Kinabukasan… (Honey’s POV) Pagkagising ko ay nakaramdam ako nang bigat sa pakiramdam. Kahit yung ulo ko ay parang nahihilo na rin. “Bakit matamlay ka?” Pangungusisa sa akin ni Gretha. “Ayos lang ako.” Bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang aking noo. “May lagnat ka.” Ngumiti naman ako at nagsabing, “hayaan mo na. Kaya ko pa.” “Huwag mong sabihin na magtrabaho ka ngayong araw?” Tumango ako bilang sagot na siyang uminis kay Gretha. “Ano ba, may sakit ka.” Daig pa nito yng mga kapatid ko sa pagsasalita. “Kailangan mong magpahinga.” Kinuha ko yung tinapay at tinimplang gatas saka bumalik sa aking silid. “Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko.” Sabay sara ko ng pinto. Napatingin ako sa mesa at nakikita kong oo, bakas talaga na may lagnat ako. Yung putla at pagod kong mukha.

