag nga-ngalang Tide. Kaya iyon ang tinawagan niya. Natahimik naman ang nasa kabilang linya nang pag taasan ito nang boses ni Faith. Kaya naman nag patuloy sya sa pag salita “Kasama ko si Ariel, lasing sya at naka tulog.. Puntahan niyo siya dito. Dahil hindi ko siya kayang buhatin o itayo.. Nandito kami sa tabing dagat, Mayana Resort.. Makikita niyo rin ang Kotse niya” mahabang saad niya. “Okey Mis, papunta na kami d'yan. Huwag mo munang iwang ang kaibigan namin. Hanggat hindi Pa kami dumarating.” tugon nang lalaki na nasa linya. “Sige” tipid niyang sagot. At namatay narin ang tawag. Nawala na sa isipan ni Faith ang pag-alala niya sa Nanay Angel niya. At hindi na niya napapansin ang oras na sobra alas dyes na nang gabi. Hindi rin nag tagal ay may dumating na dalawang kotse na kulay itim at halos mag kakasabay bumaba ang limang lalaki. Hindi gaanong maaninag ni Faith ang mga mukha ng mga ito. Dahil tanging ilaw lamang nang buwan ang nag sisilbing liwanag roon.. Ngunit halata sa pigura nang pangangatawan, tangad at sa pag lakad ng mga ito na animoy mga modelo. Hindi paman niya nakikita ang mga mukha nang mga ito ay mahahalatang mga guwapong lalaki. dahil sa lakas ng dating nang mga ito. Napa tayo naman si Faith at konting umatras upang malapitan ng mga ito ang lasing na si Ariel. Lumuhod ang dalawang lalaki upang itayo si Ariel. Nasa balikat nang mga ito ang magka bilang braso ni Ariel. “Surf, sa bahay ko nalang” ani nang matipunong lalaki na naka suot nang kulay yellow na T-shirt. Bumaling naman ang katabi nitong lalaki kay Faith at tsaka nag pakilala. “Mis, thank-you sa pag tawag mo at sa pag tulong mo sa kaibigan namin. I'm Tide, bestfriend and second cousin ni Ariel. Ako rin iyung naka usap mo sa call” saad nang lalaking naka suot nang kulay Orange na tshirt “Kahit gabi, at hindi gaanong maaninag ang mukha mo. I'm sure napaka ganda mo Miss, para kang white lady. Napaka puti niya pare. Look oh” ani naman ng naka suot nang kulay Red na T-shirt “By the way I'm Bonux” pag papatuloy nang lalaki. Siniko naman ito nang katabi nitong naka suot nang kulay Puti. “Puro ka kalokohan, I'm Cham. At iyon namang umalalay kay Ariel. Sina Surf at Pride.” “Hi, A-ako naman si Faith, ahmmm…ito nga pala ang Cellphone nang kaibigan nyo. Si-sige mauuna na ako—ay si Nanay!” ani ni Faith at nabigla sya nang maalala niya ang Nanay niya. “saan kaba naka tira Miss, ihahatid kana namin. Sobrang gabing-gabi na. Baka mapa ano kapa” ani nang nag nga-ngalang Cham. “ah.…ah hindi na…salamat nalang. Sa-sakabilang isla ako umuuwi. Kung kaya nang kotse niyong lumangoy hanggang doon sa amin. Sige ihatid niyo ako.” mahabang sagot niya at biglang natahimik ang tatlo at nagka tinginan. Nagulat sya sa sinabi niya dahil ba't parang napaka sungit ng tono niya. Matapos magka tinginan ang tatlo ay sabay-sabay naman nag sitawanan ang mga ito na animoy isang napaka laking katatawanan ang sinabi ng dalaga. “ seriously? May kotse bang lumalangoy…saan mabibili iyun..” ani nang nag nga-ngalang Tide “hahahaha ang astig nun Pre” saad naman ni Cham 'Sobrang nakaka tawa naba iyong sinabi ko? Tsss, ibang klase rin ang mga ito' ani nang isip ni Faith at walang sabing nag lakad na sya at iniwan ang tatlo na natatawa parin. “Huy! Ms Diwata este beautiful…hintay naman!” ani ni Bonux nang ito ang unang maka pansin sa dalagang naka alis na pala sa kanilang harapan. “Mis, akala koba sa kabilang isla ka uuwi, ba't ibang dereksyon ang pinupuntahan mo?” ani ni Tide “Oo nga, sa'n ba ang punta mo? Ihahatid kana namin.. Don't worry hindi kami masamang tao” ani naman ni Cham “Hindi na, kaya ko naman lakarin yun” tugon nang dalaga, habang patuloy sa pag lakad. Ang totoo niyan ay nag dadalawang isip siya. Kung papayag ba syang mag pahatid. Gayung hindi paniya kilala ang mga ito at hindi niya alam kung kaya baniyang pagka tiwalaan ang mga ito. 'Syempre, hindi porket mga guwapo, matcho at mayaman ay matino na. Malay koba.. Baka saan pa nila ako dalhin no. At kung ano pang gawin nila saakin. Hmmm kaya wag nalang' ani nang kabilang isip ni Faith. “kung gusto mong mag lakad, edi mag lalakad narin kaming tatlo. Ihahatid kaparin namin. Kung saan kaman pupunta. Ten, forty-two na nang gabi. Tulog na ang lahat. At sobrang gabi tsaka wala gaanong ilaw duon sa dulo oh. Tignan mo ang dilim.” mahabang sabi ni Cham “Oo nga naman. Kung may mangyareng masama sayo edi konsensya panamin yun. Dahil parang pinabayaan kana rin namin.” ani naman ni Tide “at kami ang malalagot kay Ariel” saad naman ni Bonux “haaayst sige nanga... Ang kukulit niyo, daig niyo Pa ang babae. Ang dadaldal niyo” naka simangot na sabi ni Faith. Napasuko na lamang sya dahil mukhang desidido talaga ang mga ito na ihatid sya. . “ayan…madali Karin palang kausap Ms Dewata.. Este Beautiful” naka ngiting saad ni Tide. At sa pagkaka taon na iyon ay tuluyan nang nakita ni Faith ang mga mukha nang mga ito dahil sa ilaw nang kotseng tumama sa kanila. Dahil sa pag start ni Surf sa kotse ni Ariel 'tao paba ang mga ito? Ba't napaka guwapo naman ng mga ito.. Ngayon Lang ako naka kita nang kasing guwapo rin ni Ariel. Akala ko si Ariel na ang pinaka guwapong nakita ko, dito sa Zamboanga.' Ani nang maharot na isip ni Faith 'So inamin morin na naguwa-guwapuhan ka talaga kay Ariel.. Ayyyie Faith Crush mona siya no' tudyo naman nang kabilang isip niya. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD