Chapter 28 Walking Dead Agad na itinulak ni Jhana si Matty. “Im sorry.” Sabi nito. Ngunit nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang palabas upang habulin si Gabriel. Nakita ba siya nito? Anong iniisip nito? Iyan ang kaniyang mga tanong. Nakita niyang nakalis na ang sasakyan nito nakalayo na ito, para siyang tangang tinakbo ito. “Gabby! Gab!” sigaw niya habang hinahabol ang pulang pick up ng nobyo. “Gab!” Hinihingal na takbo niya. Nanlalabo ang mga mata gawa ng pag iyak. Oo mahal niya pa si Gabriel. Ngungit huli na nakalayo na ang sasakyan nito. Nakita kaya siya ni Gabriel ngunit hindi nag abalang hintuan siya? Umiiyak na naupo sa kalsada si Jhana. Ilang saldali pa ay nakatayo na sa harap niya si Mattheo. “Jha, lets get you home.” Inialok nito ang kamay. Tinignan ito ni Jhana bago m

