[ETHAN GRAYSON'S P.O.V.] "H-Huh?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil hindi rin naman ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin. Just a minute ago ay hindi siya payag sa alok ko sa kaniya at pinakita niya sa akin na kahit na ano pa ang ialok ko sa kaniya ay hinding-hindi siya papayag. Pero bakit ngayon... ay bigla niya akong gugulatin sa salita niya. "Hindi na ba pwedeng bawiin ang sagot ko sa 'yo kanina?" tanong pa niya sa akin. Kaya naman ay natauhan ako at medyo napakamot pa sa ulo ko. "W-Wait, Pyper. Mukhang nabibigla ka lang sa mga sinasabi mo sa akin ngayon at hindi ka pa talaga nakakapag-isip ng ayos," sagot ko naman sa kaniya. Look how I reacted! Kanina ay pinipilit ko siya na pumayag sa alok ko. Tapos ngayon naman na pumayag siya ay ayaw ko pang tanggapin.

