NANG makabihis na'y sabay kaming lumabas ni Gilly sa dressing room. Sabay rin naming tinungo ang daan papunta sa casino.
Suot-suot ko ngayon ang isang kulay pulang dress na humapit talaga sa katawan ko. Samantalang, nakasuot naman ngayon si Gilly ng kulay rainbow na dress na siyang bumagay talaga sa kan'ya. Bumagay, dahil sa pagkakataon na ito'y mukha na talaga siyang clown. Kapal kasi ng kolorete sa mukha 'tas tinernohan pa ng color rainbow na dress, oh diba, mukha ng clown.
Muli akong napangiti dahil sa naisip. Hayst, self, kailan mo ba titigilan ang clown na kasabay mo?
Maingay at mausok na lugar ang unang bumungad sa amin pagkarating na pagkarating pa lang namin sa casino. Ang ingay ay hindi nanggagaling sa malalakas na tugtog kagaya ng sa bar. Kundi, nanggagaling ito sa mga bunganga ng mga mayayaman na panay ang tawanan, at salpukan ng mga piyesa gawa no'ng mga naglalaro ng majong.
Ang usok naman ay nanggagaling sa sigarilyo na kanilang ginagamit at hindi sa isang sunog.
Napabuntong hininga at napailing ako dahil sa aking mga nakita. Mga mayayaman nga naman talaga oh!
Alam niyo, minsan, napapaisip ako na napaka unfair ng buhay, kasi 'yong mga mahinirap, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lang kumita ng pera, pero 'yong mga mayayaman naman, dahil marami na silang pera, gumagawa sila ng paraan upang maubos nila ang kanilang pera, kagaya na lang ng ginagawa nila ngayon. Nagwawaldas ng pera para sa mga bagay na walang katuturan.
Pumunta na ako sa pwesto ko. Ngayong araw, ako ang nakatuka sa pag a-asist no'ng mga naglalaro sa table 10. Na kasalukuyan ay naglalaro ng tong-its.
Wearing a sweet smile in my lips I walk towards their direction. I wore a sweet smile because that's our rule here. Yes, you read it right, our number one rule here, is to wear a smile every time we assist our customer. And that's a must.
Kaya naman kahit wala naman talagang nakakatawa at nagmumukha na kaming baliw ay nakangiti pa rin kami. Ngunit ang pinakasamang parte ng palaging nakangiti ay may mga katrabaho ako na kahit binabastos na ay wala pa ring ginagawa kundi ang ngumiti dahil iyon ang rule.
Gustuhin man nilang sumigaw upang humingi ng tulong wala silang ibang magawa kundi ang ngumiti dahil sa tanginang rule na iyon.
That rule is the reason why nababastos ng mga mayayaman na ito ang mga matitinong nagtratrabaho na kagaya ko. Sa mga hindi po nakakaalam, hindi lahat ay kagaya ni Gilly na ibinibenta ang katawan para sa customer. Mayroong kagaya ko rin na gusto lamang magtrabaho para may maiuwing pera sa pamilya. 'Yong mga nagtratrabaho ng matino.
"What the—"nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko papunta sa table na kung saay mag se-serve ako ng may maramdaman akong bumangga sa akin.
Dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad at napamura nalang.
Tumingala ako upang malaman kung sino ang walang hiyang bumangga sa akin. Like putangina lang, ang lawak lawak no'ng daan, sa daan ko pa talaga siya naglakad. Yan tuloy nagkabanggaan kami.
Bubulyawan ko na sana ito ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makita ko ang mukha nito. Tanginaa mga mads, totoo batung nakikita ko? Oh my mga mads answer my question! Takte mare, ang pogi.
"I'm sorry miss," rinig kong hingi ng patawad nito bago nagmamadaling umalis.
Kung kaya't ang ending ay naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa bulto niyang unti-unti ng naglalaho sa bula. Tangina! Ang pogi mga mare. Sa sobrang pogi niya hindi ko man lang namalayan na nakatulala na pala ako.
Namalayan ko na lamang na nakatulala na pala ako ng may humipo sa bandang pwet ko. Dahilan kung bakit ako nakabalik sa sariling ulirat.
I gasped out of nowhere when I felt how his hand touched my butt. Galit kung sinundan ng tingin ang gawi no'ng gumawa sa akin no'n.
At doon ko nakita ang isang matanda na may malagim sa mga labi habang iniinom ang wine na kan'yang dala-dala. Typical na mayaman ang itsura nito at hindi ako nagtaka pa kung saan ito nakakuha ng lakas ng loob upang gawin ang bagay na iyon sa akin.
Manyak! Galit kung sigaw sa isip ko bago siya pinanindalatan ng mata atsaka mabilis na tinalikuran.
Kung ang ibang kasamahan ko'y ngumingiti pa rin kahit nababastos na dahil sa pesteng rule na iyon, pwes ibahin niyo ako dahil kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako ngingiti kung binabastos na ako. Kung pwede nga lang pumatay, papatay na ako e! Tangina talaga! Hindi ba pinakantot ang matandang iyon ng asawa niya?! Taena niya talaga!
Honestly, hindi na bago sa akin ang mabastos, dahil sa trabahong meron ako ay normal na iyon sa amin. Sa katunayan nga'y walang buwan na hindi kami nababastos at kahit gustohin man naming mag magreklamo ay wala kaming magawa dahil nga sa kadahilanang, we need money. Money to sustain our daily expenses. At ang trabaho na ito ay ang tanging nagbibigay lamang sa amin ng pera. At paniguradong sa oras na magsumbong kami ay mawawalan kami ng trabaho. Wala kasing boses ang mga empleyado na kagaya ko sa kompanyang ito. Wala kaming boses sapagkat kapag iniilabas namin ang aming mga hinaing ay tinatanggal nila agad kami sa trabaho dahil para sakanila, "The opinions of like us doesn't matter at all."
Natatakot kasi sila na pag susundin nila ang opinion namin o pakikinggan nila ang opinion namin ay malulugi ang kompanya nila. Dahil nga, hindi nga raw namin maangat-angat ang mga sarili namin sa kahirapan, ang kompanya pa kaya raw nila.
Sa totoo lang, ikinakasakit talaga ng balumbulunan nila ang pagdinig sa mga hinaing namin. Kaya naman hindi na rin namin ipinipilit na mapakinggan kami.
Dali-dali kong nilisan ang lugar na iyon at saka tinungo ang daan papunta sa table 10 na siyang gagabayan ko para sa gabing ito. Umaasang sa pagkakataon na ito'y hindi na ako mababastos pa.
Dali-dali kung nilisan ang lugar na iyon dahil sa kadahilanang natatakot ako, natatakot ako na baka gawin na naman ng matandang iyon ang bagay na ginawa niya sa akin kani-kanina lang.
Kagaya ng sinabi ko kanina, ang mga tao sa table 10 ay naglalaro lang ng braha kaya naman hindi naging gaano ka busy ang gabi ko. Kasi sa paglalaro ng braha, wala namang masiyadong kailangan kaya wala ring masiyadong utos at assist ang nagaganap.
May ilan-ilang utos naganap pero hindi ganoon karami. At ang mga utos na iyon ay ang pagkuha ng inomin o pagsindi sa sigarilyo na nasa bunanganga na ng mayayaman.
Oo, tama kayo sa nabasa niyo, napaka bossy talaga ng mayayaman, palibhasa kasi may pera kaya ultimo pagsindi sa sigarilyo na hawak-hawak nila'y inuutos pa ng iba.
At dahil nga utusan lang ako ay wala akong ibang nagawa kundi ang sundin sila. Sinunod ko na lang rin sila dahil sa kadahilanang sayang 'yong tip na nakukuha ko. Oo you read it right, meron rin kaming nakukuhang tip sa trabahong ito. Tip na pera at iyon ay ang isa sa pinakagusto ko sa trabahong ito.
Aside sa sahod may tip pa. Kaya doble-doble talaga. Kaya nga minsa'y nagtataka ako kung bakit mas pinipili pa ng iba sa amin ang magpakantot sa mga parkoyano para lang magkapera. Like, hindi pa ba sapat ang pera na natatanggap nila? Hindi paba sapat ang salapi na nakukuha nila kaya mas pinipili pa nilang ibenta ang mga katawan nila?
Ah, baka naman malaki lang talaga ang pangangailangan nila sa pera kaya ganoon.
"Hey miss, are you dumb?!" Napapitlag ako mula sa sariling pag-iisip ng marinig ko ang mga kataga na iyon.
Sinundan ko ng tingin ang gawi ng tumawag sa akin gamit ang mga kataga na iyon at doon ko nakita ang isang matabang mayaman, na mukhang manyak dahil sa pakakagat nito sa labing nalalaman.
"Y-es po sir? May kailagan po kayo?" I tried my best to be calm and polite while saying those words kahit ang sa totoo lang ay gustong-gusto ko na itong gilitan ng hininga dahil sa itinawag nito sa akin. Tinawag ba naman akong dumb, kung dumb dumbin ko kaya ang mukha niya.
Kung hindi nga lang to costumer namin baka tinadyakan ko na ang malaking tiyan nito e.
"Bingi at bobo ka ba miss? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko pinapakinggan tas tatanongin mo pa ako kung may kailangan ba ako? Diba obvious?" tanong nito sa akin ng sunod-sunod, dahilan kung bakit ako napangiti ng hilaw.
"Sorry po," hilaw kung ani rito bago nakayuko. Self, tama nga naman siya, ba't mo pa ba siya tinanong e obvious namang may kailangan siya, kaya ka nga niya tinawag diba?
Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Honestly, medyo nasaktan ako dahil sa itinawag niya sa aking bingi at bobo. First time kasing may tumawag sa akin gamit ang mga iyon kaya medyo nasaktan ako. Hindi kasi ako sanay na tinatawag ako ng ganoon.
Actually, mas sanay akong tinatawag na p****k o pakantot. Since magmula bata pa man ako, ang mga kataga na iyan na ang tinatawag ng iba sa akin. Mapa bata man o matanda, ang kataga na iyan na ang naririnig ko mula sa matatabil nilang dila. Kaya medyo sanay na ako. At dahil sanay na ako, hindi na ako nasasaktan pa.
Hindi kagaya no'ng bingi at bobo na first time pa kaya masakit talaga. Pero kahit masakit, ay wala akong karapatang magreklamo, because in the first place it's my fault naman talaga e.
"Yeah whatever, go get me some drink!" rinig ko pang ani nito na siyang nagpabuntong hininga sa akin.
Mayayaman talaga, napakatamad dahil ang hilig-hilig mang utos, e, may paa at kamay naman. Pero ayos na rin 'yon kasi kung hindi dahil sa pagiging tamad nila, paniguradong walang trabaho ang mahihirap na kagaya ko.
Isang pagyuko ang aking ibinigay sakanya bago ko nilisan ang lugar na iyon upang tunguhin ang gawi no'ng mga alak. Yuko na tanda ng paggalang.
Mabilis k9ng nilisan ang lugar na iyon. Tinungo ko ang daan papunta doon sa may gawi ng mga alak. At ng marating ang lugar na iyon, ay dali-dali kung sinabi kay Aljun ang kailangan ko. Si Aljun ang bartender dito. Kahit hindi naman to bar.
Hindi ko alam kung anong inumin ang hilig ng matandang matabang bakla na iyon dahil nakalimutan ko siyang tanungin, kaya ang ginawa koy si Aljun na lamang ang hinayaan kung pumili para don sa matanda. Since wala naman akong ka alam-alam sa mga alak.
Aljun nodded and made the drinks right away. After making it, inilapag niya ito sa counter.
"Here it is, Cassey," he said while smiling.
Nginitian ko naman ito pabalik, "Thank you, Aljun." Sabi ko rito sabay kuha sa baso ng alak na inilapag niya sa counter.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan, ngunit napatigil ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Cassey," someone called me from behind. Dahilan kung bakit napatigil ako at napalingon ako sa likod ko.
At doon ko nakita si Madam Stella, ang amo naming lahat dito. "Po?" I asked.
"Can we talk?" she asked and I nodded. Sino ba naman kasi ako para humindi diba? Remember, I am just a mere employee here and she is the boss.
"Goods, follow me," aniya bago naglakad palayo. At dahil sa sinabi niyang iyon ay napasabi na lamang ako kay Aljun na babalikan ko ang alak. Na siyang tinaguan naman ni Aljun, dahilan kung bakit napasalamat ako.
Matapos iyon ay dali-dali na akong tumayo at saka sinundan si Madam Stella. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, ngunit umaasa ako na sanay hindi sa katapusan ko. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinatawag, ngunit umaasa ako na hindi yong nangyari kanina ang dahilan. Dahil kung oo, matatadyakan ko talaga ang matabang matandang yon, nagsumbong ba naman.
Napatigil ako sa ginagawa kung paglalakad ng maramdaman ko ang pagtigil niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid upang tignan kung nasaan kami. At dahil sa ginawa kung iyon ay nalaman ko nga kung nasaan kami.
Walang iba, nasa labas kami ng opisina niya.
Hinigit niya ang seradura ng pintuan bago pumasok. Pumasok na rin ako pagkakita ko na punasok siya.
Tinungo niya ang table niya at saka umupo roon. Pagkatapos ay inilahad niya sa akin ang silya na walang nakaupo.
"Take a sit," aniya, ang tinuturo ay 'yong silya. Sinunod ko ang utos niya. Umupo ako do'n.
"Alam kung hindi mo alam kung bakit kita pinatawag ngunit huwag kang mag-alala, hindi ito bad news," aniya ng mabasa niya sigyro sa mga mata ko ang pag-alala at pagtataka kung tungkol saan itong pagtawag niya sa akin.
Medyo nabunutan ng tinik ang puso ko dahil sa narinig. Medyo lang, hindi ko pa kasi alam ang reason.
"So the reason why I called you, is that..," sadyang pinutol pa talaga ni Madame ang sasabihin niya sana. Tangina naman 'tong si Madan oh, pa thrill!
"Is that?" Diko napigilang tanong dahil sa kuryosidad.
"Someone wants you in bed," she answered which made me stunned.
Me? Bed? Want? Oh god!