CHAPTER 14

1591 Words
Chapter Fourteen - Franco "Kumapit ka kasi ng mabuti," ani ni Franco at kinuha nito ang mga kamay ni Margarita. Nilagay nito ang mga kamay sa kanyang tiyan. "Pwede namang dito sa iyong balikat diba?" Binawi niya ang kanyang kamay ngunit mabilis itong nahawakan ni Franco. Agad nitong pinaandar ang motor kaya napakapit dito si Margarita. Dama niya ang maumbok at matigas nitong tiyan. Wala siyang nagawa sapagkat kay bilis ng takbo ni Franco. "Hinaan mo nga! Baka maaksidente pa tayo. Ano ba!" nagpupumiglas siya. "Kung hindi ka titigil, maaaksidente talaga tayo dito!" sigaw pabalik ni Franco. Tumigil nalang ito sa pagpupumiglas habang hawak parin ni Franco ang kanyang dalawang kamay. "Marunong ka naman palang tumahimik," sabi nito at ngumiti. Hinayaan nalang ito ni Margarita habang binabaybay nila ang karsadang tinahak niya kanina. Muli niyang nalanghap ang hanging amoy dagat. Tumingin na ito sa kanyang kanan kung nasaan nakikita niya na ang karsada at ang puting buhangin na naglalapat. Ang mga niyog ng puno na nakipagsayawan sa simoy ng malakas na hangin. Tama nga si Franco, nakita niyang muli ang bahay kung saan niya kinuha ang mga damit. Dama niyang nagiging awkward ang kanilang posisyon tapos hindi pa sila nag-iimikan. Dahan-dahan niya nang kinuha ang kanyang kamay at matagumpay niya itong nakuha na walang angal galing kay Franco. "Siya nga pala Franco, hindi pala taga dito si mang Kaloy?" ani niya upang ibsan ang tahimik niyang pagsakay kay Franco. "Taga dito po," ngiti nito. "Ibig kong sabihin, hindi siya dito naninirahan malapit sa inyo? Kung saan siya nagtatatrabaho?" "Hindi." Tumango nalang si Margarita. Nawawalan siya ng ganang makipag-usap dahil pili lamang ang mga salitang binibigkas nito. Baka maiingayan lang ito kaya minabuti niyang tumahimik nalang. Nakita na niyang papalapit sila sa bahay kaya hindi na ito makapag-antay na makababa sa motor. Sapagkat, pinagtitinginan na sila ng mga taong nadadaanan nila. Kita niya ang panghuhusga sa mga taong tumitingin sa kanya. "Naku! Iyan na ba Franco?" sigaw ng isang lalaking nadaanan namin. "Haha!" tawa nito. "Hindi po! Asawa po ni mang Kaloy!" sigaw niya pabalik. "Anong asawa ni mang Kaloy ka diyan? Baka isipin talaga nila na asawa ako ni mang Kaloy." Tawa lang ang naging reaksyon ni Franco. Tumigil narin ito sa tapat ng kubong bahay. Bumaba siya agad at dali-daling nagpunta sa sampayan. Kinuha niya ang supot ng damit at nilabas ang mga kinuhang damit. Sinampay niya ulit ito kung saan niya kinuha ang mga ito. "Sinauli ko na po ginoong Franco," biro ni Margarita. "Anong sabi mo?" sabi nito habang pinipigilang mapangiti. "Sabi ko ginoong Franco, naisuli ko na ang mga damit." "Naku! Gumagaan na ba ang loob mo sa akin binibini sapagkat tinatawag mo akong ginoo?" "Feeling mo," sabi nito at natawa na rin. "Bakit soot mo parin ang damit ko?" ani ni Franco habang nakataas ang mga kilay nito. Nagpipigil ang mga ngiti habang kagat ang pang-ibabang labi. Hilaw na tumawa si Margarita. Tumingin ito sa soot niya at tinuro ito. "Hihiramin ko muna, okay?" mahinhin nitong sabi. "Alamang maghubad akosa harap mo?" sabi niya at plastik na ngumiti. Plastik ding ngumiti si Franco, "kung paghuhubadin kaya kita?" nanghahamong sabi nito sa kanya. "Napakabastos mo-" "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan aking binibini?" at malapad itong ngumiti na ikinainis ni Margarita. Suminghap siya at minabuting ngumiti nalang. "Salamat at pasensya na," maikli nitong tugon. "Naku! Siguro ako na palaging sumasakit ulo ng kasintahan mo kasi ang tigas ng ulo mo," ani Franco na ikinatigil ni Margarita. Unti-unting napalitan ang tawa niya. Naalala niya ang kanyang asawang si Victor. Isang luha ang pumatak sa kanyang pisngi kaya bumaling ito sa malinaw na dagat. Isa pang sampal Margarita at hindi na talaga ako makapagtitim-." "Ano? Sasaktan mo ri-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin. Hinalikan niya ako ng dahan-dahan. Sumuko na ako at lumaban ng halikan. Hingal na hingal kami pagkatapos ng halikan habang magkadikit ang aming mga noo. "Parusa mo 'yan kasi di mo ako pinapakinggan." "Ba't mo ako hinalikan Victor?" "Parusa mo nga!" "Nagkasala ba ako? Hindi naman ah? Ikaw nga itong tinatakbuhan ang responsi-" "Sinong may sabi sa iyo Margarita na hindi kita paninindigan?" "Iyon naman talaga diba? Karamihan talaga sa inyo ay tinatakbuhan ang responsibilidad,” "Hayst! Margarita, mahal na mahal kita. Ganyan ba ka babaw ang pagmamahal ko sa iyo? Hali ka nga rito." Hindi ako nakagalaw kaya niyakap niya ako. Hinalikan niya ang aking noo, ilong, at pati narin ang aking mga labi. "Kailanman ay di kita tatakbuhan Margarita. Ngayon pa na magkaka-anak na tayo. Nabigla lang ako kanina kaya ganoon ang aking reaksiyon. Ikaw naman." Napahagulhol ako ng iyak sa tuwa. "Akala ko kasi iiwan mo na ako. Nabigla ka kasi akala ko di mo ako panangutan," "Huwag na huwag mong kalilimutang mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo." At napanatag na nga ako sa mga bisig ni Victor. "Bakit mo naman nasabi?" mahinang bigkas niya habang patuloy na kumalandas ang mga luha sa pisngi nito. "Kasi ang hirap mong sumunod ng utos. Teka-" natigil si Franco sa pagsasalita noong tumingin ito kay Margarita. Mabilis na pinahiran ni Margarita ang mga luhang lumandas sa kanyang mga pisngi noong marinig nito ang pagkatigil ni Franco sa pagkakasalita. Mabilis itong bumaling kay Franco at ngumiti na parang walang nangyari. "Haha!" payak itong tumawa. "Ma-mahal ko siya kaya," hindi niya kinaya ang pagsinghot at tuluyan ng lumandas ang kanyang luha, "ka-kasi kahit matigas ang ulo ko, ma-mahal niya parin ako." Humagulhol siya ng iyak. Suminghap siya at mabilis na tumalikod papunta sa dalampasigan. Iniwan niya si Franco doong nakatulala a nabigla sa mga panyayari. Himdi niya parin magawang kontrolin ang kanyang emosyon. Kung mananatiling ganito siya ka-miserable, hindi niya magagawang pagtagumpayan ang mga plano niyag dapat isakatuparan. Tumingin-tingin siya sa kanyang paligid para maghanap ng masisilungan upang magmunimuni para malaya niyang maipahayag ang kanyang sarili. Napadako ang kanyang mga paningin sa lugar kung saan siya lumabas noong pangyayaring gabing iyon. Naroon parin ang metal na kahon na kanyang sinasakyan. Nakaawang ito habang pinapalibutan ito ng mga damo kaya hindi ganoong pansin. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at nilapitan niya ito para tingnan. Hinawi niya ang damong tumutubo sa paligid nito ngunit mabilis itong natanggal sapagkat nilagay lamang ang mga ito. Nakita niya ang lupang gumuho sa dadaanan ng kahon kaya hindi na ito gagana pa. Ang kahon naman ay nagkasira-sira. Mas lalo siyang nagtataka sapagkat sino pa ang sisira nito. Habang tinitingnan niya ito ay napansin niyang may nakasulat sa harap ng kahon. Hindi niya ito napansin kaninang umaga noong lumabas siya dito. Pinagpag niya ag mga alikabok na tumatakip sa mga nakasulat na nasa harapan. “Carlos Villacruz,” basa niya sa nakasulat sa harapan ng kahon. Naguguluhan siya kung sino ang taong ito. Nakasulat ito sa isa sa mga pagmamay-ari ni Ronald. Dalawa lang ang kanyang naiisip, itong Carlos Villacruz ang gumawa nito o hindi kaya ay siya ang nagmamay-ari nitong metal na kahon. “Margarita!” dinig niyang sigaw ni Franco sa malayo. Mabilis niyang kinuha ang mga damo at itinakip niya ito sa kahon. “Anong ginagawa mo dito?” dagdag nito. “Wala lang. Gusto ko lang mapag-isa,” ani niya at humarap siya dito. “Mayroon ka bang problema?” natunogan niya ang pag-aalala sa boses ni Franco. Mabilis siyang umiling. Tumaas naman ang kilay nito habang nakunot ang mga noo. Alam niyang hindi ito kumbinsido sa naging sagot niya. “Okay lang talaga may naalala lang,” sabi niya at binawi ang pakikipagtitigan kay Franco. “Hindi ako manghihimasok. Nandito lang ako kung gusto mo nang karamay.” at matamis siyang nginitian. “Okay,” ani niya at tumango-tango. “Magtatanghali na. Kain na tayo?” “Huh?” aangal na sana siya sapagkat may sapat naman siyang pera ngunit, “Sige, susunod ako at Maraming salamat Franko.” Kailangan niya munang tipirin ang pera niya kung gusto niya pang mabuhay. Hindi araw-araw ay aasa lamang siya sa mga tulong ng mga tao. Kaya hanggang mayroong tutulong ay sisikapin niyang tipirin ang pera. “Uh-huh! Walang anuman,” at bumuntong hininga ito. “Tara?” dagdag habang nilalahad nito ang kamay para kaya Margarita. “Sige,” sagot nito ngunit hindi nito tinanggap ang kamay ni Franco. Dahan-dahang ibinaba nito ang kamay at pilit na ngumiti. Humakbang siya para maglakad narin si Franco. Hinantay niya itong mauna bago siya tuluyang naglakad. Sa isang iglap, mabilis niyang nilingon kung nasaan ang kahon. Nangangako siyang hahanapin niya ang pangalang iyon baka pwede niya ito hingan ng tulong. “Matagal ka na ba dito Franco,” tanong niya habang nakasunod sa likod nito. “Hindi naman,” at bumaling ito kay Margarita, “mga ilang buwan narin akong nangungupahan dito. Bakit mo naitanong?” Napatango ito, “naitanong ko lang kasi maganda ang napili mong lugar. May dagat sa iyong harapan. Magandang tanawin,” sabi niya habang tumango-tango. “Gusto mo dito?” tanong nito habang nakangisi. Nabigla siya sa pagiging pranka nitong sumagot. Hindi niya inasahang ganito ito ka agresibo. Hindi niya alam kung ganito ba siya sa mga kakilala nito o sa kanya lang ito umaasta ng ganito. “Sino ba ang hindi magagandahan dito kung ganitong kagandang tanawin ang bubungad sa iyo araw-araw?” sabi nito at iniunat niya ang mga labi para ngumiti. Ipinagkibit ito ng balikat ni Franco at nagpatuloy sa paglalakad. Tiningnan niya itong papalayo sa kanya. Dama niyang may kakaiiba sa lalaki na hindi niya maisasatinig. Sa ngayon, kailangan niyang maging maingat sa lahat ng kanyang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD