Chapter 8
Free Ticket
Kahit mukhang basang sisiw ay umuwi pa rin si Jhana, Hindi na siya napigilan ng pagtawag ng kanyang Ama. Nilisan niya ang bahay nito at sumakay ng bus.
Panay parin ang tulo ng kanyang luha.
Hindi nila ko mahal, sila ni Mama. Bakit pa nila ko ginawang anak? Ayaw ko na. Napapagod na ko. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi ako pinapunta ni Daddy sa bahay na yun. Lahat ng masasakit na salita lagi kong natatanggap. Kailan niya ba ko Pinakinggan?
Nasa dulong bahagi siya ng bus at tahimik na umiiyak. Halos tatlong oras ang byahe simula tarlac hanggang cubao pero sa loob ng mga oras na iyon ay walang tigil lang angpag-iyak ni Jhana.
Magang-maga na ang kanyang mga mata. Naninikip narin ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob.
Nang makababa ng bus ay wala sa sariling naglakad siya, panay ang busina ng mga sasakyan dahil halos humarang na siya sa daan.
“Ahhh!!” Malakas na sigaw ni Jhana sa gitna ng daan.
Nasa tapat siya ng Araneta at parang tangang umiiyak.
“Siya ba yun?” Tanong ni Gabriel sa sarili.
Naglalakad-lakad sila ng kanyang team upang humanap ng makakainan at para maglibang na rin. Hindi naman kase ganoon kahigpit ang manager nila. Malaya parin silang nagpapagala-gala. Kung may magpapaautograph man o magpapicture ay masayang pinapaunlakan nila ito.
Nakita ni Gabriel si Jhana na umiiyak sa gitna ng daan habang hinahampas ng kamao nito ang sariling dibdib.
Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga.
Hindi na nga niya napansing lumalakad na pala siya papunta sa gawi nito.
“Gab? Saan ka pupunta?” Sigaw ng kaibigan niyang si Nathan.
Hindi niya pinansin ang tanong ng mga kaibigan.
Basta ang alam niya dapat niyang damayan ang dalaga sa problemang hindi rin naman niya alam kung ano.
“Gabi na anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa dalagang nakayuko at panay parin ang hampas sa sariling dibdib.
Hindi manlang siya nito tinignan. Narinig niya ang mga hikbi ni Jhana.
Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa, kinabig niya ito at niyakap.
“Nahihirapan na ko. Ang sakit sakit na.” Iyak pa nito saknya.
“Bakit nagbreak kayo ng boyfriend mo? Huwag mo nang isipin yun mas gwapo naman ako sakanya.” Panunukso niya pa upang gumaan ang pakiramdam nito. Wala siyang pakialam ngayon kahit naba hindi sila close ng dalaga ang mahalaga ay madamayan niya ito.
Hindi umimik si Jhana. Napansin ni Gab na dumarami na ang tao sa kalsada at nakatingin sakanila.
Nakatayo rin sa hindi kalayuan ang kanyang mga kaibigan na pawang nakanganga at gulat na gulat.
Basang-basa na ang damit ni Gab pero wala siyang pakialam. Marahang hinaplos niya lang ang likuran ng babaeng ngayon niya lang napagmasdang napakaliit pala. Hindi manlang biniyayan ng taas halos sa may dibdib lang niya ang height nito.
Maya-maya ay narinig niya ang pagsinghot nito.
“Yuck ah. Baka suminga kapa sa damit ko.” Natatawang sabi niya rito.
Agad namang kumalas si Jhana na ngayon ay gulat na gulat sa kanyang inasal sa harap ng binatang hindi naman gaano kakilala.
Namumula na ang ilong niya at buong mukha sa labis na pag-iyak maga rin ang mga mata na halos manliit na.
“Ay. Sorry.” Nahihiyang itinakip pa ni Jhana ang mga kamay sa mukha.
“Ngayon ka pa nahiya. Come on kain tayo.” Hindi na hinayaan ni Gab na pumalag ang dalaga. Hinila niya ang kamay nito at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan.
Ngingisi-ngisi si Gregory nang makitang magkahawak kamay sila.
“Sabi ko na eh.” Kumento pa nito.
“Shut up Greg.” Sita naman ni Nathan.
Tinanguan niya lang si Jhana na hindi parin makahuma at nagtataka kung bakit sila magkahawak kamay at magkasamang naglalakad.
Si Gabriel na ang nag-order ng makakain at maiinom ni Jhana.
Wala naman imik ang iba pang kaibigan ni Gab. Si Gregory lang talaga ang maingay.
“Siya nga pala, ano ngang name mo?” Nginitian ni Nathan si Jhana.
“Ah. Ano po si Jhana po.” Nakita niyang ilang na ilang ang dalaga. Dahil halos lahat ng kalalakihan sa table na iyon ay nakatingin dito.
“Guys. Paano siya kakain kung tinitignan niyo.” Kumento ni Gab.
Natawa naman ang mga lalaki.
“Ano. Salamat pala.” Sabi ni Jhana matapos kumain.
“Ayos lang. Mukha kang kawawa kanina eh.” Kumento ni Gab pero nakangiti.
“Sige ano-- uuwi na ko salamat uli at pasensya na sa abala.” Tumalikod na ang dalaga pero hindi hinayan ni Gab na makaalis agad ito.
“Antayin mo ko ah. Ang dumi pala ng damit mo ngayon ko lang napansin, kukunin ko lang yung extra kong shirt sa bag. Hindi kita maihahatid may meeting pa kami.” Naguguluhang tumango na lang si Jhana.
Hindi rin alam ni Gab kung bakit ganoon na lang ang concern niya para sa dalaga.
“Ang laki.” Kumento ni Jhana ng maisuot ang puting shirt nito.
“Ayos lang yan. Cute nga eh.” Parang tangang nakangiti si Gab ng mapagmasdan ang itsura ng babaeng maliit tapos nakasuot ang damit niyang nagmukhang bestida na nito.
“Hayaan mo ibabalik ko to.” Sabi ni Jhana. “Bye.” Kumaway pa ang dalagakay Gab.
“Siya nga pala. Ito ticket ooh. Manuod kayo ng kaibigan mo next week yung laban. Para malibang ka naman.” Nakita ni Gab na nag-aalangang kinuha ni Jhana ang ticket ng kanilang laro.
Hindi na niya nagawang ihatid manlang ito sa sakayan, dahil tinawagan na siya ni Nathan, mag-uumpisa na daw sila.
Wala naman masama kung maging mabait ako diba? besides ang dahilan ko lang naman naawa ko sakanya. Hindi naman siya special yun lang yun naawa ako.
“Ooh? Bakit ganyan ang itsura mo?” Takang tanong ni Sharon ng makapasok si Jhana sa loob ng kanilang dorm.
“Wala.” Sabi nalang niya at dumiretcho sa cabinet upang kumuha ng pamalit.
“Ano nga?” Pangungulit pa nito.
Hindi na niya sinagot ang kaibigan sa halip ay iniabot niya rito ang libreng ticket na ibinigay ni Gabriel.
“Ayan manuod ka ng laro next week.” Napanganga naman ito.
“Aba. Bumili ka? Manonood tayo?” Masayang sabi nito.
“Hindi ako manonood. Ikaw nalang tsaka ibinigay lang sakin yan ng kaibigan ko.” Tinungo niya na ang banyo.
Ayaw ko manood. Nahihiya ako. Hindi naman kami close umiyak pa ko sakanya.
“Jha, laban pala ng Tigers to. Naku dapat manood tayo ah.” Sigaw ni Sharon sa labas ng Banyo.
“Ayaw ko ikaw nalang.” Sagot niya rito.
“Tsk. Huwag ka nang mag-inarte sayang dalawa pa naman yung Ticket no.” Sigaw nanaman nito.
Hindi ako nag-iinarte Sharon. Kung alam mo lang. Nahihiya ako dahil sa pagdadrama ko sa harap ng buong team ng Tigers.
Dinig na ni Jhana ang paghilik ng kaibigan habang siya naman ay nagbabasa ng libro. Nag aadvance study. Nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone.
Binasa niya ang mensahe.
From: 0915********
Hope ur fine. See you next week. ;-)
Napakunot ang noo ni Jhana sa nabasa.
“Sino naman to?” Tanong niya sa sarili.
To: 0915*********
Hu r u?
Agad namang nagreply ang kung sino.
From: 0915********
Its me Gab. Remeber kinuha ko ang no. Mo kanina b4 ka umuwi.
Hindi na lang nireplyan ni Jhana ang basketbolista sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagbabasa.
Muling tumunog ang kanyang Cellphone makalipas ang halos sampung minuto.
From: 0915*********
Siguro tulog na. Nytie Manuod ka ah. ^_^
Napailing na lang siya.