5:00

3054 Words
5:00 Surely he has a weakness right? A reason behind the murders? Kasi kung wala, hindi ko alam kung papaano pa kami makakawala sa hawlang tinayo ng halimaw na ito. I needed something to use against him, otherwise prolonging our lives is the best option I have. At mukhang mahirap tuparin ang ninanais ko gayong kulang din ako ng kaalaman ukol sa kalaban. “I-imposible. May rason siguro kung bakit niya ito ginagawa sa atin. May paraan din siguro para tayo’y makatakas…” Iniling niya ang ulo. “The only thing you could do to escape is to actually survive…” “Survive him?” Hindi niya niliwanagan ng mabuti ang sinabi, at sa halip, ako’y hinawakan na lang sa braso para itakwil palabas. “Umalis ka na. Magsasara na ang pintuan…” Gusto ko man siyang usisain pa, nauunawaan ko ang pangakong binitawan ko kay Kenna at ang kapahamakan maaring nag-aabang sa aming dalawa sa oras na mapag-initan kami ni Maradona–kaya wala na rin akong nagawa kundi ang kusang sumama. Hindi na lang ako umimik at mahina siyang pinasalamatan. “Don't tell anyone about what I said to you, okay? Dahil sigurado akong magpapanic silang lahat. Baka nga mas lalo pa silang magrebelde kay Maradona… sa ngayon, kailangan natin sundin ang kagustuhan niya kung ayaw niyong masaktan at mapa-aga ang inyong kamatayan.” Tumango na lang ako bilang pagtalima atsaka pumihit na paalis. Ngayong unti-unti nang nabubuo ang bitak-bitak na larawan, mas nabibigyan linaw ang aking pagsisiyasat at mga katanungan. Hindi magtatagal ay makakahanap din ako ng solusyon, pero sa ngayon, habang wala pang konkretong plano, kailangan kong makalikom ng sapat na intel. Napasadahan ko ang mga silid ng ibang kababaihan, ang iba'y nakatinginan ko pa. Base sa oras na tinatantya ko, ilang segundo ay magsasara na ang mga pintuan, at gaya ng inakala ko, rumagasa ang mahinang pag-ugong nito. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa marating ang silid na malapit sa amin, ngunit bago pa ako tuluyang maka-balik, nabigla ako nang mabilisang magsi-sarahan ang mga pintuan. Kumalabog ang puso ko sa kaba at takot. Nasisigurado kong may isang minuto pa ako para maka-balik. Imposibleng mali ang kalkulasyon ko gayong pinagmasdan ko ang contraption ng pintuan. Nilibot ko ng tingin ang lugar hanggang sa dumapo sa hindi inaasahang panauhin. Mula sa aking kinatatayuan, agad akong natigilan. Pinagpawisan ang aking kamay habang napalunok naman ako ng malalim. Ilang dangkal lang mula sa koridor patungong dining hall, nabungaran ko ang pigura ng isang tao. Si Maradona… "I'm glad you're getting along with the others.” Alam niyang pumuslit ako sa silid ni Meredith. Hindi naman ako tanga para hindi i-konsidera ang peligro sa pagtangka kong pag-dalo, kaya hinanda ko rin ang sasabihin. “Y-yes…” Bakit ako nauutal? Parang bumagsak ang puso ko sa talampakan dala ng sobrang pagka-nerbyos at pamamanhid ng kabuuan. Kilala ko ang lalaking ito, alam ko rin ang kakayanan niyang kumitil sa isang kurap lang ng mata—kaya tipong nasa hukay ang kalahati ng katawan ko. I was playing a dangerous game of poker and my life was the money I gambled. Now was the time to use my astute observation after years of serving in law enforcement. Wala man siyang kahinaan, nababatid ko naman ang tungkulin at tayo ko dito. If I was his so called bride, I'd use it to my leverage. “G-gusto ko lang sanang m-makausap silang lahat. Nahihirapan kasi akong intindihin ang mga patakaran dito.” “I see you're adjusting well. But let this be my warning, that this would be the last and final time I see you out of your room.” Lumunok ako, at tumango, may parte sa akin ang bahagyang relyebo sa isiping na-palusot ko iyon. “Yes. I'm sorry, Maradona.” “One day you'll learn how to be disciplined.” Nahirapan uli akong lumunok bago itungo ang ulo. Ang disiplinang tinutukoy niya ang kinakatakot ko. Walang nakaka-intindi sa motibo ng lalaking ito, kaya kahit anong oras ay pwedeng magbago ang isip nito at bigla na lamang akong gantihan gaya ng ginawa niya kay Seven. “Now that you're my soon to be wife... Everything should be in order.” Tumango ako at pinagsiklop ang kamay upang pigilan ang panginginig nito. "Let me escort you to your room." Walang imik na lang akong tumalima at lumapit sa kanya. He looked down on me as if inspecting my reaction. Bagama’t naiintimida ako, ginawa ko ang makakaya magmukhang hindi apektado. The number one thing that separates us from regular civilians is our training. Sa police academy, nagsanay kami upang itago ang emosyon at hindi panghinaan ng loob. Habang magkatabing naglalakad, hindi ko mapigilan mapansin ang hubog ng kanyang katawan. Napakalaki at tangkad niya kumpara sa akin. I was only at mid-chest length while he was towering over me. Siguro aabutin ng sampung tao, baka nga hindi lang sampu, para siya’y pabagsakin. At ngayong kami lang ang magkasama, napagtanto kong mahihirapan nga ang kahit sinong tao pag nagkataon ma-engkwentro siya. Bahagya akong lumunok ng maisip ang bukas na pintuan inilahad sa akin ng tadhana. Ito ang pinaka-magandang pagkakataon para siya'y maka-panayam. Although it was also a risk. Should I take it? "Y-you mentioned something about our wedding. Can I ask when is the ceremony going to happen?" Nang sa gayon malaman ko kung kailan mo kami ididispatya. Tumawa si Maradona. "I know you must be eager, but try to enjoy the anticipation as much as I am." "Then… Can you at least tell me what time?" Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. "Why the interest?" "Ah… " Pinagpawisan ako lalo. "Gusto ko lang makapaghanda ng maayos." Ngumiti si Maradona, bago bumaling sa akin. Nanlaki ang aking mata nang mapagtantong nag-iba ang kanyang aura. Sa praksyon ng oras, nagawa niya akong ipinid sa matigas na dingding ng palasyong ito, samantalang ang isang kamay niya’y dahan-dahang gumapang pataas ng aking bestida upang damahin ang balat ko. Hindi ko napigilan ang mapa-singhap nang laruin niya ang gilid ng aking panty. "So eager for our wedding… our first night.” Ngumiti na lang ako kahit alam kong pawang kalokohan ang pinapakita ko. It was a mask I managed to set up. Akala ko lalandasin niya ang lugar na kahit kailanman ay ayaw kong marating niya, kaya laking gulat ko nang bitawan niya ako. Nabubulabog kong pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan, at sinamantala ang pagkakataon para humugot ng lakas ng loob. Wala ng makaka-pigil sa akin. Tutal nandito na rin ako, dapat kunin ko na ang tsansang ilahad ang ninanais ko. “S-since we will be wedded… Can I make a request as your bride?…” Kinakabahan kong hinintay ang magiging responde niya, at nang dahan-dahang lumitaw ang delikado nitong ngiti, tsaka ko lamang nakumpirma ang kasagutan. Kinuha niya ang kamay ko bago gawaran ng halik ang likuran nito. “Anything for my bride…” “G-gusto ko sanang makapag-bonding kaming lahat. Before the wedding, may sinasabing bachelorette party. Gusto ko gawin namin yon…at magtipon-tipon… all your brides to be…” He looked at me quizzically, as if sizing me up. I knew it was probably weird to hear my requests. Baka nga tumataas na ang suspetya niya sa identidad ko, ngunit mamatay man ako o hindi, hindi ko pinagsisihan ang mga desisyon ko. All these sacrifices and risks are steps I took to reach him. And now, will he grant me this wish? Nilapit niya ang mukha. "There's something special about you." Maya-maya’y bumulong sa kanang tenga ko. "You don't seem to fear me…” I don't know if it's a compliment or not, but I fear he'd see through my disguise. Alam ko sa sariling maskara lang ang pilit kong pinapalabas sa kanila. Sa kaloob-looban ko’y kinakain ako ng pagka-alarma at pangamba, bagay na ayaw kong makita ng kahit sinong tao. At sana, hindi niya nakikita ang pilit kong tinatago. Knowing someone's fear makes them vulnerable. It hands the enemy control… Madilim siyang tumawa at mas lalo akong diniin sa dingding na ngayo’y sinusuportahan ang buong katawan ko. Hindi tulad kanina na animo’y kinain ng lamig, ngayo’y bigla akong nag-init sa hindi maipaliwanag na dahilan. “Could you be the one?” Nahihirapan kong inalisa ang kahulugan ng sinabi niya. Ano ang tinutukoy niya? Nais ko sana siyang usisain ngunit nang bitawan niya ako, tsaka ko lang napagtantong hanggang dito na lang ang interogasyon ko. Gayunpaman, nagbunga ang araw na ito. Mula sa mga observasyon ko hanggang sa mga binitawan niyang salita, nakuni-kunita ko ang isang bagay na hindi pa naitala sa police reports. A motive… For once, I think I know his motives. Maaaring may hinahanap ang lalaking ito, at kung sino o ano man iyon, ipinapangako kong matutugis ko rin ito. If he was searching for the one, then all of us are nothing but sheeps in his pen. And he's looking for the wolf in disguise. Akmang aalis na siya matapos ako ihatid sa aking kwarto, ngunit ang mga binitawan kong kataga ang tuluyang naghimpil sa entrada niya. "Papakawalan mo ba sila? Kapag nahanap mo siya?" Siya. Sino ba siya? Sino ba ang taong gusto mong patayin Maradona? Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya nang banggitin ko iyon. The room seemed to tighten and the shadows danced menacingly on the walls. Dumagdag ang pitik ng kandila sa nakakatakot na dilim na bumabalot sa kanyang mukha. “Free them?” Natatawa niyang ani. "Such a dramatic assumption my zayka. But empathy isn't for everybody.” Kumalabog sa dibdib ang puso ko. Sa kakahanap ng kasagutan ko, nakumpirma ko ang mala-halimaw niyang kalikasan. Wala nga siyang awa, walang compassion, baka nga wala siyang dahilan upang pumatay. Nahihirapan lang siguro akong tanggapin na may mga tao ngang walang puso gaya niya. He wasn't going to stop even if it meant finding the one he wishes to obtain. No matter what happens, his game would not end. Ang natatangi lang atang paraan ay ang patayin siya… at hindi ko iyon magagawa ng mag-isa. “Lily… you're better off not prying into matters that don't concern you.” Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko kahit pa hindi ko iyon nabanggit sa kanya. His words were dismissive and cold, it was definitely a warning he wished to instill in me. “Rest well my zayka." **** MAG-IISANG araw na simula ng huli kong makasalamuha si Maradona at matapos non parang naging mapayapa ang nalalabing oras namin. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko, pag-iisip ng panibagong plano, nawindang na lang kami nang magsibukasan ang mga pintuan. It's been hours, and yet no announcements nor rules have been imposed. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nagsasara. “Nakabukas magdamag ang mga pinto. Sa tingin mo sinusubakan niya tayo?” Haka-haka ni Kenna habang pinagmamasdan ang daan palabas. Iniling ko ang ulo. “Hindi… gusto niya tayong makapagsama-sama.” Kahit saang anggulo ko tignan, si Maradona na ata ang natatanging kriminal na hindi ko mabasa-basa. Tahimik kong pinasadahan ang mga sasabihin bago tumayo at pagpagpagin ang sariling damit. Tumutupad ka nga sa pangako, Maradona. “S-san ka pupunta?” “Lalabas.” “Pero bawal!” “May sinabi ba siyang bawal? Nakabukas ang pintuan simula kanina, baka binibigyan niya tayo ng oras makapagliwaliw.” “Pero—” Nilingon ko siya. “Kung ayaw mong lumabas Kenna, then that's fine. Pero kung gusto mong sumunod, yayayain ko ang lahat ng mga babae sa kwarto ni One.” Bahagya siyang napalunok, nababakas pa rin sa mata niya ang pag-aalinlangan. Ilang segundo kong hinintay ang kasagutan niya at nang makakuha ng katahimikan bilang baling, tuluyan ko na siyang iniwan sa loob ng silid. NAHIRAPAN akong kumbinsihin ang iba, samantalang naging madali naman ang iilan. Nakakapanibago manghikayat gayong hindi ko ginagamit ang persona ko bilang policewoman, pero dahil kailangan, ginugol ko ang oras para sila’y mapa-payag. Kasalukuyan kaming nasa loob ng silid ni One, naka-upo sa sahig at naka-bilog ang orientation. Mula sa pintuan, unti-unti din kaming dinagsa ng ibang kababaihan matapos ang ilang minutong pagninilay. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin kaming nakumpleto. 11 girls, all wearing white, satin, dress. Kitang-kita sa mukha ng iba ang pangambang mahuli ni Maradona, samantalang mukhang nakakuha ng katiting na tapang ang mga nanguna. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan na ang miting. Nilibot ko ng tingin ang maliit naming kumpulan. “Listen… I've been observing everything that goes around here. Every minute details and routines. At sa tingin ko’y kailangan nating magtulungan para gumawa ng planong tumakas.” Naghalo ang pagdudu-duda at kontemplasyon sa mata ng iba. Si Seven na kanina’y puno ng determinasyon ay biglang nagbaba ng ulo. “H-huwag kang m-maingay Eleven. B-baka marinig niya tayo.” Sumabay ang ibang bulungan sa pahayag ni Seven. “Wag kayong mag-alala, tinanggal ko ang audio jack ng CCTV cameras. Tinignan ko rin ang bawat sulok ng lugar, walang kahit anong hidden spy cam ang mayroon.” Muling inulan ng bulungan ang maliit na silid. “Eleven… matagal na kaming nandito. Mas kilala namin si Maradona. Hinding hindi ito magiging pabaya.” Tumango ang ilang kababaihan. “G-gaya mo ay gusto rin namin m-maka-alis dito. P-pero anuman ang gawin namin, t-talagang w-walang paraan para makatakas. M-maniwala ka s-sa amin. L-lahat ay ginawa namin! K-kaya naman... s-sumuko k-ka na lang at maging alipin niya.” Nagpalitan sila ng tingin, ang mga mata nila’y naging daan para magkaroon ng pagkaka-sundo. A heavy silence enveloped the room, the air was thick with defeat and hopelessness. "There's nothing we could do. It's practically hopeless..." Masasabi ko ngang tama sila, wala nga akong masyadong alam kay Maradona, pero iisa ang nasisigurado ko. Kailangan naming maka-tagal bago dumating ang araw na iyon. If we want to live, we must survive until Midnight. And to survive, I must let everyone know of what to expect. Base sa kalkulasyon ko at pagkakatanda, ilang araw na lang ay magiging bilugan din ang buwan, at ang piyesta ng aming pagkamatay ang magiging katuwaan ng halimaw na iyon. Kung nanaisin naming mabuhay ng may mas malaking tsansa, dapat gawin na namin ang plano sa mas madaling panahon, partikular sa susunod na pagkikita namin ni Maradona. “Listen… kung hindi tayo kikilos ng maaga. Mauubusan tayo ng oras—” “Eleven—” putol ni Maria, o si Eight. “Naiintindihan ko ang desperasyon mong maka-alis dito. Lahat tayo ay gustong makatakas!” Bahagya siyang humugot ng malalim na hininga, ang galit ay unti-unting umuusbong sa kanyang mata. “—kung susunod lang tayo sa kanya, matitiyak ko ang kaligtasan nating lahat. That is the only way.” Halos magmakaawa ang tono nito. Hindi nagtagal ay sumabat din si Two upang palawigin ang ekplenasyon sa akin ni Maria. “All those girls who've gone missing what if they're just here? Trapped in this massive expanse? Paano kung buhay din sila gaya natin?” Umiling-iling ito at matiim akong tinitigan. “Tama si One. Kung gusto nating mabuhay, kailangan nating sumunod sa kagustuhan ni Maradona. Kapag naging mabuti kang asawa, baka pagbigyan ka niya ng tsansa maka-alis dito. He's a romantic person. The sanctity of his so called marriage matters to him the most—” Hindi ko mapigilan ang matawa. “Romantic?! That psycho uses genuine affection as a manipulation tactic to infiltrate and get to your head!” Napadako ang tingin ng iba sa alterasyon namin ni Two na ngayo'y biglang nanliit matapos kong taasan ng tono. “Don't tell me you've develop some sort of Stockholm syndrome… swayed by his false affections…” Gusto kong masuka nang mapagtantong ginagamit ni Maradona ang pagiging romantiko bilang sandata. He's treating us with a reward system. If you listen and obey, you'll get a treat. Matagal-tagal niyang naisakatuparan ang mga patakaran niya, kaya hindi malabong maging vulnerable ang iba sa abanse nito gayong kami-kami lang ang nandito… nakakulong at nakahiwalay sa anumang klase ng human contact. “Eleven! Sumusobra ka na! Wala kang karapatan manghusga ng kapwa mo! Everyone here is already going insane and you're making a scene and mess right now!” Tumaas ang tensyon sa kapaligiran nang magsi-iral ang emosyon ng bawat isa. Nahati ang grupo sa dalawa, ang iilan ay kampi kay Two, ang ibang matitino pa ay sa akin. “You don't understand… he cares about us! Binibigyan niya tayo ng pagkain! Ng tirahan! Kung susunod ka lang sa kagustuhan niya ay mabubuhay ka!” Sa gitna ng kanilang atensyon, nagawa kong ilahad ang sariling pinaglalaban. “Hindi niyo ba naiintindihan? He's not going to spare us! Everyone is dead!” Sinubukan kong kumawala sa hawak ng iba ngunit tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan. “Papatayin niya tayo na parang mga baboy na hihintayin katayin kung kailan ninanais ng may ari ibenta! We're not going to live past the full moon!” Biglang nagsi-lakihan ang kanilang mga mata sa rebelasyon ko-- na anuman ang mangyari, kamatayan ang kahihinatnan namin. Naghalo ang koleksyon ng mga pag singhap, iyak, at kawalan ng pagasa. Gaya nga ng inaakala, pumutok ang panic at kaguluhan sa mga bihag ni Maradona. Sa puntong iyon, walang sabi akong sinugod at kinuwelyuhan ni One. “Anong sabi ko sayo! Hindi ba’t sana nanahimik ka na lang!” Puno ito ng galit at pagpipigil, na para bang napakalaking sikreto ang nabunyag ko. Pero hahayaan ko na lang ba silang umasa sa wala? Hahayaan ko na lang ba mag-antay ang iba sa pag-asang kahit kailan ay hindi naman darating? Hanggang kailan niya gagawing mangmang ang iba sa kanilang tadhana? Malamang ay pinipigilan ako ni One ibunyag ang katotohanang ito dahil sa sikretong tinatago niya. Hindi panic o takot ang inaalala niya. Sadyang may bagay siyang nililihim. At kailangan ko siyang mapiga ng impormasyon nang sa gayon makumpleto ko ang pinaka-inaantay na piraso sa aking pinaplano. “One… alam kong may nalalaman ka, higit pa sa mga sinabi mo sa akin. Kung ayaw mong ilahad ang lahat ng nalalaman mo, hindi lang ako ang sisisante sayo. Lahat kami… lahat kami’y magiging kalaban mo.” **** Author's Note: Happy Valentines Day! Kung gusto niyo po pala ako maka-interact or makahingi latest na balita, pwede niyo ako iadd sa Vangajo Stories (sa f******k) or ifollow ang aking sss page (Vangajo Stories din ang pangalan). Let's support each other <3 Maraming salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD