The Return
Ellison Valencia(Marqueza) POV:
"Tandaan mo Ellison, if someone tries to hurt you, fight back. Okay? You are a Valencia. You don't have power, you are power. Kahit...kahit ikinahihiya niyo ng mommy mo yung pangalan natin."Sabi ng lola with a hint of sadness coating her last words making me sigh again.
"Lola, we've talked about this already diba? Hindi namin ikinahihiya ni mommy ang pangalan natin. Sometimes, we have to blend into the crowd lola kasi pano kung malaman ng mga tao about us? That the Valencias had arrived in the Philippines? We both know na madaming naghahabol satin because of our resources and status. I doubt walang sasalubong sayong mga Business tycoons sa daan the moment they know that a member of the most powerful family in the world with regards to business is near them and a couple inches away." I reasoned out a dozen times. Lola sometimes is overly confident. She wants to show off that the woman who was once mistreated is now on the top, higher than the cloud, sabi nga niya.
"But apo naman eh! Just like you said, we are the most powerful, so powerful that even The World Bank itself cannot pay us. We can hire as many bodyguards as we want if danger is what you're concerning about. And our house is literally a fortress apo, with high voltages enclosing it and securties roaming around. What else are you worried about?" Lola countered. Hindi talaga siya magpapatalo. Talagang competitive.
"Freedom lola. I'm worried about my, our freedom. We cannot just walk around publicly with bodyguards surrounding us. We cannot rely our safety to them everytime. Sometimes, we have to give time to ourselves, without thinking of any possible dangers or threats." I explained to her and by just looking at her expression, she looks defeated, like as if she lost.
"Fine. If that's what your mom wants then I will just go along with it. And I think your right, hindi na ako bumabata para makipag-bakbakan, I reserved this energy for one last battle. The Great Revenge." Sabi ni lola at gumawa pa siya ng fighting stance na parang sasabak sa boxing. Lola, you're 66 hindi 26. Sabi ko sa sarili ko kasi bawal, baka sapakin ako nun.
"Finally, lola! We're done with that! Can I go now, I'm getting late you know? It's my first day and I don't want to have a bad first impression." Parang nagmamakaawa kung tugon kasi time is essential to me with regards to my education kasi I'm the next heir to my lola's business. This will serve as my practice din.
"Oh! Sige, rampa! Remember what I told you, okay? And show them what a true Valencia is, even though not publicly, but secretively." And with that, the door was slammed shut. I sighed in relief before looking at Kuya Jakob, my personal driver, but not publicly, kasi even though we changed our family name, that doesn't mean our lifestyle don't. We need to change it all.
"Kuya, let's go na."
"On it, sir--I mean, bunso." Yes, you heard it right. He will be acting as my kuya, my sibling by blood. When I mean all, all of it.
As I look outside the car, through the tinted glass window, naalala ko yung conversation namin ni lola. Nakakapagod din minsan si lola to be honest with you. Yes, I am grateful kasi nandyan din siya by my side to guide me pero minsan kasi sakit sa ulo yang mga bilin nya. Halos lahat ng sentence, kasali ang apelyido namin. Like literally.
Sabi ng mom ko, kaya nagkakaganyan si lola dahil sa ex-husband nya, si lolo(not really my lolo though kasi he's not my mother's real dad) at sa family nya. The Altamirano Family.
Pinahiya niya ang buong pamilya ni lola, simula pa nung ikinasal sila. Hindi naman talaga sila normal na ikanasal na dahil nagmamahalan nila, infact, si lola lang naman daw ang nagmahal. Their marriage was arranged by lolo's parents, para lang pagtakpan ang baho ng anak nila, which is r**e and murder. Kahit pa mahirap sila lola noon, since sila yung nag-aalaga sa mga lupain ng family ni lolo, ay tinuloy padin nila ang kasal. Walang nagawa si lolo kundi ang pumayag, dahil kayamayan nila, investments and image ang nakasalalay dito.
Hindi naging madali ang naging karanasan ni lola sa puder nila. Kahit kasal siya sa anak ng Altamirano couple, ay tinuring parin siya na parang walang pinag-aralan, ibubuga o kayamanan. Yung feeling na ang babaw-babaw mo sa paningin nila, ikaw ang nasa lupa ang sila naman ang nasa langit.
Lola said that, nakakakain lang siya sa gabi, late, kasi halos everyday may bisitang dumadalo sa bahay/ mansion ng Altamirano na parang piyesta araw-araw. Hindi siya maka pasyal dahil pinagbawalan siya ng in-laws niya, sasaktan siya kapag lumabag.
Yung asawa by papers naman, halos wala kasi puro hang-out sa kaibigan, s*x kani-kaninong babae, at vacation na parang single at walang asawang iniwan sa bahay. Nagtuloy-tuloy ang hirap ni lola for over a year and a half then suddenly, Wednesday midnight, yung ang worst night ng lola ko, to the point na parang pinabayaan at sinumpa ka ng tadhana dahil sa hirap at sakit na dinanas niya.
That night, yung asawa niya, yung lalaking minahal niya ng lubos kahit hindi siya mahal nito, ay ginahasa siya, binugbog hanggang sa hindi na mawari yung mukha niya, at tinali sa kama at pinasunog yung mansion nila.
Umiiyak siya habang dinadamdam yung sakit, kirot, galit at lungkot. Hindi lubos akalain ng lola niya na may mas ikasama pa pala yung taong iyon, isusunog siya ng buhay. Pero kahit gustong-gusto niyang sumuko, ay nagpakatatag siya. At dahil dun, nakalabas siya ng buhay, ubo-ubo, sugat-sugat pero in one peace.
Luckily, nadala niya yung pera niya at ilang mga damit niya bago siya nakalabas na nasusunog na mansyon. Nakauwi siya sa bahay ng mga magulang niya at doon niya binuhos lahat ng sakit at puot, sa yakap ng mga nagpalaki sa kanya.
Sabi ng magulang niya, pumunta na dito ang mag asawang demonyo bago pa sya nakarating. Nung una, paniwalang-paniwala sila na patay na ang anak nila, dahil umiiyak daw yung mga in-laws niya. Sabi nila na ginawa nila ang lahat para mailigtas daw si lola pero hindi nila naabutan kasi gumuho ang parte kung saan ang kwarto niya. Iyak ng iyak daw si lolo dahil nawala daw yung pinaka minamahal niya.
Sobrang galit ang naramdaman daw ni lola nung narinig niya ang kwento. Talagang may karapatan pa silang magsinungaling sa mga magulang niya. Pero hindi pa pala dun nagtatapos kasi tinanggalan na pala ang mga magulang niya ng trabaho, ni isa wala silang ma-applyan. Ni isang barya wala ang mga magulang niya, kaya nakikikain siya minsan sa kapitbahay o kundi, kamote at mais lang. At may kutob si lola kung sino ang may gawa nito. Ang mga Altamarino.
Sa lahat ng dinanas niya sa puder ng mga Altamarino at yung pagpapahirap nila sa mga magulang niya, isang lang ang masasabi niya, gaganti ako.
At yun nga ang ginawa niya. Mahirap nung una dahil alam ng mga tao, patay na siya, hindi siya makakilos ng malaya at maayos na parang hinahawak siya sa leeg, sinasakal siya. Kaya walang ibang ginawa si lola kundi ang magpa- plastic surgery at buti nalang, may mga kaibigan siya na tumulong sa kanya sapagkat may ilang nakakaalam sa mga baho ng mga Altamarino.
Hindi siya tumira kasama ng mga magulang niya kasi ayaw niyang isugal ang kaligtasan nila, kaya nakitira siya kapalit ng pagiging kasambahay nila. At ang pamilyang iyon ay walang iba kundi ang mga Dela Cuesta. Ang mortal na kaaway ng mga Altamarino pagdating sa business.
Naging mabuti sila kay lola, tinuring siya bilang anak for the couple cannot bear a child and after knowing about her suffering in the Satan household, mas tinindi pa nila to the point na tutulong sila para makamit ni lola ang ganti na ninanais niya. Dumating pa sa punto na gumawa ng kasulatan ang Dela Cuesta na sa sandaling pumanaw na sila, ang pangalan nila ay mapapalitan ng Valencia. Tumutol nung una si lola kasi pride nila yung pangalan nila, pero sabi daw nila "the only thing that we would consider as our pride is when you succesfully have your revenge and make the Altamarinos fall. Masyadong marami na silang tinapakan na tao para lang makarating sa tuktok, hindi kami makakapayag na isa ka sa mga yun."
At dun nagsimula ng pagbangon ni lola. With the help of the Dela Cuesta couple, nakapagtapos siya ng pag-aaral and she took up business management as her course. At 24, she became the CEO of the Dela Cuesta Group of Companies, lumago ito at umabot na sa top 10 Best Companies sa Philippines alone. At 26, nagtayo siya ng company overseas and just like what happened in the philippines, lumago din ito, hanggang sa naging trillions of dollars na ang nakikita ng companies nila yearly, the impossible became a reality.
But sadly, during that year of achievement ni Lola, naaksidente ang mag asawang tumulong sa kanya para umabot siya sa ganitong posisyon. Umiyak siya, at naging malungkot ng panandalian pero pumalit ang galit nung nalaman niya hindi basta basta lang na aksidente ang natamo ng mag-asawa, dahil planado ito, at alam niya kung sino ito, Ang mga Altamarino. Base sa kanya investigator, threatened yung mga Altamarino dahil natatalo na sila at nalulugi, kaya pinatay nila ang may-ari. Pero what they don't know na hindi ang mag-asawa ang nag ma-manage ng negosyo nila kundi iba. Lola may be the real CEO pero in the public eye, ang mag-asawa ang naging substitute niya. Sabi kasi nila na kailangan ni lola maging unknown because the Altamarinos are a merciless family, handa nilang dungisan ang kamay nila, basta manatili lang sila sa tuktok, at hindi nga sila nagkamali.
Mas lalong nag focus si lola sa business and true sa kasulatan na binilin ng mag-asawang Dela Cuesta, pumalit ang apelyido ni lola sa lahat ng ari-arian ng mag-asawa including the company making her the new owner. Hanggang sa nalagpasan niya ang mga Altamarinos, hindi padin niya kinalimutan ang sarili at magulang niya. Kinuha niya ang nanay at tatay niya sa probinsya at dinala sa amerika, at doon sila tumira at doon din nag-asawa si lola, at nakilala ang aking totoong lolo. Si Salvador Catalan, isang billionaire na businessman pero sa Dubai naka reside. Nagkita sila ni lola during hiking, magka team kaya ayun, nagkamabutihan until sa nagbunga ng pagmamahalan. At dun nagsimula ang tunay na pagbangon ng mga Valencia.
To be Continued...