Dumating ako sa mesang palagi kong inuupuan. Ngumingiti sa akin si Gretha habang papunta ako sa kaniya. Nang tumabi na ako ay agad siyang nagtanong, “malaki yung sahod ko ngayon, sa iyo rin ba?” Pangungusisa niya pa. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na yung sahod ko sa labing-limang araw ay pang-isang gabing pamamalagi sa isang silid ng resort? Ngumiti ako na hindi nahahalata yung pagpapanggap. “Malaki rin!” Agad na tumayo at ipinakita kay Gretha na giliw na giliw ako para hindi siya nagtataka. “Bakit ka sumasayaw?” Pagpapansin niya sa akin. “Mukha kang ewan!” Napatigil ako at napansin kong tinititigan ako ng aking mga kasama. Agad na akong bumalik sa pagkakaupo. Nakakaramdam nang hiya pati na sa pagbulong sa akin ni Gretha, “huwag kang mag-aalala ganiyan na ganiyan rin ang pakiramdam ko

