4:00

2844 Words
4:00 Kinakabahan ako sa inaasta ni Kenna dahil matapos makapag-bihis at ayos, pinanood ko siyang tumayo sa harapan ng malaking bakal na pintuan kung saan siya ay matiim na nag-antay–na parang well-trained dog. “M-magbubukas ito mamaya-maya… P-papakinin n-niya tayo.” Bumagsak ang mata ko sa nanginginig niyang kamay. Ano ang ginawa niya sa inyo? “Y-you… a-ano pa ang ginagawa mo at nakatunganga k-ka? Halika dito sa tabi ko.” Maybe this was a trauma response. Oo, ipapalagay ko na lang na trauma ito. Siguro may mga bagay siyang nasaksikhan na hinding hindi niya malilimutan. Ganoon man, mas naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Hindi nakatulong ang mahinang pag-ugong ng mga metals doors sa pagpanatag ng puso ko, mas dumagdag pa ito sa nakaka-bahalang atmospera. Nanatili akong alerto sa aking kapiligiran samantalang ganoon pa rin ang pagka-bagabag ni Kenna. Kahit hindi pa lumilitaw si Maradona, tila ba ramdam ko na ang awtoridad at kapangyarihan niya. Habang nagbubukas ang pintuan, walang pagkakataon na binitawan ni Kenna ang kamay ko. Napakalamig ng kanyang palad. Magalaw naman ang kanyang mga mata. Sa paraan ng reaksyon niya, tsaka ko lang napagtantong baka hindi pa ako handa makaharap si Maradona, at masaksihan ang kung ano mang bagay ang nirereserba niya para sa amin. Nagpatuloy kami sa pag-bagtas ng tila misteryosong koridor na naliliwanagan ng mga kandila. The place was supposed to be breathtaking. Kastilo nga ang lugar gaya ng inaakala ko, pero dahil sa kinabibilangan kong sitwasyon, mahirap makaramdam ng kahit anong emosyon maliban sa takot. Habang naka-pokus si Kenna sa paglalakad, bahagya muna akong humiwalay sa kanya upang malibot ng tingin ang lugar. “T-teka! E-eleven san ka pupunta!” “Saglit lang…” “N-nanonood siya! H-hindi ka rin makakatakas o m-makakalayo, lalo na’t suot natin ito!” Gusto ko sanang apulain ang matindi niyang pangamba pero saglit na oras lang naman ang hinihingi ko. Kailangan ko lang kabisaduhin ang arkitektura ng lugar hangga’t nandito pa kami. “Oo… sinisilip ko lang.” “B-bilisan mo…” Masyadong malawak ang koridor. Nililinyahan ito ng anim na kwarto, kabilang ang amin. Lahat ng bakal na pintuan ay naka-bukas at wala ring ni isang tao ang nasa loob. Ganoon man, may senyales ng buhay doon base pa lamang sa mga nalukot na bedsheets ng kama at mga naka-bukas na gabinete tulad sa silid namin. “Lily!” Sa tindii ng kanyang nadarama, hindi na rin ako napigilan ni Kenna tawagin sa aking pangalan. “A-ayokong madamay sa g-ginagawa mo!” Tinango-tango ko na lang ang ulo bago bumalik sa tabi niya. Walang anumang bintana akong nakita, wala ring exit o vents na maaaring daanan. Kung ikukumpara ko ang lugar, masasabi kong isa itong bilangguan sa loob ng malaking palasyo. Sinubukan kong hanapan ng CCTV cameras ang kapaligiran, at nakabilang ng sampu sa kisame, anim naman sa bawat harap ng pintuan. Kung balak ko man gawin ang pina-plano, mukhang mahihirapan akong isagawa ang escape plan gayong napaka-taas ng seguridad dito. The place was practically barricaded with nowhere else to turn. Hindi pa kabilang ang mga tauhan ni Maradona na maaaring nag-aabang at naka-handa umatake sa oras na subukan naming umalis dito. Paano ba ito ngayon? Ang tanging opsyon ko ay ang kilalanin si Maradona, at alamin ang ninanais nitong mangyari. Ginabayan ako ni Kenna patungo sa isang malaking auditorium na mukhang dining hall. Halata ko ngang sanay na sanay na siya sa ganitong mga panawagan dahil bukod sa kabisado na niya ang lugar, kabisado niya na rin ang kilos at kagustuhan ng kalaban. If there was one way to describe this situation, I would call it a training ground. Lahat ng kilos ay kailangan kalkulado, lahat ay dapat sumunod kay Maradona. “Ten!” Agad kaming sinalubong ng isang maputing babae pagkadating na pagkadating sa dinner hall. She looked eerily similar to me. In fact, there's a certain resemblance among all of us. Hindi lang kami ang mga tao doon, sa isang malaking hapagkainan, naka-upo rin ang iilang babae. Ang iba’y namukhaan ko pa. I’m just glad everyone is alive. Kanina binanggit niya ang numerong 10 na kasalukuyang bilang ni Kenna. Hindi ko tuloy alam kung kailangan bang bansagan ang isa’t isa sa tinalagang numero. “Is this her?” Tumango si Kenna bago bumulong sa tenga nito. “Ganon ba… masasanay din siya,” ani ng dalaga sa kausap, pagkatapos ay lumingon ito sa akin. “Ako si Maria… but you can call me Eight.” Inilahad niya ang kamay at makahulugan akong tinitigan. Tinanggap ko na lang iyon ng walang sabi. “Wala pa rin siya…” Sino ang pinag-uusapan nila? Si Maradona ba? “Wala. Pero umayos na kayo ng pwesto. Ihatid mo na si Eleven sa upuan niya.” Tumango bilang baling si Kenna at agad akong dinaluhan. Magkabilang kamay niyang hinawakan ang aking balikat bago dahan-dahang igiya sa pwesto ko. “G-gayahin mo na lang kami. At ito pala ang pinaka-importanteng alalahanin mo… Huwag na huwag kang susuway sa kanya, dahil lahat tayo ay mapupuruhan.” Pagkasabing pagkasabi niya non ay biglang nagbukas ang malalaking pintuan ng dinner hall. Halos lahat ata ng kababaihan ay napasinghap sa inaasahang panauhin. Silence engulfed all of us as we stared at the man who just entered. He was a tall man as expected. Lalamunin na nga ata niya ang doorframe sa laking bulas niya. Sinubukan ko siyang tantyahin. Mula sa maskuladong katawan hanggang sa mukha niyang nada-damitan ng isang maskara, walang kahit sinuman ang pumasok sa aking isipan pagdating sa identidad ng lalaking ito. His dark eyes swept past his victims until he met mine. Para bang tumitingin ako sa mata ng bagyo, wala ni isang bakas ng kapayapaan sa likod non. As if those eyes had seen thousands of bloodshed and war. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-aalinlangan sa desisyon kong mapabilang dito. This isn’t the first time I felt suffocated by someone’s presence. The memory itself reminded me of my encounter with Volkov. Ganoon man kabigat ang epekto niya, marami pa rin sa amin ang nag-aktong hindi apektado. Umakto silang elegante at poised… Marahil parte ito ng kagustuhan ni Maradona. Maradona slowly removed his fur coat before placing it in the head chair. Everyone flinched, including Kenna who was beside me. The man exude power. Kamunting kilos niya lang ay apektadong-apektado ang lahat. Bahagya niyang tinanggal ang butones ng sleeves bago ito i-rolyo upang ibunyag ang maugat niyang kamay at braso. My eyes instantly went down to the silver ring in his finger, a symbol of a falcon gracing its design. Akala ko nakalampas sa mata niya ang ginawa kong pagpuslit ng silip pero nagkamali ako subalit muli kong nasalubong ang mapupungay niyang mata. Does he suspect anything? “Why the long faces? This should be a celebration.” Makapanindig-balahibo ang tono nito. It was deep and husky, like winter echoing in silence. And his accent held a taste of Russia. Kung ganon, totoo nga ang usap-usapan na konektado ito sa Russian mob, habang nababakas naman ang Spanish roots nito mula sa pangalan. If my deductions are correct, then he's both an influential figure to the Russians and Spaniards. Walang sumagot o nagbigay reaksyon sa sinabi ni Maradona, ang tanging tunog na umalingawngaw ay ang madilim niyang halakhak. Kumuha ito ng wine bottle sa harap at binuhos ang laman nito sa isang wine glass. Matapos ay inangat niya ito. “A toast… to commemorate our latest addition.” He raised his glasses as if celebrating my arrival. Bahagya akong nabagabag sa inasta nila. Matapos ng toast, lahat ay tila sapilitang ngumiti. Everyone clapped, except one. Ang dalagitang katabi ni Eight. Unti-unti ring namatay ang saglit na palakpakan, lalo na nang pagmasdan ito ni Maradona. Sa kabila ng pagiging propesyunal sa larangan, ito ang kauna-unahang beses na gusto kong protektahan ang dalaga. I want to broke free from my cover and do my job, but then again everything would blow up to be a failure. Base sa aura ni Maradona, natitiyak kong masasaktan ang babaeng ito. At ayoko sanang makita ang sasapitin nito. Marahang nilandas ni Maradona ang daan patungo sa babaeng katabi ni Eight. Bahagya nitong hinawi ang buhok ng dalaga upang mabulungan ang tenga. “What's the matter? Are you not eager to welcome my new bride into our gathering?” Sa sobrang lapit ni Maradona sa dalaga, mas lalong tumindi ang panginginig nito. Ilang saglit pa’y mukhang hindi na nito nakayanan pang tumutol. Pinagsiklop nito ang kamay at mabilis na nagmakaawa, pero hindi naka-takas sa paningin ko ang numero sa kanyang pala-pulsuhan. Seven “I-I’m sorry! N-n-nagkamali ako… H-hindi na m-mauulit. I-I will w-welcome her… wholeheartedly!” The man flashed a sinister smile, displaying his perfect set of teeth. Lahat ata sa amin ay natuod sa kinauupuan dahil sa nakakapigil hiningang eksena. Sa aking isip, panay ang panalangin kong hindi sila mapahamak. Sana hindi niya masamain ang hindi pagtalima ni Seven. Tumang tango si Maradona bago hawakan ang kamay ni Seven. Animo’y gentleman, inimplantahan nito ng isang halik ang likod ng kanyang kamay. “S-salamat Maradon–” Masyadong mabilis ang pangyayari. Sa isang iglap, napalitan ng malakas na sigaw ang pasasalamat niya, lalo na ng baliin ng lalaking kaharap ang kamay niya. “AHH! I-I’M S-SORRY… I’M S-SORRY” Tatayo na sana ako nang may pumigil sa aking tabi. It was Kenna… Makahulugan niya akong tinitigan na para bang sinasabihan akong huwag nang gumatong pa. Kinuyom ko na lang ang kamao at humingang malalim, bahagya pa ring naa-abala sa sinapit ng isa sa mga biktima. Kung kikilos ako ng basta-basta, baka nga madamay pa sila sa galit ng demonyong ito. It was wrong to ignore this crime, but for the sake of the plan, I should persevere. “Hush now, my love. Tears won't do. I'm merely teaching you a lesson,” alo niya habang pinupunasan ang luha ng dalaga. Dinig na dinig pa rin ang ume-echoing hiyaw ni Seven. Kinagat ko na lang ang labi at pilit pinigilan ang sarili sumaklolo sa karumal-dumal nitong injury sa kanyang pala-pulsuhan. Ang kaninang puting mantel at magarbong damit ay tuluyang natintahan ng pulang likido mula sa natapong alak. Mabuti na lang at hindi umusli ang buto nito dahil kung sakali ganoon ang mangyari, kinakailangan nitong isugod sa hospital. “Ayokong makita kayong nasasaktan… but cross me, and you'll soon wish you hadn't provoked me.” Ang lahat ay biglang nagbaba ng ulo matapos bumalik ni Maradona sa kanyang upuan. Bahagya niyang nilibot ang tingin habang patuloy pa rin ang mahinang hikbi ni seven. "I admit my emotions got the better of me... how impulsive I was. But promise, I’ll be a different man as long as you submit and obey.” Ngumiti ito sa nanunutyang paraan. Wala ni isa ang nakapagsalita bagkus nanatili na lang kaming tahimik. Sino ba ang niloloko niya? Malamang puno iyon ng kasinungalingan. A man like him can never bear sympathy… Sinubukan kong gayahin ang mga kasamahan ko dito kaso ang kataasan ng pride ko ang magpapa-hamak sa akin. Curiosity pique me as I find him vaguely familiar in a way. Alam kong dapat ko siyang iwasan pero bakit ako nakukuha sa mga tingin niya? Bakit niya ako hinuhuli? "I understand your desire to leave, but for the sake of our wedding, you must endure. Cast aside everything you've ever known. Once you belong to me, you are mine for eternity." Sinabi niya iyon habang isa-isa kaming pinasadahan ng tingin, hanggang sa maglapat muli ang aming titig. Puno iyon ng babala, hindi tulad ng kanina, ang kulay bughaw niyang mata ay mas naging mapanganib at makahulugan, na tila pinapa-intindi sa akin ang kayang kaya niya gawin sa oras na sumuway ako sa mga utos niya. **** Naging mapait ang aking panlasa habang kumakain, at tila ba naging mahirap ang aking pag-nguya. Dala ng sitwasyon, sino ba namang matinong tao ang hindi mapa-palagay? Kasama namin ang kampon ng demonyo. Isang mamamatay tao na nag-hasik ng lagim sa iba't ibang lupalop ng mundo. Anyone would be as equally disturbed as I am. Ang problema ay ang mga kasama kong nasanay na sa ganitong kalakaran. Kanina ko pa sila pinagmamasdan kumilos. Lahat sila’y parang robot na halos walang emosyon at reaksyon sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. When he harmed Seven, nobody seemed shocked nor the least concerned. As if they were already expecting this outcome the moment she didn't abide by Maradona's desires. Matapos kumain ng lahat, parang masusunuring langgam silang nagsi-balikan sa kani-kanilang lungga. Wala rin naman naging imik si Maradona, tanging ang mga titig niya lang ang nagbigay ng sapat na impormasyon na tapos na ang bangkete. Kakaiba ang epekto niya tipong kahit walang siyang salitang bitawan, awtomatiko mong maiintindihan ang ninanais niya. “Hindi ako lalayo Kenna." “Bakit mo ba ito ginagawa Lily! Ako ang mapapahamak sa ginagawa mo!” “Ano ba ang gusto mo mangyari Kenna? Ang maka-alis dito o ang manatili dito? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking iyon kay Seven?” “Pero ayokong madamay… parang awa Lily! Sumunod ka na lang sa patakaran dito!” Iniling ko ang ulo. “Just give me 10 minutes. I'll be back before the door closes.” “Pero!” “Magtiwala ka sa akin.” Wala na ring nagawa si Kenna kundi ang pumayag sa kagustuhan ko tutal para sa aming lahat naman ito. Nakikita ko sa mata niya ang desperasyon bagama’t iba ang sinasabi ng kanyang bibig. Doon palang alam kong masusuportahan niya ako sa aking pakay. Ang hindi lang niya magawa ay ang umakto sa kaniyang napupusuan sa takot mabalikan ni Maradona. Hindi ko siya masisisi, madalas akong maka-salamuha ng mga taong mas pipiliin ang manahimik kaysa magsalita. Ang malaking balakid lang naman dito ay si Maradona, at ang hindi mabasa-basa nitong hangarin. Tanging ang ilaw mula sa mga kandila ang nagbigay depinisyon sa lugar. Habang nilalandas ang pasilyo, tinungo ko ang silid kung saan ko nakita pumasok ang isa sa mga babaeng namukhaan ko sa case investigation file. ”Meredith?” Puno ng katanungan ang mata niya matapos kong pasukin ang kanyang kwarto. Mula sa pagkakaupo, dahan-dahan siyang umangos. “Eleven? Anong ginagawa mo dito?” “Kailangan kitang makausap–” “Umalis ka na! Ngayon din!” “Teka lang... Meredith." "Don't ever call me that name! Dito, ang tawag sa akin ay One." "Meredith, hindi mo naiintindihan kailangan mo munang makinig sa sasabihin ko–” “Ano ba eleven! Sinabi ko na sa iyo! Umalis ka na dito!” Matalim ang kanyang titig, nasisigurado kong seryoso ang pagbabanta niya sa akin. “Look… 10 minutes of your audience that’s all I ask for.” “You need to get out.” “Sa loob ng oras na iyon, hinding hindi mo ako mapapa-alis hangga’t hindi mo sinasagot ang mga katanungan ko.” Siniil niya lalo ang labi. Sa talang ng aking buhay, ngayon lang siguro umiral uli ang katigasan ko ng ulo. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay bumagsak ang tingin niya sa CCTV camera na nakasukbit sa kisame, na tila ba binabalaan akong umatras na sa aking layunin. Ganonpaman, hindi ako natinag at umatras. “He can come for all I care. Kung di ka makikipagkooperasyon, mas lalo tayong madidiin.” Makaraan ang ilang sandali, nagbuga ito ng hangin na animo’y sumusuko na. Walang pasabi siyang kumilos para hilain ako patungo sa gilid ng kanyang kwarto. “Then make it quick. Ano ba ang gusto mong malaman?” “Ikaw ang pinaka-matagal na nandito. Dalawang beses ka ng naitalang nawawala. Tell me, is this some sort of pattern? Bakit sa tuwing matatapos ang koleksyon niya, may matitirang isa? At ang natirang iyon… it’s either they become missing or is found dead.” “Who are you? Why do you know all of this?” Wala akong balak magpakilala bilang pulis kaya hindi ko inalintana ang mga tanong niya. “Hindi mo sinagot ang tanong ko… Bakit ka nandito sa ikalawang pagkakataon? Anong kailangan niya sayo?” Mababakas sa mukha niya ang pagkabahala, isa lang ang indikasyon non, totoo ngang may tinatago siyang katotohanan o impormasyon. At balak ko itong lutasin anuman ang mangyari. "I-I..." Kanina pa pumapatak ang orasan. Ilang minuto na lang ang natitira sa akin upang makabalik sa aming silid bago magsara ang lahat ng pintuan. Kung sakaling hindi niya agad mailalahad ang lahat ng kasagutan, sisiguraduhin kong babalik-balikan ko siya hanggang sa makuha ko ang gusto, at mukhang nababatid niyang hindi nga ako uurong. “Okay… okay… Ito lang ang masasabi ko sa ngayon." Bahagya siyang tumingin-tingin bago ako lapitan para bulungan. "Pag patak ng kabilugan ng buwan, lahat tayo ay mamamatay." Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon. Although, I knew we were practically dead already from the outside world. "—Sa ngayon, ang nalalabi nating oras ay nakatakda para sa araw na iyon. Hindi ko alam kung kailan… hindi ko rin alam kung ano ang pakay niya. But he will kill us… And there’s no way of escaping our fate… not even when we plead for his mercy. ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD