10:00

2842 Words
10:00 MASAGANANG pumatak ang tubig ulan sa bawat sulok ng kwebang kinalalagyan ko. Ang aking mga paa ay parang bibigay na dala ng hapdi mula sa sugat na natamo ko sa kamay ni Maradona. Sunod-sunod na tinig ng dambana ang tanging ingay na naging kaagapay ko, senyales lang na mahigit apat na ang nasawi sa loob ng isang oras. Alam ko na kung hindi ako kikilos ngayon din, ako na ang susunod sa masasawi. Inalalayan ko ang sarili sa pagtayo gamit ang magaspang na dingding ng kweba at muli na ring bumalik sa aking pakay matapos gamutin ang sugat. I somehow managed to stop the bleeding. Pero aaminin kong paminsan-minsan ay napangingiwi ako sa sakit. Patuloy ang unos habang pinapasok ko ang arko ng bayan ng Montaneli. Wala ni isang bakas ng buhay ang naririto. Miski ang tauhan ni Maradona na sa tingin ko’y puno’t dulo ng recent murders. Tyempong pagpasok ko ay mabilis kong namataan ang mga nagkalat na pagkain. Isa-isa ko itong pinagdadampot at binuksan para kainin. Wala na rin akong pakielam kung expired at marurumi na ito. “Slow down, will you?” Parang umikot ang sikmura ko nang marinig ang boses sa likod ko. Tyempong pagharap ko sa lalaking nasa likuran ko ay sinabayan ko ng paghugot ng aking armas. Mabilis at walang pagpapatawad ang bawat atake ko. Hindi ko na nga rin inalintana, miski ang itanong sa sarili, kung papaano ako natunton ng kanang kamay ni Maradona na si Volkov. Natatawa niyang iniwasan ang bawat abanse ko. “Is that all you got, sweetheart?” Hindi ko siya sinagot bagkus ay walang awa ko siyang nilusob at sinalakay. “You’re good at fighting, no wonder you managed to survive this far.” With one swift move, I managed to land him a blow. Iyon na ang pinakamalakas kong amba kung kaya’t bahagya akong nanginig sa takot nang hindi man lang ito kumibo. He grinned before managing to kick me right in the stomach. Napausod at ubo ako sa ginawa niya ngunit hindi rin nagpatinag. Ang sunod kong inalipusta ay ang katawan niya nang sugurin ko siya nang buong lakas ko. “Argh!” sigaw ko nang patambuhin siya sa lupa. Sinubukan kong tanggalin ang maskara niya. Ngunit nabigo ako nang hilain niya ang buhok ko upang mailayo ang nangangati kong kamay na maaari siyang kalmutin anumang oras. Sa loob ng isang minuto, nakaya niyang baguhin ang aming mga puwesto. Ngayon, ako na ang nasa ilalim. “Nakakabilib ka,” nakangising ani niya matapos akong ipinid. “Ikaw na lang ang hinihintay sa gitna ng bayan… kaya ikaw na ang susunod na ididispatya.” Hindi ako nagpadala sa takot at panic, at agad siyang pinagsusuntok sa tagiliran at leeg. Gaya ng kanina, nanatili siyang matigas laban sa aking mga atake. Ilang pagkakataon kaming nagpagulong-gulong sa lupa hanggang sa nakuha ko ang tyempo para siya’y sipain sa gitna na agad rin naman niyang nasalo. He took hold of my ankle and managed to push me off balance. “Are you this desperate to survive…? You seem to fit well in this hell house afterall.” “I’m desperate to live… para patayin ka at tapusin na ang lahat!” He merely laughed at my futile attempts to fight him off. In fact, he seemed to enjoy my desperate struggles. “I will avenge all of them! All of the girls you killed!” “Why are you so pressed…? We only killed one of your friends.” Paano niya iyon nasabi ‘yon nang gano’n lang? Na para bang wala lang sa kanya ang kinitil na buhay! “Nagustuhan mo ba ang pagtangka naming dalhin ka rito, Officer Lily?” Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong alam niya kung sino ako. “How did you know that?” “Bakit mo pa kailangan tanungin? Did you forget who you’re dealing with? Kahit mag-iba ka pa ng itsura, kahit itago mo pa sa amin, we will get you.” Nang mahuli niya ako, mahigpit niyang kinandado ang leeg ko sa kanyang braso. Nauubo kong sinubukang kalasin ang pagkakasakal niya ngunit ‘di hamak na mas malakas siya. “They’re waiting for you. Baka nga ngayon ay iilan na lang ang nabuhay.” Buong lakas ko pa ring niluluwagan ang pagkakasakal niya hanggang sa tapakan ko ang kanyang paa nang halos ilang beses pa upang makawala lamang. Nauubo ko siyang pinagmasdan sa mga mata. What did he mean by that? Sinenyas niya ang kamay. “Time is ticking… And soon, I’ll have your head in my hands,” kanta niya pa na animo’y isang biro ito. I bit my lip. Kinuha ko ang pagkakataon nang makawala ako upang tumakbo. There was no better indication for that than to run! Alam kong hindi ko siya kakayaning kalabanin gayong lalaki siya at malaki ang bulto niya. Sinubukan ko na dati pero nakita ko ang kakayanan niyang patumbahin ang halos sampung lalaki sa bar. Wala akong tsansa kun’di ang tumakas. Gamit ang mabibilis kong paa na ngayo’y sugatan at namamaga mula sa pagkakatama ng bala kanina, tinalon at nilukso ko ang mga nagkalat na sirang sasakyan at mga road blockage. Samantalang ang katunggali ko kanina ay animo’y tuwang-tuwa na nakikita akong nahihirapan. “Run away while you still can, zayka! You’ve got one hour to live!” tawa niya. KAILANGAN kong makarating sa cathedral. Kailangan ko. Nang mabungaran ang malaking estruktura ng cathedral ay agad-agad kong sinubukang hanapin ang mga kasama. Pero wala pang ilang minuto ng paglalakad nang mamataan ko ang pamilyar na bulto ni One. “Meredith!” “Lily!” Nilapitan ko siya nang may buong ngiti. Ngunit unti-unti rin itong naglaho at napalitan ng panlalaki ng mga mata matapos kong mamataan ang kalagayan niya. Duguan ang kanyang damit, may bahid din ng putik at karahasan ang kanyang mestizang balat. “Anong nangyari sayo?” Hindi siya umimik at bahagya na lang itong natawa pa. Wala na akong naging sumunod na tanong bagkus ay naunawaan ko agad ang pinupunto niya. Malamang ay nakaengkwentro niya rin si Maradona. Kung papaano siya natunton nito? ‘Yon ang hindi ko pa nalalaman. “Nasaan ang iba?” May saglit na katahimikan. Napalunok ako at kinutuban. “Wala na sila...” Parang ayaw ko pang maniwala. Kailan lang ay kasama namin sila. Malalakas pa ang lahat. Handang lumaban at mabuhay. Imposibleng naubos ang lahat nang ganoon lang. Iisa lang si Maradona. Kung gano’n... “Pinatay sila ng mga kasamahan niya?” Tumango ito nang walang bahid ng emosyon. Kinagat ko ang labi at bahagyang inayos ang ritmo ng paghinga. “Ang sabi ko sa sarili ay sama-sama tayong makalalabas dito. Na tutulungan ko kayong matakas...” Ang mahinang ugong ng mga napabayaang puno ay saglit na namayani. Unti-unti kong tinanggap ang kasalukuyang sitwasyon. Mahirap pero kailangan. Hindi ko na nga rin namalayan na kanina pa namumuti ang kamao ko dala ng mahigpit na pagkakayukom. “He’s still out there kaya kailangan nating kumilos. Dalawa na lang tayong natitira...” “Meredith... Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo. Ikuwento mo sa akin ang lahat ng nangyari. Bawat detalye ay mahalaga. Naiintindihan mo ba?” Bahagya siyang tumango-tango. Bago pa siya tuluyang magsalita, isang malakas na sigaw ang pumunit sa katahimikan. “HUWAG KANG MANINIWALA SA TRAYDOR NA IYAN!” Maagap akong nakailag nang sugurin kami ni Sabrina na ngayo’y may hawak-hawak na punyal. “Sabrina! Ano ba ang nangyayari sayo?” “Traitor…” I barely had time to react as Sabrina lunged at us. Kumintab ang punyal sa gitna ng makulimlim na kapaligiran. Mabuti at mabilis na nakailag si One bago pa ito tuluyang tumama sa kanya. “Bakit mo ito ginagawa, Sabrina?!” sigaw ko. Ngunit gumalaw si Sabrina nang puno ng determinasyon, mahigpit ang kapit sa armas at mabilis ang bawat atake. “She just killed Eight and Six!” si Sabrina. Unti-unti kong nilingon si One at nang makatagpuan ko ang mga mata niya, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. So this was the very reason why she didn’t tell us? Why she has kept so many things hidden? “You just killed them... And I won’t have the same fate, you b*tch!” Sumugod si Sabrina nang walang pagdadalawang-isip. Nagawa nitong sugatan si One sa braso ngunit mukhang bihasa rin ang kalaban gayong nagawa naman nitong daplisan ang pisngi ni Sabrina. Sumigaw ang babae. “Argh! You f*cking b*tch!” Hindi ko na rin nagawa pang magpatumpik-tumpik at maagap na sinugod at hinawakan ang palapulsuhan ni One upang ito’y pigilan sa pagbabalak na pagsaksak kay Sabrina. Nagkatitigan kami nang mabuti. I remembered that gaze—the one filled with a deadly intent. It’s a feeling I can’t shake, especially when everything in my life has led up to this moment. Magaling makipaglaban... bihasa makipagtagisan. I can only take one look at this and see that defeating her would prove to be difficult. Pulis man ako, ang babaeng kaharap ko ay isang mamamatay-tao. At ang tinaguriang kampeon sa huling palaro ni Maradona. His so-called bride from the previous game. “I knew there was something wrong with you from the start...” mahina kong bulong sa kanya. Ngumisi siya. “Maradona only needs one bride. Hindi ka ba nakaiintindi? Hindi mo ba naiintindihan ang gusto niyang mangyari?” Tinaas niya ang kamay na may tinatagong kutsilyo. “He wants us to kill each other…” Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Sabrina. “Ano? Pagtutulungan niyo ako? Sige... subukan niyo akong patumbahin.” Walang patumpik-tumpik, umarangkada siya para sa isang atake. Sunod-sunod na hiwa ang ginawa niya sa hangin gamit ang kutsilyo, habang si Sabrina’y pilit na sinasabayan ang kanyang pag-abanse. Sa puntong iyon, hinugot ko na rin ang sarili kong batuta, simpleng yari sa kahoy. Sinubukan ko siyang hampasin sa ulo ngunit nagawa niya akong ilagan. Isang hiwa pa sa ere ang ginawa niya at ako naman ang umiwas. “Mukhang marunong kayong dalawang lumaban... Hindi tulad ng ibang napatay ko.” Sabrina laughed. Ngayon ko lamang napansin na natamaan ito sa braso matapos niyang hawakan ang sugat. “Anak ako ng isang kriminal. Hindi ako madaling pabagsakin.” “Looks like we’re not the only one hiding secrets then, huh?” Sabay tingin sa akin ni One. Bahagya akong umatras at bumwelo. Naliligo sa karimlan ang kabuuan ng lugar. Patagal nang patagal ay mas lalong lumalakas ang hangin at nagiging bilog ang buwan. Sa kalagitnaan ng katahimikan, nagbadya ang tunog ng isang malakas na mikropono. “My lovely brides... we’ve reached the grand finale. Aren’t you the least excited to see me waiting for you in the altar?” Tumawa ang taong nasa likod ng anunsyo. Gayunpaman, hindi nawala ang aming titigan sa isa’t isa. Any moment, one of them can strike while least expected. Isang magandang pagkakataon lang ang kailangan nila at natitiyak kong isa sa amin ang babagsak. “Only the three of you are left standing, but only one of you will walk away here as my bride.” Bahagya siyang tumawa. “You’ve got ten minutes before bombs fill this arena... So, who’s it going to be? Kill your friends... or die together like fools?” Nakita ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Sabrina sa kanyang punyal. Her eyes suddenly changed. Saglit niyang hinagip ng tingin si Meredith. Bumilis ang hininga ko nang mapagtanto ang kahulugan ng tingin na iyon. “Go on... entertain me,” huling sabi ni Maradona bago malagot ang speakers. Walang sabi-sabing sumugod patungo sa akin si Sabrina, ang armas ay diretsong inaabanse patungo sa aking katawan. Mabilis akong nakabalikwas. Gamit ang isang binti na maagap na nakapwesto, nagawa ko siyang sipain sa kanyang midsection. Napaatras ito nang may kaunting iniinda. Akala ko, doon na natatapos. Ngunit si Meredith naman ang sunod na umatake. Meredith swung her knife across my head, missing me by a few inches. Naging madugo ang aming alitan hanggang sa nagpagulong-gulong ako sa lupa nang sunod na mahagip ng punyal ni Sabrina ang aking tagiliran. Nanlaki ang aking mga mata nang pagtaksilan ni Sabrina. Mukhang ako ang nais nilang idispatya. “Ang mga pulis na kagaya mo ay hindi ko dapat pagkatiwalaan!” sigaw ni Sabrina. “Gaya ng p*kp*k mong kapatid!” Hinawakan ko ang tagiliran habang nagtatagis ang bagang. Mabuti at mababaw lang ang pagkakatama. Sinubukan uli nilang sumugod at mukhang target nila ang kanang bahagi ng aking katawan. Inaasahan ko ang kanilang abanse kaya ginamit ko ang kaalaman sa judo at mabilis na hinawakan ang isa sa palapulsuhan at inikot ito gamit ang bigat ng aking katawan. Nasangkot ang katawan ni One sa aming rambulan kung kaya’t sama-sama kaming gumapang sa maputik na daanan. Kumalansing ang mga hawak naming armas. Kasabayan ng tunog ng marahang pag-ambon ang malakas na hiyaw ni Sabrina matapos ko itong balian. Samot-saring mura ang natanggap ko mula sa kanya ngunit ang atensyon ko’y nanatili kay One na ngayo’y kapit-kapit na uli ang kutsilyo. “Wala kang kwenta...” ani Meredith bago ibaon ang patalim sa leeg ni Sabrina nang masangkot ito. “H-H-Hindi a-a-ko m-mamamatay rito!” Nanginginig na nanlaban si Sabrina ngunit masyado nang malala ang kanyang natamong sugat. “Kailangan mong galingan pa!” natatawang ani ni One bago ako balingan. Hinihingal at bahagyang garalgal na boses ni Sabrina ang umalingawngaw hanggang sa unti-unti itong naglaho. Now, only two of us are left. Ganito pala talaga nagtatapos ang laro ni Maradona. Pinairal niya sa amin ang desperasyon para mabuhay at pag-asang makalalabas pa rito. Hinayaan niya silang magpatayan para sa kanyang sariling kaligayahan. Hindi ito dapat ganito magtatapos! Mabilis na umatake si Meredith, nakatutok ang kutsilyo sa akin habang sinasalubong ang bawat patak ng ulan. Inaasahan niyang madadaplisan ang aking tagiliran pero mas inaasahan ko ang kanyang galaw. Umikot ako at sinipa ang pulso niya, dahilan para bumagsak ang kutsilyong hawak niya. Mula sa aking baywang, hinugot ko ang batuta at marahas na hinampas ito sa kanyang ulo. Pumatak ang dugo sa kanyang bumbunan, ang mukha niya’y namimilipit sa pinaghalong galit at sakit. Kinuha ko ang tsansa para kuhanin ang nagkalat na sandata. Nakitaan ko siya ng saglit na pagmamakaawa sa kanyang mukha ngunit huli na ang lahat. Kailangan ko na itong tapusin para na rin sa mga naging biktima niya. Hinugot ko ang buong lakas ng loob at walang awa itong itinarak sa kanyang leeg. Dahan-dahang pumatak ang dugo sa kanyang bibig… bago siya bumagsak sa lupa. “YOU’VE impressed me today.” Naramdaman ko agad ang bigat ng hangin matapos makita si Maradona na nakatayo sa gitna ng katedral kung saan napapaligiran siya ng mga nakabibighaning arkitektura ng mga column at stained glass windows. The situation was deeply ironic. Narito, sa banal na lugar kung saan nagdarasal ang mga tao na may puno ng pag-asa at pagpapakumbaba, matatagpuan ang lalaking naging sanhi ng daan-daang kamatayan. This was supposed to provide solace—be a sanctuary, a beacon for prayers—yet it had become the backdrop for a nightmare. Naamoy ko ang usok ng insenso na humahalo sa lumang kahoy ng mga upuan. Para bang huminto ang oras nang mapagtanto kong hindi lang kami ang naririto. Matapos maka-adjust ang aking mga mata sa dilim, doon ko napansin ang tila aninong nag-uumapaw sa bawat sulok ng simbahan. Sumulong ako nang kaunti habang umabot sa aking tainga ang malakas na t***k ng puso ko. At sa wakas, nakita ko sila—sampung katawang nakatali sa mga upuan na tila ginawa silang manonood. Grotestiko ang itsura ng iba, bawat katawan ay may bakas ng karahasan. Bigla, nagsimula akong mag-panic. Hirap na hirap akong umapuhap ng hangin; tila ang bawat paghinga ay nagiging mas mabigat. Habang tumatakbo ang aking isip, nagiging mas malinaw at mas nakatatakot ang lahat para sa akin sa sandaling iyon. Nakatawid ako sa isang hangganan na hindi ko na maibabalik. Ang paghahanap sa mga sagot ay nagdala sa akin sa isang bangungot. Hirap na hirap akong umapuhap ng hangin. My anxiety was taking a toll on me. It was all becoming clearer and much more scary for me at the moment. The trust is now tied to the horrors of the bodies before me. Kahit ako na isang pulis ay hindi kayang tiisin ang tanawin na ito. Ang labis na amoy ng dugo ay punung-puno sa hangin. Napako ako sa kinatatayuan. “You’ve made it through the first act; the encore is even better. We should celebrate our nuptials.” Nang magtagal, unti-unti akong nakapag-isip. Kailangan kong makaalis dito gaya ng pangako ko. Kailangan ko silang ilabas gaya ng sabi ko. Kailangan kong hanapin ang lakas upang makatakas sa impyernong kinabibilangan. Sa kabila ng labis na takot, nagpasya akong baguhin ang aking kapalaran. “Maradona…This is where your little game comes to an end. You’ve danced with death for far too long; now, it’s time to experience the true weight of justice.” Itinaas ko ang kamay na hawak-hawak pa rin ang armas, umaaktong hinahamon siya sa pinakahuling laban na kabibilangan niya. “You’re under arrest.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD