HINDI na naman napigilan ni Valeen na mapakunot ng noo nang makita na namang may nakasabit na isang stargazer sa locker niya. Wala talaga siyang ka-idi-ideya kung sino ang naglalagay niyon sa locker niya. Wala naman kasi siyang maisip na pwedeng maglagay niyon? Inisip na lang niya na baka may magti-trip sa kanya. Hindi lang kasi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng bulaklak na nakasabit sa locker niya. Halos apat na beses na. Kinuha na lang naman ni Valeen ang nasabing bulaklak at pinasok niya iyon sa loob ng locker niya. Nando'n pa nga sa loob iyong ibang stargazer na natatanggap niya nitong nakaraang araw. Natuyot na nga ang mga iyon sa loob. Inilagay naman na niya sa loob ang hawak na libro at kinuha niya ang mga natuyot na bulaklak para itapon ang mga iyon sa basurahan. Pagk

