11:00
“THIS place is fitting, don’t you think? A holy ground for our matrimony… and their funeral.”
Pinagtagis ko ang bagang sa galit, ngunit inayos ko ang kompustura. Hindi dapat ako magpaapekto.
“You’re not going to be free to do your bidding after this.”
Humakbang pasulong si Maradona palabas ng karimlan. Nakalantad ang natatagong mukha niya na nababalot ng nakatatakot na ngiti. Bahagya niyang tinagilid ang mukha na parang hayop na nagmamasid sa kanyang biktima.
“Do you know what freedom feels like? It feels like this…” Nilanghap niya ang hangin na nababalot ng singaw ng lumang kahoy, insenso, at dugo mula sa mga patay. “…Kapag wala nang pumipigil… walang takot gawin ang kahit ano… sa kahit sino. Ito lang ang totoong kalayaan—ang lahat ay nasa ilalim ng aking mga kamay... pati ikaw.”
Bigla akong nagkaroon ng matinding determinasyon at tumakbo diretso sa gitna ng magarbong palamuti ng pasilyo.
Ang ngiti niya’y mas lalong lumapad nang sugurin ko siya nang buong tapang at pagbabaka-sakali. Fear was no longer my master.
“Hindi ako natatakot. Dahil wala na akong takot sa kamatayan—alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Nandito ako hindi para mabuhay, kun’di para tapusin ka!”
“Iba ka sa kanila... ang iba’y sumisigaw, nagmamakaawa. Pero ikaw…” Dinilaan niya ang labi matapos iangat ang kapit-kapit na punyal. “Kakaiba ka. Pero gaya ng dati, ako pa rin ang panalo.”
Muli kaming nagsagupaan.
Ngayon ay mas nahirapan akong makisabay. Para kaming sumasayaw sa ritmo ng dating waltz music. Sa tuwing titira ako, siya naman ang gaganti. Hindi ko alam kung totoo ngang nakasasabay ako sa kilos niya o baka pinaglalaruan lang pala niya ako. Sandali kaming nagkatitigan nang tinangka kong lapitan siya. Pero nang masilayan ang bahagyang pag-angat ng labi nito, walang pag-aalinlangan akong umatras. Mabuti na lang at nakalayo agad ako sa kanya dahil kung hindi, alam kong masasaksak niya ako nang wala sa oras.
“You’ve run out of moves.”
Mabilis kong hinabol ang hininga ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at pakiramdam ko’y babagsak ako anumang oras.
“Nakikita ko ang bawat hininga mong hirap na hirap… At alam mo ang pinakapaborito kong parte?” Dahan-dahan siyang lumapit. “Ang makita kang mahirapan kahit wala ka nang laban.”
Mabilis kong nakapa sa likod ang kandelyabra. Gamit ang buong lakas, winasiwas at sinubukan kong ihampas ito sa kanyang ulo. Napaatras si Maradona ngunit imbis na magalit, nakitaan ko ng excitement ang mga mata niya.
Walang ano-ano itong sumugod. Napakabilis sa puntong hindi ko ito natantya. Halos hindi ako nakailag kaya nadali ang aking braso ng kutsilyo. Tumagos ang sandata at tuluyang naitarak sa aking laman.
Naghihinagpis akong lumayo at pasuray-suray na umurong sa dulo ng pasilyo. Sinubukan kong ipanangga ang hawak-hawak na kandelyabra. Pero sa pagkakataong ito, nahawakan ni Maradona ang aking palapulsuhan.
This was it. Checkmate.
Wala na akong galaw. Wala na ring lakas na maipapakita pa. Mamamatay na ba ako rito?
Tila sumabit sa katahimikan ang katanungan ko sa sarili. Ayoko pa. Ayoko pang sumuko pero ang katawan ko na mismo ang nagnanais bumigay.
Unti-unting lumuhod si Maradona upang matitigan nang maigi ang naluluha kong mga mata. Ngumiti siya at pinunasan ang tilamsik ng dugo sa aking mukha. Sinubukan ko siyang duraan ngunit tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko. Bilang ganti, dinala niya ang mga kamay patungo sa aking sugatan na braso.
Mabilis na lumiwanag ang mata niya nang bigla akong mapahiyaw nang hawakan niya ang hawakan ng kutsilyong nakatarak pa rin sa aking braso.
“I’m... not done…”
“Oh? But your body says otherwise…” Hinawakan niya ang aking baba upang mas lalo siyang makatitigan.
“Go on… drag it out if you want. I want to enjoy this.” Puno ng pangungutya ang boses niya at wala naman akong magawa kun’di ang kainin ang matindi kong galit.
Hinawi ni Maradona ang isang hibla ng aking buhok mula sa pawisang mukha. Nangilabot agad ako nang dumampi na naman ang kanyang balat sa akin. May balak sana siyang sabihin ngunit naudlot nang may malakas na dagundong ang yumanig sa buong paligid.
Ilang segundong katahimikan uli ang ginawad bago umalingawngaw ang ulan ng balang pinapaputok mula sa b****a ng cathedral. Muntik na akong madaplisan, mabuti na lang at nasa likuran ako ng isang malaking kolum.
Napalingon si Maradona sa aking katawan bago balutin ng matinding galit ang kanyang ekspresyon.
“Another guest?” Nilingon niya ang bagong pasok. “Perfect timing, Midnight. I was starting to worry you’d miss the grand finale. And that is me... killing your little spy.”
Narinig ko ang pagkasa ng baril na hawak-hawak ni Midnight.
Nandito siya. Hindi ko aakalain na tutuparin niya ang napag-usapan namin…
Pero bago iyon… Paano nalaman ni Maradona ang affiliation ko kay Midnight? Tama ba ako ng pagkakarinig?
“Akala mo, hindi ko alam, Midnight? Sinadya mong ipadala sa akin ang babaeng ito… kapalit ng tinatago mo…”
“And you accepted…”
Bahagyang natawa si Maradona. “You aren’t wrong to send her either… She… best resembles that person…”
Saglit na natigilan si Maradona nang marinig ang halakhak ni Midnight.
“Why do you think I sent her?” bawi ni Midnight na agad ikinakunot ng noo ni Maradona. “Is she meant to replace my woman in your twisted game, or am I planning to exploit her as my bargaining chip?”
“You…” Sa kauna-unahang pagkakataon, nadama ko ang gulat sa boses ni Maradona. “You’ve brought the federals. You’re working with them, huh? Are you that desperate to take me down?”
“I’m playing a bigger game.”
“Bigger game? What happened, Midnight!” Mas lalong lumalapad ang ngiti niya. “Akala ko, ikaw ang kampeon ng Mancini laban sa akin? Ngayon, parang aso ka na nila, sumusunod sa utos ng mga pulis.”
Humakbang papalapit si Midnight. “Tignan mo ang paligid mo. Nasaan sila? Nasaan ang mga kasama mo? Nasaan ang mga kapatid mo?” Binitiwan niya ang hawak na armas na para bang ipinahihiwatig kay Maradona na kayang kaya niyang lumaban nang walang kinakailangang sandata. Isang bagay na mas lalong nakaiinsulto para sa katunggali.
“Ginamit ko lang sila…” Midnight simply gave him a menacing smile, a confirmation. “…like how I used your precious victim to turn the tides against you. Isa siya sa mga asset ng pulis. Natagpuan nila ang mga ebidensyang matagal na niyang nakalap matapos niyang mawala. I merely stumbled upon a miracle. Who would’ve thought I’d be killing two birds with one stone.”
Kakaibang galit ang nadama ko sa aura ni Maradona. “You think you won? You really think this game is over? No… this is limitless… this cycle would be never-ending. Just like how time never ends.”
“I know that this game of yours won’t end. Knowing you… you’ll just kill everyone who even remotely resembles the person you’re looking for.” Tinutok ni Midnight ang hawak na armas. “Iisa lang ang solusyon para matigil ang lahat. At iyon ay ang kamatayan mo.”
Tumawa si Maradona sa rebelasyon ni Midnight. “The memories… the mark I gave to this world will not cease to exist.”
Bahagya itong naglakad pasulong habang nakatitig sa kalaban. “For years… I thought maybe, just maybe, if I rid the world of all her… decoys… it would lead me to her. And I thought… that maybe… she would come to me…”
Tumawa siya nang bahagya, ang mga mata ay kumikislap habang naglalakad papunta sa isang hanay ng pasilyo, mukhang naghahanda para sa kanyang harapan. Ito na ‘ata ang senyales na anumang pagkakataon ay baka bawian na ako ng kamalayan.
“But she does not remember me… No one did.” Tinaas niya ang tingin kay Midnight. Habang nagbabadya ang kanilang komprontasyon, nakaramdam ako ng bahagyang hilo. Hinubad at binato niya sa sahig ang suot na roba, puno ng kumpyansa ang kanyang mga mata bago tumawa nang malamig.
“If she does not remember, then I’ll make the world remember me…”
Isang praksyon lang ng segundo ang kinakailangan para tuluyang mayanig ang kapaligiran. Malakas na explosion ang gumiba sa mga dingding ng cathedral.
Biglang sumugod ng amba si Maradona, nakaangat ang kamao niya na tila pinupuntirya ang maskara ni Midnight. Nakipagsalubong si Midnight, nakahanda, ngising-ngisi, as if he’s been waiting for this moment his whole life. Pareho nilang alam na ang labang ito ay labanan ng kanilang pride, ng kanilang pagiging halimaw.
Nagpalitan ng mabibigat na suntok ang dalawa, walang nagpapatalo, parehong hinihingal pero puno ng determinasyon. Sinunggaban ni Maradona ang braso ni Midnight at mabilis itong binalibag pabalik sa sahig. Bilang bawi, pinatama ni Midnight ang suntok sa tagiliran ng kalaban. Sinunggaban naman ng ikalawa ang leeg. Pareho silang hayop na mga gutom.
Habang abala ang dalawa, kinuha ko ang pagkakataon para pumuslit at kunin ang baril sa sahig. Sinubukan kong itutok ang nguso nito sa direksyon ni Maradona ngunit nagsasalitan sa posisyon ang dalawa.
“Tumabi ka!”
Parang bingi sa aking hinaing si Midnight. Kinagat ko na lamang ang labi. Mukhang kailangan kong imano-mano ang atake.
Dahan-dahan, nakadukot ako ng kutsilyo sa sahig. Bagamat nanghihina, pinilit kong tumayo, mahigpit ang hawak sa sandata. Tinipon ko ang lakas at humakbang pasulong, ang kutisilyo’y tinataas.
Napatingin sa akin nang saglit si Maradona bago niya hawakan ang braso ko upang pigilan. ‘Yon nga lang, nakaligtaan naman niya si Midnight na mabilis ang galaw. Sa isang praksyon ng segundo, nagawa nitong saksakin sa dibdib si Maradona gamit ang bubog mula sa nabasag na stained glass windows.
Nanlalaki ang mga mata ni Maradona, halos hindi makapaniwala sa pangyayari.
“T-T-Tapos ka na!” nanginginig kong ani.
Dahan-dahang dinukot ni Maradona ang kutsilyo mula sa dibdib. Punong puno ito ng dugo. Napaatras ito nang kaunti, humihingal, bago kami tinitigan nang buong galit. Bigla naman akong kinabahan nang gumuhit sa nagdudugo niyang labi ang isang nakababaliw na ngiti.
Sa aking gilid, sumabat si Midnight. “K-Kailangan na nating tumakas, Lily…” Ngayon ko lamang napagtanto na napuruhan din siya sa tagiliran. Pero mukhang kanina pa itong sugat dala ng mangitim-ngitim nitong itsura, senyales ng tuyong dugo.
Hindi ko ito napansin kanina dahil sa distansya at tensyon ng kapaligiran. Iisa lang ang pumasok sa aking isipan kung bakit kinakailangan naming tumakbo sa kasalukuyan…
Si Volkov…
Tila nagpanting ang aking tainga nang makarinig ng mga papalapit na hakbang sa labas. Napatingin ako kay Midnight bago tumango-tango.
Hindi pa tapos ang bangungot, kailangan na naming tumakas ngayon din! Maaaring nagdala na ng mga backup at armas si Volkov.
Nilandas naming dalawa ang daan palabas ng simbahan. Habang papalapit nang papalapit sa b****a, nadama ko ang malamig na hangin ng gabi. Sa wakas, makaaalis na ako sa impyernong ito…
Ngunit bago pa man ako makalapit sa pintuan, isang malakas na pwersa ang humila sa akin pabalik. Napalingon ako kasabay ng isang malakas na pagsabog.
Muling nayanig sa ikalawang pagkakataon ang katedral. Parang kidlat, nagsibagsakan ang natitirang kolum na sumusuporta sa dingding, dahilan para gumuho ito at tuluyang matabunan ang lagusan ng simbahan hanggang sa tuluyan akong makulong kasama si Maradona.
Punong puno ng dugo ang kanyang labi, ang mga mata nama’y nanginginig sa kahibangan niya. Matindi ang pagkakahawak niya sa akin, anumang pagpupumiglas ko ay natatabla niya.
“Did you really think you could leave me? Not when we haven’t finished our rites!”
“Bitiwan mo ako! Kahit gawin mo pa lahat, hindi ako sasama sayo!”
Sa kabila ng mga sugat na natamo niya sa labanan nila ni Midnight, nanatili siyang matatag sa aking panlalaban. Bigla niyang hinawakan ang balikat ko nang muntikan na akong makawala sa kanyang hawak.
“Hindi ko hahayaang matapos ang mahalagang araw na ito nang gano’n lang…”
“Ano ba ang kailangan mo?! K-Kinuha m-mo na a-ang lahat! Panalo ka na!”
Tumawa siya. “Hindi pa tapos ang laro…”
“What do you want? What will it take for you to stop?!” hinihingal kong bulyaw.
“I don’t want to stop.” Iling niya. “Not until this night is complete... until we are complete. I’ve been searching for so long. All of you… placeholders, mere experiments… but each one of you will bring me closer to her!”
Ang kaninang takot ay nahaluan ng pagkalito. Nakikita ko ang unti-unting pagguho ng pader habang nagkatitigan kami sa mata.
“Ano ang kailangan mo sa kanya…? Bakit… bakit mo kami kailangang idamay!?”
Hindi ko siya maintindihan… Anong klaseng utak ang mayroon siya?
Mukhang pareho kami ng iniisip. Padarag niya akong hinatak papuntang altar. Duguan ang kanyang suot, punit-punit naman ang aking wedding dress. Habang binabagtas ang daan, kinuwento niya sa akin ang pangyayari na parang normal na kwento lamang.
“Each victim I choose, each life I take, brings me closer to the truth. The ones who scream, those who cry for help—they only serve to remind me of the power I wield. I can taste their fear… it brings me great power to know… that at least, I will be remembered.”
Tama ako. Ginagawa niya ito para sa sariling pagnanais. His selfish desire to be known!
“Now, we shall be united… I will let you live, taste freedom. And when you’re free, tell the world… how you survived this game.”
Dahan-dahan ay bumulong siya sa aking tainga. “You will be the heroine of this twisted tale.”
Hinila niya ako palapit habang patuloy sa pagningas ang kapaligiran. Pwersahan niyang hinawakan ang aking mukha, ang mga mata’y nakatuon sa akin.
“I… vow to cherish and adore you, through life’s up and downs…” Saglit itong natigilan na parang natatawa pa sa aking ekspresyon. Ngumiti siya bago magpatuloy. “…Am I supposed to say your name now?”
Bumigat ang sandaling iyon. Pamilyar ang sinabi niya. Minsan ko na itong nadinig.
Sa isang iglap, bumalik sa aking isipan ang mga salita ng batang iyon…
“Am I supposed to say your name?” tanong ng batang lalaki.
Ang eksena ay mas lalong naging malinaw. Dalawang bata na magkahawak ang kamay, parehong nagpapanggap na ikakasal. Ang batang babae ay may maliliwanag na mga mata habang kapansin-pansin naman ang kasiyahan sa mukha ng lalaki. Naisip ko ang kahalagahan ng sinabi ng batang iyon at kung paano ito naging pangako na habang buhay niya pa lang panghahawakan.
Muling nagbabalik ang mga pira-pirasong alaala—mga alaala ng isang kabataan na matagal ko nang binaon sa limot. May kakaibang kirot akong nadama.
Maaari bang siya?
Siya ba ang batang lalaki mula sa aking nakaraan?