12:00
HINDI ko alam kung anong usok ang nalanghap ko at kusa nang kumilos ang aking mga kamay. Pero nang abutin ko ang kanyang maskara para makita ang kanyang mukha, biglang tumahimik ang impyernong kanina’y nagngangalit.
“What happened to you…”
It was him.
“...Lazarev?”
My childhood friend.
Lumambot ang kanyang tingin. Pinaghalong mangha at gulat ang bumalot sa kanya na parang hindi siya makapaniwala sa nadinig.
“Moya Katerina…”
Unti-unting naging malinaw ang lahat.
“Bakit mo pinili na maging ganito?”
Kapansin-pansin ang pagtigil ng kanyang paghinga. Ang takot na naramdaman ko kanina ay unti-unting humupa at napalitan ng isang kakaibang bigat sa aking dibdib dulot ng mga alaala ng nakaraan.
Sa likod ng kanyang maskara, nakita ko ang batang iniwan sa kadiliman.
We were inseparable that time… Dependent on each other.
“What happened to you!” Halos hindi makapaniwala kong bulalas habang tinititigan ang mala-anghel niyang mukha.
A master of disguise for a wolf in sheep’s clothing.
“Nothing happened to me…”
Sinikap ko uling kumawala ngunit mas lalong naging matigas ang kanyang kapit.
“My love... Let’s not be scared. We can talk about this…”
Panic bursted within me. Parang hindi ako makahinga sa bigat ng lahat ng natanto ko. Dati, may epekto ang mga salita niya sa akin. Bata pa kami noon, bihira kaming magkasama... Bata pa siya nang una ko siyang makilala kaya alam kong hindi ko kasalanan kung bakit siya naging ganito. Hindi ko ito kasalanan.
Mahigpit kong hinawakan ang wedding dress habang nanginginig ang mga kamay ko. Gumising ka Lily! Hindi na siya ang dati mong kababata!
Masyado nang mabigat ang kanyang krimen. How cruel… and heartless he is. I just realized the depth of his sickness. Hindi na siya basta lang kriminal, isa na siyang halimaw.
“Lilith…” he called out.
Ang pangalang binanggit niya ay parang matalim na kutsilyo. Nakatatawang isipin na sa isang salita lang, muling bumabalik ang mga alaala—mga boses, mga mukha, at mga sugat na akala ko’y natakasan ko na.
“Here… our dreams will be true. Here is the place where I love you.”
“Hindi…” umiiling na usal ko. “Stay away from me!”
But he didn’t listen. He never listened. Instead, his footsteps continued, steady and unnervingly calm.
“At last, I found you, Lilith! Now, come with me.”
Naninikip ang dibdib ko, halos hindi ako makahinga sa sobrang takot. Buong pwersa ko siyang tinulak palayo at sa kabutihang palad, binitiwan niya ako. Nang makawala sa kanyang hawak, nagmamadali akong umatras, halos madapa pa nga ako sa mga nagkalat na debris.
“You’ll hurt yourself, sweetheart.” His eyes gleamed with sick satisfaction. “And I can’t wait to watch.”
Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig. “You can’t be… This is madness!”
Hindi ko mawari ang nararamdaman. Magagalit ba ako? Maaawa? Hindi, walang kapatawaran ang lahat ng ginawa niya! Bakit at paano ka naging ganito, Lazarev?
“What have you done to yourself!”
“Everything I’ve ever done has been out of love!” he declared, his gaze intense and unyielding. “If I don’t punish you for leaving me, the world will be far crueler…”
Kumaripas ako ng takbo bago niya pa magawang lumapit. Medyo nadulas ako sa mamasa-masang semento matapos lumusot sa maliit na siwang, mabuti at natagpuan ko rin ang balanse.
“Are you trying to make me angry!?”
Sinubukan niya akong hilain nang datnan ang aking paa. Ilang sandaling kaba ang sumalubong sa puso ko bago pilit na pumiglas upang makatakas.
Parang bakal ang kanyang kapit, kaya gamit ang piraso ng bubog na natagpuan, sinugatan ko ang kamay niya upang makalaya.
Hindi ako magkandaugaga habang tumatakbo sa gitna ng malawak na parang kung saan nagsisi-taasan at nagsisi-hitikan sa laki ang mga talahiban at damo. Tagaktak ang pawis sa aking noo, nag-iinit ang aking kalamnan, basang-basa naman ng pawis ang aking damit.
He was still just behind me. I can only try my best to keep my pace. But to outrun him? Not a chance. Paano ako makatatakas sa taong ito? Paano?
He has every crevice locked up. He has complete control of this place. This was his territory. And I was a mouse trapped under his cage. A prey he could feast on. Hindi ako pala-dasal na tao pero sa mga oras na ito, wala akong ibang naging kaagapay kun’di ang Panginoon.
“You cannot hide. I am everywhere...”
Nababaliw na ba ako? Bakit parang ang dami niyang boses?
Sa likod ko, rinig na rinig ko ang mabibigat niyang yabag. Isa, dalawa, tatlo… Para akong mahihimatay kakatakbo at isip.
Nasaan ka ba, Midnight?
“He’s not coming to save you. Don’t hold your breath.”
Nang marinig ko ang malalim niyang halakhak, naalala ko uli ang pakiramdam ng matakot. Sa loob ng limang taon kong pag-aaral upang maging pulis at halos apat na taong paglilingkod, hindi ko malaman kung bakit sa palarong ito ako unang nakaramdam ng pangamba. Dahil ba alam kong kriminal ang kalaban ko? O dahil siya ay isang parte ng aking mapait na nakaraan?
“Promises are just words. I had my men keep him busy. Even if he tries, he’ll never make it in time.”
I ignored him. I tried to ward off every fear seeping through me. But no matter how hard I try… the voices, the doubts kept creeping.
Hindi ko ito maunawaan noon pero ngayon ay nagiging malinaw na ang aking kapalaran. Matagal na pa lang nakatali ang aming tadhana. Naghihintay lamang ng tamang oras para kami’y muling magkita.
Was fate this cruel? Why does it have to be him? My bestfriend!
“My Lily... What are you so afraid of?”
“You’re sick! You need help!”
“Maybe. But in the end, it doesn’t matter what you think of me, does it?”
“Sa palagay mo, walang makapagpapatalo sa iyo? Mali ka! People will come looking for me… people will know!”
“People forget. And they’ll forget you. But not me… They’ll remember me, though. I’ll make sure of that.”
Paano ba ako makatatakas? Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal pero hindi ako pwedeng tumigil.
“Bakit mo ito ginagawa sa akin? Hindi mo ba ako kayang pabayaan? Minsan... minsan na kitang tinulungan…”
Para akong nagmamakaawa sa kanya ngayon. Dala ba ito ng adrenaline rush o kawalan ng pag-asa kaya para akong tupang humihingi ng saklolo?
Gayunpaman, ginawa ko ang makakaya upang maging kalmado sa harap ng panganib. Gusto kong mabuhay!
Sinubukan kong tumingin pabalik—at naroon siya, ilang metro lang ang layo sa akin. Anumang oras ay baka dumating na rin ang kanyang mga kasamahan.
Sh*t. Halos matisod ako nang madatnan ang bako-bakong parte ng bukirin. Nagmamadali akong bumangon. Ang bawat pulgada ng lupaing ito ay parang sapak sa alaala.
Minsan na kaming naglaro sa isang malawak na kapatagan noong bata pa. Naghahabulan kami nang buong ligaya.
Malaya kaming dalawa.
Masaya at puno ng pangarap.
Kaso… baliktad na ang kapalaran.
Sumakit ang dibdib ko habang nilalabanan ang pagkapagod.
“Hindi mo ba nakikitang natatakot ako sa taong naging ikaw ngayon?!”
“Scared? My love, fear is what shows love, what shows care. Can’t you feel it? Iyan ang ibig sabihin ng pagmamahal ko. Hindi kita iiwan—kahit kailan.”
I’ve heard that before. Sinabi na niya noon na habambuhay niya akong hahanapin kahit pa magkahiwalay kami. Hindi ko lang akalain na isa pala iyong pagbabanta at hindi lamang salita ng mga batang nagsisinungaling.
“No… you didn’t love me. You just loved the idea of me… You only thought you loved me because I was the only person you had! You know nothing about love!”
I knew I struck a nerve.
Kilala ko si Lazarev. Gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto niya—miski ang pumatay ng tao sa murang edad pa lamang.
“I dedicated my life to you! I sacrificed everything for you. You’re mine, and you will never escape me!”
Naalala ko noon. Ganitong ganito ang eksena. Lazarev had always been a mystery to me. Inabandona na parang pusa ngunit isa ring dyamante na tinatago—mahalaga ang katauhan.
Magulo para sa akin ang identidad niya noon. Minsan, inaalagaan siya na tila isang hari, kadalasan naman ay nakararanas ng pagmamaltrato. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit pabago-bago ang trato sa kanya.
Hindi pangkaraniwang bata si Lazarev na mahilig makipaglaro. Hindi rin pangkaraniwan ang pagpapalaki sa kanya. Hirap siyang magsalita at alam kong hindi rin siya madalas makipag-interaksyon.
Itong mga bagay na ito ang naging dahilan kung bakit ako dikit nang dikit sa taong kinatatakutan ng mga tao ro’n. At iyon ay dahil gaya niya, nag-iisa rin ako sa mundong pinagtapunan.
“Pinapatay ko ang lahat… Walang ibang babae ang dapat maging kamukha mo. I tried to recreate you. But they’re not you! They are not the same!”
Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na luhang tumulo sa mga mata ko. That’s when I stopped running.
For the first time in my life, I finally surrendered. Was it all for me?
Is this grand show, this f*cking sick game, all to find me? A person from his past?
“Ito ba ang pagmamahal sayo?!” Umiling ako bago siya harapin. “Love shouldn’t feel like fear. This is a nightmare!”
“No… I can offer you protection, a sanctuary from a world that would never accept you! I shaped my entire existence around you! I’m finally powerful… enough to keep you.”
Nanginig ang katawan ko. That is what we vowed to ourselves. But all those are child-like dreams! Nothing but false promises!
Bakit siya naniniwala sa batang walang alam gawin kun’di ang mangarap lang?
“Bakit mo ako iniwan?” tanong niya na parang hindi niya talaga maunawaan. “Alam mo bang pinatay ko silang lahat? Dahil walang ibang babae ang dapat maging kamukha mo,” bulong niya, halos hindi marinig pero mas malakas pa rin kaysa sa katahimikan sa kapaligiran.
Biglang umapaw ang takot sa akin nang mapagtanto ang baligtad niyang pag-iisip at pagnanasa. Tuluyan nang lumipad ang kabataan sa aking isip.
“Babalik ka rin sa akin. At kapag nangyari ‘yon, aalagaan kita… My Lilith.”
Pumikit ako dahil alam ko ang katotohanan. Hindi ako pwedeng tumakbo habambuhay. Naroon siya palagi, maghihintay sa akin. Ito ang pasanin na mahirap takasan.
Lalo pang lumawak ang ngiti nito, tila musika sa kanya ang mahina kong paghikbi. Pero hindi siya lumapit. Hindi niya kailangan. Sa halip, umatras siya nang kaunti, nakabukas pa rin ang mga braso—naghihintay.
Lumapit ako at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti na tipong kalugod-lugod ang pagtalima ko. Sinimulan niya akong yakapin gamit ang malalaking bisig.
“I understand you in ways you’ll never admit to yourself.” Marahan ang kanyang paghaplos sa aking buhok. Malamig naman ang dampi ng kanyang balat sa akin.
“Hindi mo ako naiintindihan…”
Mas lalo niyang nilapit ang sarili sa akin hanggang sa mahina siyang bumulong. “You can call it obsession if you want, but deep down, you need this. You need me. You can try to deny it… but you know it’s true.” Halos manginig ako sa lamig ng kanyang boses.
Habang niyayakap, dahan-dahan kong inaangat ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ang kapaligiran ay tahimik ngunit puno ng tensyon. Saktong sandali ng pananaksak, hinigop ko ang buong lakas ng loob.
Hingang malalim. Ipikit ang mga mata. Dahil baka hindi na ako dumilat pa.
“If you really love me, then go to hell with me.”
Sa isang mabilis na sandali, idiniin ko ang sandata at walang awa itong sinaksak sa lalaking minsan kong pinangakuan… sa isang batang minsan kong inalagaan… at sa taong dati kong naging sandalan.
Matapos nito, handa na rin akong mamaalam sa kamay ng kanyang mga kasamahan. Hindi. Mas pipiliin kong patayin ang sarili kaysa paglaruan nila!
Nagsimula sa mababang ungol at mabagal na pag-angat-baba ng kanyang dibdib hanggang sa tuluyang napalitan ng isang nababaliw na halakhak ang kaninang tunog. Umalingawngaw ang kanyang tawa na parang malamig na hangin sa gabi.
The growl rose from the depths of his throat before blooming into full-blown, maniacal laughter. It echoed through the expanse. I will never forget it.
“You really did it,” hikahos niyang wika sa gitna ng kanyang tawa. Nagningning lalo ang kanyang mga mata. His ashen eyes were wide and glinting with something far too alive for someone bleeding out.
“You’ve touched my heart… Claimed me…” bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkahibang.
Tila napako ako sa kinatatayuan nang dahan-dahan niyang hilain ang sandatang nakatarak. Isang kakaibang ningning ang makikita sa mga mata nito habang dinilaan ang gilid ng kutsilyo, nilalasap ang sugat na ako mismo ang nagtamo. “You can kill me. If it’s by your hand, I’ll die happily.”
At sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto ko na hindi ko kailanman matatakasan ang lalaking ito. Ang kanyang pagmamahal ay parang tanikala sa aking leeg, mahigpit at nakasasakal.
Mabilis na naputol ang aking paghinga nang dumapo sa aking dibdib ang malamig na kutsilyong minsan kong binaon sa kanya. Tiningala ko ang mga mata niya, hinahanap ang kasagutan sa likod nito. Tila tumigil ang mundo, walang mga anino, ang malamyang hampas ng hangin, hanggang sa dagundong ng aking puso.
Now, I was the one bleeding.
“Together, we’ll burn.”
Kinain ng kadiliman ang isang bahagi ngunit may umusbong din na apoy sa kabila. The flames grew and the very backdrop of the night sky felt like we were being bombed by planes. Hindi ko masabi kung totoo ang lahat ng ito o guni-guni lamang dulot ng sakit.
Ang apoy ay sumabog sa isang nakasisilaw na liwanag. At sa huling sandali bago ako tuluyang lamunin ng kawalan, nakita ko ang mukha ni Lazarev sa gitna ng delubyo—tumatawa, parang isang demonyo na isinilang mula sa apoy.
****
Author's Note:
For anyone interested sa physical copy ng book na ito (in case lang gusto niyo ng kopya) o kaya naman ebook, just message me on Vangajo stories sa f*******:, there is an artwork included sa book and ebook
Free pa rin itong book sa Dreame/Yugto at Watty