“TELL me something about yourself, Valeen?” Napatigil si Valeen sa binabasang libro ng marinig niya ang tanong na iyon ni Red. "Ha?" Pinagdikit niya ang mga labi nang makita niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi habang nakatingin ito sa kanya. "I want to know you more. So, tell me something about yourself," ulit na wika nito sa kanya. "Oh," sambit naman niya. Tinaasan naman siya ni Red ng isang kilay ng hindi pa siya nagsasalita. Nasa brickyard sila ni Red sa sandaling iyon. Sa library sana siya pupunta para magbasa ng break nila pero no’ng pagdating niya do'n ay halos puno na ng estudyante kaya sa brickyard ng Universidad na lang siya pumunta. Mabuti na lang at mangilan-ngilan lang ang mga estudyanteng naroon. At habang abala si Valeen sa pagbabasa sa kanyang

