Chapter 27 Broken Heart “Anong ginagawa niyang dito?” narinig ni Jhana ang boses ng kaniyang Daddy, kasunod ang yabag ng ilang tao papasok sa kaniyang kwarto at pilit na inilalabas si Gabriel. “Jhana please. Please listen to me.” Pakiusap nito ngunit hindi niya ito hinarap. “Lumabas kana! Itapon niyo sa labas yan at huwag na papasukin.” Sigaw ng kaniyang ama. Ayaw na niyang marinig ang pagpalag ni Gabriel dahil baka masaktan pa ito. Kaya naman hinarap na niya ito kahit pa patuloy ang kaniyang pag iyak. “Gabriel tama na, wala na makakapag bago ng isip ko.” Nakita niyang pumatak ang luha nito ngunit kahit na naaawa siya dito at alam niyang mahal niya ito hindi niya kayang magpatawad. Tumango lamang ito at inalis ang mga kamay ng mga bantay at dahan dahan lumabas ng kaniyang silid kuyo

