Habang pabalik ako sa naturang opisina ay panay isip ko naman sa nangyari kanina. Nakakahiya lalo na kay Dad. Nag-uumpisa pa lang ako at kung iisipin ito ang unang araw ko sa trabaho. Ganoon pa ang nakita niya? Kahit ako ay nadidismayado sa aking sarili.
Napasandal ako sa pader ng elevator pagkapasok ko. Hindi pa ako na kontento, humarap at panay untog ng aking ulo. “Bakit! Bakit?” Pagtatanong ko pa sa aking sarili. Inangat ko naman yung mukha ko kung saan ay nakita ko ang aking repliksyon. “Sana hindi na ito mauulit pa!” Gusto kong magwala sa inis na nangyayari sa akin.
“Ok ka lang ba?” Pangungusisa ni Gretha na tumambad sa akin nang bumukas ang pinto ng elevator.
Ngumiti ako na parang ewan, nilapitan siya at panay tapik ko sa kanang balikat niya. “Opo, maayos na maayos po.” Pero yung saluobin ko ay ibang iba sa aking sinabi.
Ngiti rin ang nasilayan ko sa kaniya habang may hawak itong lalagyan ng tubig. “Gusto mong sumama?” Paanyaya niya sa akin.
“Saan?” Pagtatakang tanong ko pa.
Sa paglabas ko ay agad niya akong sinabihan. Napansin ko na may hawak siyang supot na plastic na kung saan ay makikita sa luob yung dalawang sandwich nito. “Pananghalian na ngayon.” Napatingin naman ako sa relong nasa kaliwang kamay ko. “Kaya hali ka na sumabay ka na sa akin.”
Agad ko naman siyang pinagsabihan, “pananghalian pero sandwiches dala mo?”
Pakamot ulong sabi niya pa, “bibili ako mamaya ng pang-lunch sa canteen.” Nakikita ko naman yung tuwa sa pagmumukha nito.
Hindi ko naman gustong mawala yung saya niya kaya sumangayon na lang ako sa paanyaya ni Gretha. “Sige, pero kukunin ko muna yng bag ko.” Agad siyang tumayo sa gilid at sa tingin ko ay pinili niyang hintayin ako. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking bag. At habang pabalik ako kung nasaan si Gretha ay may napansin ako. Sa pagkapa at pagtingin ko sa aking pitaka ay napagtanto kong dapat na akong tumipid. Kahit unang araw ko pa lang sa trabaho, ganito baa ng buhay ng isang ordinaryong tao? Natatandaan ko pa sa mga atm card ko hindi ko na kailangang magpakahirap ng ganito para makakain ang ng masarap na ulam.
“Hindi talaga maalis sa isipan ko na parating malalim ang iyong iniisip Honey.” Pagpupuna ni Gretha sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. Sino baa ng hindi lalalim ang isip kung alam mong limitado lang ang pera na meron ka? Ang ibig sabihin ko ay ayaw ko namang hintayin na iilang karampot na duling piso ang maiwan sa pitaka ko bago ako magtipid. Marahang bulong ko bilang pagdadahilan ko naman, “nagtitipid kasi ako.”
“Ganoon ba?” Mahinahong sabi ni Gretha. Dagdag pa nito, “wala ka pa namang sahod kaya ililibre kita ngayon.”
Nakakasaya pala sa puso na may taong magbibigay at gumawa nang mabuting gawain na kagaya nito. “Maraming salamat.” Masayang sambit ko pa.
Ganito pala ang pakiramdam nang tinutulungan ko. Mabuti na lang at pinalaki kami ni Dad na mabuting tao.
Habang naglalakad kami papunta sa tinatawag ni Gretha na canteen ay hindi ko inakala na maraming staff ang building na ito. Nakakarinig ako ng usapan, hiyawan at sigawan. Pero kapag kasama ko si Dad sa iba niyang meeting hindi naman ganito yung vibes eh. Siguro, dahil sa hindi nila alam na isa ako sa mga anak ng Chairman? Mukhang maganda naman ang lugar na ito. At hindi naman maganda siguro na iiwas, aalis o hindi ako makikisalamuha sa kanila.
“Hali ka na!” Sabay hila ni Gretha sa aking kamay.
Sumunod naman ako hanggang sa counter ng pagkain.
Napakabilis nang paglagay nila sa pagkain ng bawat platitong nasa harapan ng mga ito. Ng ako na ay hindi ko naiwasang hindi matanong, “Sir, malinis baa ng pagkain dito?”
Tiningnan naman ako ng matabang lalaki na nakasuot ng face shield. “Seryusong tanong iyan ma’am?” sabay pakita niya sa akin ng mga kamay nito na nakasuot ng gloves. “Kung ayaw mo—“
“Sir, patawad baguhan lang si Honey.” Bulong niya pa, “marami siyang hindi alam dito.
Sumbat ko naman, “teka, may masa aba magtanong kung mali—“ agad na tinakpan ni Gretha ang mga labi ko gamit ang kanang kamay niya.
Diinan niya pang sabi habang nakatitig sa akin, “tumahimik ka nga.”
Sinunod ko naman siya at tumayo ako ng maayos. Nang makuha ko na ang pagkaing nakalapag sa aking pinggan ay inuha ko naman yung malamig na water bottle. Sabi nang nainis na lalaki sa akin. “Two-hundred fifty lahat.” Wow, ang baba naman ng halaga ng pagkain dito.
Nagulat ako at hindi ko naiwasang hindi mapasabi, “baka sa pagkababa ng presyo ng pagkain ay hindi na ito malinis.”
“May sinasabi ka ba?” Takang tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at agad na binigay sa kaniya yung halaga ng pera na sinabi niya, “wala po.” Pagtatanggi ko pa.
Nang nakakuha naman ng pagkain si Gretha ay nagtanong ito sa akin. “Bakit ikaw ang bumayad?” Pangungusisa niya pa, “sabi mo knina wala kang pera?”
Pumili kami ng upuan naming dalawa. At habang dala naming ang pagkain ay nagusap kami. “Kasi ang buong akala ko ay nasa sampong libo yung babayaran natin.”
Inilapag niya ang kaniyang hinahawakan sa mesang aming pinuntahan. “Nagbibiro ka ba?” Tumawa pa siya, “pang-pyesta nay an eh.”
Nilapag ko naman yung mga pagkain na mula sa tray na hawak ko. “Totoo yung sinasabi ko ha.” Seryusong sabi ko pa sa kaniya.
“Alam mo para kang weird.” Napakunot noo siya habang pinagbubuksan ang pagkaing nasa harapan nito.
Inulit ko naman ang kaniyang sinabi, “ako weird?” Pagtataka ko pa.
Nagsimula na siyang kumain habang nagsasalita. “Hindi ka naman siguro mayaman diba?” sa pagsabi niyang iyon ay pinili kong huwag gumalaw. “Napapansin ko kasi,” dagdag niya pa. Napabuntonghininga naman ako. At bigla siyang tumingin sa akin, “pero kung mayaman ka.” Ang kabog ng puso ko ay parang dinig ko na sa pagkakataong ito. “Hindi ka magtrabaho dito.” Sabaytutok niya na sa pagkaing nasa harap nito.
Napasinghal ako at parang unti-unting bumalik sa dati yung pintig ng aking puso. “Oo, nga.” Pagsasambit ko pa na may tuwa sa aking kilos.
“Alam mob a kug magkano sahod dito?” Patatanong niya sa akin.
Alam kong hindi maganda na ngumunguya ng pagkain at nagsasalita. Pero wala naman ako sa bahay, at kung napakapormal ko naman sa harapan niya. Sigurado na ang hinala niya ay magbabalik. “Bakit magkano ba?” Sigurdo na malaki ang sahod dito. Kung iisipin ilang digits din ng pera ang meron si Dad.
Tumingin siya ulit sa akin at ngayon ay napakaseryuso na ng kaniyang pagmumukha. “Gusto mong malaman?”
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking mararamdaman habang ang kanina ay ngumingiting si Gretha ay parang babaeng kakahiwalay lang sa isang relasyon. Palukong sabi ko pa sa kaniya, “sa reaksyon ng mukha mo. Kailangan ko na bang matakot?”
Ikinagulat ko naman ang sinabi nito, “oo.”
“Eh?” Napatigil ako sa pagkain. Hindi niya inalisang pagkatitig sa akin habang ako, heto gutom kaya pinagatuloy ko ang pagkakain. “Hidi naman masama yung lasa ng pagkain dito. Medyo kakaiba lang talaga.” Pagpupunto ko pa.
“Twenty-thousand pesos.” Biglang sambit ni Gretha habang ako naman ay nilalasap yung pagkain na nasa aking bibig.
Nang nilunok ko na ang pagkain ay nagsalita naman ako, “twenty-yhousand pesos?” Hindi ko naman alam kung ano ba ang ibig sabihin niya sa twenty-thusand pesos na iyon.
Sa pagsubo ko ng pagkain ay nagsalita siya ulit. “Yung sahod natin.” Hindi ko inasahan ang aking narinig kaya naluwa ko yung pagkaing kinakain ko.
Napalapit mukha ako sa kaniya, “yung totoo? Twenty-thousand pesos?” Tumango siya sa sinabi ako. Napasandal ako at napabulong ako sa aking sarili, “yung halaga ng pera na iyan ay isang araw ko lang sa isang hotel.” Dagdag ko pa habang nakatingala ako sa kesame, “at isang buwan kong sahod na iyon?” Napailing ako sa pagtanto kong iyon.
Biglang tumayo si Gretha at sinabihan ako, “tapos na ang lunch time.”
“Ha?”
“Bumalik na tayo sa opisina.” Paanyaya niya sa akin.
Sumama ako sa kaniya at nagsimulang tumulong ay Gretha at sa ilan ko pang kasamahan. Napakasaya pala sa pakiramdam na nakakahalubilo ako sa ganitong dami ng tao. Siguradong marami akong matutunan dito.
Hindi ko napansin yung oras ay napakabilis. Dinig ko na lang yung may tumawag ng pangalan ko. “Miss Honey! Miss Honey!”
Habang nagliligpit naman ako ng papael ay sumagot naman ako, “ano po iyon?”
“Pumasok ka sa opisina ko ngayon din!” sa utos niyang iyon ay alam ko na kung sinong tumawag sa aking pansin.
Bulong ko sa aking sarili, “Sir JL?”
Namewang pa siya nang binuksan ng isa niyang kasama yung pinto ng kaniyang opisina. “Oo, ako nga. Ano pa ang hinihintay mo diyan?” Diinan niyang sabi, “pasok!”
Bakit malaswa yung pagkakaintindi ko sa salitang pasok?
Sigaw ko pa na may pagkainis, “andiyan na po!”