Chapter 9
Focus Gabriel
“Gab, grabe ka naman magbango.” Sita ni Gregory kay Gab sa loob ng Locker room.
“Paki mo.” Maangas na sagot naman ni Gabriel.
“Tigilan mo nga si Gab, ano ka ba Greg? Lumalablyf yung tao.” Nakangising sabi naman ni Nathan.
“Hayaan nyo nga ko.” At humarap pa sa salamin si Gab inayos ang buhok na ikinatawa ng mga kasamahan. Paano ba naman kase semi-kalbo siya anong aayusin nya?
“So sakanya mo binigay yung ticket?” Pang-aasar ni Nathan.
“Wala naman akong pagbibigyan.” Dahilan naman ni Gab.
“Ang bilis mo naman makalimutan ang prinsesa ng mga Ayala.” Kumento ni Gregory.
Agad na nagbago ang mood ni Gab. Napansin naman ito ng mga kasamahan.
“Gago ka talaga Greg.” Narinig ni Gab na sabi ni Nathan bago siya lumabas.
Panay ang lingon ni Gab, sa hanay ng mga nanunuod. Sa harapang upuan ang ibinigay niyang Ticket kay Jhana.
Kanina pa nag-umpisa ang laro. Balisang-balisa na siya.
Bakit kaya wala pa yun?
Ibinangko muna siya ng coach dahil panay ang pagpalpak niya nung first quarter ngayon ay matatapos nalang ang second quarter wala pa ring Jhana ang nagpapakita. Hindi niya alam kung bakit hinahanap-hanap niya ang dalaga.
Lumawak ang ngiti ni Gabriel, at tatayo nasana ng upuan upang kawayan ang babae ng Makita niyang papaupo na ito sa bakanteng upuan. Pero nawala ang ngiti ni Gab dahil sa nakita.
“Jha.” Tinawag ni Sharon si Jhana.
“Bakit?” Nag-aayos na ang dalaga para pumasok ng trabaho ng bigla siyang lapitan ni Sharon.
“Gamitin mo nalang tong ticket hindi ako pwede ngayon.” Malungkot na iniabot muli ni Sharon ang ticket kay Jhana.
“Hah? Bakit naman?” Nagtatakang tanong niya. Alam niya kaseng mahilig sa basketball ang kaibigan.
“Naku. Jha tumawag si Nanay naaksidente daw si Bunso. Nasa hospital kailangan kong umuwi sa Cavite ngayon.” Sabi nito na ikinabigla niya.
“Hala. Tawagan mo ko agad kung anong nangyari kay Shawn ah.” Napuno rin siya ng pag-aalala para sa cute na kapatid ng kaibigan.
Niyakap pa siya ni Sharon bago nagmamadaling tinungo ang banyo upang makapaligo na.
“Pao, gusto mong manood ng basketball mamaya after ng shift natin?” Pasimple niyang inaya ang katrabaho nung wala na masyadong tao ang kumakain sa resto.
“Bakit Libre mo?” Nakangiting tanong nito.
“Kuripot mo talaga.” Natatawang kumento ni Jhana.
“Hehehe. Alam mo namang nagtitipid ako kase manganganak na yung girlfriend ko diba.” Paliwanag naman nito.
Walong buwan ng buntis ang kasintahan ng kanyang kaibigan kaya todo kayod ito.
“Sabi ko nga, sagot ko naman eh.”
Nagmamadali na si Jhana dahil alam niyang huli na sila sa panunuod ng laro. Inantay niya pa kaseng matapos ang shift ni Paolo bago sila nakanuod. Kaya naman dismayadong-dismayado siya nang makitang patapos na ang second quarter.
“Pao, bilisan mo dito tayo.” Hinila niya na sa damit ang katrabaho.
“Sorry naman.” At naupo na sila.
Hinanap ng mga mata ni Jhana si Gab. Nakita niyang kausap ito ng coach ng Tigers.
Pumasok ito at nagsimulang maglaro. Pero ibang-iba ang laro na ipinapakita nito kumpara sa mga nakaraang nanuod sila ng kaibigang si Sharon.
Anong Problema nun?
Ilang beses nafoul at naagawan ng bola si Gab. Nakasimangot na nga ang ilang kateam nito.
Panay na rin ang sigaw at bulyaw ng coach. Pero wala. Hindi makapaglaro ng maayos si Gabriel.
“Gab, Focus!!” Malakas na sigaw ni Jhana nung hawak na muli nito ang bola.
Napalingon ito sa gawi niya na animoy narinig ang kanyang sigaw.
Nginitian niya ito ngunit sumimangot ang lalaki. Napakunot noo talaga si Jhana sa inasal ni Gabriel.
Last week ang bait ngayon naman nag-iinarte? Sungit ah.
Panay lang ang dribol ng bola pero hanggang sa matapos ang laro, walang ipinakitang magandang laro si Gab. Kaya naman panay ang kumento ni Paolo kanina pa ibinubulong nito sa tainga niya ang mga reaksyons. Kesyo dapat ginalingan na ni Buenafe dahil huling game nila ngayon bago dumiretco ng China upang doon makapag ensayo.
Ang resulta ng pagkawala ng atensyon ni Gabriel sa laro ay ang pagkatalo nila.
Bakas sa mukha ng buong Tigers ang pang hihinayang.
Umupo lang si Gab at uminom ng tubig.
Kaya naman wala nang nagawa si Jhana nang hindi na ito lumingon sa gawi niya. Umuwi nalang sila ni Paolo.
Minsan na nga lang ako manood dismayado pa ko, sayang naman kase yung ticket. Ano kayang problema nang kalbong kapre na yun?!
Matapos ang mahabang sermon ng kanilang coach ay nakauwi na rin sa tinutuluyang condominium si Gab. Sobrang pangit daw ang pinakita niyang laro ngayon. Halos lahat ng mga kasamahan niya ay nasita na siya maging ang matalik na kaibigang si Nathan.
Hindi na lang siya umimik.
Nang mahiga sa kama at pumikit bigla nalang tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesita.
Tinatamad na kinuha niya ito.
From: Cute
May sakit ka ba? Bakit ganoon ang laro mo kanina?
Napanguso na lang siya nang mabasa ang mensahe. Oo cute ang nilagay niyang pangalan ni Jhana, dahil nakukyutan siya sa dalagang 19 years old.
Magtitipa na sana siya ng sagot dito ngunit mabilis niyang ibinalik sa lamesita ang cellphone at ipinikit na lang ang mata.
Bahala siya, nagtatampo ako. Sh*t! Bakit ako ganito? Para kong teenager na nagjejelly. Hindi naman dapat. Wala naman akong pakialam kung nagkabalikan na sila ng Ex niyang iniyakan niya sa Kalsada. Bahala siya.
Pero nakakainis lang, binigyan ko siya ng ticket hindi para isama yung pangit na yun.
“Kung ayaw magreply di wag. Kainis.” Halos isang oras nang nag-aantay ng reply si Jhana ngunit wala pa rin. Mag-isa lang siya ngayon sa dorm dahil wala si Sharon. Tumawag ito kanina at sinabing baka two days na mawawala ito at hindi na muna papasok.
Ano naman kung wala siyang reply? Bakit ako maiinis? Pero. dati naman nagtetext siya ng goodmorning kahit hindi ako nakakapagreply ah. Ganito din kaya nararamdaman niya kapag hindi ko sinasagot ang mga text niya? Bahala na nga. Matutulog na ko.
Naghahanda nasana sa pagtulog si Jhana ng nagring ang kanyang Cellphone.
“Hello.” Sinagot niya ito na hindi manlang tinitignan ang caller.
“You know what? Nagtatampo ko.” Sabi sa kabilang linya.
“Hah? Baliw ka ba? Sino ka?” takang tanong ni Jhana.
“It’s me Gabby.” Ay siya pala.
“Bakit anong ginawa ko? Nanood naman ako ah? Nalate ako pero atleast nakarating ako.” Ano ba to? Close na ba kami?
“Nevermind. Bye.” At tinapos na nito ang tawag.
Aba. Baliw nga yun. Nagtatampo sakin? Bakit? Nalate lang naman ako. Bahala siya. Kung sa bagay, nakakatampo nga namang binigyan pa ko ng ticket tapos parang hindi manlang ako nag effort na manood ng maaga.
To: Gabriel B.
Sorry.. Hindi bali babawi ako? Anong gusto mong gawin ko? =)
Kagat labing inantay ni Jhana ang reply nito. Hindi na niya inintindi ang mga tanong na pumapasok sa kanyang isipan. Ano ngayon kung naging magkaibigan kami bigla-bigla? Okay lang yun..
Ngunit hindi na talaga nagreply si Gab kaya naman may magandang planong naisip si Jhana.
Tama yun ang gagawin ko makabawi manlang sa libreng ticket na ibinigay niya.