CHAPTER 7

1575 Words
Chapter 7 Cojuangco Inip na inip na si Jhana, paano ba naman kase napaka tagal mamatay ng balita tungkol sakanya at kay Gabriel. Napag-usapan na nilang sa darating na interview ng binata ay lilinisin nito ang kanyang pangalan. Flashback “Nag-mamadali ka pwede naman tayong mag-usap sa bahay.” Sabi ni Jhana sabay pasok sa dilaw na kotse ni Gab. “Im not comfortable.” Sagot naman ng binata, Tama nga naman paano magiging kumportable ang binata kung panay ang pangungulit ng kaibigan niyang si Sharon. “So what now?” Inip na tanong ni Jhana. “Magpopost ako sa f*******: and tweeter account ko about sa balita, then ayun ako ng bahala. Just relax. Ang gagawin mo lang tumahimik at wag sagutin ang issue.” Pinindot pa ng binata ang stereo ng kotse upang magpatugtog. “Make sure lang na this time wala nang issue tungkol satin ah.” Mataray na sabi ni Jhana. “Yeah.” At kumanta-kanta pa si Gab na akala mo walang pinoproblema, napailing na lang si Jhana at iniwan na ito sa loob ng sasakyan. End Of Flashback Nonsense talaga kausap ang mga lalaking puro bola ang laman ng utak. Tinatahak ni Jhana ang daan pauwi, mabagal na naglalakad siya. Napahinto siya nang biglang may puting van ang humito sakanyang harapan. “Eeh!?” Maglalakad nasana siya palayo nang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang ilang lalaki na nakabarong. Agad niyang nakilala ang isa. “Kuya Mike anung ginagawa niyo dito?” Tanong niya sa bodyguard ng kanyang ama. “Pinapasundo ka ni Mayor.” At inalalayan na siya patungo sa loob ng van. “Teka. Bakit daw? Anong kailangan ni Dad?” Naguguluhang tanong niya. “Hindi ko po alam Miss.” Sagot naman nito. Tahimik na nasa loob lang din ng sasakyan ang iba pang lalaki. Mga pawang walang pakialam. Kaya naman minabuti niyang tumahimik na lang din at pagmasdan ang daan. Napakaraming puno na ang kanilang nadaraanan, naging napakabilis ng byahe dahil sa NLEX. Binuksan niya pa nga ang bintana ng sasakyan upang pumasok ang sariwang hangin. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang hindi kahabaan niyang buhok. Sana--sana wala na lang din akong problema... Natanaw niya na ang isang napakalaking bahay na kulay puti, mayroon itong malawak na hardin. Pinanganak na mayaman ang kanyang ama, dating senador ang kanyang lolo. Kilala ang angkan nito sa buong Tarlac maging sa buong Pilipinas. Pero siya? Maituturing na sampid sa pamilya. Isang anak sa Labas. “Nandito na po tayo Miss.” Pinagbuksan siya ni Mike ng pinto. Ngiti lang ang ibinigay niya sa bodyguard ng ama bilang pasasalamat. Magdadalawang taon na nang una at huli siyang makadalaw sa bahay na ito, hindi maganda ang mga ala-ala niya rito. Halos kaladkarin siya ng sabunot ng kapatid niyang si Jamilla ng malaman nito ang tungkol sakanya. Matagal siyang itinago ng kanyang ama. “Ay. Miss Jhana, umalis po saglit ang Daddy nyo, Antay na lang po kayo sa sala.” Sinalubong siya ng kasambahay na si Manang Fe. “Salamat po Manang.” Inakay siya ng matanda patungo sa magarbong sala. Karangyaan ang bumungad sakanya. Pero wala siyang pakialam, sanay siya sa simpleng buhay kasama noon ng kanyang Ina. Natawag ng kanyang pansin ang isang malaking Family Picture kung saan naroon ang asawa ng kanyang ama at ang dalawang anak nito. Si Janus at Jamilla. Mukhang masayang pamilya. Na siya daw ang sumira. “Ooh my g! Manang Fe??” Malakas na sigaw ni Jamilla ang pumutol sakanyang pagdadrama. Nilingon niya ang kapatid na nakahalukipkip sa tapat niya. “Yes Ma’am?” Sagot ng matanda. “Sinong nagpapasok sakanya?” Itinuro siya ni Jam gamit ang nguso nito. “Ah Ma’am, yung Daddy niyo po.” Sagot naman ng katulong. Ikinataas ito ng kilay ni Jamilla. “Okay, you my leave now Manang.” At umismid pa ang dalaga. “Si Daddy ang nagpapunta sakin dito Jam.” Panimula niya. “I don’t care, hindi ka pa ba masaya? Sinira mo na ang pamilya naminnoon, tapos ngayon sinisira mo nanaman sa pamamagitan ng pagpapapansin sa net.” Mataray na sabi ni Jam. “Wala akong pamilyang sinisira Jam, unang-una hindi ko mapipili kung sino ang pwede kong maging ama. Pangalawa hindi ko ginustong maging anak sa labas.” Pinilit niyang maging matapang. Nagtagis ang bagang ni Jamilla dahil sa sagot niya. “Mom! Mommy!” Malakas na sigaw ni Jamilla. Agad namang pumasok ang ina nitong may hawak pang garden tools. “Baby, what’s wrong?” Tila hindi pa siya napansin nito. “Look, that b***h is here.” Itinuro siyang muli ni Jam. Naningkit ang mga mata ni Precilla Cojuangco pagkakita sakanya. “What are you doing here? Ang kapal talaga ng mukha mo. Kayo ng nanay mo. Hindi ka welcome dito.” Ibinato pa nito sa gawi niya ang garden tool na hawak. Nangingilid na ang kanyang mga luha pero hindi niya iyon ininda. Sa halip ay tinalikuran niya ang mag-ina upang maupo sa sofa. “Anong ginagawa mo? Bakit ka uupo diyan? Masaya ka na ba? Kayo? Sinaktan niyo kami ng husto ng malaman ko kung ano ka sa buhay ng asawa ko.” Naghisterya nanaman si Precilla. “Mom, calm down.” Agad na dinaluhan ito ng anak. “Kapag may nangyari kay Mommy i swear Jhana kakalbuhin kita.” Sigaw pa nito. Nagbingi-bingiahan lang siya. Tahimik na yumuko siya at hindi pinansin ang pagdaldal ng mag-ina kahit kanina niya pa gustong sigawan ang mga ito. Hindi sila ang pinunta mo dito Jhana, ang Daddy mo. “Malandi, manang-mana ka sa nanay mo.” Nagulat nalang si Jhana ng biglang may malamig na likidong bumuhos sakanya. Sa gulat niya ay natabig niya ang kamay ng madrasta. Nabasag ang baso ng mabitiwan nito. Napasinghap sa gilid ang katulong na may hawak na tray ng pagkain. Na sigurado siyang para saknya. “You! you! Ang kapal ng mukha mo para buhusan ako.” Hindi na siya nakapagtimpi. “Aba! Bastos kang bata.” Sasampalin sana siya nito pero sinalag niya ang kamay nito at marahas na tinulak, Agad naman itong inalalayan ni Jamilla na ngayon lang nakahuma dahil sa pagsagot niya. “Huwag mong sasaktan ang Mommy ko.” Hinila nito agad ang kanyang buhok. Lumaban siya. Kinalmot niya ang braso nito. Pinagtulungan siya ng mag-ina pero hindi siya papatalo. Hindi hamak na mas sanay siya sa catfight dahil sa isang pampublikong paaralan siya nag-aral noon, marami ang nang aaway sakanya at nambubully kapag nalalamang anak siya sa labas kaya naman naging palaban siya. “Itigil niyo yan!” Malakas na sigaw ng kanyang ama ang nagpatigil sa pang-aapi ng mag-ina sakanya. “Dad!” Agad na tumakbo si Jamilla sa ama at yumakap. Suminghot lang si Jhana at pinunasan ang basang mukha dahil sa juice na ibinuhos saknya. “Anong nangyayari dito? Anong ibig sabihin nito?” Tanong ni Mayor Cojuangco. “Daddy, si Jhana inaaway si Mommy.” Sumbong ng anak nitong si Jamilla. “Jhana, in my office. Now!” Malakas na sigaw ng kanyang ama at nagpauna na itong lumakad. Nakita niya pang ngumisi ang mag-ina bago siya sumunod sa kanyang ama. “Anong nangyari?” Bungad na tanong ng kanyang ama matapos niyang buksan ang silid nito. “Sila ang nauna, pinagtanggol ko lang ang sarili ko.” Pabalang na sagot niya. “At bakit ganyan ka magsalita sa harap ko? Wala ka talagang galang na bata. Puro kahihiyan angbinibigay niyo saking mag-ina.” Matabang na sabi nito. Dahil sa narinig tuluyan ng napaiyak si Jhana. “Bakit Dad? Kailan ba ko hindi naging kahihiyan sa inyo? Lagi naman diba?” Madamdaming sabi niya. “Kung hindi ka gumagawa ng iskandalo sa publiko wala tayo dito ngayon.” Sabi naman ng kanyang ama. “Yun na nga eh. Kung hindi pa naglabasan ang issue tungkol sakin hindi niyo pa ko maaalala.” Umiyak siya sa harap ng kanyang ama. “So ginagawa mo yun para magpapansin?” Biglang tanong nito. “Of course not.” Balik niya rito. “Jhana, stop this drama, itigil mo ang kung ano mang relasyon niyo ng basketbolistang yun.” Sabi ng kanyang ama. “Dahil lang sa sinabi niyo susundin ko na agad Dad? Dahil hindi niyo gusto dapat masunod kayo? Paano naman ako? Paano ang gusto ko?” Saglit na napatigil ang matanda. “Tama na. Basta kung anong sinabi ko iyon na iyon. Sumunod ka sakin dahil ako ang Papa mo.” Matigas at pinal na sabi nito. “Papa!? Papa!? Kailan pa? Hindi ko nga naramdamang naging ama kayo sakin. Buong buhay ko wala kayo.” Napahikbi na siya. “Pero pina padalan kita ng pera. Hindi ako nagkulang.” Batid niyang totoo iyon, pero halos maubos naman dahil ibinibigay ng kanyang ina sa mga nagiging lalaki nito. “Hindi ko kailangan ng pera Dad, ang kailangan ko ikaw. Sana kahit minsan ipagtanggol mo naman ako, pakinggan mo naman ako. Huwag mo naman iparamdam sakin na baliwala ako. Sana mahalin mo rin ako gaya ng iba mo pang anak.” Walang tigil ang pag-agos ng luha ni Jhana. “Mahal kita anak.” Tila natauhan ang kanyang ama at nagtangka itong lapitan siya. “Mahal mo ko Dad? Talaga? Hindi ko maramdaman. Kundi lang dahil sa apelyido niyo malamang wala tayong ugnayan. Ayaw ko na maging anak niyo, ayaw ko na maging Cojuangco.” Tinalikuran niya ang ama at tinungo ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD