VALERIE HERA “Let me go.” Sabay tulak ko sa lalaking yumakap sa ‘kin matapos niya akong tawagin sa pangalang Phoenix na hindi naman pamilyar sa pandinig ko. “Sorry. You got the wrong person.” Mataman ko siyang tiningnan sa mata. “I’m not Phoenix. I’m Valerie. Valerie Hera.” Tatalikod na sana akong muli but he grabbed my wrist again and made me face him. “No, Phoenix. Alam kong nakikipagbiruan ka lang sa ‘kin ngayon.” Hindi niya rin inalis ang pagkatitig niya sa akin at bahagya pang namumula ang mga mata niya na parang maiiyak anomang oras. “Please, tama na. Uuwi ka kasama ako. Sa bahay natin.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba s’ya? “Akala ko sa France lang maraming siraulo. Sa Pilipinas din pala…” Napailing pa ako at saka ko pilit na inalis ang kamay niyan

