Ellison Valencia(Marqueza) Point of View:
Dito na magsisimula ang bagong buhay ni Ellison Valencia, Apo ni Micaela Valencia. But hindi Valencia ang dadalhin niya for the mean time dahil may ibang pangalan muna ang papalit, and that is Marqueza. I will be known as Ellison Marqueza. I have trained myself how to be a normal person, yung hindi umaasa sa family, kay mom and dad, at kay lola at lolo. I will be a new person, the best kind of person. To protect my family, and our name dahil sinumpa ko sa sarili ko na never do things that could put my family in danger, hindi ko hahayaang babalik sa hirap ang pangalan namin, I won't put my grandmother's sacrifices and work to waste.
"Are you ready bunso?" Rinig kong tanong ni kuya Jakob sakin. Tinignan ko siya at biglang niyakap dahilan para ikatalon niya ng konti because of the sudden act.
"Thank you for getting along with our plan. I know maapektuhan ka pag nagkataon because of this." I stated sincerely to him. He did this for us despite na maging mapanganib ang pinapasok ni kuya kasi alam niyang madaming naiinggit samin at pwede siyang gamitin bilang pain pag nalaman ng tao ang totoong kami.
"Ano kaba, bunso. Okay lang yan. Your family did so many things to mine. Tinulungan mo yung papa ko maka-survive sa cancer niya by encouraging him to fight and also taking care of him sa hospital. Binayaran nyo ang lahat ng utang namin at binigyan niyo kami ng hanapbuhay. This is the least I could do for you guys. Ako nga dapat ang mag thank you eh." Sabi niya sa akin habang niyayakap din niya ako pabalik.
"Still, Thank you." I said before pulling away from him.
"So, this is it huh? I am completely leaving my name for a while." Tanong ko sa kanya.
"Well, It's necessary. Baka kasi pag hindi, gagawing kang kidnap for ransom." Sagot niya.
"Tell that to lola." Natatawa kong sagot dahilan para matawa din siya. Alam niya kung gaano ka stubborn si lola. Well, that's what happens when you have a Valencia blood running through your veins. Competitive at hindi nagpapatalo hangga't hindi nasusunod yung gusto. Pero walang kaya si lola kay mom at dad kasi parang tuta sila sa paningin ni lola, including lolo.
Just thinking about lolo, I miss him already. Hindi kasi siya nakasama kasi inasikaso pa niya yung papers niya sa dubai for transfer since we all decided to migrate here in the Philippines because of this, and support naman si lolo. I just hope makadating si lolo before my 18th birthday.
RING!...
"The time has come." Sabi ni Kuya Jakob.
"Yeah. See you soon okay? And don't be late, makakalimutim ka kasi." Sabi ko sabay tukso sa kanya.
"Sinasabi mo bang matanda ako?" Sabi niya na parang naiinis.
"Ha!? Hindi ah. Hindi naman matanda yung may utak na 50 years old." Sabi ko naman dahilan para subukan niya akong hablutin, pero luckily, nakailag ako.
"Hoy! Bumalik ka dito! Mamaya ka talaga sakin!" Sigaw niya sakin.
"Bye Kuya, Ingat! Remember your Memo Plus Gold okay!?" That was the last thing I said before passing through the entrance hall. The hall is filled with lockers, as usual for a high-end Academy but the sad thing is, bakit may kalawang akong nakikita. Nakaka-disappoint naman, ang mahal mahal ng tuition pero ni isa, walang ginawang maintenance, kahit sa lockers man lang. Where did they get the title 'high-end' kung ganito lang pala ang interior?
If lola would visit here, siguradong question agad sa facilitator dito. I just shake the thought off my head and continue walking hanggang sa makarating ako sa principal's office. At least, bago yung pinto at doorknob. I knock at the door, not too loud but not too quiet, just average. The moment na may nagsabi ng 'Come in' ay pumasok kaagad ako, revealing me a middle-aged woman wearing a black blouse, beneath it is a white long sleeve that is neatly prepared and ironed, red neck-tie then in her lower part is a black pencil skirt. She screams professional.
"Good morning ma'am..Almeda." I greeted, buti nalang naka display yung name niya sa desk niya. Beatriz Almeda | Principal VI.
"Good morning." She greeted back with a normal smile on her face. "I haven't seen you before. Are you by any chance, Mr. Marqueza? The transfer student from Los Angeles Academy?" She asked me. I smiled and nodded.
"Yes ma'am." I confirmed. Tumalikod siya then may hinukay siya doon sa mga naka pile na folders and not long, may hinugot siya doon na papel before turning back to me.
"This will be your schedules for the whole school year Mr. Marqueza and I am impressed, your grades are outstanding when I checked your form." She said and complimented.
"Thank you, Mrs. Almeda." I replied gratefully. Tumayo siya at binigay ang papel sa akin.
"Welcome to Highgate Academy." Sabi ni ma'am Beatriz and she stretches her hands towards me for a handshake which I accepted. After that ay lumabas na ako ng Principal's office and magsimulang maghanap sa first class ko. Hindi naman mahirap hanapin since may specific hallway sila like for example, sa hallway A, doon ang mga subject rooms na may relate anything that tackles numbers and Science, like Chemistry and Calculus. Dito din yung mga laboratory for experiments, The Space exhibit and etc. Sa hallway B naman, dito yung subjects na opposite ng A, yung mga hindi focus sa numbers like History, English and Computer/ ICT. Dito din naka locate ang Library. Then last is the Hallway C. Dito ka pupunta kung may mga activities like during PE, practices, sports training and many other things. Dito din yung indoor Gymnasium nila at Oval/Plaza.
For my first period, we have History, one of the subjects I am quite nervous kasi first time kong makapag-aral sa Pilipinas making me dumb about their history. All I know vividly is that this country had been colonized by the spanish for 300 years and the national hero is Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda or Jose Rizal for short. Diba, ang bobo ko.
Nakatayo na sa harap ng pinto ng classroom ko this period, huminga ako ng malalim bago pumasok. Ang classroom nato ay parang mall, ang ingay. Ang hype ng mga estudyante, clearly hindi pa naka move-on sa bakasyon. Pero ang ingay ay unti unting humihina kasi padami ng padami ang mga estudyanteng nakapansin sa akin hanggang sa BOOM! A Quiet Place 2.0. Ngayon ay hindi na bakasyon ang topic nila, ako na. Pinagbubulungan ako at may narinig akong mga pangungusap na, 'Oh my god, who's he?', 'May transferee tayo?', 'Bat ang kinis niya?'.
Pero bago pa lumakas ang gossip nila tungkol sa akin, ay bumukas ang pinto revealing a woman in a uniform similar to the principal's. She looks young, I think about in the late 20s. Morena, makinis din, naka make-up, ponytail ang hairstyle at naka glasses. She must be the history teacher. Sabi ko sa sarili ko.
Tahimik na ang buong classroom before pa nakarating ang teacher sa front desk niya. Lahat ay naka upo ng maayos, walang lumilingon side to side, at lahat ng mata ay nakatingin lang sa teacher, at minsan sa akin.
"Good morning Grade 11 students. Mukhang wala naman tayong bagong nilalang dito, might as well skip the introductio---. Yes Ms. De Guzman?" tumigil siya ng may tumaas ng kamay. Isang babae na naka nerdy glasses at nakatali yung buhok both side ng ulo niya, parang sungay.
"Ma'am, we have a tranferee." Sabi ng babae sabay turo sa aking kinalalagyan. Sinunod naman ng guro at nakita niya akong nakatayo lang sa corner ng classroom, beside sa pinto. Nakakahiya.
"Oh, my apologies. Hello there, can you please come in front?" Sabi ng guro at mabilis ko namang ginawa. This is my first time humarap ng dozens of Filipino students at not gonna lie, this is quite frightening. Yung mga titig nila parang si Cyclops, at intense. "Introduce yourself to the class please."
"Uhm..Hi, My Name is Ellison Marqueza. I'm 17 years old and a transfer student from Los Angeles Academy." May narinig akong mga bulong-bulungan nila at hindi nagtagal ay may tumaas ng kamay.
"Can we know your GPA because as far as I can remember, only students with a high GPA can attend that school." Tanong ng babaeng may makapal na make-up at may sobrang unat na unat na buhok na parang pumutok yung plantsa ma-achieve lang yan.
"Oh. Well, to be honest, I don't really look at my average. But I think I heard my lola said that I got 4.5 GPA." More gasp has been heard nung sinabi ko yun. Bakit parang first time pa sila naka-encounter ng may 4.0 and above average?
“Impressive Mr. Marqueza and don’t mind them, students here are rich but they are a bunch of idiots.” Sabi niya sa akin.
“Ma’am ang harsh mo naman! Ang talino kaya namin, dba classmates? ” Rinig kong sabi ng isang lalaki na nakaupo sa second row at sumagot naman ang kanyang mga kaklase. Napakunot ng noo ng guro at tinaasan ng kilay ang kanyang estudyante.
“Talaga? Sige nga, sino ang sumulat ng Florante at Laura?” Tanong ng guro.
“Sus, easy. Edi si Jose Rizal.” Sagot ng lalaki at tumayo pa ito then kumaway-kaway na parang Miss Universe. “Aray ko po! Ma'am, physical abuse yan!" Maktol niya ng binato siya ng eraser ng guro.
"Physical abuse talaga pag hindi ka pa umupo diyan!" Naiiritang sabi ni ma'am kaya naman padabog na umupo ang lalake habang tinitignan ng masama ang mga kaklase niyang tumatawa sa kanya.
"Nakakangilo sa galit yung Jose Rizal. tang-ina, kung maka-kaway kala mo naman mabango yung kili-kili." Lumingon ako kay ma'am nang marinig ko itong nagsalita ng pabulong. Nakita naman ako nito kaya nginitian niya ako. "I am Ms. Janine Saavedra by the way, your history teacher for this school year. You may take you seat now, next to Ms. De Guzman. Sapphire, kindly raise your hands so that Mr. Marqueza here will see you." Pagkasabi ni ma'am is agad naman may nagtaas ng kamay at nalaman ko na siya pala yung nag-bulgar ng kinaroroon ko kay ma'am earlier.
Lumakad ako patungo sa kanya at umupo sa vacant chair katabi niya.
"Hi, I'm Sapphire Maxine De Guzman, but you can call me Sapphire or Maxine for short. I'm 18 years old and I am the NERDY girl in Highgate. Not that I love it, because I hate it." Medyo nakakatakot yung introduction niya sa sarili niya kasi yung boses niya para galing horror movie, yung parang boses ng manika, ang inosente but in a creepy way.
"O-oh, hi. I'm Ellison, Ellison Marqueza, 17 and me and my family just migrated from US two months ago." Pagpakilala ko naman sa kanya.
"Hindi naman sa sinasabi kong sinungaling ka pero Echos ba yung 4.5 GPA or true yon?" Tanong niya sa akin at tinignan niya ako behind her silver coated round glasses. Umiling ako sa kanya bilang sagot na ikinalaki ng mata niya. " That's cool! I always wanted to achieve that high GPA pero kahit anong aral ko, hindi talaga eh. Hanggang 3.0 lang talaga ako."
"Wag kang panghinaan ng loob kasi there will come a time na magugulat ka nalang na naabot mo na pala yun ng hindi mo nalalaman." Sabi ko sa kanya, para naman tumaas yung loob niya. Hindi maganda yung may thinking ka na mag-give up kasi nakaka-depress yun at mas lalo kang mai-stress since may goal ka gusto mong maabot.
"Nako, nagda-drama na naman ako. Wag mo kong isipin, nadamay ka tuloy sa pag-iinarte ko." Tawa niya sabi habang kinuha niya yung Ipad niya because sinabi ni ma'am na magno-note taking kami ngayon for tomorrow's discussion.
"hindi naman. Naintindihan ko naman. Its hard to achieve those kind of things pero just remember na thinking negative things will never help you achieve your dreams. Just think positive, always." Paliwanag ko sabay bitiw ng ngiti sa kanya at nakita niya naman ito at ngumiti pabalik.
"Thank you. Gagawin kitang inspirations para maabot ko ang GPA na meron ka. Para naman maging proud sila mom and dad sa akin." Malinaw na malinaw yung sinabi niya sa dulo. I feel sorry for her, she just wanted to be praised by her parents.
Hindi ko talaga bakit ganyan mga parents natin minsan, ang daming demands doon sa mga anak nila to the point na mai-stress na yung sinasabihan nila. Alam naman nila kung ano ang capacity ng mga anak nila bakit pa nila pinagpipilitan. Hindi nila naiisip na napapagod na yung mga anak nila at naghihirap makamit lang yung mga demands ng parents nila.
"How about I tutor you?" Bigla kong sabi sa kanya na ikinahinto naman niya sa pagsusulat.
"What?"
"Tutor you. I can help you achieve the GPA you so desired."
"Wait, you will do that?" Tanong niya at tinitignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Of course. I want to help you so that your parents would be proud of you. It's not because I pity you okay to the point na pakokopyahin kita, I just want to guide you and teach you some tricks." Sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako nang may tumulong luha sa kanyang mata at bigla niyang paghawak sa kamay ko.
"Thank you. Ikaw lang yung nag-alok sa akin ng ganyan. Wala kasi akong totoong kaibigan dito kasi plastik ang mga estudyante dito. They titled me the NERD of the school kasi palagi akong nasa library nag-aaral. Thank you dahil tutulungan mo ko." Sabi niya sa akin at luckily hindi kami nakita ni ma'am kasi busy siya sa magsusulat sa white board.
"No problem. I am happy to help you." Sabi ko. "Nagda-drama kana naman." Tumawa ako ng sinampal niya ang sarili niyang mukha at nakita kong unti-unting namula yung mukha niya. Nahihiya si mayora.
"Is there a problem their Mr. Marqueza?" Narinig kung nagsalita si ma'am kaya tinignan ko ito at umiling. Narinig niya siguro yung tonog ng sampal na ginawa ng katabi ko.
"Nothing ma'am, sorry to disturb you." Sagot ko at tumango naman siya bago magpatuloy sa sinusulat niya.
Tumingin ako kay Maxine. Tinakip niya ang halating mukha niya gamit ng isang palad niya at yung isa naman ay ginamit pangsulat. Nakakaloka si madam,nahiya pa. Umiling naman ako dahil sa kagagawan ng babaeng ito bago ako nakinig sa gurong nagsasalita.
At least, I have a new friend.