This is it. Lord, ibigay mo na po sana sa akin ang trabaho na ‘to. Kailangan na kailangan ko na po talaga ng pera, Lord. Kaya po sana ay makuha ko ang trabaho na ito.
Pumasok na ako sa loob ng malaking gusali na ‘to. Ikalawang beses ko na ang magpunta rito, pero manghang-mangha pa rin ako sa interior designs nito. Nag-research na rin ako tungkol sa Vista Company. Ang Vista Company ay nagmamay-ari ng mga resorts and hotels sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Hindi lang siya dito sa bansa mayroong mga negosyo at properties. Kundi marami pa sa ibang bansa. Kaya malaki rin ang kumpaniya na ‘to. Ni hindi ko lubos maisip na makakapasa pa ako hanggang sa final interview.
Dumeretso na ako sa lobby area kung saan naroon ang information area. May limang palapag lamang ang gusali na ‘to. Tapos ang designs sa baba ay puro litrato ng mga resorts and hotels nila. Nakita ko rin na puro 5-stars hotels and resorts ang meron sila, kaya malamang ay mamahalin talaga ang mga ‘yon. Marami silang mga business partners. Mostly kasi ay sa mga malalapit sa beach ang mga hotels nila. Tapos ang resorts naman ay sa iba’t-ibang bansa. Mayroon din silang mga guesthouse kung saan pinagsama na ang hotel at resort.
“Hello, Miss. Where should I go? I am one of the applicants who passed for the final interview for the secretary position,” sambit ko naman sa babae na nasa information area.
Ngumiti siya sa akin. “Please write your name here first and someone will assist you,” sagot naman niya sa akin.
Isinulat ko muna ang pangalan ko sa log book at nang matapos ay agad niyang tinawag ang isang lalaki para samahan ako papunta sa mga iba pang aplikante na nakapasa. Nag-elevator kami at huminto kami sa huling palapag, ang fifth floor.
Nang makalabas kami ay dalawang opisina lamang ang naroon. Tahimik ang paligid. Kumatok ang lalaki na kasama ko sa isang opisina. Bago pa siya pumasok sa loob ay pinigilan ko ang lalaki. "Wait, Sir. Where are the other applicants?" nagtataka naman na tanong ko sa kaniya.
"You will know it once you get inside," sagot naman sa akin ng lalaki.
Kumabog naman ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. "Come in," sagot ng isang lalaki na nasa loob gamit ang malalim na boses niya.
Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa kaniyang office chair. Nakatalikod pa siya sa amin. Tanging ang malaking likuran niya lang ang nakikita ko ngayon. Nabasa ko ang nakalagay na titolo sa harapan ng lamesa niya at nanglaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakalagay.
CEO Ethan Grayson
Oh my gosh! He is the CEO of this company?! I am going to meet him now!
Mas lalong lumala ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil nalaman ko na ang CEO na mismo ang makakausap ko. Talagang hindi ko inaasahan na siya pa yata ang magi-interview sa akin. Akala ko kasi ay mga employees lang din ang magi-interview ulit sa amin.
"Mr. Grayson, this is one of the applicants who passed the initial interview."
"Leave us now," utos naman ng CEO.
Umalis na ang lalaki at naiwan kaming dalawa ng CEO sa tahimik na opisina niya na ito. Simple at elegante tingnan ang loob ng opisina niya. Malawak din ito. Mas malaki pa nga ang opisina niya kaysa sa kwarto ko sa bahay. Kung pagsasamahin yata ay kasing laki ng opisina niya ang kwarto namin ni Mama at ang salas ng bahay namin.
"Good morning, Sir. I am Pyper Liora and I applied in the position of secretary," pakilala ko naman sa sarili ko.
Tuluyan na siyang humarap sa akin nang marinig na niya ang pakilala ko. Muntik nang manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang itsura niya!
SHET! Sobrang gwapo naman ng CEO na ito!
Ang iniisip ko noon ay hindi naman totoo ang mga sobrang gwapo ng CEO. Naisip ko pa dati na baka sinasabi lang nila na gwapo ang mga CEO ay dahil sa yaman nila. Pero hindi pa naman ako nakakakita ng CEO sa personal, ngayon lang. Kaya nagulat ako nang makita ko ang itsura niya na hindi ko inaasahan na ganito kagwapo.
Ay, Lord! Gaganahan na yata ako na magtrabaho ng sobra araw-araw kapag natanggap ako sa kumpaniya na ito. Kaya sana ay ibigay mo na sa akin 'to!
Sinuri niya ang kabuuan ko. Para tuloy tumatagos ang tingin niya hanggang sa kaluluwa ko. Nakatayo lang ako ng deretso sa harapan niya ngayon. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko dahil tapos na ako na magpakilala. Tinititigan ko rin naman ang itsura niya ngayon. Tinitingnan ko rin ang reaksyon niya habang sinusuri niya ako.
Ang perfect ng shape ng mukha niya. Ang puti pa niya tapos ang labi niya ay medyo heart-shaped at medyo mapula-pula. Sobrang tangos din ng ilong niya. Pero halata ko na wala siyang ibang lahi bukod sa Pinoy. Ang kilay niya ay medyo makapal, mas makapal pa nga kaysa sa kilay ko. Ang mga pilik-mata niya ay makapal din. Tapos medyo brown ang kaniyang mga mata kapag nasa liwanag. Overall, ang perfect ng mukha niya! Jawline pa nga lang niya ay tila ba nakakaakit na.
Ah, ano ba itong mga pinag-iisip ko? Ito kasi ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagwapo na lalaki. Sa totoo lang ay hindi naman ako palatingin sa itsura ng mga lalaki. Ni wala nga akong pakialam sa kanila mula pa noon. Ganoon ako kabait kay Mama. Pero masasabi ko na maganda naman ako. Kahit papaano ay marunong akong mag-ayos ng sarili ko. Hindi naman ako 'yong nerdy girl type. May kaunting landi naman ako sa pagkatao ko, kahit hindi ko pa nailalabas. Pero mukhang dito kay Mr. CEO ay mailalabas ko na!
"You're hired."
Nagulat ako nang marinig ang sinambit ni Mr. Grayson. "S-Sir? I'm already hired? Wala po ba kayong itatanong sa akin na kahit ano?" nagtataka pa na tanong ko sa kaniya. Dahil hindi ako makapaniwala na tinitigan niya lang ako, tapos hired na agad ako. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ako masaya na na-hired ako ngayon at agad-agad pa.
"If you don't want, I will hire somebody else--"
"Oh! No, no, Sir. I was just surprised that I am already hired," pigil ko agad sa kaniya.
Mukhang impatient si Mr. CEO, ah. Muntik pang maudlot ang pagkakatanggap ko rito sa trabaho. "You can start tomorrow. About your salary and your work, the former secretary will tell it to you tomorrow too. Anything else?"
"Wala na po, Mr. Grayson. I will start tomorrow. See you po and thank you so much for hiring me! I will do my best to keep my work done right."
Sinenyasan niya ako na lumabas na. Nagpasalamat na lang ulit ako at masayang lumabas sa opisina niya. Sakto naman na nakaabang sa akin ang isang magandang babae. Pero kakaiba ang reaksyon na nasa mukha niya. Inilingan naman niya ako na para bang may isang malaking problema.
"I don't know if I should congratulate you or what... Anyways, good luck on your job. It won't be easy like you think. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ka makakangiti ng ganiyan," kumento naman niya sa akin.
What does she meant by that?