Kabanata 5: Jack en Poy- Honey

1316 Words
Sa paglipit ko ng aking mga gamit ay agad akong tumayo. Nauna si Sir JL na lumakad papalayo. Sisimulan ko na ba yung pag-iisip sa tama ba o hindi ang pagpayag kong msangkot dito sa gawaing gustong mangyari ni Dad? Sa paghabol ko kay Sir JL ay nakatingin ang lahat sa akin. Yung mga pagmumukha nila ay punong-puno nang pag-aalala. Taman nga, hindi na kasi masaya yung nangyayari sa akin. Mula sa malayo ay tanaw ko si Sir JL na tumigil. Sinuot ang kaniyang shades at panay ngiti sa akin habang papalapit ako sa kaniya. Duda ako sa mga ngiti ni Jack All. Yung parang may masamang balak. Nang nakalapit na ako sa kaniya ay hindi na ako nagdalawang isip na magtanong, “saan ba tayo pupunta Sir JL?” Hindi ko naman makita yung mata niya pero dinig na dinig ko yung palukong sabi niya, “sa puso mo.” May oras pa pala siyang magkakaganito? “Eh?” sabay pilit kong ngiti na kung saan alam kong nakikita niyang naiinis na ako. Inulit ko pa, “Eh, eh ehhh?” Na may pagdiin sa pagsabi. Namewang siya sabay saad, “iniinis mo ba ako?” Tumingin ako sa kaniya at nagisip. “Ako dapat yung magtatanong sa kaniya nang ganiyan.” Bumuntonghininga ako. “Yung sinasabi niyo po.” Paglilinaw ko pa. “Nagtanong ako kung saan tayo pupunta.” Sinabayanan ko pa nang paggalaw ng aking mga kamay. “Yung sagot niyo po ay sa puso ko?” Ginaya ko naman ang pamewang nito. “Hindi mo ba nakuha ang ibig kong sabihin?” Batay sa mga sinasabi niya parang ako pa ang mali. Napatingin ako sa ibang direksyon. “Hindi naman po sa ganoon Sir.” Nakaisip naman ako nang ikakainis niya. “Alam ko na po kung bakit ganoon na lang yung pagtawag nila sa iyo.” Pagpipigil tawa ko pa. Naalala ko naman yung taniyag na tawag sa kaniya sa opisina, Jack All. Diinan niyang sabi nang bumukas ang pinto ng elevator. “Hindi ko alam kung saan ka humuhugot nang tapang!” Agad niya akong hinila at nagulat naman ako sa kaniyang ginawa. Ramdam ko yung pagsalampak niya sa akin sa pader ng elevator. Pagsisigaw niya pa sa kasamahan naming tagabantay nito. “Huwag na kayong sumama.” Kinuha niya ang suot nitong sunglass at tumingin sa akin. Ngumiti ito at bago tuluyang sumara ang pinto napabulong siya sa akin. “Ako na ang bahala sa babaeng ito.” Yung kaba ko ay abot hanggang langit. Ano na naman ito? Dalawa lang kami sa elevator. Ang mukong ito parang hindi niya talaga ako paaabutin ng dalawang araw. Pilit ko naman siyang inuusog pero yung lakas niya talaga ay hindi ko mapantayan. Kaya heto na naman ako magmamakaawa. “Sir naman, parang hindi ko po kayo mabiro.” Sabay kislap-kislap pa ng mga mata ko. “Sir… sir naman.” Hindi niya pa rin inalis yung malalagkit niyang titig sa akin. Hanggang sa napagod na yung kawawang mga mata ko. “Eh?” Teka, napapnsin kong ginagaya niya yung sinasabi ko kanina ah? “Eh, ehh?” Hindi ko napigilang hindi matawa sa mismong harapan niya. Sa bugso ng aking damdamin ay ang mga sumunod na katagang binitiwan ko ay wala na akong pakialam. “Para kang timang Sir!” Bigla niyang sinuntok ang pader ng elevator kaya napatingin ako sa sahig na parang basang pusa. Mukhang galit na siya ngayon. “Sino ka para sabihin sa akin niyan?” Napabuntonghininga ako nang marinig iyon mula sa kaniya. Hinayaan ko naman siyang magsalita pa, “mula kaninang pumasok ka hanggang ngayon ay iniinis mo talaga ako.” Bigla niya namang hinawakan yung aking baba at inangat kung saan nakikita ko yung matipuno niyang mukha. Nagkatitigan kaming dalawa. Ramdam ko yung panghahamon niya sa patagalan nang walang pikitan. At ano sa tingin niya, magpapatalo ako? Ngumiti ako nang masilayan kong parang matatalo na siya, “bumigay ka na Sir JL.” Bulong ko na siguradong dinig niya naman. “Aasa ka lang.” Tugon niya habang hindi kami umaalis sa aming kinatatayuan. Pero biglang huminto ang elevator dahilan na pumikit siya. Habang ako naman ay nawalan nang balanse sa pagtayo. Para akong lumalangoy sa hangin habang ramdam ko yung paghulog ko. Siguradong masakit ito. Pero hindi ko inasahan yung paghablot ni Sir JL sa aking bewang gamit ang kanang kamay nito. At sa pagkusot niya sa kaniyang mata ay dinig ko naman yung pagbukas ng pinto ng elevator. Lumingon naman ako sa pinanggalingan nang liwanag. Ito na ba yung sinasabi nilang langit? Ngumiti-ngiti pa ako hanggang sa narinig ko na lang ang napakapamilyar na boses. “Ano ang ginagawa niyo?” Unti-unting nawala yung liwanag na parang sinama naman yung ngiti sa mga labi ko. “Mr. John Luis Ferrer?” Agad naman akong binitawan ni Sir JL at tumayo ito nang mabuti. Kung saan ay tuluyan akong nahulog sa sahig. Kinapa ko naman yung eye glasses ko at sinuot. “Chairman Lim! Magandang araw po!” bati sa kaniya ni Sir JL. Gusto kong magpalamon sa lupa. Nakakahiya! Ito pa ang unang pagkakataon na magkaharap kami ni Dad at ito pa ang kaniyang nasaksihan. Pagkalabas namin sa naturang elevator ay lumakad ako sa gilid. Pnay yuko ko at ayaw kong magkatitigan kami ni Dad. Na kung saan ay nakinig ako sa pag-uusap nila ni Sir JL. Hindi ko naman inasahan na ang pinsan kong si Jane Han Lim ay kasama ni Dad. Lagot na talaga ako. Hindi naman pwede na hanggang isang araw lang ako nito. “Ano ang nakita ko?” Tanong ni Dad sa kaniya. Ikalawang tanong na ni Dad sa kaniya. Paano niya kaya malusutan ito. Itong pinsan ko naman ay nakatingin sa akin at panay panlalaki ng mata nito. Alam ko naman na mali at hindi maganda yung nakita nila pero sana hindi naman nila ako ibubuking. Hindi pa naman ako nakapagsimula. “Tinulungan ko lang po ang baguhan naming staff.” Kay bilis niya naman na mag-isip sa idadahilan nito. Pero sa pagtingin ko kay Dad ay parang hindi ito kumbensido sa narinig niya. “Itinuro po sa akin, na kailangan ko pong maging matulungin.” Mahinahon siyang ngumiti. “lalo na sa mga taong kailangan ang aking tulong, yan po sabi ng lola ko.” Napangiweng labi naman ako sabay bulong, “bakit na damay pa yung Lola niya sa pagdadahilan nito.” “Well, may meeting tayo ngayon.” Ganoon lang? nadala si Dad sa maamong pagsasalita ng b*tch boss kong ito? “Sumama ka na.” Tinuro naman ako ni Dad. “Bagong staff? Halata naman puting suot niya.” Talaga? Galing din magpanggap ni Dad na hindi niya ako nakikilala. “Kung nakikita ka ng magulang mo. Hindi ko alam kung ano ang maiisip nila.” Kinakausap na ni Dad ang sarili nito. Payukong sabi ko pa, “patawad po Chairman Lim. Mag-iingat na po ako.” Ngayon ay yumuko na rin ako kay Sir JL. “Maraming salamat sa pagtulong Sir John Luis Ferrer.” Parang tumatayo ang balahibo ko sa pagpapanggap kong ito. Kawawang JL hindi alam na Dad ko ang mismong Chairman. Tamang-tama naman na dumating ang humabol na kasamahan ni Sir JL. “Kailangan na nating pumunta sa conference hall.” Pagsasambit pa ni Dad.” Tiningnan niya naman ako nang inangat ko ang aking mukha, “bumalik ka sa opisinang pinagtrabahuan mo.” Nginig boses ko namang sambit, “masusunod po.” Bago pa tuloyang sumama si Sir JL kina Dad at sa pinsan kong si Jane Han Lim ay bumulong siya na dinig na dinig ko. “Hinatayin mo ako mamaya sa aking opisina.” Tanong ko naman, “bakit po?” Pangiting sabi niya, “mag- Ja-Jack all tayo.” Kumindat pa siya, “ang ibig sabihin ko pala ay mag-Jack en Poy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD