Takot ang nangingibabaw sa akin. Lalo na nang malaman ko ang tunay na ibig sabihin ng Jack All na kanilang sinasambit. Bulong ko pa sa aking sarili habang papasok ako sa kaniyang opisina, “hindi ka talaga nag-iisip Honey.” Parang i-u-untog ko ang akibng ulo maaibsan lang yung kaba na naglalaro sa aking puso.
Buntonghininga ko pang sambit, “magiging maayos rin ang lahat.”
Sa pagtigil ko ay napatingin ako sa doorknob. Kahit anong mangyari ngayon, isasawalambahala ko na lang bukas. Bahala na!
Pagkapasok ko ay dinig ko ulit ang sigaw ni sir Jack All, ang ibigsabihin kop ala Sir John Luis!
“Nasaan ka na Honey!” Yung boses niya ay galit na galit na gustong manakit.
Sinara ko naman yung pinto nang maigi para hindi marinig sa labas yung sasabihin niya mamaya sa akin. “Nandito na Sir!” Pagsasalita ko pa habang papunta sa kaniyang kinaruruonan.
Napatigil ako at napaisip. Nakaharap siya sa kaniyang magarang mesa. Yung likod niya lang ang nakikita ko. Tama ba ang pagbalik ko sa opisina niya? Ganito na ba ako ka tapang para harapin yung kamatayang naghihintay sa akin sa unang araw pa lang nang trabaho ko?
“Hindi ka pa ba lalapit sa akin dito?” Diinan niyang sabi na dinig na dinig ko pa.
Sumbat ko naman habang napatingin ako sa aking kiatatayuan, “kanina pa akong nandito Sir.”
Hindi pa rin siya lumingon sa akin. “Saan?”
Hindi ko alam kong bingi siya o ayaw niya talagag pakinggan ako? Humakbang naman ako sa kaniya at nang akam kong abutin ang kaniyang likuran ay hindi ko naman inasahan na humarap siya sa akin. “Ano ba ang gusto mo?” Tanong niya sa akin.
Ramdam ko yung hininga niyang napakabango pero maangas. “Wala naman po.” Pagpipigil ko naman. Ilang pulgada na lang yung lapit namin sa isa’t isa.
Ngumiti siya at biglang nakatitig sa aking mga labi. “Pero bakit namumula ang iyong pisngi?”
Para naman akong si Flash sa isang sikat na palabas sa sinehan sa bilis nang pag-iwas ko. “Wala na po ba kayong ipagu-utos Boss JL?”
Nang binalak kong bumalik sa labas ng kaniyang opisina ay agad niyang hinugot ang aking kamay at pinaupo ako sa kaniyang mesa. Hindi ako makagalaw dahil nasa harapan ko siya. Lalo na nakaharang ang magkabilang hita nito sa pwede kong takasan. “Ano nga yung ibig sabihin ng JL? Baka nakalimutan mo eh.” Inaasar niya ba ako o nakalimutan niya yung sinabi ko kanina?
Akma kong ipaalala sa kaniya yung mga salitang ininisan nito pero agad niyang inilapat ang mabango at napakakisig niyang kanang kamay sa aking mga labi. “Huwag na!” Pagtatanong niya pa, “saan mo nalaman yung tungkol sa Jack All?” Dagdag niya pa, “hindi k aba nahihiyang sabihin sa akin ang ganiyan kanina?”
Pilit akong sumasabi habang ang kamay niya ay nagpipigil sa akin. “Eh kashh ahkkk ekkk jakkk.”
Napakunot noo siya, “hindi kita mainitindihan?”
Hinawi ko naman ng aking kamay yung kamay nito sa aking mga labi. Habol hininga ko pang pagsasalita, “paano mo ako maintindihan kung ang marumi mong kamay ay nasa mga labi ko?!” Hindi ko napigilan na hindi magalit sa kaniyang ginawa.
Nakita ko yung mala-Adonis niyang ngiti, “ikaw na ngayon yung galit?”
Pagtatanggi ko pa nang agad kong iniwas ang tingin sa kaniya, “hindi.”
“Ganoon ba?” Yung singhal niya ay ewan, bakit napakasensitibo ako sa lagay na ito. “Gusto mo bang mag-usap tayo? O malaman kung bakit Jack All ang tawag nila sa akin?”
Heto na naman kami sa Jack All niya. Alam ko na ang ubig sabihin ng Jack All na iyon. Ayaw ko naman na unang araw pa lang ng trabaho ay ganito na ang malalaman ni Dad? Siguradong itatakwil niya ako.
Ginamit ko naman yung pagiging magaling ko pagdating sa pag-uusap. “Sir John Luis?” Tawag pansin ko sa kaniya. Mas ginawa ko pang kaawa-awa yung aking boses. “alam ko pang maraming mali ang nagawa ko sa araw na ito.” Sinabayan ko pa na parang maiyak-iyak. “walang salitang, patawad. Para ibsan yung inis at galit na iyong nararamdaman.” Panay naman kindat ko at panalangin na may luhang papatak sa aking mga mata habang nakatitig ako sa sahig. “Makisama ka naman sa akin, aking luha.” Bulong ko sa aking sarili.
Pangungusisa naman ni Sir John Luis, “may sinasabi ka ba?” Bigla niyang nilayo ang sarili nito.
Nang hinawi ko ang aking mga mata ay may dumamping luha sa aking kamay, “magandang sinyales ito.” Parang tatalon ako sa tuwa sa pagiging pag-drama ko. Humakbang siya patalikod at kinuha ko ang pagkakataon para lapitan siya at mapahawak sa magkabila niyang mga matitipunong balikat. “Sir John Luis, patawad po.” At agad kong inangat ang aking mukha na kung saan ay nasilayan ni Boss JL yung mga luhang umanib sa aking kadramahan.
“Huwag ka nang umiyak.” Agad siyang bumunot ng ilang kapirasong tissue at ibinigay sa akin.
Kinuha koi yon at panay pagpupunas. Na kung saan ay nagsasalita naman ako, “pagbubutihin ko po Sir John Luis.” Napatigin naman ako sa gilid.
Sa totoo lang hindi ko naman ito ginagawa para sa ikakasaya ng b*tch boss kong ito. Ginagawa ko ito para kay Dad, para malaman niya na may pakialam ako sa nangyayari sa aking paligid. Lalo na kompanyang pinagmamay-arian namin.
Magkakaroon pa ako ng puntos kapag maayos na ang lahat. “Pinapakonsensya mo naman ako eh.” Lumakad ito papunta sa pinto. Binuksan sabay sabing, “bumalik ka na sa ginagawa mo kanina.”
Kung pwede lang tumalon at mag-pa-party sa labas ng opisina niya dahil sa may uto-u***g naniwala sa kadraman ko ay kanina ko pa itong ginawa. Pero kailangan kong huminahon na walang bakas nang pagpapanggap sa aking mukha. Mahirap man pero kailangan kong galingan.
Lungkot na lungkot ako at napansin iyon ni Boss JL. “bumalis ka na sa trabaho mo! Baka masisi ako sa kung ano man ang mangyayari.”
Nang nakalabas na ako sa kaniyang opisina ay agad niyang sinara yung pinto. Parang mapasigaw ako pero sa pagkakataong ito ay ginamit ko ang aking utak, na kung saan napakadali na lang ang lahat.
Lumapit agad ako sa bakanteng mesa na aking pinagmamay-ari. Sa pag-upo ko ay agad namang nasipaglapitan ang aking mga kasamahan. Bulong ko naman sa aking sarili habang nag-aayos ng kaunting gamit, “nakakadalawa na ako sa isang uto-uto.
Agad na nangusisa sa akin ang isang kasamahan ko, “ano ba ang ginawa niyo ni Sir JL?”
Hindi ko naman sinabi ang dapat nilang malaman. “Kasi sa pag-kakaalala ko pinaayos niya lang yung file natin.”
“Ganoon lang?” Ang pagtataka nilang apat ay nakikita ko sa kanilang pagmumukha. Ano baa ng gusto nilang marinig mula sa akin? Na totoong si Sir JL ay Jack All na Jack All?
Mahinahong sabi ko habang hinahanda ang aking mga gamit. “Hindi ko nga maalala nang buong-buo.” Gusto ko naman na sila ngayon ang mapagisip, “Kasi ganito iyon e---“
Biglang napalapit silang office-mate sa akin, “Sabihin mo na!” Pagpipilit naman nila. Yung mga pagmumukha nito ay naghihintay lang sa kalaswaang pwede kong sasabihin. Pero magihintay sila na maging puti yung uwak. Wala talaga akong sasabihin kahit manigas pa ang mga taong ito.
Nakita ko yung lungkot sa mukha ni Gretha bulong niya pa sa akin, “kahit ako na lang ang sabihan mo.”
Napatingin naman ako sa naglulungkot-lungkutan niyang mukha. Pero bago pa ako makasagot ay nakita kong lumabas si Boss JL sa kaniyang opisina at agad na lumapit sa akin. Sa ganoong kaunting oras ay nagpanggap ang aking mga kasamamahan na nagtrabaho ng mga gawain nila. “Kailangan nating umalis.” Sabi ni Boss JL nang nasa gilid ko siya.
Lumingon-lingon ako sa aking paligid. At nang napagtanto kong ako ang kaniyag kinakausap ay napatanong ako sa kaniya, “ako? Bakit po?”
Bigla siyang kumindat sa akin. Kinabahan ako sa kindat niyang ito, “kasi gusto ko.” Sabi niya nang inilapit nito ang kaniyang mukha sa aking kanang taenga.
Ano na naman ba ang papasukin kong ‘to?
Hinawi niya yung buhok ko sa aking taenga. Bigla akong nakaramdam nang dumaloy nakuryente at takot. “Tayo na aking Honey.” Pagsasambit niya pa.