Napatigil naman ako at napasandal sa pader ng gusali. Kung saan ay napagtanto kong wala pala ako matutuluyan sa ngayon. Kahit cellphone man lang ay wala ako. O di kaya ay saan ako maghahapunan?
Ang una kong ginawa ay maglakad papunta sa mall na malapit sa kinaruronana ko. Napakaraming tao, hindi kagaya na kapag ako ang siyang mag-shopping kasama ang ilang tauhan ay parating pinagsasara yung mall. Hindi pa naman ako sanay na ganito ka rami ang tao sa paligid.
Agad akong pumasok sa nahanap kong comfort room na pangbabae. Pumunta sa isang cubicle at napaluwa, para kasing biglang naduling sa aking nakita.
Nang nahimasmasan ako ay inayos ko ang aking sarili at lumabas na parang walang nangyari. Panay punas ko pa sa luhang dulot nang ginawa ko sa palikuran. Ang ingay ng paligid at wala na akong magagawa doon. Sa paglalakad ko ay nakita ko yung branded store ng mga cellphones. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit at pumili. Pero ang ikangulat ko sa paghahanap ko ay ang pinakamurang meron sila ay katumbas ng pera na meron ako ngayon. Limangpung libong peso. Kapag binili ko ito siguradong magugutuman ako.
Tanong ng babaeng lumapit sa akin, “bibili po kayo ma’am?” Nguingiti pa siya sa akin.
Kaya ningitian ko naman siya. Saba sabi ko naman, “teka. Titingin muna ako sa atm machine.” Mabuti naman at merong atm machine sa mismong bilihan ng cellphone. Kung iisipin ko nga bakit ito nandito? Sa pagkakaalam ko kasi sa mga daan ito.
Sa pagtayo ko sa mismong harapan ng atam machine ay natatandaan ko pa yung account number ko kahit kinuha pa ni Dad yung mismong card. Pinikit ko pa yung isa kong mata habang ang kanang kamay ko ay nagpipindot ng numero na nasa utak ko. Sa pag-flash sa screen na pasambit ako na tanging ako lang ang nakarinig, “hindi ni Dad pinag-freeze ang account ko?” Maling-mali naman ang dumaya kaya pinili ko na lang na huwag kumuha kahit isang peso na pwede na sana.
Napabuntonghininga ako nang lumapit sa aking likuran ang babae. “Kukuha ka po ba?”
Agad naman akong humarap sa kaniya, “patawad. Wala akong pera na ganoon ka laki.” At pinili kong lumakad papalayo.
-_-_-_-_-
Habang naglalakad naman ang nalulungkot na dalaga papalayo ay sinigawan siya ng babaeng nagbebenta. “Hindi ka naman pala bibili! Pinaghihintay mo pa ako!”
Nasipagtinginan naman ang iilang tao na nasa mismong pamilihan ng mamahaling cellphone. Sa halip na makipagsumbatan si Honey ay yumuko ito tsaka lumakad papalayo.
Tamang-tama naman na narinig ng nagbebenta ang tuog ng paglabas ng resibo mula sa naturang atm machine. Sa pangungusisa nito ay agad niya iyong kinuha. Nanggagalaiting sabi niya pa, “wala namang pera—“ Biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita ang labing-limang milyon na nasa resibo mismo. Hindi pa siya nakuntento at panay kusot sa mapanlait na mga mata nito. “Labing-limang milyon?! Resibo ito ng VIP atm card holder!” Diinan niya pang sabi.
-_-_-_-_-_-
(Honey’s POV)
Ganito na ba ka liit yung tingin ng ibang tao sa hindi makabili ng gamit? Hindi ko misan nakita si Dad na ganito siya magturing sa ibang tao. At alam kong isa rin sa mga rason kung bakit malaki ang biyayang natatanggap ni Dad kasi mabuti siyang tao.
Napatigil ako sa isang hndi kilalang bentahan ng cellphone. Hindi ko pa narinig ang brand ng cellphone na ito. Pero maraming tao ang nandito, nang lumingon naman ako ay nakita ko si Gretha. At hindi ko naman namalayan na napating siya sa akin. “Honey!” Pagsisigaw niya pa habang winawagayway nito ang aniyang kamay. Nagkita lang kami kanina, pero ang reaksyon niya ay tila ilang taon kaming hindi nagkasama. Lumapit ako sa kaniya at bigla niya naman akong tinanong, “ano ang ginagawa mo dito?” pangungusisa niya pa.
Nahihiya ko namang sabi, “balak ko kasing bumili ng cellphone.” Napatingin siya sa akin na parang patuloy siya sa paguusisa kahit hindi ito nagtatanong. Pagsasalaysay ko, “ano pa ba pwedeng gawin ko dito diba?”
Nang napagtanto niya ang ibig kong sabihin ay niyakap niya ako. “Maraming mura dito.”
Tuwang sabi ko naman at ramdam ko na rin na ngumingiti ang pitaka ko. “Talaga! Saan!” Panay usig niya sa akin hanggang sa makapunta kami sa cellphone na pinagsasabi nito. Nakaramdam ako nang lungkot sa aking puso. “Cellphone pa ba yan?” sabay duro ko pa.
Kinuha naman ni Gretha ang display cellphone. “Magrereklamo ka pa ba gurl?” At tmingin sa akin na parang nainsulto siya sa sinabi ko kanina. “Sino yung walang cellphone ngayon?”
Dinuro ko naman ang aking sarili. “Ako.” Pagsasalita ko pa.
Agad niyang ibinigay yung hawak niya sa akin naramdam ko yung inis niya. “Bilhin mo na iyan!” Tumango na man ako na parang takot na basang sisiw.
Nang nakalahati na ako sa paglalakad ay napatigil ako sa paglalakd sabay bulong, “teka, bakit ko naman siya sinusunod?” Lumingon ako at nakita ko siyang sinusundan ako nang tingin. Tinaas niya pa ang noo nito nagpapakita na dapat ko siyang sundin. “Ang babaeng iyon talaga!” Sigaw ko naman, “sige! Bibihin ko na!” Nang nasa counter na ako ay agad ko namang sinabihan ang babaeng abala sa pagtingin sa screen ng kompyuter nito. “Ma’am heto po ako.” At marahan kong inusad ang nakuha kong cellphone papunta sa kaniya.
Nguimiti ito sabay sabing, “maganda ang napili mo ma’am.
Oo naman nakamura ako ngayong gabi.
Sa pagkuha niya ng replika ay humugot naman siya sa mesa nito ng ganoon ring uri pero nasa luob pa ng kahon. Binuksan niya iyon sa mismong harapan ko at pinakita na gumagana ang cellphone na gusto kong bilhin. “Kukunin ko po iyan ma’am.” Malumanay kong sabi na may pagkakapanabik.
Ibinigay ko naman yung limang-libo sa kaniya. Mabuti pa ang babaeng ito magalang, “maraming salamat po ma’am. Dagdag niya pa nang kinuha ko na ang aking binili at lumakad papalayo. “Enjoy niyo po ang cellphone niyo ma’am!”
Ramdam ko yung saya niya hanggang sa nakalapit na ako kay Gretha. Tanong pa ng bago kong kaibigan, “ano na ang susunod mong gagawin?”
Napaisip rin ako sa sinabi niya, “kakain muna at uuwi?” tama ba yung snasabi ko na uuwi? Eh, saan na naman ako uuwi? Wala pa akong bahay na pwedeng matuluyan!
“Mabuti kung ganoon!” Natutuwa niya pang sabi pero bigla ako nakaramdam ng kaba. Ano ba ang pinagsasabi ko, dapat makapagisip ako kung saan ako uupa ng bahay. Ewan ko ba pero malakas talaga ang radar ng babaeng ito nang mapansin niya ang agad na paglungkot. “Siguradong may problema kang nahihiyang sabihin sa akin.” Taas kila niya pang sabi.
Pagtatanggi ko pa, “ako? Wala naman.” Ayaw ko naman na maging pabigat sa kaniya, lalo na hindi niya pa ako ganoon ka kilala. Masama naman kung ito ang magiging unang impresyon niya sa akin diba?
Pero…
“Wala akong matutuyuan ngayon.” At agad akong yumuko sa harapan niya.
Hindi naman pwede na papairalin ko pa pride ko ngayon, kaysa matulog ako kung saan-saan diba?
Unti-unti ko namang inangat ang mukha ko sa kadahilanang hindi pa rin siya sumasagot at nakakaramdam na ako nang pangangayayat ng aking bewang. Sa pagtingin ko sa kaniyang mukha. Yung mismong mukha ng isa sa malupit na personal madi ko ang akig nakikita. Kinikislap-kislap ko pa ang aking mga mata para lalo siyang maawa sa akin. Pero nanlaki ang mga mata ni Gretha. Bulong ko pa sa aking sarili habang ramdam ko yung pawis na gabutil na lumalabas sa mukha ko. “Sige na, papayag na iyan.”
Inilapit niya bigla ang mukha nito sa akin. “Ano sa tingin mo?”
Sumbat ko, “oo at patutuluyin mo ako sa bahay mo?” Isang malakas na batok ang nakuha ko mula sa kaniya.