Ramdam ko ang kaniyang paninigas sa bandang pwetan ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sipain siya sa likuran.
“Akala mo ay madadaig ako sa sipa mong iyan?” Nanggagalaiting sabi niya.
Diniinan niya pa ang pagkasalampak sa akin sa mesang nasa harapan ko. Sumasakit naman ang mga dibdib ko sa lakas na kaniyang ginagawa. Sambit ko, “Sir, maawa na po kayo. Huwag po.”
Kita ko ang pangiti-ngiti niya sa repleksyon nito sa salaming hindi kalayuan sa akin. Panay naman diin-diin nito sa kaniyang pangilalim habang ako naman ay hindi komportable sa aking posesyon. “Sisingilin kita sa ngayon.” Yung tawa niya ay dinig na dinig ko.
Hindi ako magkandaugaga nang may boses akong narinig. “Sir JL?” Maganda ang pagkakataong ito para makatakas ako. “Sir JL!” Paghahanap pa sa kaniya.
Pagpupumiglas ko pa, “may naghahanap po sa iyo Sir.” Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya.
Dama ko yung paglapit niya sa kanang taenga ko habang nakasalampak ako sa mesang pinagmamayarian niya, “magpasalamat ka at may naghahanap sa akin ngayon.” Yung hininga niya ay naglalaro sa aking taenga na para akong inaangkin nang buong-buo.
Bago pa tuluyang pumasok ang babaeng naghahanap sa kaniya ay agad akong tumayo at lumakad sa gilid. “Sir JL!” Bati ng babaeng dumating. Napapabuntonghininga ako at salamat kasi hindi niya nakita yung kawalanghiyang ginawa ng Boss sa akin. Ang kumag na ito may araw ka talaga sa akin!
Inayos ko ang aking sarili at agad na akong umalis kahit hindi ako nakapagpaalam. Ano ba ang pinapasukan kong mundong ito? Unang araw pa lang ng trabaho ko ganito na agad? Ito na agad ang bungad ng mundo sa akin?
Is this life of an ordinary people? Kinawawa, iniinis at inaalipusta?
“May nangyari ba?” Tanong ng kasamahan kong naghihintay sa labas ng office ni Sir JL.
Napatingin ako sa kaniya at agad na tumanggi, “ah? Wala naman.”
Pagpapansin pa ng isa ko pang kasama. “Pawis na pawis ka, heto.” Sabay bigay niya ng tissue sa akin na agad ko namang kinuha.
Payuko ko namang sabi habang hawak ko ang tissue na bigay niya, “maraming salamat.” Itinago ko naman pagkatapos kong punasan ang aking pawis. Tama nga ang sinasabi nila, nakakahiya naman. Yung hawak kong tissue ay basang-basa.
“May pinagawa ba sa iyo si Sir JL?” Pangungusisa nila. Hindi ko alam sa kung ano baa ng sumasagi sa kanilang isipan. Pero panalangin ko ay hindi yung iniisip ko na rin.
Mas minabuti kong huwag na sabihin sa kanila. “Pawisin talaga ako.” Ngumiti-ngiti pa ako na parang ewan.
Habang naghihintay kami sa labas ay tamang-tama naman na lumabas yung boss naming si Sir JL. Siguradong sinisimulan niya na nainisin ako o ‘di kaya ay nainis niya na ako. Lalo na yung makapaghiganti siya sa akin mula sa bangayan at sagutan namin sa elevator.
Inaayos niya ang kaniyang suot habang nakatitig sa akin. Yung mga tingin niya ay tila huhubarin na ako nito kaya iniwas ko na ang pansin ko sa kaniya.
“So they are the newly hired staff.” Magiliw na pagsasalita ni Boss JL sa amin.
Sinagot naman siya ng isa sa mga nakakatandang staff sa amin, “opo Sir JL. Mag-uumpisa na po sila.”
“Sige, ikaw na ang bahala sa kanila.” Pagsasambit pa nito.
“Paano ba iyan mga girls.” Napatingin ako sa babaeng kumakausap sa amin. “Pagbutihan niyo ok?” Tumango kami na nakangiti.
Hindi ko pinansin si Sir JL na nakatayo sa gilid. Ako ang huling sumama sa mga kasamahan ko. Pero dinig ko ang bulong niya noong dumaan ako sa kaniyang gilid. “This will be your start.”
Nang marinig ko ang pagsabi niyang iyon ay parang tumindig ang balahibo ko. Agad akong tumigil at lumingon sa kaniya. Pero nakita ko na lang siya na kumakaway papalayo. Sambit ko, “nakakainis!”
Napahawak na lang ako sa bag na meron ako. Kung alam lang talaga ng lalaking iyon kung sino ako. Siguradong matutunaw siya sa hiya. Pero heto, hindi ko iyan kayang sabihin lalo na kahit kanino.
“Honey, hali ka na.” Paanyaya sa akin ng aking kasamahan.
Lumingon ako sabay ngiting sabi, “sige.”
Pinakilala kami sa aming mga kasamahan hanggang sa inalalayan ako patungo sa magiging mesa ko. “Dito ang iyong working table.” Sabay iwan niya sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. The table is around a meter by meter kalaki. Bulong ko pa sa aking sarili, “ano baa ng mailalagay ko sa maliit na mesang ito.” Hinawi ko naman yung index finger ko na kung saan ay maraming alikabok. “And it is dusty.” Pagsasambit ko pa.
Habang nililinisan ko ang magiging bagong comfort zone ko ay siya namang pagkausap ng aking katabi. “Hi!” Bati niya sa akin pagkaupo ko sa isang mumurahing upuan.
“Hello.” At ipinakita ko sa kaniya ang matamis kong ngiti.
“Isa ka sa mga baguhan.” I can feel that she is a nice person. Mukhang mabait itong katabi kong babae.
Pagkokomperma ko naman sa sinabi niya, “ah, oo.” Agad naman akong nagpakilala. “I am H—“ napaisip ako na huwag kop ala ibigay yung totoong pangalan ko. Inabot ko ang kanang kamay ko sa kaniya, “I am Honey Lim.”
“Alam mo, mga Lim din ang nagmamay-ari ng malaking building na ito.” Pagsasalita niya pa. I guess she is talking about my family. “Pero malabo na magkamaganak kayo. Kasi siguradong if you are related to them.” Pinili ko na lang na makinig. Dagdag niya pa, “siguradong hindi staff ang magiging posesyon mo dito.” Then she rolled her eyes.
Dad always said, na I am a nice person. But sometimes there is an exception to that… nice lang ako if nice rin ang tao sa akin.
“Pareho lang yata yung apelyedo namin.” At pinilit kong tumawa. Just to ease yung inis na nararamdaman ko. Pero napansin ko yung suot niyang apple watch. “You have a nice watch.”
“Ah, oo. Maganda diba?” Pag-iinggit niya sa akin.
She let me, na hawakan yung relo na meron siya. “It was fake?” Pagsasambit ko pa.
Sa halip na mainis siya sa sinabi ko ay agad niya akong binulungan. “Paano mo nalaman?” Do I need to tell her na lumaki ako sa mga branded items at alam ko yung bagay if fake or hindi? “Sagutin mo naman yung tanong ko.”
Binigay ko naman yung gusto niya, “hula ko lang.” At tumawa kaming dalawa.
“Ikaw ha!” At tiningnan niya yung relo na nasa kamay nito. Hindi na siya tumanggi sa halip ay umamin ito. “Huwag mong paalam sa iba na fake ito ha.” Tumango naman ako.
Bulong ko pa sa aking sarili, “so quits na kami.” I guess na asar ko siya. Well, there is nothing wrong of having fake stuffs kaya sabi ko pa. “Napahusga na naman ako at mali ito.” I poked her shoulder kaya tumingin siya sa akin. “Sorry.” Sabi ko.
“Sorry saan?” Kumunot yung noo niya.
“I should not judge sa gamit mo. Sorry.” Inulit ko pa yung last word na sinabi ko kanina.
“Ano k aba, ok lang iyon.” Pero bulong niya sa akin. “Huwag mo lang sabihin sa ibang tao.” Pangiting sabi niya nang nagkamayan kaming dalawa. “I am Gretha, nice to be your set-mate… Honey.”
Hindi ko akalain na yung mali na ginawa ko ay magiging tulay na maging kaibigan ko si Gretha.
Maya’t maya ay biglang lumabas si Sir JL sa kaniyang opisina. Kasama niya yung sekretarya at dalawang lalaki na bantay nito. Yung tahimik at walang imik ay nangyari hanggang sa tuluyan siyang lumayo.
Nagulantang na lang ako nang may sumigaw. “Wala na siya!” At biglang nasipagtayuan ang iba na may kasama pang sayaw.
Tinanong ko naman yung kakilala kong si Gretha. “Ano ang nangyayari?”
“Marami kang hindi alam kay Sir JL!” Pagbabanta niya sa akin.
Panay tingin ko sa paligid at inilapit ang sarili ko sa kaniya para kamig dalawa lang ang nakakarinig sa aming usapan. “Kailangan na ba akong matakot sa kaniya?”
Tumawa siya sa sinabi ko, “matatakot ka lang kapag kaharap mo siya. Kung wala naman si Sir JL sa paligid ay hayaan mo na!”
Lumapit naman ang isang babae na may katabaan. Ngumunguya ito ng bubblegum at tila may sasabihin ito. “Alam mo ba kung bakit tawag namin kay Sir JL is Sir JL?” Pinapalito ba ako ng mga taong ito?
Hindi na ako nag-isip at agad na sinagot yung sinasabi niya. “Ofcourse JL for John Luis.” Nasipaglapitan naman yung mga officemate ko nang marinig nila ang sinabi ko. “Mali ka.” Sambit ng babaeng ngumunguya ng bubblegum.
Hinawi ko naman yung buhok ko habang pinagpapaton ko ang ilan kong gamit sa mesa. “Bakit naman ako mali?” Gusto ko namang malinawan sa pagkakataong ito.
Amoy ko yung cotton candy flavor ng bubblegum na ningunguya niya nang biglang inilapit niya ang mukha nito sa akin. “Kilala siya dito bilang Jack All!” Sa pagsabi niyang iyon ay nasipagiwasan ng mga titig ang kasamahan ko.
“Jack All?” Inulit ko naman yung sinabi niya. “Bakit Jack All?” Napapisip naman ako sa pagkakataong ito.
Ngumiti siya mismo sa harapan ko sabay sambit, “tawag namin kay sir ay Jack All for Sir JL.” Tumango-tango naman ako na parang maamong tupa.
Biglang bumalik si Sir JL at nasipagpulasan ang lahat. Bumalik sa kanilang upuan. Tumigil si Sir JL sa mismong harapan ng kaniyang opisina. “Parang nakakita kayo ng multo?”
Hindi ko alam na ganito pala sa isang woking place ng isang ordinaryong tao. I guess ganito rin ang nangyayari kay Dad, when he was not around.
Hindi ko naman napigilang hindi mahalakhak na siya namang napansin ni Sir JL. “New Hire parang ang tuwa natin ngayon?”
Tumayo naman ako at sinagot siya. “May nalaman lang po ako ngayon Sir.” Pag-iibang topiko ko pa.
“I guess you can share it with us.” Sa pagsasalita niya ay agad namang tumingin yung nagsabi kanina sa akin.
“Sir I know po kung bakit Sir JL ang tawag nila sa iyo.”
Bigla siyang napaisip. Diinan niya pang sabi, “because that is the intial of my name.”
Daretshang sabi ko pa, “hindi mali po.”
Panay hawi ng babaeng ngumunguya ng bubble gum. Bakit kaya panay exis nito sa kaniyang mga kamay. “Sabihin mo na!” Sigaw ni Sir JL sa akin.
Tumango ako at ngumiti. “Kasi kilala kayong Sir Jack All!”
Kita ko kung paano namula ang kaniyang mga pisngi. “Miss Honey! Pumasok ka sa office ko ngayon din!” Panay lingon ko at hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya sa sinabi ko. Agad siyang pumasok sa opisina at nang lumingon ako sa aking mga kasamahan ay nasipag panggap sila na may ginagawa sila sa kanilang mesa.
Tinanong ko naman si Gretha. “May mali ba sa sinabi ko?”
“Ikaw talaga hindi ka nag-iisip!” Pinagalitan niya naman ako. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng Jack All?” Inangat ko naman yung mga baliat ko. “Hindi mo talaga alam?”
Natatakot ko namang sabi, “hindi?”
Sinalampak naman ni Gretha ang mukha nito sa kaniyang mesa. “Yung Jack All ay mahahambing mo na rin sa pagsabi ng J*kol.”
“Jak*l?” Hindi ko pa rin alam ang ibig niyang sabihin kaya kinuha niya ang lalagyan nito ng tubig at hinimas gamit ang kaniyang kamay. Naparang nilalaro nito na may kabastusan.
Napahawak ako sa aking mga labi, “oh my gosh!”
Napalingon na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Sir JL. “Miss Honey!!!”