Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ibinaba na lang ng dryber ni Dad hindi kalayuan sa kompanyang pinagmamay-arian ng aming pamilya. Habang ako ay naglalakad at inumpisan ko naman ang pag-iisip sa kung paano ba ang magpapakilala. Lalo na dapat walang makakaalam na kung sino ako.
Nang duating na ako sa mismong harapan sa mahigit sa dalawangpung palapag na building ay naabulong ako, “ito na! Magsisimula ako dito.” Pangiti ko pang sabi habang inaayos ko ang suot kong fake eye glasses.
Habang papasok ako sa naturang building ay walang nakakamukha sa akin. Siguro dahil sa hindi magkakandaugaga ang mga tao kasi lunes at unang araw ng trabaho sa linggong ito. Nakaramdam ako nang lungkot habang ako ay naglalakad. Ganito pala ang pakiramdam kung walang nakakakilala sa iyo. At yung wala kang bodyguards na nakabuntot.
“Bilis bilis! Nakita ko si Sir sa car park!” Hingalong sabi ng babaeng agad na pumasok sa elevator.
Hindi pa rin ako umalis sa aking kinatatayuan at pinauna silang pumasok sa elevator. Hindi naman masama na maghintay. Nang ako na lang ang naiwan ay binalutan ang paligid nang katahimikan. Napaka-strekto naman nila pagdating sa oras. Nakasuot ako ng puting t-shirt , slocks at itim na sapatos. Tuwa naman ang naramdaman ko nang bumukas ang elevator at walang tao. Kaya dali-dali na akong pumasok at pinindot yung fifth floor.
Bago pa tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay kita ko ang kamay na pumigil at pumagit na, kaya bumukas ulit ito. Dinig ko ang sigaw niya, “labas!” yung isang salita na parang binasak ang eardrums ko. Nagkatitigan kami ng lalaking tumatayo sa labas ng elevator. Pag-uulit niya pa, “labas!” Kitang-kita ko kung paano siya mainis. Hindi ko parin siya sinunod kaya diinan niyang sabi sa pangatlong pagkakataon, “labas! Sabi na lumabas ka!”
Mahinahong sabi ko naman, “ang ingay mo.” Napatahimik siya. “We can share this elevator.” Pagdadahilan ko pa. Kita ko yung mga taong nasipaglabasan at nakatitig sa aming dalawa. “Ang laki mo ba, to occupy alone this elevator?” Yung inis ay parang kinakain siya.
“Hindi mo narinig yung sinabi ko.” Ipinasok naman nito ang kamay niya sa mamahaling slocks nito.
Inulit ko naman ang pinagsasabi niya, “ikaw yung hindi nakikinig. Hindi mo narinig yung sinabi ko.”
Biglang dumating ang mga kasamahan niya. “Miss umalis ka na.”
Namewang naman ako at nagpumilit. “Ayaw ko.” At iniwas ko ang tingin ko sa kanila.
Narinig ko na lang ang sinabi nito, “hayaan mo siya.” At biglang pumasok. Pinindot ang seventh floor saka sumara naman ang elevator. Isinalampak niya ako sa pader na kung saan ay nagkatitigan kaming dalawa. “Nagmamatigas ka pala!” Yung hininga niya ay nararamdaman ko. Kung hindi ako nagkakamali ay perfume niya black by Kenneth Cole. “Huwag mo akong titigan ng gaiyan!” Hindi siya nakapagpigil at sinuntok ang pader ng elevator.
“Ano ba ang pinuputok ng batok mo!” Sigaw ko sa kaniya.
Hindi pa rin siya uaalis sa pagkakaharap sa akin. “Hindi ito ang huling pagkikita natin, sisiguraduhin kong may kabayaran ang ginawa mo kanina.”
Pagdadahilan ko naman, “ano naman ang ginawa ko?”
Ngumiti siya, “ewan ko sa iyo.”
Bumukas ang pinto ng elevator at agad ko siyang tinulak papalayo. “Para kang ewan!” Sigaw ko sa kaniya. Nakatitig siya sa akin at nang unti-unting sumara ang pinto ng elevator ay agad kong binitawan ang salitang ngumiti ako. “Enggot!” Yung mga mata niya ay nanlaki at tumakbo papalapit sa akin pero huli na siya at tuluyag sumara ang pinto.
Parang nanalo ako sa isang international na palaro. “Ikaw baa ng bagong staff?” Tanong ng isang babae na lumapit sa akin.
Yumuko naman ako at binati siya, “opo ako po.” Sabay ngiti ko.
“Kung ganoon ay sumama ka sa akin, ikaw na lang ang hinihintay kasi ipapakilala kayo sa manager.” Pagsasabi pa nito. Hindi ako nagdalawang isip na sumama. Pagdating namin sa isang silid kung saan kami pumasok ay may dalawa ring babae na pareho an gaming suot na puting t-shirt. “Siya pala ang mga kasama mo.” Ngumiti rin sila sa akin.
Tumayo kami at naghintay sa sasabihin ng babae na sa tingin ko ay matagal na nagtrabaho dito. Kung hindi ako nagkakamali ay limang taon yung huling dalawa ko pa dito.
“Magpapakilala kayo at maging magalang.” Habilin pa ng babae sa amin habang umalis na kami at naglakad papunta sa naturang silid ng manager.
Pero habang papunta kami doon ay dinig ko ang bulungan ng dalawang babae na kasama ko. “Ang pogi ng ating boss!” Kita ko pa kung paano sila ngumiti at nakilig.
Dagdag pa ng isa, “hot niya! Kaso masungit.” Bigla silang nabahala.
Sa pagkwento nilang dalawa ay siya namang pagtingin ko sa paligid. Dinig ko pa ang sabi ng isang babae, “siya yung kanina!” Dinuro ako.
Hindi ko alam kung bakit nakatitig sila sa akin. Sabi pa ng isa, “palaban mo talaga!” Sabay kindat pa.
“Ano ba ang ibig sabihin nila?” Pangungusisa ng babaeng nakasalubong ko sa elevator.
Marahang sambit ko, “hindi ko rin po alam ma’am.”
Napatigil kami sa isang opisinang may pangalan sa gilid. Binasa ko iyon at kung hindi ako nagkakamali yung sinasabi nilang boss ay si, John Luis Ferrer. O sasabihin ko rin na magiging boss ko.
“Yung sinabi ko kanina, tandaan niyo iyon.” At agad na kaming iniwan nang sumama sa amin kanina.
“Sino ba unang haharap sa atin kay Boss John Luis?” Tanong ng isang babae.
Humawak naman ako sa maliit kong bag, “ah, panghuli na lang ako.” Sambit ko pa. At nangyari na rn yung pinakahinihintay ko. Naunang nagpakita sa Boss ang babaeng nagtanong kanina. Maya’t maya ay lumabas siyang nakangiti. Mukhang napakabait naman ng magiging boss ko. Sinundan siya ng pangalawa at makalipas ang ilang minuto ay ang ngiti niya ay abot langit. Napahawak ito sa kaniyang pisngi. Pagsasalita niya pa, “ang pogi niya talaga!”
Ipinikit ko ang aking mga mata at alam na alam kong maganda ang patutunguhan nang pagpapanggap kong ito. Yung dalawang babae ang saksi at lalo na sa mga ngiting meron sila ay matatapos ang araw na ito na may ngiti sa aking mga labi.
Sa pagbukas ko ng panibagong pinto ay may nakita akong lalaking nakatayo sa malaking bintana. Yung mesa niya ay may pangalan nito, wala namang gaanong gamit at ang pabango niya ay napakapamilyar. Nahihilig talaga ako sa mga pabango, parang alam ko kung kanino itong bango niya pero hindi ko matandaan kung kailan at saan.
Buti na lang at nakapagisip ako ng pangalan na malayo sa aking hangul name. habang unti-unti siyang humarap sa akin ay yumuko ako at agad siyang binati, “magandang umaga Sir John Luis Ferrer, ako po si Honey Lim.”
Dinig ko na lang yung sinabi niya, “hindi maganda yung araw ko.”
At nang inangat ko na ang aking mukha ay parang sinampal ako sa aking nakita. “Ikaw?” Sigaw ko sabay duro sa kaniya.
“Yes, it is me.” Parang binuhusan ako ng isang timbang yelo kita ko ang unti-unti niyang pagkapit sa akin. Tumigil siya mismo sa harapan ko isang dipa ang layo sa mismong kinatatayuan ko. Inilapit ang kaniyang mukha at sabay sabing, “I am John Luis Ferrer your boss.”
Hindi ko napigilan ang aking sarili, “the f*ck!” Sabay kagat labi ko.
“Minumura mo ba ako?” Dagdag niya pa, “gusto mong gawin ko iyan sa iyo?”
Bigla niyang hnawakan ang aking kamay patalikod at sinalampak ako sa mesa. Ramdam ko yung kaniyang pang-ilalim sa pagdiin niya sa bandang pwetan ko. “Huwag po Sir, huwag po.” Pagmamakaawa ko pa.