bc

A Lustful Love with the CEO

book_age16+
7.7K
FOLLOW
57.6K
READ
love-triangle
HE
playboy
dominant
badboy
boss
sweet
bxg
office/work place
lies
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS (R-18)

***

"FIND ME ANYONE THAT WILL SATISFY ME, OKAY?!" said by the CEO of Vista Company.

Mr. Ethan Grayson, the CEO of Vista Company, and also known as the great womanizer in the business industry.

"B-But, Sir... Wala na po akong mahanap na ibang mga babae na sakto sa tipo mo.

"Ugh! I need a f**king woman right now!" iritado pang sigaw niya sa kaniyang sekretarya na si Pyper Liora. Sa loob nito ay naiirita na rin siya sa kaniyang amo.

"If you just wait a little longer, Sir. I will find a woman--"

"Why don't you just satisfy me now, instead of finding a woman for me?"

Hindi makapaniwala si Pyper sa sinabi ng kaniyang amo. 'Yon na ang simula ng kaniyang pagsabog at hindi na napigilan ang lumaban sa kaniyang amo. Makakatiis kaya siya sa CEO at mananatili sa kaniyang trabaho? Ano kaya ang magiging desisyon ni Pyper?

Read the story to know their love story!

chap-preview
Free preview
LUSTFUL 1
"Ma, una na po ako," paalam ko sa Mama ko. Maayos naman ang paalam ko sa kaniya, pero hindi ko alam kung sadya bang pinanganak siya na may galit sa mundo at ni minsan ay hindi ko siya nakitang ngumingiti man lang sa akin. Pero kapag sa ibang tao ay akala mo para siyang clown na nagpapatawa pa. "Ano? Aalis ka na naman?!" sigaw niya sa akin. "Ma, hahanap lang po ako ng trabaho. Wala naman po akong gagawin na masama," mahinahon pa na sagot ko sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Amoy na amoy ko pa rin ang alak na nagmumula sa katawan niya. Lasing na naman pala siya kagabi na umuwi rito sa bahay namin. "Maghahanap ng trabaho? Ilang linggo mo nang pinapaalam sa akin 'yan, ah? Bakit hanggang ngayon ay naghahanap ka pa rin? Wala ka pa ring nahahanap, ganoon ba?" iritado na tanong niya sa akin. "Hindi naman po kasi madali ang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Tsaka sa iba po ay kailangan ko pa raw maghintay ng ilang linggo para sa resulta kung pasok ba ako sa kumpaniya nila o hindi. Sayang lang din po ang oras ko kapag puro hintay lang ang gagawin ko. Kaya po maghahanap pa ako ng ibang mga trabaho kung saan mas mabilis ako na makakapasok," paliwanag ko naman sa kaniya. Sinubukan ko na ipaliwanag sa kaniya ng maayos para maintindihan niya ako. Si Mama kasi ay ayaw niyang intindihin ang mga sinasabi ko. Puro init na agad ng ulo ang pinapairal niya. Kaya naman ay nilalakasan ko lang ang loob ko ngayon na ipaliwanag sa kaniya ang punto ko. Kahit kasi nagpapaliwanag lang ako sa kaniya ay iniisip na agad niya na sumasagot ako pabalik sa kaniya at pabalagbag, kahit na hindi naman gano'n ang ginagawa ko. "Ah. E bakit hindi ka na lang sa bar magtrabaho? Mas mabilis ka pa na matatanggap. May kakilala ako sa isang bar na iniinuman ko lagi. Doon ka na lang pumasok." Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ag sinabi na 'yon ni Mama sa akin. "A-Ano po ang trabaho? Waitress po ba? Medyo natatakot po kasi ako kapag sa ganoong klase ng lugar. Kasi malapit po sa gulo." "Nag-iinarte ka pa ba? E 'di kung wala na silang bakante sa waitress, e 'di maging sexy dancer ka roon! Dancer ka naman noong nag-aaral ka. O 'di kaya ay ikaw 'yong maki-table sa mga lalaking customers at i-entertain mo sila. Madali pa ang trabaho mo. Tingnan mo nga. Walang kwenta ang pagpapatapos ko sa pag-aaral mo dahil kahit may degree ka ay wala ka pa ring trabaho na nahahanap hanggang ngayon!" "M-Ma... P-Paano mo nasasabi sa akin na magtrabaho sa isang bar bilang ganoong b-babae?" hindi makapaniwala na sagot ko sa kaniya. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko. Masiyado akong mahina. Hindi ko makayanan ang mga salita na pinagsasabi sa akin ng sarili kong ina. "Ang arte mo! Hindi na mahalaga ang edukasyon ngayon! Kaya roon ka magtatrabaho sa mas mabilis at kikita ka pa ng mas malaki! Hindi mo ba alam na trabaho ko 'yon dati? Doon ko nga nakilala ang walanghiya mong ama noon, kaya ka nabuo. Nagsisi lang ako na hindi agad ako nakainom ng pills ko kaya nabuntis ako sa 'yo. Imbis na nagsasaya ako sa buhay ko, tingnan mo na ang nangyari sa akin ngayon dahil naging anak kita. Naging losyang pa ako! Kaya para may pakinabang ka na sa buhay ko, sundin mo na lang ang utos ko!" Hindi ko na nakayanan ang mga sinasabi niya at sumabog na ako. Ang mga luha ko ay sunod-sunod na pumatay mula sa aking mga mata. "Ma! Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo sa akin?! Paano mo nasasabi 'yan sa sarili mong anak?! Ginusto ko ba na maipanganak mo ako sa mundo na ito?! Ginusto ko ba na maging anak mo?! Bakit mo isinisisi sa akin na pinanganak mo ako?!" sigaw ko sa kaniya. Ito ang unang beses na sinigawan ko ang aking ina. "Ano?! Tang ina, sumasagot ka na sa akin ngayon?! Manang-mana ka talaga sa ama mo! Bakit hindi ka na lang sumama sa kaniya sa hukay!?" Sinampal niya ako ng malakas at sinabunutan pa. Nasira na ngayon ang maayos na itsura ko kanina. "AH! MAMA!" sigaw ko pa dahil sa sakit ng sabunot niya sa akin ngayon. Hinihila na niya ako ngayon ng sapilitan palabas ng bahay namin. "Lumayas ka na at huwag ka nang babalik pa rito! Perwisyo ka sa buhay ko, kahit kailan!" sigaw pa niya sa akin. Saka niya ako binato palabas ng bahay namin. Dikit-dikit pa naman ang mga bahay dito, kaya rinig na agad ng mga kapitbahay namin ang sigaw ni Mama. Nakakahiya... Isasara na sana ni Mama ang pinto ng bahay namin nang pigilan ko siya. Sinubukan ko na itulak para makapasok na ulit ako sa loob ng bahay namin, pero malakas siya. "Magpakapokpok ka na! Doon ka na sa mga lalaki mo! Kung gusto mo ay mag-asawa ka na agad! Wala na akong pakialam pa sa 'yo. Gusto ko na rin na maging masaya! Wala ka namang kwenta sa buhay ko!" patuloy pa na pagsigaw niya sa akin. "M-Ma! Hindi mo 'to pwedeng gawin sa akin!" Nagpupumilit pa ako na pumasok sa loob, pero tuluyan na niyang nasara ang pinto ng bahay namin. Hindi ko alam kung matitiis ba talaga ako ni Mama na wala sa bahay. Hindi ko rin kaya na bumukod na sa kaniya. Siya lang naman ang kakilala ko sa mundo na ito. Ni wala akong naging kaibigan noong nag-aaral pa ako, dahil lahat sila ay takot o ayaw kay Mama. Sobrang higpit pa sa akin ni Mama mula pa noon. Kaya rin ako pursigido na makahanap na ng trabaho. Akala ko kapag nagkaroon na ako ng trabaho ay magbabago na ang trato sa akin ni Mama. Pero ganito pa ang nangyari... Pinagtitinginan na ako ng mga kapitbahay namin, kaya naman ay naisipan ko nang umalis na muna roon. Itutuloy ko pa rin ang paghahanap ko ng trabaho ngayong araw. Hindi ko alam kung tama ba na mawala na ako sa puder ng ina ko o hindi. Wala akong pera, hindi ako mabubuhay na walang suporta ni Mama. Kahit na sakal na sakal na ako sa kaniya ay kailangan ko pa rin siya sa buhay ko. Lalo na at wala pa rin naman akong trabaho hanggang ngayon. Ano ba namang klase ng buhay ang mayroon ako? Hindi ko na nga nakilala ang ama ko mula pa noong pinanganak ako... Tapos ang ina ko naman ay gano'n ang ugali. Kahit pa noong bata ako ay palagi niya akong sinasaktan. Kahit na hindi naman matigas ang ulo ko at sinusunod ko siya palagi. Iniisip ko na lang kung bakit naging ganito ang buhay ko. Kasalanan ba ng ama ko kung bakit naging ganoon ang ugali ni Mama sa akin? Gusto ko man na malaman kung ano ang nangyari sa kanila, ay wala akong lakas ng loob para tanungin si Mama. Hindi rin ako naniniwala na patay na ang ama ko, dahil wala naman siyang pinakita sa akin na puntod nito. Pero... alam ko kung ano ang pangalan ng ama ko. Now, what? Ano na ang gagawin ko sa buhay ko ngayon? Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa harap ng isang bar. Bakit ako narito? Talaga bang susundin ko ang gustong mangyari ni Mama sa akin? Pero ito lang ang tanging paraan para makabalik na muli ako sa bahay namin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook