Napahinto ako nang naramdaman kong nakahawak si Sir JL sa aking paa. “At sa ti—ngin mo ay maka—katakas ka sa akin?” Pautal niya pang sabi. Unti-unti akong tumingi sa kaniya. At habang nagagalit ako ay biglang awa naman ang bumalot sa akin nang masilayan ko na napapakagat labi ito sa sakit na aking ginawa. “Umuwi na lang po kayo.” “Hin—di!” Pagpupumilit niya pa. Panay galaw ko sa kanang paa ko na kaniyang hinahawakan. “Bitiw na po.” Pagsusumamo ko pa. “Ayaw.” Singhal niya na may sakit. “Sabi na bitiw eh.” Pagpupumilit ko pa. “Ayaw,” pag-uulit pa nito. Diinan ko pang sabi na ipinakita ko sa pagmumukha ni Sir JL na naiinis na ako. “Ayaw mo talaga?” Para siyang pusang naumpog na agad iniwas ang kaniyang kamay at napahawak sa kaniya. Ngumiti ako na kitang-kita niya habang sa sahig ito.

