6:00
Kung mayroon man sa amin ang kailangan usisain, walang iba iyon kundi si One. Ang totoong pangyayari, ang dapat naming asahan, at ang lahat ng katanungan ay tanging siya lamang ang makakasagot.
Nasaksihan ko kung paano siya mamutla, kabahan, at lumikot ang mga mata nang madinig ang pahayag ko.
Hindi rin nagtagal ay bumigay na ito matapos mapagtantong lahat kami’y nakatutok sa kanya.
Napuno ng desperasyon at mabigat na tensyon ang kapaligiran habang kami’y nagsisiksikan sa maduming sahig ng silid. All ten of them had their eyes wide and frantic as they awaited an explanation. Mukhang gusto rin nila ako interogahin kung papaano ko ba ito nalaman lahat, ngunit ang sentro ng atensyon ay si Meredith na ngayo’y tahimik at puno ng kontemplasyon.
Sa gitna ng madilim-dilim na kwarto, ang kislap ng kandila ang nagbigay depinisyon sa lugar, at nagtalaga ng mga anino sa aming maliit na kumpulan.
“Listen carefully to what I'm about to say…” bulong niya na tipong natatakot madinig ng buong-buo ang kanyang rebelasyon. “Maradona, as he calls himself, is playing a twisted game of life and death.”
Habang nagsasalita, napahawak ang ibang kababaihan sa kanilang katabi, isa-isang nagbago ang kanilang ekspresyon.
“And every stroke of the clock…every hour, one of us will die.”
“What?” Hangos ng iba samantalang mukhang inaasahan naman ito ng iilan.
“Years ago, I was kidnapped and brought in this hell. Before any of you knew me, I was thrust into this same game before. Forced to survive... and obey him. It's a nightmare I can never forget.” Hinawakan niya ang dibdib na animo'y nasasaktan pa rin sa pait ng sinapit niya. “I was one of the preceding victims. The survivor of his previous game… Hindi ko aakalain na babalik ako sa larong ito. I didn't realize that it was a never ending cycle… akala ko talaga ligtas na ako.”
“P-paano k-ka nabuhay?”
Iniling niya ang ulo. “H-hindi ko n-na rin masyadong maalala. Ang alam ko lang ay… g-ginawa ko ang makakaya makarating sa Cathedral bago pa ang pagpatak ng alas-dose ng gabi.”
“Cathedral?”
Tumango si One. “T-that night, where his game starts and ends. I was forced to survive.”
Isang koleksyon ng pagsinghap ang natamo namin matapos maglahad si One. Saglit kaming nag-salitan ng nangangambang tingin matapos makumpirma ang kinakatakutan ng lahat.
“A-ano ang dapat namin gawin para mabuhay? M-may paraan pa naman hindi ba? You survived once! I'm sure we can do it again!” paghihimutok ni Five.
Mas lalong humigpit ang nakasiklop na kamay ni One. Hindi nakatakas sa akin ang miski kakapiranggot nitong kinikilos. As a police officer, I was trained to spot any signs of guilt or deception. It was my job to observe my target.
“W-wala akong ginawang espesyal… b-bukod sa makinig sa mga utos at kagustuhan ni Maradona.”
Mula sa kibot ng daliri hanggang sa pagbabago ng pag-uugali, lahat iyon ay kinakalkula at hinahanapan ko ng butas. Pero sa puntong ito, mukhang nagsasabi nga siya ng katotohanan.
Saglit na napunan ng katahimikan ang lugar. At dahan-dahan, humalili ang samu’t saring bulong-bulungan.
“—W-what if... w-what if w-we can't g-get out of this?”
Si Four na ngayo'y hapit-hapit ang dibdib ay biglang nasuka. “I can't... I can't do this. I don't want to die!”
Tulad ng inaasahan ni One, napuno ng panic at takot ang puso ng bawat isa. At dahil tama ang kanyang hinala, matapang niyang sinalubong ang mata ko, na parang may hinanakit sa akin. I don't blame her for being angry at me, but I don't feel guilty by my actions at all. Walang duda na hindi ko pagsisisihan ang ginawa kong pagsiwalat ng katotohanan.
Everyone deserves to know. It is their right to know their fate and what they can expect in the near future. Hindi ako pwedeng mag-sinunggaling at sabihing magiging ayos lang din ang lahat kung miski ako ay nahihirapan timbangin ang tsansa naming makalabas dito ng buhay.
“D-did you ever wonder why h-he’s doing this to us?” Ang nahihibang na si Two ay parang nahimasmasan ng kakaunti. Gayunpaman, alam kong baka sa una lang ito matapang at rasyunal.
“I-I d-don’t know,” pabulong na banggit ni One.
Matalim ko siyang tinitigan sa paraang nagbibigay babala, ganoon din ang naging titig ng iba, malamang ay iniisip na nagsinunggaling lamang ito. Pero imbis na matakot, hindi ito nagpatinag at sa halip itinaas na lamang ang kanyang kamay.
“N-nagsasabi ako ng totoo! Walang nakaka-alam sa kung ano ang pakay niya.”
Si Three na kanina'y nananahimik ay biglang nagbigay ng pahayag. “I've thought about it before. P-pero baka nakikita niya lang tayo bilang mga h-hayop.”
“Baka simbolo tayo ng galit niya…”
“Or maybe he's just twisted, finding pleasure in our pain.” Si Eight na ngayo'y nanlilisik ang titig.
Habang niluluto nila sa isipan ang potential na motibo ni Maradona, sinubukan ko ring hanapin ang kasagutan. Pero anumang anggulo ang tignan ko, iisa lang ang pumapasok sa isip ko. Kung hindi ako nagkakamali…
“His end goal is more than just the act of killing.” Tuluyan kong naagaw ang atensyon ng lahat.
“What do you mean, Eleven?"
"He's not just a killer,” Paliwanag ko. “Naghahanap siya ng kapangyarihan. Ginagawa niyang simbolo ng takot ang pag-kontrol at pag-dakip niya sa mga kababaihan. Pansin niyo ba? Ginagawa niya ito sa iba’t ibang bansang matitipuhan niya. He wants to shake the government. And each victim is a pawn in his twisted game. It's not about the girls at all…”
Isa-isang nagsi-lakihan ang kanilang mata sa realisasyon, miski ako’y nagulat sa nakonektang ugnayan.
“—It’s about him, about proving something to himself."
Silence fell over all of us, each lost in our own thoughts. Kanya-kanya kaming nahihirapan unawain ang realidad ng sitwasyon.
Iyon lang ang nakikita kong dahilan… ang yanigin ang herarkiya na bumubuo sa bawat bansang natatapakan.
Sa gitna ng kadiliman, muling kumislap ang nagbabagang kandila, simbolo ng kamunting pag-asa – na kahit pa sa malaking espasyo na ito, kayang kaya nito magbigay ng kapiranggot na liwanag. At least… We can now understand our killer's motives.
Moreover, shed light to his nature.
****
Isa-isang nagretiro ang mga kababaihan sa kani-kanilang mga silid. Si One na kanina’y pwersahan kong ininteroga ay binigyan ko ng paliwanag at pasensya. Mabuti na lang at tinanggap niya ang paghingi ko ng tawad. Marahil gaya ko, nauunawaan niya ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan.
Tuluyan na akong tumalikod habang binabagtas ang pamilyar na koridor na tipong pinagkaitan ng pagka-sigla at pag-aalaga. Sa tuwing madadaanan ko ang lugar, hindi ko mapigilan maalala ang huli naming interaksyon ni Maradona.
“Eleven…”
Nag-angat ulo ako sa nagsalita at nasilayan ang bulto ni Nine.
Sa lipon ng mga profile sheets na hawak-hawak ko para sa kasong ito, siya, si Meredith, at si Nine lang ang nawawalang impormasyon sa aking case investigation board. They remained a question mark, and their identities remained a mystery to me.
Ano kaya ang kailangan niya sa akin?
“Bakit Nine?”
Nakasandal ito sa doorframe ng pintuan, maya-maya'y marahan itong lumapit habang naka-kros ang kamay. “Sa tingin mo ba ay pagkakatiwalaan din kita gayong hindi ko alam kung paano mo nalaman ang lahat ng ito?”
Parang normal na araw lang ito, at isa siya sa mga naging kliyente ko sa larangan. Mabilis ang kanyang persepsyon sa bagay-bagay, malamang hindi istupida ang babaeng ito para magsunod-sunuran na lamang sa mga taong hindi naman niya kilala. In fact, I like the way she operated to survive – no one can truly blame her.
Nakayapak lang kaming dalawa habang nakabihis naman ng manipis na tela. Hindi gaya ko, tipong sanay na sanay na siya sa lamig na hunahagayhay.
“Ano ba ang iyong sadya? Bakit kailangan mo pa akong hintayin para lang makausap?”
Nang tignan ko siya ng maayos, hindi ko mapigilan makita ang sarili sa kanya.
“Ako ang unang nagtanong. Kaya sagutin mo ako.”
Tumaas ang gilid ng aking labi sapagkat sa pinapakita niyang katapangan.
“Maniwala ka man o sa hindi, pero kasapi ako sa isang news media outlet na hawak-hawak ang kasong ito. Kaya kabisado ko ang mga biktima at pangalan ng mga kababaihan.”
“So isa kang journalist?”
Tumango ako ng bahagya, datapwa't kasinungalingan ang sinasabi ko.
Biglang bumigat ang hangin sa hindi maipaliwanag na dahilan, na para bang nagbagong anyo ang kaharap ko. Matulis ang kanyang titig, mausap naman ang kanyang kinikilos. Bahagya akong kinabahan nang hubarin niya ang tinatagong maskara sa likod ng natatakot na ekspresyon, at sa halip, isang nanunutyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Aren't you officer Lily?”
Na-blangko ako sa kanyang sinabi, pilit iniisip kung minsan ko na nga ba siyang na-engkwentro. Ano pa ba ang magiging dahilan kung paano niya ako namukhaan? Walang sino man sa loob ng kastilyo ang nakaka-alam sa tunay kong identidad bilang pulis. Kaya naman sadya akong napaisip kung paano magku-kuwento o mangungusisa.
“You're not the only one hiding secrets here, Officer. May sarili rin akong bala.”
Naamoy ko bigla ang pagbabanta sa kanyang tono. Sanay na ako sa kalakaran ng aking trabaho kaya sa puntong ito, hindi malabong wala siyang kailangan.
“Ano ang kailangan mo?” Tanong ko sa kanya, mataas pa rin ang tingin at hindi nagpapatinag.
“I want to know everything about your plan. Including the people you work with.”
“I work for the rural sector of our police station. Kung gusto mo akong usisain sa regional police, nagkakamali ka ng taong nilapitan, dahil wala akong anumang koneksyon sa kanilang matataas ang ranggo.”
Bahagya siyang humalakhak bago mailap na tumingin sa kapaligiran. Ilang munting hakbang lang ang ginawad niya para makalapit sa akin ng ilang dangkal.
“I'm not talking about the state or the regional police, not even the bureau of investigation. I'm talking about your affiliation with Midnight.”
Kung kanina ay madali kong natago ang emosyon, ngayon ay tila nahubaran ako sa kanyang harapan. Wala akong maipakitang mukha gayong kilang kilala ako ng babaeng ito. Mas kilala pa kaysa sa dalubhasa kong pananaliksik. Sino ba siya? Paano niya iyon nalaman?
Sa utak ko ay iniisip ko ang mga posibilidad at dahilan kung paano niya ako natunton at nakilala ng lubos-lubusan, ngunit ang pinakamalaking kwestyon sa akin ay kung papaano niya nakilala si Midnight?
Mula sa ekspresyon ko, mukhang nakuha na niya ang inaasam na kasagutan – na tunay nga ang kanyang hinala. Me and Midnight had a chance to talk and negotiate our end.
We're working together, although not on clear terms.
“Who are you?” Walang paligoy-ligoy kong katanungan.
Ang kaninang ngiti na hindi maalis-alis sa kanyang mukha ay bigla na lamang naglaho, at sa halip napalitan ng kakaibang galit at poot.
“My name is Sabrina Ferro. At kalaguyo ako ni Midnight.”
Sabrina Ferro?
Nang madinig ang kanyang pangalan, walang ibang tao ang pumasok sa aking isipan kundi ang tanyag na pamilyang Ferro, na matagal nang nangako ng katapatan at debosyon para sa pamilyang Mancini – kung saan ang mafia don ay walang iba kundi si Sergio Mancini. But that was years ago, ngayon ang kinikilala ng pinuno ay walang iba kundi si Midnight.
The news broke all over our headquarters, especially when the regional police managed to barge inside one of their dens.
“Isa lang ang gusto ko mangyari Lily, kailangan mo akong isama sa plano mo… nang sa gayon muli kaming magkasama ni Midnight.”
Gulong gulo ako sa totoo lang, miski ang pakay niya’y naging malabo sa akin. Kung totoo nga siyang kalaguyo ni Midnight, malamang ay matagal na itong sumaklolo sa kanya.
Midnight can easily break inside this feast but something seems to be holding him back.
“Sa tingin mo ganon lang iyon kadali Sabrina? Wala kaming plano anoman. Kung gusto mo iyon malaman, ang masasabi ko lang ay kailangan nating mabuhay… bago pa magsimula ang palaro niya.” Iniling ko ang ulo at napabuntong hininga. Nakikita ko na ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. She must be one of Midnight's women, and if not, she must be seeking a way for revenge. “Ano man ang namagitan sa inyong dalawa, labas ako doon. Ang mahalaga sa akin ay mabuhay tayong lahat nang sa gayon…”
“Nang sa gayon!?”
Itinikom ko na lamang ang bibig, bakit ko nga ba kailangan sabihin sa kanya ang layunin ko? Ang dahilan kung bakit ko sinakripisyo ang sarili sa mabangis na misyong ito?
Nang mawala na ang takot sa aking puso matapos niyang ilantad ang tunay na identidad, unti unti na ring napawi ang aking pangamba. Kung malaman man nila ang tunay kong pagkatao, wala rin namang magbabago sa aming sitwasyon. Kailangan pa rin namin magtulungan. Pi-pihit na sana ako paalis at iiwan siya ng malaki ang kompyansa sa sarili ngunit ang sumunod niyang sinabi ang nagpatigil sa akin.
“Alam mo ba kung bakit ako narito?! Dahil ang kapatid mong si Rose ang gustong kuhanin ni Maradona. Isa siya sa mga natipuhan niya! Lalo na ng malaman kung saan siya napulot ni Midnight! Sa isang night pub!”
Halos hindi ako makahinga sa pangalang nabanggit niya. Imposibleng niloloko ako ng aking tenga, alam ko ang narinig, at iyon ang pangalan ng aking kapatid.
“Siya ang dapat nandito! Kaya tulungan mo ako makabalik kay Midnight… tulungan mo ako. Dahil hindi mo kilala ang taong iyon… baka nga ngayon kung ano anong kababuyan na ang ginawa niya sa kapatid mo.”
Hinawakan ko ang dibdib sa sunod-sunod niyang pahayag. Hindi ko na nga rin namalayan ang luhang umaagos sa aking mata.
Did he... did Midnight betrayed me? Lied to me?
“—baka ang datnan mo na lang ay ang ulo ng pinakamamahal mong kapatid. Si Midnight ang sisira sa inyong dalawa. Natitiyak akong pinapahirapan na si Rose… minamaltrato… kinakawawa.” Ang huli niyang sentimiento ay pabulong niyang sinabi, habang tuluyang nandilim ang aking paningin.
****
Everything was a lie...
Everything was a farce...
I should've known...
I shouldn't have trusted a criminal...
And right now, I'm facing one as well.
THE GRAND BALLROOM was bathed in red and white ornaments, with a cavernous space and an elegant waltz playing in the backdrop. Everything seemed elegant but all I saw was crimson red. Lahat kaming mga babae ay nagkatinginan, bahagyang nasasakal sa nakakapanindig-balahibong katahimikan. Datapwa't may malamyang musikang humuhuni, wala ni isa sa amin ang nakapag-salita, lalo na't kaharap ngayon ang lalaking ilang araw ng nagpaliban sa gabi-gabing hapunan.
The glasses clink and the man gestured a hand to the feast that sat right before us. Lahat kami’y naka-pormal na kasuotan, perpektong perpekto para sa bangketeng hinanda ni Maradona. He offered us a red wine to drink, but none of us touched our glasses. Tila nawalan kami ng gana nang makita muli ang lalaking naging salarin ng aming paghihirap.
“Did you enjoy the serenity and time I gave you?”
Kumabog ang dibdib ko nang pasadahan niya ako ng tingin, na tila inaantay ang sagot ko. Napatingin sila sa akin, bahagyang nagtatanong ang kanilang mga titig. Dala ng kawalan ng opsyon, hinayaan ko ang sarili sagutin ang kanyang katanungan.
“Yes. B-but at what cost?” Bahagyang pabulong ang huli kong salita, ngunit hinayaan ko ang sarili maging matapang.
A wicked smile tugged at the corner of his lips, his eyes gleaming with fascination.
“Ah, my zaika. In matters you ask of me, there is always a price to pay. But fear not, for I will make it worthwhile.”
His words lingered in the air, hinting at something he had planned. The air around us suddenly felt tense and charged, with a mix of anticipation and trepidation. Namamaskara ang kanyang disposisyon kaya naman hindi namin siya mabasa-basa. Kung aking intindihin ang tila bugtong niyang mga kasagutan, nahihinuha ko ang kagustuhan niyang maisayaw kami isa’t isa at makapanayam ng personal.
Ayon sa mga kababaihan dito, hindi pa iyon kahit kailan isinagawa ni Maradona–maliban na lamang kung nalalapit na ang itinakda niyang oras para sa aming katapusan.
“Our existence is like a grand masquerade ball.” Isa-isa niya kaming nilapitan at kinabitan ng maskara. “Everyone wears a mask… even when you think you know the person.” Kumaripas ang aking puso nang madaanan niya ang kinauupuan ko. “Tonight, let's toss aside the rules for once. Let the revelry begin…and together we'll have some fun."