Ramdam ko naman na mukhang hindi maganda ang mangyayari. Pero sino ako para hindi sundin ang utos ng Boss ko sa akin? Na kaht ang magiging dahilan ko ay anak ako ng Chairman, hindi ko naman magagamit ang ganoong bagay sa pagkakataong ito.
“Ano pa hinihintay mo diyan? Magagalit si Boss JL kapag hindi ka doon lumapit sa kaniya.” Sambit pa ni Gretha sa akin.
Gulat na tanong ko naman sa kaniya, “uuwi ka na?” Tumango ito na nakangiti. “Teka—“
Sumbat niya, “sige ka, mapapagalitan ka na naman.” Napabuntonghninga na lang ako habang pinagmamasdan siyang lumalakad papalayo. Kita ko yung saya niya habang uti-unti siyang nawala sa aking paningin.
Tumalikod naman ako sinunod ang ninais ng bago kong kaibigan.
Pumasok ako sa mala haunted house na opisina ni Sir JL. Ang tahimik na para akong nakakaramdam na palalamig na hindi ko alam kung nasaan galing. “Nandito ka na Honey?”
Agad naman akong sumagot nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Sir JL. “Opo Sir nandito na!” Sabay punta ko sa kaniyang mesa.
“Mabuti kung ganoon.” Sa pagsambit niyang iyon ay tamang-tama naman na nasa likuran niya ako. “Alam mo naman yata kung ano ang kasalanan mo sa akin diba?” Pagsasalita niya pa habang nakatalikod sa akin.
Dinuro ko naman ang sarili ko habang nakatingin sa aking kamay. “Ako? May kasalanan?” Sa pagkakaalala ko, wala naman akong maing nagawa sa araw na ito?
Unti-unti siyang lumingon sa akin. At hindi ko talaga maitatanggi na magandang lalaki itong si John Luis Ferrer. Pero, may exis factor lang siya talaga. Na kung saan ay kilala siya bilang b*tch boss. Kung iisipin nga hindi pa ako naisang araw dito sa pinagtrabahuan ko. “Hindi mo talaga maalala?” Tanong niya.
Kaya heto ako inisip talaga nang maigi ang kaniyang pinagsasabi, “wala po.” Sumbat ko nang tumigil siya mismo sa aking harapan.
Bumuntonghininga naman ako nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Pagpapansi niya pa, “sumisinghal ka na sa akin ngayo ah?”
Pilit akong ngumiti. “Hindi naman po sa ganoon.”
Napatigil kami sa paglalakad paatras nang sumandal na ako sa pader. “Alam mo ba kung sino ako?” Tumango-tango naman ako. “Pwes, hindi pa iyan sapat.” Ha? Ano ba ang ibig niyang sabihin.
Pagdadahilan ko pa, “pribadong buhay mo po iyon Sir, kaya hindi ko na po aalamin.” Parang nainis naman siya sa sagot ko sa mukha niyang napakalapit sa akin. “Kung gusto niyo pong sabihin sa akin—“ parang napapautal naman ako nang pinili kong ilayo yung titig ko sa kaniya. “Makikinig po ako.”
Bigla niyang sinuntok ang pader kaya nagulat ako. “Iniinsulto mo ba ako?” Bigla pa itong kumagat labi nang bigla akong napatingin sa kaniya.
Gusto kong tumakbo o kahit makawala man lang sa kaniya. “Sinasagot lang po kita ng maayos Sir.”
Hinawakan niya yung lalim ng baba ko gamit ang kanang kamay nito. “Mukhang hindi eh.”
Hindi ko naman alam kung anong klaseng s**o tang gusto niyang marinig mula sa akin?
Napakunot noo ako at nagsalita pa. “Kasi Sir JL—“
Bigla siyang ngumiti, “diba sabi ko mag-Jack en Poy tayo?” Tinaas at baba niya pa ang mga pilyong kilay nito.
Marahang sabi ko pa. “Parang iniba mo naman ang usapan Sir JL.”
“Ano ang nangyayari dito?” salubong ng isang babae na kakapasok lang sa opisina kung nasaan kami ni Sir JL.
Agad namang umiwas sa akin si Sir JL at pinili na bumalik sa kaniyang magarang upuan. “Bakit ka naman napapunta dito Scarlet?”
Napayuko naman ako sabay tanong sa aking sarili, “sino naman itong si Scarlet?”
“Ikaw!” tawag pansin niya sa akin kaya tiningnan ko naman siya.
“Ma’am?” Magalang na sabi ko pa.
Kita ko naman sa mukha niya na hindi ito natuwa nang makita ako. Lumapit siya kay Sir JL habang pinili ko namang hindi na gumalaw sa aking kinatatayuan. “ang lalaking ito.” Sabay halik niya sa kanang pisngi ni Sir. “Ay aking nobyo.” Napagtanto ko na jowa pala ni Sir JL ang babaeng ito. Kung iisipin nga kung may demony* dapat may demonyet*.
Pagpupuna niya sa akin, “ano ang nakakatawa diyan?”
Pangiting sabi ko pa, “Ma’am kung iiisip niyo po na may gusto ako sa jowa mo.” Diinan ko pang sabi, “nagkakamali po kayo.” Dagdag ko pa, “nandito po ako para magtrabaho.” Napatingin naman sa dingding na may malaking orasan. “Yung oras!” Hidi naman ako magkandaugaga sa paglabas. Nadatnan kong iilang ilaw na lang yung umaandar. Lalo na walang tao. “Unang araw, overtime na ako kaagad?!”
Kinuha ko naman yung naiwan kong bag. Pagdadabog ko naman habang papalabas ako ng guasli. “Hindi ko inaasahan ang ganitong bagay!” Diinan ko pang sabi, “nakakainis!”
Nang nasal abas na ako ng naturang gusali. Teka, hindi naman ako makakauwi sa mansion namin? O ‘di kaya ay magpasunod sa dryber ni Dad?
Hindi talaga ako sinamahan ng kalangitan ngayong unang araw ko sa trabaho. Saan na ako matutlog ngayon?
Kahit hapunan o dikaya ay ang isusuot ko bukas ay walang-wala ako!
Napadamog na lang ako at gusto ko nang sumigaw. “Nakakainis na man!”
“Ihahatid na kita?” Paanyaya nang kalalabas na si Sir JL.
Nakabilingkis naman itong jowa niya sa kaniyang braso. Parang matanggal naman yung braso ni Sir JL sa higpit nang pagkakayakap niya. “Huwag na po.” Pagtatanggi ko pa. Eh, kahit pumayag ako hindi naman pwede na sa mansion kami pupunta diba? At kahit na! baka magahasa lang ako ng b*tch boss kong ito… mahirap na.
Tumawa naman si Scarlet sa sinabi ko. Pang-iinis niya pa sa akin, “at iniisip mo talaga na isasama ka namin ha?!”
“Sinabi mo iyan eh.” At agad silang umalis. Hindi man lang ako pinilit, nakakaasar naman oh.
Nakatingin lang ako sa sasakyan nitong toyot* rush. Ganito naman yung mga company car na pinapagamit ni Dad. Sana hindi lang nila gagamitin sa kabalastugan lalo na pinahiram lang iyon sa kanila.
Tamang-tama naman na dumaan ang sasakyan ni Sir JL. Ewan ko kung nang-aasar lang ba siya sa akin. Binaba niya ang bintana sabay sabing, “magkikita pa tayo bukas. Dadalawin na lang kita sa panaginip mo.”
Pagtatanggi ko pa, “huwag na. Baka mabangungot ako.” Sabay takbo ko papalayo sa kanila.