Kabanata 1: Kontrata- Honey

1570 Words
Dumating kaming tatlo sa magarang bahay bakasyunan ng aming Dad. Sa isang malaking sofa na nakaharap sa parating inuupuan ng aming Ama ay naghihintay kami na kung saan kasama ko si Lovely at Sweet… kami ang mga tagapagmana ng Lim. Kaming tatlo ay may kani-kanilang pananaw sa buhay at katangian na siyang nagpapaiba sa isa’t isa. Hinubad ni Sweet ang suot nitong sunglasses. “Ano kaya ang dahilan ni Dad para ipatawag tayo dito?” Ang pagtataka niya ay napapansin rin namin na kaniyang mga kapatid. Hinubad naman ni Lovely ang suot nitong overshirt in embroidered felt- valentino na jacket. “Magkano iyan Ate?” Tanong naman ng kapatid kong si Sweet. Nilapag naman ng mabuti ni Lovely ang kaninang suot nitong jacket at sinagot ang tanong ng kaniyang kapatid. “Nine-thousand.” “Ah, nine-thousand.” Pag-uulit ko pa. Pangiting sabi ni Lovely nang sumandal ito sa sofang inuupuan nila, “nine-thousand dollars.” “Dapat alam mong magtipid Lovely.” Pangaral ko sa aking kapatid. Sumbat naman ni Sweet na aming nakakabatang kapatid, “it was a good investment.” Kumindat naman si Lovely sa sinabi ko. “tama. Eh kasi si Ate Honey walang style.” Pinagtulungan naman ng dalawa ako, na bilang nakakatandang kapatid nila. “If your life is so boring, huwag kami Ate.” Dagdag pa ni Sweet. Pinili ko na tumahimik kaysa magsumbatan sa mga kapatid ko. At bigla namang napasigaw si Sweet nang mabasa nito ang isang mensahe na mula sa kaniyang hawak na cellphone. “Ano ba ang sinisigaw mo diyan!” Rinding sabi ni Lovely na katabi naman nito. Lumapit si Sweet sa bintana at hinawi ang kurtina, “I knew it! I knew it!” Singhal niya. Kunot noong tugon ko naman, “ano ang ibig mong sabihin.” Kinuha naman ni Lovely ang cellphone ng aming kapatid. “Oh my gosh!” sabay takip nito ng kaniyang mga labi. “Ano kasi ang nangyayari?” Pangungulit ko. Pilit namang kinalma ni Sweet ang sarili nito at nagsabi pa, “kahit ano pa ang gustong mangyari ni Dad. Hindi tayo magpapatinag!” Nanginginig ang kamao niya sa gigil. Dagdag pa ni Lovely, “huwag tayo papayag!” Kagat labi niyang sabi. Makalipas ang ilang minuto… Tanong ng aming Dad, “ano gagawin niyo ba?” Sabay na tugon nina Lovely at Sweet, “opo.” Bulong ko naman sa kanila, “akala ko kanina hindi kayo magpapatinag kay Dad?” Tinitigan naman ako ng mga kapatid ko. “Tumahimik ka nga.” Diinang sumbat sa akin ni Sweet na naiinis. Halata sa pagmumukha ng dalawa na hindi ito sangayon sa ipapagawa ng aming Dad, ganoon pa man ay wala na silang magagawa. Inulit ko naman ang sinabi sa kanila, “Dad sumasangayon kami sa gusto mong maging staff, janitress at secretary sa mismong kumpanya niyo. But we need an assurance—“ Napatingin naman sa amin si Dad, “what do you mean?” pakunot noong tanong nito habang nakapako ang mga tingin sa akin. Nilinaw ko naman ang aking mga salita. “What I mean is—“ Biglang sumumbat naman ang nakakabatang kapatid nko na si Sweet, “what she means Dad is matatapos rin ang aming pagpapanggap.” Dagdag pa ni Lovely habang inayos ang pagkakaupo nito. “Yes, I agree to that. Hindi po pwedeng hindi ito matatapos.” Paglilinaw pa nito. “Lahat nang pagpapanggap ay may katapusan. Ganoon yun.” Ngumiti pa ito. Tumango ang aming Dad habang nilalaro ang hawak nitong panulat. “Ofcourse, sino ba ang mag-handle ng assets natin kung habang buhay kayong magpapanggap diba?” Diinang sabi naming tatlo. “Dad!” Yung mukha nila ay hindi mapalagay. Tumawa pa si Dad, “malinaw na ang sinabi ko kanina kung ano ang gagawin niyo diba?” Hinayaan niyang magsalita kami nang matapos niyang magsabi. “Yes, I will be the staff po.” Malumanay na tugon ko. Nakasimangot naman si Lovely pero nagsalita rin ito matapos kong magsabi. “If I have the chance to change po—“ dinilatan naman siya ni Dad nito. At tinuloy ang kaniyang pagsasalita, “yes Dad, I will be the janitress. Bakit pa kasi janitress!” Tuwang sabi naman ni Sweet na pinakabata sa aming tatlo. “Being the secretary is fine to me na po.” Pangaasar naman niya sa dalawa aming magkakapatid. “Mas mainam na po iyon kaysa maging staff at janitress.” Dinig ng dalawa niyang Ate ang bungisngis nito. Inilabas naman ng kanilang Dad ang tatlong envelop na may kaniya-kaniyang pangalan ng tatlo. Sa paglapag nito ay napatingin naman ang tatlo. Iniangat naman ni Sweet ang mukha nito na kung saan ay kitang-kita ng kaniyang Dad, “don’t tell me, na kailangan talaga ng kontrata Dad?” Sumandal ang Dad nito sabay katok sa mesa kung nasaan siya, “I do business, kaya kailangan ay sigurado.” “Ano?” Parang nagbago ang isip ni Lovely sa narinig nito. Kinuha ko naman ang papel at binasa nang maigi. Tanong naman ni Lovely, “huwag mong sabihin na pi-pirmahan mo ito Ate?” Sa paglingon nito ay nakita na niya na nilagdaan ko na ang naturang papel. “Ito po Dad.” Saad ko pagkabigay ko ng papel na binasa at pinermahan. Pangiting papuri ni Dad sa akin, “napakamasunurin mo namang anak, Honey.” Pagkadinig naman ni Lovely at Sweet ay nakaramdam sila na parang may pinapaburan ang Dad ng mga ito. Kaya hindi na nila binasa ang mga nakasulat sa papel at ginaya ang kanilang Ate na si Honey, “tapos na rin kami Dad.” Pagpapaunahan pa ng dalawa. Tumingin naman ako sa kanila, “hindi niyo naman binasa yung nilagdaan niyo.” Sumbat ni Sweet, “we trust you Ate.” Dagdag pa ni Lovely, “alam naming hindi ka pi-pirma kung hindi ka sigurado sa iyong nilalagdaan.” Pagbibiro ko pa, “hindi natin alam kung mas matagal iyong pagpapanggap niyo kasya sa akin.” Kinuha ulit ng dalawa yung ibinigay nilang papel at dali-daling binasa, “ate naman.” Namamawis si Sweet sa kakabasa. Binilingkis ko ang aking kamay at kinuha ang aking cellphone. Sa pagpipindot ko ay panay pagsasalita ko, “dalawang taon sa akin. Baka sa inyo apat? lima or higit pa.” Pigil na pigil ako sa aking tawa. Nang matapos na basahin ni Lovely, “magkapareho lang tayo, dalawang taon?” “Oo nga!” Diinang sabi ni Sweet. Humalakhak ako sa kakatawa, “ano ba? Binibiro ko lang kayong dalawa!” “Hindi nakakatawa ha!” inis na sabi ni Sweet at inilapag nang kay lakas ang kinuhang papel nito mula sa aming Dad. “Gayahin niyo kasi yung Ate niyo,” pangaral ni Dad sa kanila. “Paano ba iyan, bukas mag-uumpisa na kayo.” Itinago naman ni Dad ang mga papel na aming pinermahan at ibinigay sa lawyer na nakatayo sa gilid nito. “Itago mo iyan ng mabuti.” Habilin niya. “Masusunod po Mr. Lim.” Tugon naman ng Lawyer habang nilalagay ang tatlong envelop sa hawak nitong suit case. Sabi naming tatlo, “bukas po?” Sa pagtango ni Dad ay agad itong tumayo. Kinumpas ang kaniyang kamay na kung saan ay may tatlong lalaki na tumayo sa gilid naming tatlo. “Meron kayong fifty-thousand.” Kinuha ng mga lalaki ang aming mamahalin at designer bags. “Teka, teka! Dad kinuha nila yung bag namin!” Pilit namang kinuha ni Sweet ang bag nito sa isang lalaki. Hindi naman siya pinakinggan ni Dad na kung saan ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagsasalita. “Fifty-thousand para kayo ay magsimula.” Pangungusisa ko naman, ”ano ang ibigsabihin mo Dad?” “tama Dad, sabihin niyo na po!” sumbat ni Lovely na napapaisip na rin. “Hindi kayo maninirahan sa mansion, walang kotse at wala yung cellphone na hawak niyo.” Sa pag-iling ni Dad ay kinuha ang mga cellphone naming ng kaniyang mga tauhan. Tumayo naman si Sweet sabay sabing, “sobra na ito Dad!” Diinan niyang sabi na punong-puno nang inis. Mahinahong sabi naman ni Dad sa amin, “nabasa niyo naman ang kontrata diba?” “Nandoon.” Dagdag ko pa. Buntonghininga ni Sweet, umupo at napahawak sa batok nito. “Pambihira naman oh!” Nalilitong sabi naman ni Lovely, “parang nagsisisi na ako sa nilagdaan ko kanina.” Ibinigay sa amin ang perang nagkakahalagan ng fifty-thousand pesos bawat isa. “Ano naman ang mabibili ko sa fifty-thousand?” Pagre-reklamo pa ni Sweet. “Kahit ang pinakamurang gucci bag ay hindi ko mabibili sa perang ito.” Napatingin naman si Lovely sa perang hawak nito. “Ihahatid kayo bukas kung saan ay magsisimula kayo.” Pagpapaliwanag naman ni Dad sa amin. “Gaoon pa man kayo na ang bahala.” Paglilinaw naman ni Lovely, “itong pera rin ito ang gagamitin naming para sa tirahan? pagkain? At iba pa.” Tumango si Dad bilang tugon nito “Oh my gosh!” Hindi makapaniwalang reaksyon ni Sweet. Marahang sabi ko, “dalawang taon? Siguradong makakaya namin po ito!” Dagdag pa nina Sweet at Lovely, “sana magdilang anghel ka Ate.” Nang marinig iyon ni Dad ay agad na itong umalis na kung saan kaming tatlo ang naiwan at ang perang meron sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD