Chapter 5
Just a Kiss
Bumalik na sa normal ang buhay ni Jhana, wala nang mga atrabida at chismosang nagkwekwentuhan tuwing daraan siya sa hallway ng paaralang kanyang pinapasukan.
Namatay ang issue ng matabunan ito ng bagong drama ni Carmiel Ayala. Ipinakilala na kase nito ang bagong manliligaw at ayon pa sa modelo masaya na siya ngayon. Ikinakibit na lang ng balikat ni Jhana ang balitang iyon kase sa totoo lang wala naman siyang pakialam sa showbiz balita.
Nagmamadali sa paglalakad si Jhana, nakipagsiksikan narin siya para lang makasakay ng Jeep papuntang cubao kung saan naroon ang part time job.
Hindi kase agad nagdismiss ng klase ang kanilang propesor kaya naman halos liparin na niya ang daan huwag lang malate sa trabaho.
“Jha, naitime-in na kita huwag ka na maingay. Bihis ka nalang.” Bulong sakanya ni Paolo, Isa sa mga katrabaho niya.
Tinanguan niya ito at agad ng dumiretcho ng banyo upang makapagpalit. Inilabas niya ang sipilyo, sabon at maliit na towel upang umayos naman ang kanyang itsura.
Nang matapos makapagsipilyo at hilamos ay dumiretcho siya sa isa sa mga cubicle doon upang palitan ang damit.
Blag!
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang kanyang narinig mula sa loob.
Sino yun? Hindi na niya sana papansinin ang ingay at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng itim na paldang tinernohan ng pulang t-shirt, ngunit isang sigaw ng babae ang nakapagpatigil sa kanyang pag-aayos.
“I told you, tapos na tayo!” Sigaw ng babae.
Ehh. Dapat sumigaw? Sinong kausap nun?
“Baby, lets talk about it.” Nagsusumamo naman ang tinig nang lalaki.
Wait. Lalaki!? May lalaking pumasok sa CR ng babae?
“Im so tired of you Gabby, your alway’s hurting me.” Madramang saad naman ng babae.
Gabby?
Itinapat pa lalo ni Jhana ang tainga sa pinto ng cubicle.
Napakachismosa.ehehehe
“I promise, hindi na mauulit. Si Lindsey wala yun. Si Nathan talaga ang kinukulit nun. Ewan ko kung bakit biglang nagtext sakin.” Paliwanag pa nung Gabby.
“Ewan ko, im dating someone else na eh! Cant you see? Kasama ko siya ngayon.” Mahina na ang boses ng babae ngayon.
Eh! Nakipagdate agad?
“Hindi mo na ba ko mahal?” Maya-maya ay tanong ng lalaki.
“Ikaw Gabby, sa loob ba ng almost two years na relationship natin did you love me? Kase hindi ko halos naramdaman. Lagi kitang nahuhuling may kafling. Hindi na ko masaya. Just leave me alone.” At narinig ni Jhana na muling pabalibag na bumukas ang pinto.
Nang wala na siyang narinig na ingay mula sa labas ay napagpasyahan na niyang lumabas ng cubicle.
“Hay naku. sa CR pa nag-inarte ang dalawa.” Kumento niya pa.
“What did you say?” Halos napatalon sa gulat si Jhana nang makitang naroon pa pala ang lalaki at ito ay si Gabriel Buenafe.
“Ay. kabayo!” Sigaw niya pa at nakaramdamn ng matinding hiya.
“So nakikinig ka samin? Hindi mo ba alam ang salitang privacy?” Galit na tanong pa ng binata.
“Ano- Ano kase. Ano kayo itong pumasok agad sa CR ah. Nauna ko dito no.” Pagtatanggol pa ni Jhana sa sarili.
Sige Jhana, huwag mong amining chismosa ka rin minsan.
“Sana nung narinig mong nag-uusap kami nag-excuse ka nalang at lumabas hindi yung nakinig ka pa.” Bakas sa boses ni Gabriel ang matinding asar.
“Paano ko lalabas? Ayaw ko nga. Baka mamaya madamay nanaman ako sa gulo niyo.” Katwiran pa niya.
“Wait. Sinabi mo ba sa kapatid mo na may relasyon tayo? Nagkakalat ka ba ng chismis tungkol satin?” Naniningkit ang mata ng binata at parang ng uusig ang mga ito kung makatingin kay Jhana.
“Ano? Aba. Ang kapal talaga ng Mukha mo ah.” Sinugod niya ito at binigyan ng isang sampal, kinakailangan niya pang tumingkayad dahil sa taas ni Gabriel.
“Nakakarami ka na ah.” Gigil na hinila ni Gabriel ang kamay niyang handang manampal at mahigpit na hinapit siya sa bewang at hinalikan sa labi.
Hoy!! Anong ginagawa mo? Hindi na naisatinig ni Jhana ang nais sabihin dahil para siyang timang na nagpatianod sa halik nito. Naramdaman niya pa ngang umangat ang kanyang paa sa lupa.
Binuhat niya ko!? Teka. Jhana pumalag ka. Huwag kang engot. Bakit nakikipaghalikan ka sakanya?
Doon na pumalag si Jhana, Agad naman siyang binitawan ng binata at saka siya nginisian.
“Ayan! Hinalikan na kita siguro naman hindi kana magkakalat ng kung anu-anong balita tungkol sakin kase natupad na ang fantacy mo.” Tsaka siya tinalikuran ng binata.
“Gago! Anong Fantacy! Ang kapal mo.” Malakas na sigaw niya pero hindi na ito muli pang lumingon.
Ang kapal ng mukha niya, Sila tong parang tanga na sumusulpot kung nasaan ako ah. Ano ba kaseng problema at para kong tanga na nagustuhan ang halik nung Kapre na yun.
“Ahh!” Nagpapadyak pa siya sa inis.
“Jhana, tigilan mo na nga yang kakaiyak mo diyan.” Sita ni Sharon sakanya.
Simula kase ng umuwi siya galing trabaho ay doon na siya umiyak ng umiyak.
“Ang k—kapal kase ng mukha nung ungas na yun. Hinalikan niya ko tapos kung anu-anong pinagsasabi sakin.” Sumbong niya pa kay Sharon.
“Ano ka ba? Kung ako yun nangisay na ko sa kilig. Imagine nahalikan ka ng isang Sikat na basketball Player.” Hindi tuloy malaman ni Jhana kung matutuwa siya o maiinis sa pinagsasabi ni Sharon.
“Kahit na. Anong akala niya sakin cheap? Sinasabi niya pa nagkakalat daw ako ng chismis tungkol samin. Sha, im not like that. Wala akong gusto kung hindi ang tahimik na buhay no.” Pinunasan niya uli ang luha.
Hindi nga malaman ni Jhana kung bakit ngayon siya nag-iiyak eh. O kung ano nga ba talagang ikinaiiyak niya. Ang paghalik ba ni Gabriel o ang katotohanang mukha siyang ewan na nasasaktan ng marealize niyang kaya pala nakarating doon si Gabriel ay dahil sa pagsunod sa ex-girlfriend nitong si Carmiel Ayala.
Teka. Bakit naman ako masasaktan? Ano naman sakin? Kakakilala ko lang sakanya. Hindi ko naman siya crush. Tama-tama ang iniiyak ko yung paghalik niya sakin. Yun nga!
“Jha, tama na yan, halik lang yun. Nabubura. Nakakalimutan kapag may bago nang nakahalik sayo. Okay.” At kinindatan pa siya ng kaibigan.
Suminghot na lang si Jhana at ngumuso.
F*ck it Gabriel why did you kiss that girl? Anong pumasok diyan sa utak mo?
Minumura ni Gabriel ang sarili habang nanonood ng palabas sa TV na wala naman siyang maintindihan dahil panay ang lipat niya ng Chanel.
What if kasuhan ka nun? What are you thinking man!? Tila baliw na kinakausap ni Gabriel ang sarili.
Isinandal na lamang niya ang ulo sa sofa at tska marahang ipinikit ang mata.
Nagrereplay parin saknyang isipan ang itsura ni Jhana.
That girl, nanlaki ang mga mata sa gulat. She’s cute. What? Cute? Stop this nonsense Gab.
Napadilat ng mata si Gabriel nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Sinagot niya na ito ng Makita ang pangalan ng kanilang Manager sa screen.
“Yes Ma’am?” Nabingi ata si Gab sa malakas na sigaw ng kanyang Manager. Pero hindi niya na inintindi ang sigaw at galit nito dahil sa ngayon pinoproseso pa ng utak niya ang balitang sinabi nito.
So what now?