Ayaw ko naman makahanap nang away sa ganitong pagkakataon. Kay aga para maghamon nang away na alam kong tao ako. Kaya ang ginawa ko ay agad akong pumasok sa elevator pagkabukas nito. Panay pindot ko sa floor na aking pupuntahan. Lalo na yung pagpipindot ko pa para sumara ito. Pero itong si Sir JL ay hinaharangan ng kaniyang kamay.
Yung mga tingin niya sa akin ay parang huhubarin na ang suot ko. Wala na, mahirap na yung ga tingin niyang ito. Kaya nagpaubaya na ako, humakbang papalabas ng elevator na kung saan ay pumasok naman si Sir JL. Ngumiti siya sa akin nang tumitig ako sa kaniya. Kaya agad ko namang iniwas ang aking tingin sa kaniya, “mabuti at alam mo kung saan ka lulugar.” Napangiwe labi ako nang marinig iyon. Pero nagulat na lang ako bago pa tuluyang sumara yung pinto ng elevator ay siyang paghila sa akin ni Sir JL. “Sa tingin mo ay makakatakas ka sa akin.”
“Kumain ka ba ng adobong manok?” Tanong ko sa kaniya at agad niya akong binitawan.
Tumalikod ito na tamang-tama naman na sumara yung pinto ng elevator. Gumalaw-galaw yung kamay niya. “Nakapagsipilyo naman ako ah.” Pagsasalita pa nito sa kaniyang sarili.
Napapigil tawa naman ako. At nang narinig ko na pauntang taas na yung elevator na aming sinasakyan ay napaharap ako sa pinto. “Bilis! Bilis! Bumukas ka na agad.” Pagmamakaawa ko pa habang abala si Sir JL sa kakatanong at kausap nito sa kaniyang sarili.
Isang malakas na hampas ng kamay ang lumusot sa kanang taenga ko. Mabuti na lang at hindi ako natamaan. “Mukhang nakakarami ka na sa akin ah.” Diinan niya pang sabi habang hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Naku! Naku! Honey!
Pagmaang-maangan ko pa, “ano po ang ibig mong sabihin sir JL?” Nanginginig na ang boses ko.
“Siguro oras na para makuha mo yung dapat sa iyo.” Patuloy pa rin yung pagbubulong niya sa akin. Nakaramdam ako nang kakaiba sa bandang likuran ko. Sumusubra na si Sir JL, pinangangatawanan na talaga yung pagiging Jack All niya. Pero matigas yung pang-ilalalim niya ha.
“Bakit po sinipa yug aking—“
Sumbat ko matapos ko iyong gawin. “Nararapat lang yan sa isang Jack All na kagaya mo!” Hindi naman ako nakapagpigil ng sarili ko at panay duro ko sa kaniya habang nagsasalita ako. “Huwag mo akong magaya sa ibang babaeng nadiligan mo na!” Namumula ang pisngi niya sa galit habang panay himas nito sa masakit niyang pangibaba. “Huwag ako John Luis! Huwag ako!”
Tumayo siya at inakmang lapitan ako. “Pinagbabantaan mo ba ako Miss Honey Lim?”
Nang tumigil ang elevator alam kong sa kahit anong oras ay bubukas ito. Pagkakataon na ako ay makakatakas. Diinang sabi ko naman habang pinapakita sa kaniya yung naiinis kong mukha. “Bakit sa tingin mo hindi?”
Agad niyang inangat ang kamay nito at nagtangkang ako ay hawakan. Sa pagbukas ng pinto agad akong tumakbo na parang baliw na hinahabol. Hindi ko akalaing ganito ang gagawin ko makatakas lang sa mabagsik na si Sir JL.
“Bakit hinihingal ka?” Pangungusisa sa akin ni Gretha nang dumating ako sa aking mesa na katabi niya rin.
Inayos ko naman ang aking sarili. “Ah wala, mahangin lang kasi.”
Napakunot noo ito. “Mahangin sa elevator?”
Nagisip naman ako nang idadahilan? “Hindi ko naman sinasabi na sa elevator? Kanina pa itong buhok ko hindi mo lang napansin.” At agad akong umupo.
Maya’t maya ay dumating si Sir JL. Pinipilit nitong maglakad nang maayos. Bulong pa sa akin ni Gretha. “Tingnan mo si Sir JL.” Tumingin rin ako nang palihim. Kumuha ako ng librong malapit sa akin at pa-simpleng tumitig sa mala-bebeng lumalakad na si Sir JL.
Bulong ko pa sa aking sarili, “nabasag ko yata nang tuluyan yung mga itlog niya.”
Pagpapansin pa ni Gretha, “ano? Basag?”
Buti na lang na tungkol sa nature itong librong hinahawakan ko. Pinakita ko naman sa kaniya yung larawan na nakaharap sa akin. “Ito, hindi maganda sa mga bebe na mangitlog kung saan-saan. Sigurado mababasag iyan.”
Hindi ko inasahan na kahit malayo at pilit kong pagbaba ng aking boses ay narinig iyon ni Sir JL. Kita ko ang paglingon niya matapos akong magdahilan kay Gretha. Nagkataon naman na nagkatitigan kami. Yung pagliit ng mga mata niya na tila’y makatitig ito ay daig pa ang espada sa talim.
“Honey? Honey?” Tawag pansin sa akin ni Gretha.
“Ah, ano po iyon?” Magalang na tanong ko sa kaniya habang binalik ko ang libro kung saan ko iyon kinuha.
Pagkapasok ni Sir JL sa opisina nito ay siya namang pag-ingay ng lahat. “Kita niyo si Sir kung paano maglakad?!” Agad naman siyang ginaya ng isa sa pinakamatanda sa lugar na ito.
Hindi naming naiwasang hindi tumawa. Mabuti na lang at hindi kami nakikita o naririnig ni Sir Jl. Siguradong mapapatawag kami dahil sa hindi mapigilpigil naming tawa.
Sumbat pa ni Gretha, “grabe naman kayo kay Sir JL.”
Bulong nang nangutya kanina kay Sir JL. “Ganiyan ka talaga, daig mo pa yung matandang babaeng walang jowa.”
Narinig ko naman na may isang lalaking nagsabi, “tama naman si Gretha.”
Tugon nang nainis na kaninag sumayaw. “Ikaw is aka pa Andrew! Baguhan ka rin dito.” Bumalik ito sa pagkakaupo ilang dipa ang layo sa amin. “Bawal ba minsan na magkasayahan tayo?”
Yumuko sila sabay balik naming sa aming trabaho. “Oo nga, minsan lang tayo tumatawa.” Pagdadahilan pa ng iba.
Narinig ko naman ang marahang tugon ni Gretha, “hindi naman maganda na ginagawa nating katawatawa yung ating Boss diba?” Napasabi pa ito. “Diba Honey tama ako?”
Bahagya kong ipinakita sa kaniya yung aking ngiti. “Oo naman.” Pagsasangayon ko pa.
Likas yata na mabait itong si Gretha, minsan may pagka-moody din. Ganoon pa man meron siyang mga katangian ng isang mabuting tao.
Napatingin ako kay Andrew, yung nagsumbat kanina. Napapansin kong walang may kumakausap sa kaniya. At tila nagiisa ito sa mesang nakahanay sa kaniya.
Walang nakakaalam sa ginawa ko kay Sir JL. O masasabi ko na tangin ako at siya lang ang nakakaalam sa pangyayaring iyon.
“Honey, pwede mo ba akong tulungan dito?” Tumayo naman ako at nilapitan si Gretha.
“Oo naman.” Masayang sabi ko pa.
Hindi ko alam pero parang isang himala na hindi na ako inasar ni sir JL sa unang linggo ng aking trabaho. Na kung saan naman ay naninibago ako. Siguro may ibang balak siya na hindi ko alam.
Napatingin ako sa kaniyang upisina habang nagpaalam naman sa akin si Gretha. “Mauuna na akong umuwi ha.”
Napatingin naman ako sa malaking orasan ng mismong opisina naming. Tamang-tama na alas-singko na ng hapon. “Nagmamadali ka?”
Napansin kong panay hawak niya sa bandang pwetan nito. Pero narinig ko yung pagbulong niya sa akin. “Kanina pa itong gustong lumabas.”
Napagtanto ko ang ibig niyang sabihin. “Sige umuwi ka na.” Nang humakbang sa papalayo ay piniglan ko siya. “Gretha may paliku—“
“Gusto mo bang sasabog yung baho?!” Nanggigil niyang sabi.
Oo naman, tama ang kaniyang pinagsasabi. “Sige na bilisan mo na. Mag-ingat ka sa munting bato. Baka pagkaapak mo ay lalabas yan ng tuluyan.” Pagbibiro ko sa kaniya.
Hindi niya na ako pinansin at inuna na ang kaniyang mortal na kaibigan na gustong lumabas sa mundo. Napapansin ko na rin na nagliligpit na ng mga gamit ang aking mga kasamahan. Habang ako naman ay ginaya sila.
Maya’t maya ay may lumapit sa akin. Yung sekretarya ni Sir JL. “Honey,” tawag pansin nito sa akin. Alam ko yung mga tinginang ganito. “Kailangan mong i-photocopy ang mga files na ito.” Sabay lapag niya sa aking mesa.
Wala ako sa posesyon na magtanong o manghindi sa utos mismo ng boss. “Sige.” Kinuha ko iyon. “Teka, bakit may hawak kang bag?”
Patanong na sabi niya pa, “kasi uuwi na ako?”
Paglilinaw ko pa. “teka, teka ikaw ang magbibigay ng mga papel na ito kay Sir JL.”
Pamewang niyang sabi, “ako ba ang inutusan?” Parang binasag naman yung aking taenga nang marinig ko ang mga katagang mula sa kaniya. “Baguhan?... New—bie”
Yumuko na lang ako at ginawa ang utos niya. Sa paglapit ko sa naturang photocopier. Ay napasimangot ako sa habiling nakalagay sa maliit na papel. “Tatlong kopya.” Pagbabasa ko pa.
Naiwan na akong mag-isa kasi nasipaguwian na ang lahat. Mas nakakabagot pala kung ganito wala akong nakikitang tao sa paligid. Napatingin ako sa kesame at nang akma kong ipasok ang mismong papel ay may nakita akong kamay sa luob ng photocopier. Dinig ko pa yung malakababalaghang pagsamit niya ng aking pangalan. “Ho—ney.”
“Sir JL?!” at tama yung aking hinala. May kakaibang binabalak itong si Jack All.
Ngumiti siya habang ang kamay nito ay nasa luob ng photocopier. “Ako nga.” Ngumingiti pa siya na parang ewan. Tamang-tama naman na nasa huling pahina na ako nang pinapagawa niya sa akin. “Tayong dalawa na lang ang nandito.” Unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa akin.
Napatingin ako sa aking bag sabay kausap sa aking sarili, “ilang dipa lang ang layo.”
Hindi na ako nagdalawang isip at agad na snara na kay lakas yung photocopier dahilan na mapasigaw si Sir JL sa sakit. “A—ray!!!”
Para akong ibong lumipad papalayo sa kaniya. Kinuha ang aking bag at tumakbo na hindi na lumingon pa. “Bahala ka diyan!”
Dinig ko na lang yung galit ni Sir JL. “Honey!!!”