[PYPER LIORA’S P.O.V.] Nakabalik na kami sa Pinas. Nagulat pa ako nang bigyan ako ni Ethan ng isang araw para magpahinga. Sa isang araw na ibinigay niya ay nakatanga lang ako sa condo unit ko. Nakahiga lang sa kama nang magdamag habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko buong araw kung ano ba ang katangahan na mga nasabi ko noong gabi na nag-away kami ni Mama sa phone. Ang unang katangahan ko ay nangako ako kay Mama na magbibigay ako sa kaniya ng pera pangbayad sa mga nagastos niya sa akin mula noong ipinanganak niya ako. Kaya naman hanggang ngayon ay hinahanap niya ako at inaalam niya kung nasaan na ako. Kinukulit niya rin ako na tawagan at i-chat sa social media account ko. Naka-restrict na siya sa akin kaya ‘di niya makikita na nababasa ko pa rin ang mga chat niya. Hindi ko alam kung

