LUSTFUL 2

1090 Words
You received a text message. Nawala ang malalim na iniisip ko nang biglang tumunog ang phone ko dahil sa isang text. Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang nag-text sa akin. Wala namang ibang magte-text sa akin kundi si Mama, spam messages, o 'di kaya ay isang kumpaniya na in-apply-an ko. Dahil sila lang naman ang nakakaalam ng number ko. Dahil nga wala naman akong kaibigan o kahit na sino pa na ibang kakilala. Nanglaki ang mga mata ko nang mabasa ang text message na natanggap ko! From: Vista Company To: Ms. Pyper Liora, Congratulations! This is Vista Company. You passed the screening interview and we would like to inform you that the final interview will be tomorrow at 8:00 AM. Please bring the said requirements that will be sent on your email. Thank you and have a great day ahead. Wow! Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa screening! Pero nakalimutan ko na kung ano ang posisyon na in-apply-an ko sa kumpaniya na ito. Sa sobrang dami ba naman na kumpaniya na pinasahan ko ng requirements ay hindi ko na matandaan kung ano-ano ang posisyon na pinasahan ko. Tiningnan ko sa notes ko kung ano ang in-apply-an ko sa kumpaniya na 'to at nakita ko na secretary pala ng CEO! Sinubukan ko lang naman na mag-apply, pero hindi ko inaasahan na makakapasok pa ako sa final interview. Lalo na at wala pa naman akong working experience dahil fresh graduate ako. Pero saka na ako matutuwa ng sobra sa oras na matanggap na ako sa trabaho. Naglakad na ulit ako pabalik sa bahay namin para ibalita kay Mama ang tungkol dito. Sana naman ay hindi na mainit ang ulo niya sa akin. Sana rin ay wala na ang mga chismosa na kapitbahay sa labas. Para 'di nila makikita na babalik ako sa bahay namin. Wala pa namang isang oras na nakaalis ako sa bahay namin. Nilakasan ko na lang ang loob ko. Hindi ko talaga kaya na bumukod agad ngayon kay Mama. Wala pa akong pera at source of income. Sa tingin ko ay hindi ako mabubuhay kung gano'n. Ang allowance nga na dala ko ngayon ay 'yong binigay lang sa akin ni Mama noon na mga baon. Hindi pa nauubos hanggang ngayon ang mga naipon ko noon. Dahil mahirap humingi ng pera kay Mama. Malapit na ako sa bahay namin nang makita ko si Mama na lumabas. Bihis na bihis siya ngayon at sobrang sexy ng suot niya. Hindi mapagkakaila na sobrang ganda nga ni Mama. Dahil sa kaba ko na baka makita niya ako ay agad na akong nagtago. Hindi ko pa napaghahandaan ang mga sasabihin ko sa kaniya. Ayoko na sumigaw siya dahil maririnig lang ng mga kapitbahay namin. Pero ngayon na lumabas siya sa bahay namin, mukhang may lakad siya. Bigla ay may tumigil na magandang sasakyan sa harap ng bahay namin. Napakunot naman ang noo ko. "Oh, honey!" rinig ko na masayang sambit ni Mama sa lalaki na nagmamaneho ng sasakyan. "Buti naman at wala na ang anak mo d'yan. Does that mean that we can live together now?" tanong ng lalaki na kalalabas lang sa sasakyan niya at nilapitan si Mama. Hinalikan niya si Mama sa noo. "Of course, Honey! Wala nang panggulo sa buhay ko ngayon 'no. Hindi na rin iinit ang ulo ko dahil hindi ko na siya makikita. Gosh. If you just know how much stress ang inaabot ko sa bruha na 'yon. Pabigat pa siya sa akin." Naririnig ko ang mga salita na 'yon habang papasok siya sa driver's seat ng kotse. Nagtago na ako nang tuluyan dahil lalagpas na sila sa pwesto ko. Hindi ko napigilan na maiyak na naman dahil sa mga narinig ko. Gano'n ba talaga kaayaw sa akin ni Mama? Hindi ko lubos maisip na nagawa niyang sabihin ang ganoong mga salita sa ibang tao. May bago na pala siyang kinakasama ngayon. Para bang mas iba pa akong tao para kay Mama kaysa sa mga hindi talaga niya kadugo. Wala naman akong ginagawa na magpapaka-stress sa kaniya mula pa noon. Ang bait ko nga sa kaniya dahil ayoko na maging sakit sa ulo niya. Lalo na at alam ko na walang tatay na sumusustento sa akin, kaya sagot ni Mama ang lahat ng gastos para sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi na dapat ako umiiyak. Matanda na ako. I'm already twenty-three years old. Dapat nga may naitutulong na ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi inaasahan na may K-12 curriculum pa kaya nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ko. E 'di sana ay noon pa ako grumaduate at nagtatrabaho na sana ako noon pa. Hindi na dapat ako maging mahina ngayon. Umalis na ako roon. Kailangan ko nang kayanin na mag-isa simula ngayon. Ilang beses na sa aking pinamukha ni Mama na ayaw na niya akong makasama pa. Ni pagmamahal ay wala akong naramdaman sa kaniya... Nag-check in na lang muna ako sa isang hotel. Mabuti na lang at mura lang dito. Ang isang araw ay 300 pesos lang. Ipapanalangin ko na lang na matanggap ako sa final interview bukas. Para magkaroon na agad ako ng trabaho. Maghahanap na rin ako ng apartment bukas. Ang mga damit ko ay naiwan sa bahay namin... May susi pa ako ng bahay namin kaya habang wala si Mama ay bumalik ako roon at kinuha ang mga damit ko. Dinala ko 'yon sa hotel na napag-check-in ko. Umiiyak ako sa hotel. Ni wala akong gana kumain, lalo na at kailangan kong magtipid. Nakakapanghina ang nangyari ngayon. Pero kailangan kong mag-adjust sa panibagong yugto ng buhay ko ngayon. Maybe I will be happy too, without my Mom. Hindi naman sobrang hirap ng naging buhay ko. Kahit papaano ay masaya ako noon na may magulang ako. Kahit 'di ko ramdam na mahal ako ni Mama. Naisip ko na maswerte pa rin ako dahil may nagpapaaral at nagpapakain pa sa akin. But now that I think about all of it... sobrang lungkot ng naging takbo ng buhay ko mula noon at hanggang ngayon. Ni hindi ko nga naranasan na makipaglaro sa labas noong bata ako. Halos nakakulong lang ako sa bahay namin. Pinipilit na maging mabait para walang ikagalit si Mama. Pero kahit gano'n ang mga nagawa ko noon ay ganito pa rin ang kinahinatnan ko. Hindi ko alam kung maaayos pa ba ang relasyon ko kay Mama. I hope Vista Company will hire me. I badly need a work right now. In that way, I will be able to survive in this lifetime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD