LUSFTUL 4

1502 Words
Itinuturo sa akin ng babae ngayon ang mga dapat kong tandaan at gawin bilang sekretarya ni Mr. Grayson. Tinatandaan ko naman ang lahat ng 'yon. Nagsusulat na rin ako sa notes ko para sigurado na hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga bilin niya sa akin. Siya pala ang dating sekretarya ni Mr. Grayson. Hindi ko naman siya matanong kung ano ang ibig niyang sabihins sa sinabi niya sa akin kanina. Nahihiya rin ako na tanungin ang pangalan niya. Napansin ko lang na siya ang dating sekretarya. Ano kaya ang dahilan kung bakit nag-resign na siya ngayon sa trabaho? "Ethan don't want coffee. He prefers juice. Hindi mo na siya kailangang tanungin kung ano ang gusto niya dahil dapat kada umaga pa lang ay nakahanda na ang lahat. Pagpasok niya sa opisina ay saka mo ibibigay sa kaniya ang breakfast niya. Because he's not eating in his house. Here is his menu for breakfast. For lunch, hindi mo na siya kailangang alukin dahil kadalasan naman ay mayroon siyang lunch with his business partners. Ah, take note that he's always mad. Sa una ay akala mo napakabait at amo ng mukha niya, but no. Pwede rin na magbago ang mga demands and wants niya. Magsasabi naman siya kapag may ayaw na siya. Kaya huwag ka nang magtaka kapag nagreklamo siya sa binigay mo. Ito na rin ang list ng mga hindi ko natapos na trabaho at ikaw na ang magtatapos." Marami pa siyang mga binilin sa akin. Ang isa pa na napansin ko ay ang pagtawag niya kay Mr. Grayson ng Ethan lamang, 'yon ay ang pangalan mismo ng CEO. Close ba sila? Siguro sa tagal na niya na nagtatrabaho bilang sekretarya ay naging close na silang dalawa. O 'di kaya ay tinatawag niya lang sa pangalan ang CEO dahil resigned naman na siya at hindi na siya magtatrabaho pang muli rito. "Iyon lang po ba ang mga kailangan ko na tandaan?" tanong ko naman sa kaniya nang matapos na niyang ihabilin sa akin ang lahat. Napairap siya ng bahagya sa akin, Masasabi ko na may ugali ang babae na ito. Pero nirerespeto ko naman siya. Hindi rin naman ako palaaway dahil nga lumaki ako na mabait na anak sa Mama ko. Kaya hindi ko alam kung paano ang mainis o magalit. Mahaba rin ang pasensya ko. Pero hindi naman ako tanga na hindi ako marunong makiramdam at hindi rin ako tanga-tangahan at ignorante sa mga bagay-bagay. "What's the use of taking notes and telling everything to you? Hindi naman ito ang pinakamagiging trabaho mo," sagot naman niya sa akin. "Pardon, Miss? Medyo hindi ko po kasi maintindihan ang ibig mong sabihin." "Sinasayang ko lang ang oras ko rito. Aalis na ako. Ikaw na ang bahala kung paano mo gagawin ang trabaho mo rito. In the end, si Ethan naman ang magsasabi sa 'yo ng mga dapat mo na gawin para sa kaniya... at hindi para sa kumpaniya na ito." I was left there and too stunned to even speak. Hinayaan ko na lang siya na makaalis. Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat ko pa na isagot sa kaniya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ano ba ang ibig niyang iparating sa akin? Ay, ewan! Hindi ko na lang iisipin ang mga sinabi niya na 'yon. Hindi kaya ay tinanggalan siya mismo ng trabaho ng CEO, kaya siya bitter? Posible rin na dahilan 'yon! Mukhang hindi naman siya nag-resign ng kusa. Kasi sa napansin ko ay parang may galit siya sa CEO, dahil siguro masama ang loob niya na tinanggal siya sa trabaho! Well, hindi ko na kasalanan kung ako ang napili na papalit sa kaniya. Gagawin ko na lang ang lahat para magtagal ako sa trabaho na ito at hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito. Umalis na ako sa kumpaniya dahil bukas pa naman ang simula ko sa trabaho. May sampung libo pa naman ako na natitira rito sa wallet ko. 'Yon na lang ang tanging ipon na natira sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na ngayon ko siya magagamit? Kumain muna ako ng lunch sa karinderya na nakita ko habang naglalakad ako. Hindi pa naman ako sobrang nakakalayo sa kumpaniya. Naghahanap na rin kasi ako ngayon ng apartment na matitirahan ko. Mas maganda 'yong malapit-lapit lang sa pagtatrabahoan ko para mas makatipid ako sa pamasahe dahil walking distance na lang. Lalo na ta kailangan ko pang tipirin ang sampung libo ko na ito hanggang sa susunod na buwan. Dahil hindi naman ako sasahod agad-agad ngayon. Masarap din ang pagkain dito sa karinderya. Mabait din ang tindera. "Ate, tanong ko lang po kung may alam po ba kayo na malapit na bed spacer dito o apartment for rent?" tanong ko naman sa nagtitinda. "Naku, marami riyan sa tabi-tabi. Maglakad ka lang at makikita mo ang mga poster d'yan na may bed space for rent o 'di kaya ay aparment." Natuwa naman ako nang marinig ko ang sinabi niya na 'yon. "Wow. Salamat po!" "Pero kung ako sa 'yo ay mag-apartment ka na lang para ikaw lang mismo ang titira. Marami kasi akong naririnig na balita na ang dami na raw nananakawan d'yan sa mga bed space. Dahil iba-iba at hindi naman magkakakilala ang nakatira. Hindi ligtas sa gano'n. Aanhin mo ang mura kung mananakawan ka lang din naman at hindi rin ligtas." Napaisip naman ako sa sinabi ng tindera. Mas mura nga kapag bed space, 'yon nga lang ay may kasama kang ibang mga tao sa bahay na 'yon. Kasama mo pa sa mismong isang kwarto lang. Hindi rin pwede ang maraming gamit sa ganoon. Kapag naman apartment ay medyo may kamahalan, pero solo ko ang buong bahay. 'Yong maliit na lang ang hahanapin ko. Kailangan ko na kasi na makahanap agad dahil hindi naman pwede na sa hotel lang ako mag-stay. Hindi ako pwedeng magtagal doon dahil mas mapapamahal lang ang babayaran ko. Nagpasalamat naman ako sa tindera at nagsimula nang maglakad. Ang init ng panahon pero kailangan kong tiisin. Nakakita ako ng isang sign na may nakalagay na 'Apartment for Rent' at may contact number doon. Tinawagan ko naman 'yon at agad na may sumagot sa akin. Nang makausap ko na siya ay pinapunta niya ako sa hindi naman kalayuan, saka ko nakita ang bahay na for rent. Maliit lang ang bahay na 'yon at saktong-sakto para sa akin. Nakaabang na agad doon ang isang matandang babae. "Magandang hapon po. Ako po 'yong tumawag sa 'yo kanina," pakilala ko naman sa sarili ko. "Pasok ka, Hija. Ikaw lang ba ang mag-isa na balak tumira rito o may kasama ka?" tanong naman niya sa akin habang papasok kami sa loob ng bahay. "Ah, ako lang po." "Tingnan mo muna ang kabuuan ng bahay at sabihan mo ako kapag okay ka na rito. Mayroon na ring kama sa kwarto at maliit na ref. Hindi ko na inalis para may magamit ang mga tenant ko. Maliit lang ito at sakto sa 'yo. Dalawang kwarto, isang banyo, kusina, at salas." Nilibot ko naman ang isang palapag na bahay. May mga kapitbahay din ako at parang isang compound yata ito. Pero hindi naman dikit-dikit ang mga bahay. May isang gate lang na kailangang pasukan bago makita ang mga bahay na ito. Maganda rin ang interior design. Pati ang tiles ay maganda at malinis. Ang kama naman ay kailangan na lang lagyan ng bedsheet, pero walang mga unan pa. "Okay na po ito sa akin. Magkano po kaya ang renta kada buwan?" tanong ko naman sa kaniya. "4500, neng. Kasama na rin ang tubig doon. Tapos ang kuryente mo ay kada buwan din na dadalhin dito." Ang mura na ng 4500! Pero hindi ko alam kung mura ba o sadyang wala lang akong alam sa presyuhan dahil ito lang naman ang unang beses ko na naghanap ng matitirahan ko. "Kailangan po ba na magbigay na ako ng bayad ngayon?" tanong ko muli sa kaniya. "Advance lang muna ang kailangan mo na ibigay sa akin. Papipirmahan din kita sa kontrata. Sigurado ka ba na ayos ka na rito?" Pumayag na ako. Ang sampung libo ko ay mababawasan na ng 4500 ngayon. Nagawan na niya ako ng kontrata at pinirmahan ko na 'yon. Sinabihan niya ako na pwede na rin naman akong lumipat ngayong araw kung kaya ko na. Kaya naman ay agad ko nang kinuha ang mga gamit ko sa hotel at inilipat sa apartment ko. Naisipan ko na rin na bumili ng mga mumurahing gamit pangluto, ingredients, at mga damit na gagamitin ko sa trabaho ko simula bukas. Pati na rin ang makeup na mumurahin ay bumili na ako. Bedsheet at mga unan ay nabili ko na rin. 'Yon lang naman ang mga kailangan ko muna na mabili sa ngayon. Isang libo na lang ang natira sa pera ko. 'Yon na lang ang kailangan ko na tipirin sa loob ng isang buwan bago ako sumahod sa trabaho ko. Kayanin ko na kaya ang mabuhay ng mag-isa ngayon? Malalagpasan ko kaya ang pagsubok na ito sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD