Chapter 10
Thank you so much
Nung isang linggo pa hindi nagrereply si Gab sa mga mensahe ni Jhana, inis na inis na nga ang dalaga. Lagi siyang nakaabang sa cellphone nagbabakasakaling may reply ang binata.
Nais nasana niyang ibigay ang regalo dito bilang pagpapasalamat sa pang-aalo sakanya noon at sa libreng ticket, Nais niya na ring isauli ang puting t-shirt nito na tinatanong ni Sharon kung sinong lalaki ang may-ari. Sa tagal kase nilang magkasama ng kaibigan kabisado na nito ang kanyang mga damit. Tinutukso pa nga siya na baka nagpatulog na sa dorm nila habang wala ito. Umiling na lang siya sa mga pahayag ni Sharon.
“Bwisit yun ah. Ilang araw na kong hindi nirereplyan. Nakakahiya na ko. Mukhang nag feeling close ata ako sakanya.” Pagmamaktol ni Jhana.
Nasa Eastwood kasi siya ngayon at nag-babaka sakaling Makita si Gab. Nagfollow kase siya sa tweeter account nito gamit ang ibang pangalan. Ayon sa latest tweet nito nasa eastwood ito ngayon kaya matapos ang trabaho ay nagmamadali siyang pumunta dito. Nagtaxi na nga siya kahit ang totoo nuknukan siya ng kuripot.
Nakaupo siya sa isa sa mga bench doon na katapat ng fountain ng makarinig siya ng pagtatalo.
“Ayaw ko nang habulin ka. Napapagod na ko.” Madramang sabi ng isang babae.
“Matapos mong magpapansin ng husto sakin bigla kang iiwas? Ngayong napansin na kita ako naman ang kailangang magpapansin sayo Anjie?” Sagot nang lalaking pamilyar ang boses.
Kaya naman dahil sa pagiging curious ay nilingon ni Jhana ang likuran kung saan nang gagaling ang dalawang boses.
“Janus. Pagod na ko. Ayaw ko na! Pinapansin mo lang naman ako ngayon dahil kailangan mo ko.” At tumalikod na ang babae. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Napasinghap rin siya nang mapagsino ang lalaki.
Hala ka si Kuya.
Nakabarong pa ang kanyang kapatid habang nakatayo sa hindi kalayuan ang mga bodyguard nito, Ang babae naman ay ubod ng iksi ang suot naka itim na skirt at hapit na hapit sa katawan nito ang isang pulang sleeveless tees.
“Anjie.” Habol pa ni Janus pero nakalayo na ang babae at sumenyas na ang isang bodyguard nito na kailangan na nilang bumalik.
Anong ginagawa ng isang Janus Cojuangco sa Eastwood at nagdadrama sa daan kasama ang isang babaeng mukhang liberated?
Hindi sinasadyang napalingon sa gawi niya ang kapatid. Nakita niya kung paano nagbago ang mukha nito, kung kanina ay malungkot ngayon naman ay mukhang nahiya ito.
Kaya naman nilapitan na lang niya ang kanyang Kuya.
“Kuya.” Masayang niyakap niya si Janus.
Mahigpit na ginantihan rin siya nito nang yakap.
“Ooh? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Janus.
“Hindi kaya ako dapat ang magtanong sayo niyan?” Mapanuksong ngiti ang binigay niya sa kapatid.
“Im just--” Hindi malaman ni Janus ang sasabihin.
“Asus. Siya na ba Kuya?” Tukso niyang muli rito.
“Jhana.” Magbabantang sambit nito sa pangalan niya.
“Hmp.” at kumalas siya sa kapatid.
“Ano yang dala-dala mo? Nag shopping ka?” Tanong ni Janus.
Agad namang itinago ni Jhana ang paper bag sa kanyang likuran.
“Ah--Oo.” Alanganing sagot niya.
“Nice Shoes.” Puna nang kapatid niya sa bagong sapatos na suot niya.
“Salamat.” Ginulo ni Janus ang buhok niya.
Sa pamilya nang kanyang ama ang Kuya Janus niya lang ang tumanggap sakanya, matanda ito nang halos anim na taon saknya.
“Paano mauuna na kami? Umalis lang ako sa meeting namin eh. Mag-iingat ka ha? Tatawagan mo ko kapag may problema.” Muli siyang niyakap nang kapatid.
Maya-maya ay nakapaligid na rito ang mga bodyguard at naglalakad palayo.
Hays.. sa laki ng Eastwood saan ko makikita yung Gabriel na un? Tsaka ano bang naisip ko bakit naman bibigyan ko siya nang sapatos?
Noong araw na hindi siya itinetext ni Gabriel ay nagpunta siya nang mall at naghahanap nang maaring mabili. Nagkataon na nakita niya ang sapatos na panglalaki at babae. Nakita niyang maganda kaya naman pikit mata niyang binili. Paano ba naman kase katumbas na nang halos dalawang buwan niyang sahod ang presyo. At eto nga suot niya ang isa.
Naku.. Baka ano isipin niya ah. Binili ko lang to kase nga wala na rin akong matinong rubber shoes.
Matapos mawala sa paningin niya ang kapatid at ang mga alipores nito ay nagpasya siyang pumasok sa loob nang mall. Paano ba naman sa kinatatayuan niyang Fountain ay panay mga lovers ang kanyang nakikita.
Nagkaroon na rin naman siya nang crush noon, Hanggang doon nga lang. Dahil kapag nalalaman kung sino ang kanyang Ama ay mabilis na umaayaw ang mga manliligaw. Hindi niya alam kung bakit.
Siguro dahil anak ako sa labas?
Nang dahil sa paglalakad ay nakaramdam ng gutom si Jhana. Minabuti niyang pumasok sa loob ng Mcdonalds upang kumain.
Pinili niyang maupo sa may labasan kung saan makikita mo sa salamin ang mga taong dumadaan.
Nakakailang subo palang siya ng manok at kanin nang mapadaan sa gawi niya si Gab kasama ang lalaking kilalang-kilala niya. May poster kase ito sa bahay nila. Ultimate Crush ni Sharon. Si Nathaniel Rubio.
Mabilis na nilunok niya ang kanin at ulam sa bibig. Hinigop rin niya nang mabilisan ang softdrinks. Halos hindi niya pa nalulunok ang pagkain nagmamadali na niyang tinakbo ang dalawang lalaki dahil pababa na ito ng skelator.
“Gab! Gab!” Tawag niya rito. Lumabas pa nga ang kanin sa bibig niya.
Pinagtinginan tuloy siya nang mga tao.
Nakangisi pa ang ilan at inakalang fan siya na nais magpapirma sa basketbolista.
Nilingon siya ng dalawang lalaki.
Takang napatingin pa si Nathan at kinikilala siya.
“Ay. Siya pala Gab.” Sabi nito sa tulalang si Gabriel.
Nakarating siya sa harap ng dalawang lalaking nakababa na ng skelator.
“Teka- Napagod ako. Wait.” Huminga muna siya ng malalim at inayos ang nagulong buhok.
“Maiwan ko muna kayo. Ihahanap ko nang pwedeng mabili si Shantal.” Pahayag nang kaibigan ni Gab.
Kaya naman naiwan silang dalawa. Nagtaas pa nang kilay ang binata.
“Ang sungit mo ah.” Puna ni Jhana.
“What?” Tanong ni Gab.
“Ano. May ibibigay ako sayo.” Diretchahang sabi ni Jhana.
Hindi niya na hinayaang kainin siya nang hiya. Kaya naman lakas loob na niyang hinila sa kamay ang binata na nagpatianod lang sakanya.
Wala silang imikan habang hila-hila niya ang kamay nito. Panay na ang tingin nang mga tao. May ilang kumuha pa nga ng larawan gamit ang kanya-kanyang cellphone.
Narating nila ang labas ng mall. At minabuti ni Jhana na sa pinaka tagong bahagi sila pwumesto.
“So what now?” tila naiinis na tanong pa ni Gab.
“Ang arte mo. Oh.” Iniabot ni Jhana ang paper bag na naglalaman ng sapatos na kapareho ng suot niya.
Nang tanggapin ito nang lalaki ay naguguluhan pa siya kaya naman nagsalitang muli si Jhana.
“Buksan mo na. Para sayo yan.” Kahit nahihiya ay pilit paring nagsalita ang dalaga.
“Really? It’s not my birthday today.” Manghang sabi ni Gab.
Yumuko si Jhana at tahimik na tinitignan ang lalaking ngayon ay binubuksan ang kahon.
“Wow.. Thank you so much.” Inilabas pa nito ang isang pares ng pinaghalong kulay asul at berdeng sapatos.
“Your welcome,para yan sa libreng ticket at sa panlilibre mo sakin nung last time.” Labis ang pamumula ng mukha ni Jhana ng biglang tumingin sa gawing paanan niya ang binata.
“Sh*t! Couple shoes?” Nabiglang bulalas nito.
“Hah? Hindi ah. Pareho lang yan. Tsaka ano binili ko lang to kase wala na kong matinong sapatos.” Depensa pa nang dalaga.
“Wait a minute. Paano mo nalaman ang size ng paa ko at kung nasaan ako? Are you stalking me?” Mapang-asar na ngiti ang ibinigay ni Gab kay Jhana na ngayon ay nalulunod na sa kahihiyan.
“Hindi sabi. Huwag na nga. Akin na lang yan. Bwisit to.” At pilit niyang inaagaw ang sapatos.
“No. No akin na to ibinigay mo na.” Iniiwas ni Gab ang sapatos at agad naupo sa may upuang katabi lang nila. Hinubad nito ang suot na sapatos at dali-daling isinuot ang ibinigay niya.
“I Like it. Thanks Jhana.” Nakangiti nitong sabi sakanya at tumayo pa.
Nahihiyang ngumiti lang siya.
Nagulat pa nga si Jhana nang tumabi ito sa kanya at pinagtapat ang kanilang mga paa, inilabas nang lalaki ang kanyang cellphone at kinunan ng litrato ang sapatos nilang magkapareho.
“Hoy. Ano ba yan.” Nahihiyang sita niya rito.
“I will post it on my InstaG.” At kinalikot na nito ang aparato.