Chapter 6
Showbiz Balita
“Paano mo ngayon sasabihin samin wala kayong relasyon Gab?” Nang-aasar nanaman ang kateamate niyang si Gregory.
Napakamot na lang siya ng ulo.
“Alam mo Gab, kung hindi ka lang kalbo iisipin kong marami kang kuto dahil sa kakakamot mo simula pa kaninang umaga.” Sabi naman ni Nathan.
“Galit na galit si Manager, hindi na maawat yung pagkalat sa net nung video tsaka picture dude.” Sabi pa ni Gregory.
Nanatiling tahimik si Gab. Wala siyang maikatwiran sa nangyari, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag.
“So anong nangyari? Ano yung halikan na yun dude? Balita ko she’s a minor. Baka naman maidemanda ka ng Pamilya nun.” Sabi nanaman ni Nathan.
“Age doesn’t matter Nate.” Ngumuso pa si Gresory na nais na niyang batukan kanina pa.
Inaantay nila ang kanilang coach dahil may practise game sila ngayon.
“Nope, according to Manager 19 Years Old na yung babae.” Singit ng bagong dating na kateamate nila.
So mas may alam pa sila kaysa sakin?
“Pwede na, 26 ka 19 siya.” Tumatango-tango pang sabi ni Gregory.
“Shut Up Greg.” Singhal na niya rito bago tumayo at kunin ang bola.
Inabala nalang niya ang sarili sa paglalaro kaysa makinig sa pangangantiyaw ng mga kaibigan.
“Buenafe, may gustong kumausap sayo.” Pumasok sa loob ng court ang kanilang manager kasunod ang dalawang malalaking lalaki na kapwa nakabarong. Mukhang mga bodyguard.
Itinigil niya ang pagdribol ng bola at hinarap ang dalawang lalaking papalapit na sakanya.
Napatigil din sa ginagawa ang kanyang mga kateam.
Lahat nakatuon ang atensyon sakanya.
“Pinapatawag po kayo ni Councillor Cojuangco.” Anunsyo ng isa.
“Asan siya?” Maangas rin na tanong niya. Kahit nalaman na niyang isa ang mga Cojuangco sa may hawak ng kanilang team.
Anong kailangan niya sakin?
“Nasa kotse po, inaantay kayo.” Ayus ah. siya may kailangan ako pa pupunta.
Nilingon niya ang mga kasamahan na pawang mga nakatanga at nag-aantay sa mga mangyayari, ang Manager naman nila ay tinanguan lang siya bilang pagsang-ayon.
Nasa gitna siya ng dalawang lalaki hanggang sa marating nila ang parking area kung saan nakaparada ang isang itim na SUV.
Binuksan ng isa ang pintuan at inutusan siyang pumasok sa loob.
“Salamat sa pagpunta.” Nilingon niya ang nagsalita.
Ohh. Si Janus Cojuangco.
“What can i do for you Councillor Cojuangco?” Pinilit maging pormal ni Gab kahit may kutob na siya kung ano ang dahilan ng biglaang pagsugod nito.
“Tatapatin na kita Buenafe, nagagalit si Dad sa mga kumakalat. Leave my sister alone.” Napalunok na lang si Gabriel, batid niyang kilala sa pilipinas ang mga Cojuangco at lubhang makapangyarihan ang angkang ito. Sino nga ba siya? Naguuumpisa palang na umangat sa karerang pinili niya.
“Ah. I don’t know what to say.” Iyon lang ang tangi niyang nasambit.
“Do you have a relationship with her?” Biglang tanong ni Janus.
“Nope. No i mean wala. Wala kaming relasyon.” Nakita niya kung paano kumunot ang noo ng katabi.
“Wala kayong relasyon pero naghahalikan? How can you explain that? Isa nanaman ba sa play thing mo ang kapatid ko? If that so, then leave her.” Matapang na sabi nito.
Ano ba tong napasukan ko? Paano ko to lulusutan?
“Pag-uusapan namin to ng kapatid mo. Samin nalang dalawa to.” Ano bang tama kong sabihin? Na hinalikan ko nalang siya bigla? Baka ipasalvage ako nito.
“Jhana is my haft sister, but i love her. I care for her. Dont you dare hurt her or else mawawalan ka ng career Buenafe. Now pag-usapan niyo kung ano mang relasyong mayroon kayo. Dahil knowing Jhana she will not tell us about you. She’s a private person.” Tinanguan na lang niya si Janus at nagpasyang bumaba na ng sasakyan dahil alam niyang tapos na ang kanilang pag-uusap.
“Bakla, gumising ka diyan dalian mo.” Malakas na tili ni Sharon ang gumising kay Jhana.
“Ano ba yun?” Reklamo niya sa kaibigan.
Napakahimbing ng kanyang tulog, ngunit ginising siya ng tili nito.
“Dali-dali abangan natin yung showbiz balita.”Sabi pa nito na tila excited.
“Ano bang meron sa showbiz balita na yan?” Pupungas-pungas na sumunod siya kay Sharon sa maliit nilang sala upang manuod rin ng TV.
“Basta.” At kampante na itong naupo.
“Whatever Sharon Baliw.” Humilata siya sa sofa at doon muli sanang matutulog.
Showbiz Balita Tinig ng isang babaeng artista ang naririnig ni Jhana
Ayan simula na ng chicka. Anong Meron? Buang talaga si Sharon.
Na-spotan ng isang Netizen ang sikat na basketball Player kasama ang isang Teenager sa loob ng Banyo, Ano sa palagay niyo ang ginagawa nila mga kachicka?
Mabilis na naumulat ni Jhana ang mga mata, Agad niyang nilapitan ang telebisyon at doon nanlamig siya sa nakitang video ng paghalik sakanya ni Gabriel.
Ang sagwa sakanyang paningin ang posisyon nila, paano ba naman kase si Gabriel ay nakahawak sa bewang niya at halos buhat-buhat na siya. Sobrang dikit rin ang kanilang katawan.
Ayan mga kachicka, Ang basketball Player ay kinilalang si Gabriel Buenafe ng Tigers at ang Teenager ay isa umano sa anak ng kilalang Mayor sa Tarlac. Maraming larawan na rin ng dalawa ang kumakalat.
Panay lang ang singhap ng kaibigang si Sharon habang siya halos lumubog na sa kahihiyan. Nais na niyang lamunin siya ng lupa.
Ano na ngayon ang sasabihin ng pamilya ng kanyang Ama? Malamang ay alam na nito ang mga nangyari.
“Sikat ka na Bakla.” Anunsyo ng kaibigan.
“Patay ako.” Mahinang bulong ni Jhana.
Tatlong magkakasunod na katok ang nakapagpagising sa kanayang diwa.
“Wait buksan ko lang yung pinto.” Naglakad na si Sharon upang buksan ang pinto.
Habang si Jhana kinakagat ang mga daliri at iniisip kung anong palusot ang sasabihin saknyang ama kung sakaling ipatawag siya nito.
“Ikaw pala Papa Gab.” Narinig niyang sabi ni Sharon.
Hindi niya pinansin ang pagdaldal ng kaibigan hanggang sa nanlaki nalang ang kanyang mga mata ng nasa harap na niya ang lalaking kagabi lang ay humalik sakanya.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Malakas na sigaw niya.
“Mag-usap tayo.” Simpleng saad nito.
“Wala tayong pag-uusapan. Lumayas ka dito.” Pagmamaktol niya pa.
“Kinausap ako ng kapatid mo. Kaya pag-usapan natin to.” Mariing wika ni Gab.
Kinausap siya ni Kuya? Aba dapat binanatan siya. Ang kapal niya.
“So ano naman sakin? Ikaw ang humalik sakin wala akong pakialam.” Sabi niya pa.
“Please. Sisirain niya ang career ko, Isa ang family nyo sa nag mamanage ng Tigers. Once na hindi masettle yung satin im dead.” This time mababa na ang boses ng binata.
Tinignan niya ito, nakadama siya ng awa. Kaya wala sa sariling napatango nalang siya.
Isettle daw eh. Sige pag-usapan.
“Come-on lets go.” Agad-agad hindi pa nga ako naghihilamos o nagsisipilyo?
“Teka. Mag-toothbrush lang ako.” Sabi niya pa. Patamad na tinignan lang siya ni Gab.
“No need, promise i wont kiss you this time kaya hindi na kailangan ng mabango mong hininga.” Napanganga siyang muli.
“Aba! Aba! Nakakainis ka talaga bwisit.” Tinalikuran niya ito upang puntahan ang banyo.
Baliw ba siya? Natural makikipag-usap ako dapat magsipilyo. Alangang kausap ko siya nakatakip ang ilong niya dahil sa hindi ko pagsisipilyo. Antipatiko talaga. Asar.