“Good morning po!”
“Good morning, Ma’am!”
“Good morning po, Sir. Have a nice day ahead.”
“Good morni—”
“Who are you?”
Ang dami ko nang binabati na mga empleyado rito sa kumpaniya. Halos lahat ng makakasalubong at madadaanan ko ay binabati ko. Pero ni isa ay walang bumabati sa akin pabalik. Tinitingnan lang nila ako sandali at tila ba ay wala silang pakialam sa akin. Inisip ko na nga lang na baka sobrang abala lang nila sa kani-kanilang mga trabaho, kaya hindi na nila ako nagagawang pansinin. Ang iba nga ay hindi man lang lumilingon sa akin.
Itong isang babae na may kaliitan pero taas na taas ang isang kilay sa akin ay binati ko, ngunit agad din niya akong pinutol sa pagsasalita.
Nginitian ko naman siya ng todo. Hindi ko pa naman kilala ang mga empleyado rito. Paano pala kung ang nakakasalubong ko na pala ay mga matataas ang posisyon dito sa kumpaniya? Baka isipin pa na ‘di ako marunong bumati at magbigay ng respeto.
“Good morning, Ma’am. I am Pyper Liora, the new secretary of Mr. Grayson,” pakilala ko naman sa sarili ko.
Tiningnan niya ako mula ulo at hanggang paa ko. Para bang kinikilatis na niya ang buong pagkatao ko. Nanatili lang ako na nakatingin sa kaniya at nakaharap.
“What do you think you’re doing?” tanong niya sa akin bigla.
Nagtaka naman ako kung ano ang ibig niyang sabihin sa tanong niya na ‘yon. “What do you mean, Ma’am?” nakangiti pa na tanong ko rin sa kaniya pabalik.
“You’re so loud. Are you dense? Hindi ka ba nakakaramdam na kanina pa naiingayan ang mga tao sa ‘yo rito? Bakit hindi ka na lang umakyat sa opisina mo mismo and just stay there for hours? Kaysa nag-iingay ka rito! Ang aga-aga, nakakabwisit,” reklamo niya agad sa akin na ikinagulat ko.
“Is it wrong for me to greet the employees, Ma’am? I just want to know if I offend someone or something. I apologize for that. This is my first day in work—”
“Enough! Enough! I don’t care. We don’t care. So shut up and just go to your office and do your job properly. Malapit nang pumasok si Mr. Grayson, pero wala ka pa ring naihahanda para sa kaniya.”
Hindi na niya hinintay pa na sumagot ako at agad na siyang umalis sa harapan ko. Napatingin naman ako sa paligid ko at nagtitinginan na sa akin ang mga empleyado. There’s something wrong in this place. May something fishy sa ikinikilos ng mga empleyado rito. Ano ba ang mayroon na hindi ko naman alam? Galit ba sila sa akin kahit ito naman ang unang beses na nakita nila ako at nakita ko sila? O baka naman may galit sila kasi pinalitan ko na ang dating sekretarya? Close niya ba ang mga ‘to?
Imbis na mag-isip pa roon ay agad na akong sumakay sa elevator. May nakasabay naman ako roon na isang babae. Hindi ko na binalak pa na batiin siya. Baka pati siya ay magalit pa sa akin o hindi pa matuwa na binati ko siya. Hindi ko naman akalain na sensitive pala ang mga tao sa kumpaniya na ‘to.
“Good morning. I am Natasha,” sambit bigla ng babae na katabi ko ngayon.
Medyo nagulat pa ako nang marinig ko na binati niya ako at nagpakilala pa siy sa akin. Napatingin ako sa kaniya at ang ganda niya. Nakangiti siya sa akin ngayon. ‘Yong ngiti na mahahalata mo na walang halong plastik.
“A-Ah… Good morning po. I am Pyper,” nahihiya naman na pakilala ko sa kaniya. Kung kanina ay ako ang walang hiya, ngayon naman nahihiya na ako.
“Don’t be shy. And also, ‘wag mo na ring pansinin ang mga employees sa ground. Insecure lang naman sila sa ‘yo. Lalo na ‘yon si Aurora. Feeling superior ‘yon, pero wala naman talaga siya sa lugar para pagsalitaan ka ng gano’n kanina at ipahiya pa sa harapan ng mga empleyado.”
“Okay lang naman po sa akin. Unang araw ko din po kasi rito ngayon, kaya wala pa akong alam sa mga dapat kong ikilos at sa mga hindi ko dapat na gawin. At least ngayon po ay alam ko nang ayaw nila na binabati ko sila,” sagot ko naman sa kaniya.
Sa ngayon ay mahirap magtiwala sa babae na ‘to. Mukha siyang anghel, pero baka mamaya ay may tinatago pala siyang demonyo sa likod ng maamo niyang mukha. Baka sa oras na may masabi ako na hindi maganda tungkol sa ibang tao, ay ipagsabi niya. Mayroon kasing gano’n na klase ng tao. ‘Yong magkukunwari na kakampi mo, pero ‘yon pala ay espiya lang siya para mahanapan o magawan ka ng butas laban sa ‘yo.
“Just ignore them. Lalo na at araw-araw mong mae-encounter ang gano’ng klase ng trato. Kaya good luck sa ‘yo. Hindi ko alam kung tatagal ka sa kumpaniya na ito. But, hopefully…”
Nang dahil sa sinabi niya na ‘yon ay hindi ko na maiwasan ang makuryoso. Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Bully ba ang mga empleyado rito? Ano ang magiging dahilan para hindi ako magtagal dito?
“May I know po kung ano ang dahilan kung bakit insecure sila sa akin? Ito po ang unang beses na nakita nila ako…”
“Maybe because you became the CEO’s secretary. Oh, I think you don’t remember me. Ako ‘yong nasa front desk sa ground na kinausap mo kahapon. Kaya alam ko na ikaw ‘yong tinext ko na for final interview.”
Bigla ay naalala ko na kung sino siya. Oo nga! Siya lang ang mabait na bumati sa akin kahapon at siya lang din ang ngumiti sa akin no’n. Hanggang ngayon ay mukhang mabait pa rin siya sa akin. Pero saka ko na siya pagkakatiwalaan kapag matagal ko na talaga siyang kilala. Mahirap ang magtiwala sa mga katrabaho. Kahit ito ang unang beses ko, kailangan talaga ay mag-isip ng ayos at ‘wag padalos-dalos.
“Oh, I see. I remember you now po. But what’s the issue if I became the CEO’s secretary? Hindi ko naman po kasalanan na na-hired ako ng CEO mismo.”
“That’s the case, Pyper… You were hired by the CEO himself. You were picked by him. Marami na ang matagal na nagtatrabaho rito at gustong-gustong maging sekretarya ng CEO. I don’t know why. May issues lang na kumakalat noon na kakaiba raw ang trabaho ng sekretarya ng CEO. Lalo na at sobrang gwapo ni Mr. Grayson. ‘Yon lang ang nababalitaan ko. Hindi ko alam kung totoo. It doesn’t make any sense na may kakaiba pang trabaho ang isang sekretarya ng CEO ng kumpaniya. Pero malalaman mo rin naman ‘yon since you became his new secretary,” paliwanag naman niya sa akin.
Nagpaalam na siya sa akin dahil nauna siyang lumabas sa elevator. Ako naman ay pataas pa. Naiwan ako na mag-isa sa elevator at napapaisip na dahil sa mga sinabi niya sa akin.
What if ‘yon ang dahilan kung bakit medyo suspicious din ang mga sinasabi sa akin kahapon ng dating sekretarya?
Ano ang kakaibang trabaho ng posisyon na mayroon ako?