Kabanata 9: Jack All ulit- Honey

1535 Words
Ngumiti siya sa akin habang napahimas ulo ako. “May magagawa pa ba ako?” Tanong ko sa kaniya, “bakit ang bait mo sa akin?” Tumingin siya sa akin at inagat nito ang kaniyang kamay. Nang inakma niya akong batukan ay agad na papikit mata ako. Pero hindi ko inasahan yung naramdaman kong paghaplos niya sa buhok ko. “Natatandaan ko kasi yung noon na walang-wala ako.” Unti-unti kong inagat ang mukha ko habang panay haplos niya pa rin sa akin. “Kaya hindi ako magdadalawang isip na tumulong na rin.” Yung ngiti na nakikita ko sa mukha niya ay alam kong totoong-totoo. Pangiyak-ngiyak ko pang sabi sa kaniya kaya napatigil ito. “Maraming salamat talaga.” Bigla namang nag-ingay ang aking tiyan. “Mukhang hindi ka pa nakahapunan?” Tumango ako sa sinasabi nito. “Umuwi na tayo.” Paanyaya niya pa sa akin. Sumama naman ako sa kaniya. Kinakabahan naman ako sa aking seguridad pero sino pa ba ako para tmanggi diba? At lalo na hindi niya alam kung sino ako. Sa paglabas naming sa mall ay agad si Gretha nagpara ng isang taxi. Sa pagsakay niya ay sumama na rin ako. Ngumingiti ako sa kaniya kasi alam kong libre pati yung magiging babayarin ko sa taxi. “Gretha?” Tawag pansin ko sa kaniya. Ipinakita niya naman sa akin ang kamay nito na agad kong hinawakan. Pero malakas na pag-usog ang ginawa nito. “Ano ba!” Nagtaka naman ako. “Ano sa tingin mo magpapa-holding hands ako?” Tumango naman ako. Napadiin sabi siya sa akin, “hinihingian kita ng bayad mo sa taxi!” Sabay halakhak nito na kay lakas. “Grabe ka naman oh.” Napasimangot naman ako. Nakita ko naman sa rare view mirror na ngumiti yung taxi dryber. “Dito lang kuya!” Huminto kami sa may kunting ilaw na bahay pagkasabing iyon ni Gretha. Nagbigay naman ako ng isang daang pesos sa kaniya. “Maraming salamat.” At agad niyang ibinigay sa dryber yung inabot ko sa kaniya. Marahang sabi ko, “walang ano man.” Naunang lumabas si Gretha na sinundan ko naman. Napatingin ako sa munti niyang bahay. “Ako lang mag-isa ngayon dito.” Sabi niya nang binuksan nito ang maliit na gate ng bahay na pinasukan namin. Pangungusisa ko naman habang sumusunod ako sa kaniya. “Bakita naman?” “Nasa ibang lugar yung Nanay at Tatay ko. Lalo na ako lang yung anak nila.” Na pagtanto ko na yung pinagsasalita niya. Panay tango ko hanggang sa nakapasok na kami sa mismong bahay niya. “Pasensya na medyo makalat.” Napatingin ako sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali ay kasing laki ng bahay na ito yung silid ko. “Huwag kang mag-aalala sanay na man ako.” Pagsisinungaling ko pa. Nagkangitian kaming dalawa. “Sa tingin ko ay magkakasundo tayong dalawa.” “Oo naman.” Tumango-tango pa ako. Napatanong naman ako sa kaniya, “magkano baa ng babayarin ko habang nandito ako?” Marahang sabi niya naman nang binuksan niya ang mga ilaw. “Huwag ka nang bumayad pa. Yung pagkain, kuryente at tubig maghahati tayo.” Ang bait naman itong si Gretha. Hindi na ako tumanggi pa, “sige. Pabor na pabor iyan sa akin. Maraming salamat.” “Teka, may bakanteng silid sa kabila. Diyan ka na lang muna.” Tinuro niya naman sa akin ang isang sulok. “Huwag ka nang mahiya pwede kang magpalit ng damit habang ihahanda ko yung hapunan natin.” Agad naman akong pumunta sa kulay asul na pintuan at nang nakahawak ako sa doorknob ay may isang bumagabag sa akin. “Naku!” “Bakit may problema ka ba?” Unti-unti akong lumingon sa kaniya. Nahihiya ko pang sabi, “wala akong pamalit.” “Kahit pang-ibaba?” Napahawak ako sa aking bulaklak nang masabi niya iyon. “Honey naman! Daig mo pa ang isang pulubi!” Napakamot ulo na lang ako at hindi makapagsabi sa kaniyang pagkumprunta sa akin. “Merong cabinet sa silid na iyan. May mga maliit at lumang damit ako diyan, hiramin mo lang muna.” Diinan niyang sabi habang pinagduduro ako. “Hiram lang ha!” Pangeweng labi na sabi ko sa kaniya, “narinig ko po.” Nang pumasok na ako sa kaniyang silid ay pinagkakapa ko naman yung ilawan. Na kung saan sa paghawak ko ay biglang umilaw ang paligid. Kahit ganito ang dapat mangibabaw ay yung pusong mapapasalamatin. Napangiti ako at pumunta sa kabinet na pinagsasbi niya kanina. Nang binuksan koi yon ay amoy ko yung baho nang pinagtagong damit. Pero may nakita akong damit na maari kong masuot bukas. Sinukat ko agad iyon at naghanap ng malaking salamin sa paligid. At mabuti naman na meron ang silid na ito. Pamungad naman ni Gretha sa akin. “Ang ganda mo naman tingnan.” At biglang lungkot naman nito, “ba’t ganoon? Kapag ako yung sumusot ay parang kay panget?” Pinalubag ko naman yung luob niya, “nagkataon lang na maganda yung pagkasya nitong damit sa akin.” Lumapit siya at panay hawak sa balat ko. Pagpapansin niya pa, “alam mo may kutis mayaman ka.” Bigla naman akong kinabahan sa pinagsasalita nito. “Kung hindi lang talaga ganito ang sitwasyon mo—“ napatingin siya sa akin, “mapapagkamalan kitang anak mayaman.” Ilang segundo pa ang lumipas bago siya ulit magsalita. “Pero malabo iyon. Daig mo pa ang pulubi eh.” Sabi ko naman, “tama ka.” Mabuti na lang at nakalusot ako sa pagkakataong ito. Habang lumalakad siya papalayo ay narinig ko yung paanyaya niya sa akin. “Pagkabihis mo ay lumabas ka na para makakain tayo ng hapunan ha.” Nagsimula naman akong magpalit ng damit. Magiliw ko pang sabi na alam kong narinig niya, “masusunod po.” Nang natapos ko na ang dapat kong gawin ay siya namang nalanghap ko yung nakakagutom na hinain ni Gretha. Kaya dali-dali akong lumabas na hindi suot yung eye glasses ko. Pagsasabi pa ni Gretha sa akin, “ang ganda mop ala kung wala kang eye glasses!” Napakapa ako sa aking mga mata. “Hala oo!” Pagdadahilan ko pa, “kaya pala hindi malinaw ang aking nakikita eh.” Saka bumalik ako sa aking bagong silid at agad na kinuha ang salaming sinuot ko kaagad. “Yan, sa susunod ay huwag mo na iyang kalimutan ha.” Pagpapaalala niya sa akin. At ngiti ang ipinakita ko sa kaniya. “Ano pa ang hinihintay mo diyan? Hali ka na!” Kay bilis ng oras at napakasayang kumain kasama si Gretha. Marami siyang nasabi sa akin lalo na ang mga nangyayaring nakakatawa sa opisina. Hanggang sa pagbalik ko sa silid ay parang hindi maudlot yung tawanan namin. Pagkasara ko naman sa pinto ay napatingin ako sa binili kong cellphone. Binuksan at mabuti na lang mukhang maganda at maayos ang binili ko kahit napakamura. Agad ko namang pinagpipindot at tinawagan ang cellphone number ni Dad. Pamugad niy sa akin. “Good evening, who is this?” Pag-iingles niya pa. Mahinang boses naman na tugon ko. “Good evening Dad, Hoo Eun Lim po.” Siguradong na bosesan ako ni Dad kaya tuwang sabi nito, “nakapagbili ka pala ng cellphone sa perang binigay ko.” Masayang tugon ko naman, “hindi lang po iyan Dad, nakahapunan at may tinutuluyan ako ngayon.” Ramdam ko yung pagiging proud ni Dad mula sa mga salitang galing sa kaniya, “it is impressive!” “Maliit na bagay po.” Pagpapakwela ko pa. “Pero hindi ko nakalimutan yung nangyari kanina ha.” Pagbabaliktnaw pa nito. Daretsahang sabi ko pa, “Dad, magpapaliwanag ako.” “You don’t need to. Alam ko kung sino ka. Just next time, please be careful.” Mabuti na lang si Dad alam na alam na hindi ko kayang lumandi sa kung sino-sino lalo na kay Sir JL, Jack All. “Kasi si Sir Jack All po eh—“ “Jack All?’ Tanong ni Dad. Agad ko namang iniba an gaming usapan, “ah hindi po. Sir JL po Dad.” “Magpahinga ka na, alam kong pagod na pagod ka. Magandang gabi.” Yumuko ako sabay sabing, “maraming salamat po at magandang gabi.” Pagpapaalam namin sa isa’t isa. Kinabukasan, sabay kaming pumunta ni Gretha sa aming pinagtrabahuan. Nang ako na ang dapat pumasok sa elevator na maraming tao ay biglang umilaw at dinig naming yung sinasabi ng system. “Overload, overload.” Nakakapanakit pala ito ng damdamin. “Honey, magpaubaya ka na.” Pagmamakaawa nang nakapasok na si Gretha. Napabuntonghininga naman ako sabay labas sa elevator. Marahang sabi ko pa habang napipilitang ngumiti. “Sige.” Kita ko ang ngiti ng mga pagmumukha ng mga taong nasa luob ng elevator habang sumasara na ang pinto. Nang tuluya na iyong sumara ay tumalikod na ako. “Magandang umaga Miss Honey Lim.” “Ay Jack All!” Sigaw ko sa gulat. Napatingin namn ang mg tao na sa aming paligid. Inilpit ni Sir JL ang mpangahas na labi nito sa kanang taenga ko. “Jack All pala ha.” Yung hininga niyng parang nanghihina ako. Ang aga-aga ay ganito na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD