Ellison Valencia(Marqueza)
Point of View:
RING...
"Prepare for a test tomorrow, okay class dismissed." Agad namang lumabas ang mga kaklase ko at hindi nagtagal ay kami nalang ni Ma'am Janine at Maxine ang natira sa room.
"Good job Mr. Marqueza. You really are a smart one." Pagpuri naman ni ma'am sa akin at binigyan ko lang ito ng mahinang pasalamat bago kami lumabas ng first friend ko. Nakakahiya talaga kanina, my god kala mo naman nakasagot ako sa board exam kung makapuri sila sa akin. At hindi lang basta normal na puri, my exaggerating expressions pa akong nakuha galing sa mga classmates ko. Pero meron ding naka-away, I think.
FLASHBACK...
"And Last number 45 is Las Islas Filipinas. Okay, counter clockwise." Huling bigkas ni ma'am before kami nagsipalitan ng papers, in counter clockwise. Pagkaabot ng mga papel sa mga may-ari ay agad naman may narinig akong gasp o mga tunog ng panghihinayang, maybe kasi hindi nila nagustuhan ang score nila.
"Oh. My God! I don't like this! Paano ako magugustuhan ng mga varsity boys kung ganito ang score ko! Ugh, this means the end of the world." Rinig ko tinig ng babae na nanggaling sa likod ko.
"Yan tuloy napala mo. Ang landi kasi, mas inuna ang libog kesa sa aral." Dinig ko naman sa right side ko. Tumingin ako doon at nakita ko ang isang matipunong lalaki na matangkad na nakalagay ang bag niya sa kandungan niya. Gwapo siya, maskulado, maputi, singkit at maugat ang kamay. May itim siyang buhok na slicked back yung hairstyle. Overall, ang hot niya.
"Hoy Frank, don't dare me! Kahit anong pagpapansin mo sa akin ay hindi parin kita papatulan. Gwapo kalang pero yun lang yun. Wala kang ikabubuhay sa akin pag naging tayo." Sabi naman ng babae na sinabihan nitong Frank. Ang harsh niya, akala mo naman anak ng hari kung makapag-salita ng ganyan.
"Wag kang ilusyunada Erin dahil kahit kailan, hindi kita papatulan. Hindi ganoon ka low yung standards ko no. Kahit mahirap ako at scholar lang dito ay may pinag-aralan naman ako, di tulad mo na t**i lang ang iniisip." Sabat naman ng lalake.
"Why you li--."
"That's enough! Wala kayong galang sa akin! Talagang nag-babangayan pa kayo sa harap ko ah! Gusto niyo bang magka-detention sa first day niyo?" Tumahimik ang dalawa ng sumigaw si ma'am. Dumaan ang ilang segundo ay wala nang kumibo pa, halatang takot sa guro. " That's what I thought so." Sabi ni ma'am at napairap sa dalawa.
"Let's start from the lowest score." Sabi ni ma'am. Nagsimula siyang magbilang from 1 to 45 at hindi ko akalain na may nakakuha ng 9, and from a girl. Dumami ng dumami yung nagtaas under 25 hanggang sa tumigil ng 31 at ako nalang ang hindi nagtaas ng kamay na ikinagulat ng mga classmates ko. " Mr. Marqueza, may I know your score?" Tanong ni ma'am.
"45 ma'am." Sagot ko. Nanlaki ang mata ni ma'am pati narin ang mga estudyante na nasa harap ko.
"W-wait are yo--, can I see your paper?" Tumayo naman ako at binigay kay ma'am ang test paper ko. Sinuri ma'am front to back and after that ay nilagay ni ma'am ang kanyang palad sa bibig niya sabay sabing, " Incredible, ni isang bura ng sagot ay wala akong makita."
"V-very good, Mr. Marqueza. Your the first one to get a perfect score on my Pre-Assessment, like ever!" Sabi niya.
"Seriously? Not even once?" Hindi naman believable yung walang naka-perfect especially since mas naka-aral sila nito because it's their history and this is Philippines.
"Not even slight."
"Tama si ma'am Janine, Ellison." Tumingin naman ako kay Maxine ng magsalita ito. "Four years na akong nag-aaral dito sa Highgates at naging subject teacher si ma'am pero ni isa sa amin, walang nakapasa, even though its all multiple choice."
"Pinangatawanan mo talaga ang pagiging straight A student mo Mr. Marqueza. I hope magpatuloy yan until the school year ends." Sabi ni ma'am at tumango nalang ako bilang sagot bago umupo.
"I cannot believe this! How did he do that?! Like that's Pre-Assessment, hindi pa natin yan nadi-discuss." Sabi ng babae sa likod ko na nakigpag-away.
"Baka may answer keys siya, like think about it, he migrated from the US but he knew the history of our country. Does that seem weird to you?" Sabi ng isa pang babae kaya lumingon ako sa kanila kasi ayaw kong pinag-bibintangan na cheater.
"Hi girls, I'm Ellison Marqueza, the person that you are gossiping right now. Kung gusto niyong patunayan na cheater ako, you can check my bag if you want, also my wrist and palms baka sinulat ko yung keys. Word of advice, I don't like people staining my image in this school, especially on my first day. I came here to study and graduate, not do petty fights. And also next time, wag kayong manira kung ang sinisiraan niyo ay naririnig kayo, you're lucky hindi ako mababaw na tao na pumapatol sa mga kagaya ninyo. Baka kasi maka-tsamba kayo ng ganoon at lampasuhin kayo. Okay girls? Remember that." Tinalikuran ko yung dalawa at iniwanan sila doon na nakanganga at nakatulala. Yung mga kaklase kong lalaki ay nakatitig sa akin na para bang nakagawa ako ng krimen at yung mga babae naman, umaakting na parang nahihimatay. Ano ba naman yan Ellison, ang aga-aga nakikipag-away kana. Pinapagalitan ko ang sarili ko.
"I-uh, ehem. Okay settle down now class. How about we discuss each question on your test paper while waiting for the bell? Mr. Marqueza, again, congrats." Sabi ni ma'am.
"Thank you ma'am." Pagkatapos nun ay nagsimula na kami.
END OF FLASHBACK
Naiinis talaga ako sa mga ganyan, yung ang advance mag-isip. Hinahanapan talaga ng mga bagay na pwedeng makasira sa image ng isang tao. Hindi man ako mahilig sa away dahil submissive pero that doesn't mean na magpapaapi ako. I am not that person na hahayaan lang na e-degrade ako ng mga tao.
"Ano next subject mo?" Tanong ni Maxine ng makalabas kami sa history namin. Kinuha ko naman yung schedule ko na nilagay ko sa bulsa ko at tinignan ito.
"Chemistry." Sagot ko sa kanya.
"Same pala tayo! Hali kana, baka ma-late pa tayo." Sabi niya habang hinihila ako papuntang next subject.
Time Lapse(Lunch Break)
"Dito tayo." Sabay turo niya sa isang vacant table na naka-locate sa dulo ng cafeteria. Sumunod naman ako bitbit yung tray ko na kulay pula.
Malaki yung cafeteria nila, mas malaki sa dati kong skwelahan. Kulay puti yung dingding nila at yung folding tables naman is kulay grey including the chairs. Yung windows naman ay malalaki, made of non-tinted glass panels. At finally, hindi naman magpapahuli yung mga pagkain, pang 5 star din kaya okay na.
"Bat ba ang talino mo? May kinain kaba na pang-patalino?" Lumingon ako kay maxine na kumain na ng steak with two extra rice sa gilid. Naiinggit ako, buti pa siya hindi tumataba kahit pa siguro isang rice cooker na nakain niya.
"Hindi. Wala naman sigurong pagkain na gawing matalino yung tao. Sipag at tiyaga lang kailangan mo. Lahat naman tayo matalino kasi walang taong bobo sa mundo since we are the highest form of animal that has the capacity to think and learn, nasa sayo nalang siguro yun kung magsipag ka." Sagot ko naman sa kanya at nagulat naman ako ng bigla niyang sinapak yung table, buti nalang sobrang ingay ng students kaya walang nakapansin.
"Alam mo ikaw, nano-nosebleed na ako sa kaka-english mo. May pa-accent ka pang nalalaman ah. Pati doonn sa pila hindi nakapag-salita yung server kasi sinabihan mo ng straight english." Reklamo niya sa akin na may weird way of expressing kaya napatawa nalang ako sa inasal niya.
"Sorry, hindi ko naman sinasadya. Bago palang ako dito sa pilipinas dba, 2 months pa kaya hindi pa ako masyadong bihasa sa tagalog. May mga words kasi na hindi ko pa alam kung ano yung tagalog niya." Paliwanag ko naman dahilan para magmaktol siya ng 'Para tuloy akong mahirap dahil walang binatbat english ko sa'yo.'
"Alam mo ba, halos lahat ng classmates natin during sa chemistry ay nakatingin lang sa'yo habang nag-eexplain ka. Obvious na hindi nila naiintindihan kasi ni isa, walang halong tagalog. Samahan pa ng accent na damuho ka." Sabi pa niya habang puno yung bibig.
"Sorry na kasi, ano ba yan. Wag kang mag-alala, give me a little bit of time, mawawala din yung accent ko at straight english." Sabi ko bago nagsimulang kumain. I ordered pala is burger na may lettuce at salad then for my beverage is just water while kay Maxine is coke na mismo.
"Teka, na-tour mo na ba yung buong school?" Tanong ni Maxine. Umiling naman ako bilang sagot. "Gusto mo tour kita after natin kumain?" Offer niya sa akin.
"Sige ba. Curious din kasi ako about diyan." Pumayag naman ako sa alok niya. Hay salamat may nagyaya.
"Sige, ililibot kit--tang-ina naiinis ako sa kamay mo. Bakit may pa-kutsilyo at tinidor kapa kung kumakain ng burger!? OA kana sa pagiging class mo ah." Reklamo niya naman at kinuha yung tinidor at kutsilyo na hawak-hawak ko. Tapos, kinuha niya yung burger ko at pinahawak ako nito, na walang tissue. "Ganyan ka kumain, wag kang over sa pagiging class kahit bagay na bagay sayo. Walang tissue-tissue, tatadyakan talaga kita. Nguya!" Wala naman akong ibang ginawa kundi kumain ng ganito kasi naiinis na talaga si madam. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.
Bakit parang kasalanan ko?
Kasalanan ko ba kung palagi akong kasama sa mga business events na dapat daluhan ng grandparents at parents ko?